LIKE 👍
Lumapit ako rito at humawak sa kamay nito. “Mommy Nissa, sige lang po, ilabas mo lang po ang nilalaman ng puso mo. Lahat naman po ng tao ay nagiging emosyonal pagdating sa ating mga mahal sa buhay. Hindi niyo po ako anak at hindi kaano-ano, pero tandaan mo po, nandito po ako para sayo, pwede niyo po akong ituring na anak, kung okay lang po sa inyo na ganito ang itsura ko.” Nahihiyang turan ko. Maganda kasi ang lahi nito, baka mamaya ay sabihin nito na assuming ako. “Iha, hindi naging panget ni minsan ang tingin ko sayo kailanman. Busilak ang puso mo at iyon ang dahilan kaya maganda ka para sa akin.” Naku si Mommy Nissa naging bolera na pagkatapos maging emosyonal. “Pasensya na nga po pala sa kalat dito sa sala, Mommy Nissa. Sumikip tuloy dito.” Sabi ko. Binuhat ko ang kahon at binalak na ilipat ito sa gilid pero pagbuhat ko ay nadulas ako kaya natapon ang mga laman nito. Luma na kasi ang karton na pinaglalagyan ng gamit ni lola kaya nabutas ito at kumalat sa sahig. Nahiya ako k
(Kiray pov) Lumipas pa ang tatlong araw ay hindi pa rin nagigising si Mommy Nissa. Bukod sa akin ay walang nag aasikaso at nag aalaga dito sa ospital. Gusto ko sanang ipaalam sa natitira nitong pamilya ang kalagayan nito pero ayon kay Laxus ay nawawala ang kapatid ng asawa nito kasama ang asawa at mga anak. Saka hindi daw pwede na ilabas ang tungkol sa kalagayan nito dahil baka malagay sa alanganin ang posisyon nito sa sariling mga kumpanya. Ang kumplikado pala ng buhay ng ibang mayayaman. Kapag nagkasakit ay matutuwa pa ang iba dahil magkakaro’n na sila ng chance na agawin ang posisyon mo. Akala ko sa movie lang nangyayari ang mga gano’n. “Kiray, ang tagal mo naman! Kanina pa naghihintay sila Jigs sa labas!” Tawag sa akin ni Mariz na nakabihis na. Ngayong aras kasi ay aalis kami papunta sa Pastry Shop ko para ipa-blessing ito. Gusto ko kasi na maalis ang negative energy na nakapaligid dito bago ang opening. Naniniwala kasi ako na malas ang hatid ng mga bad energy. “Madam, dali
Akala ko ay ihahatid kami nila Laxus sa bahay, pero hindi pala. Dinala niya kami ni Mumu sa isang bahay-bakasyunan dito sa Batangas. Medyo liblib ito at napapaligiran ng mga bodyguards. Pagkatapos nitong magpaalam ay naghanda na itong umalis kasama sila Jigs. Kumapit ako sa damit nito. Nang makita nito ang takot at pag aalala sa mukha ko ay lumambot ang ekspresyon nito. “P-Pwede bang wag ka nalang umalis? May mga tao ka naman na mauutusan di’ba? Sila nalang ang utusan mo na puntahan ang kapatid mo. A-ayokong umalis ka, Laxus. Natatakot ako.” Ang daming “paano” sa isipan ko. Naniniwala ako kay Laxus pero hindi ko maiwasan na mag alala. Alam ko na matapang at handa siyang ibuwis ang buhay para sa aming mag ina. At iyon ang kinababahala ko. Ayokong ilagay nito ang isang paa sa hukay. Paano kung mapahamak ito at malagay sa panganib ang buhay? Paano kung hindi na ito makabalik ng ligtas sa aming mag ina? “Hindi ito matatapos dito kung hahayaan kong buhay ang gag0ng ‘yon. Ha
(Kiray pov) Hindi ako mapakali habang buhat ko si Mumu. Kahapon pa nakaalis si Laxus at hanggang ngayon ay wala pa ring balita rito. "Madam, maupo ka. Wag kang mag alala dahil sigurado ako na ligtas sila." Sabi sa akin ni Manang. Kahapon pa ako nito pinapakalma simula no’ng umalis sila Laxus. Pero imbes na mabawasan ang pag aalala ko ay lalo lamang akong kinakabahan. Ewan ko ba. Pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari. Tumingin ako kay Mumu na ngayon ay natutulog na buhat ko. Wala itong kamalay-malay na nasa panganib na ang ama nito para sa amin. "A-Ay diyos ko!" "M-Manang!" Napahiyaw kami sa gulat ng makarinig ng malakas na pagsabog. Agad kaming lumabas ni Manang para tingnan ang nangyari sa labas. Nanlaki ang mata namin pareho ng makita na marami ang mga tauhan ni Laxus ang nakahandusay na at duguan, nagkalat ang kanilang mga katawan na parang wala ng mga buhay. D-Diyos ko po... ano ang nangyari?! Nagulat ako ng hilahin ako ni Manang sa braso. "Madam, kaila
Napahiyaw ako sa gulat ng maramdaman kong may tumama sa binti ko. Natumba ako at sumubsob sa buhangin ng kumalat ang kirot ng tama ng baril sa aking binti. May tama ako ng baril sa binti! Mabuti nalang at natukod ko ang isa kong kamay kaya hindi ko nadaganan si Mumu ng matumba ako. Nilukob ng takot ang katawan ko ng makarinig ng yabag sa likuran ko. Niyakap ko ang anak ko at humarap para makita ito. “I-ikaw…” ito ang ina ni Zack na si Mary. Nakilala ko ito noong kasal namin noon ni Laxus. “Ako nga my dear.” May malademonyong ngiti na wika nito habang hawak ang isang baril. Sumenyas ito sa kasamang mga lalaki. “Dalhin ang babaeng iyan. Iwanan niyo ang bata… sigurado naman ako na tatangayin ng malakas na alon iyan at mamamatay.” Nanlaki ang mata ko ng sapilitang kunin ng mga lalaki sa bisig ko si Mumu. Hindi! “Bitiwan niyo ako! W-wag, nakikiusap ako sa inyo wag niyong sasaktan anak ko!” Niyakap ko si Mumu ng mahigpit ngunit sinabunutan ako ng lalaki sa ulo habang ang kasam
Nagkalat ang dugo sa ibabaw ng kama galing sa sugat ko sa binti at sa ulo ko. Bawat palahaw ko ng iyak ay lalo akong nanghihina. Hindi pa patay si Laxus—ito ang tinatatak ko sa isip ko. Hindi pa sila patay ng anak ko. Hindi nagtagal ay pumasok sila Zack kasama ang dalawang tao na kilalang-kilala ko. Sila si Tita Alexa at Cesar. Ang kamag anak nila Mommy Nissa. Nang makita ako ng mag asawa ay nabalot ng poot ang kanilang mga mata. Hindi ko alam ang nagawa ko sa kanila para tingnan nila ako na parang napakalaki ng kasalanan na nagawa ko sa kanila. “Salamat sa pagligtas mo sa amin ni Cesar, Zack. Tatanawin naming malaking utang na loob ang ginawa mo.” Panimula ni Alexa. Bumaling itong muli sa akin. “Mabuti naman at dinala mo rito ang babaeng ito. Ang akala ko talaga ay gusto lang akong gatasan nila Rita at Norman noon ng sabihin nila sa akin na buhay pa ang batang ito.” Rita at Norman? Sa pagkakatanda ko iyon ang pangalan ng magulang ko. Madalas ko kasi iyong marinig kay Brando
Humalakhak ang asawa nitong si Cesar. “Kami nga. Nakipagsabwatan kami kay Zack at ginamit namin sila Maureen at Joffrey para gumawa ng lahat. Alam namin na si Karina talaga ang kasama ni Nissa at hindi ikaw. Pinapatay ka na kasi namin. Naisip namin na hahati pa sa yaman ng Solante ang batang iyon kaya nagplano kami. Binalak din namin na ipapatay si Nissa pero naunahan niya kaming kumilos…” tumalim ang mga mata nito. “Kinuha niya sa amin ang mga anak ko! Kaya ngayon ay gaganti kami sa ginawa niya sa pamilya namin!” Natigilan sila ng tumawa ako sa kabila ng pag iyak ko. “Kayo ang unang gumawa ng masama sa kapwa niyo, ngayong nakatanggap kayo ng karma ay hindi niyo matanggap?” “Tumahimik ka! Anong karma?” Galit na bulyaw sa akin ni Tita Alexa. “Ang mommy mo ang kumuha sa mga anak ko! Siya ang dahilan kaya… kaya nawawala ang mga anak ko!” Humagulhol ito ng iyak habang nanlilisik ang matang nakatingin sa akin. “P-Pinadala niya sa ibang bansa para gawing prostitute ang mga anak ko… ahh
(Laxus pov) Hinawakan ko ang kamay ni Kiray. Marahan ko itong pinisil habang nakatingin rito. Tumiim-bagang ako ng mapatingin sa ulo nito na halos mabalot ng benda. Dalawang araw na ang nakakalipas ngunit wala pa rin itong malay. Ayon sa Doctor ay baka abutin pa ng tatlong araw bago ito magising dahil sa pinsalang natamo at gamot na tinurok dito. Kung hindi daw ito agad nadala sa hospital ay baka naubusan na ito ng dugo at hindi maaagapan ang pagputok ng ugat sa ulo nito. "Boss, kanina pa umiiyak si Mumu. Mukhang hinahanap kayo." Lumapit si Jigs sa akin at inabot ang anak namin na umiiyak. Binitiwan ko muna ang kamay ni Kiray bago kinandong si Mumu. Napangiti ako ng bigla itong ngumiti ng makita ang mommy nito. "M-Myyy! M-Myyy!" Tila may nagbara sa lalamunan ko ng marinig ang tawag nito sa ina nito. Tumingala ako at nagsimulang manlabo ang mata ko. 'This is all my fault. Kung dumating ako ng maaga ay hindi mahihiga dito si Kiray.' Hindi ko mabilang kung ilang beses kong sinisi a
“WHAT THE HELL?!!!” Napaubos si Saddie ng salubungin sila ng makapal na usok habang pababa ng hagdan. Galit na galit tuloy ang asawa niya. Umalis si Morgan sandali, pagbalik nito ay may dala na itong panyo na basa na nakatapal sa ilong niya. “Here put this. Lumabas ka muna, ako na ang bahala sa mga bata.” Pigil ang galit na sabi nito. Hinawakan niya ito sa kamay. “Ako na… baka matakot lang sila.” Sumimangot ito sa sinabi niya. “Tsk. Kaya ang tigas ng ulo nila kasi kinukunsinti mo.” Lalong nasira ang mukha nito ng makita ang pagngiti niya. Naalala niya kasi si Tita Letty, ganitong-ganito ang sinasabi nito noon sa kanya. Imbes na lumabas dahil sa makapal na usok, lihim niyang sinundan ito. Tama nga ang hinala niya—kasama ng mga anak nila ang Tito Kirk ng mga ito. “The fvck, Kirk! Balak mo bang sunugin ang bahay namin?!” Natampal niya ang noo. Mukhang away na naman ito. Si Kirk din kasi ang tigas ng ulo. Ito na yata ang pinaka kunsintidor sa kanilang lahat. Kaya palaging
“This way, ma’am.” Nakangiting iginiya siya ng manager mismo ng restaurant sa table nila ni Morgan. Mukhang pina-reserved na naman nito ang buong resto dahil wala siyang ibang nakitang ibang costumer maliban sa kanya. Hindi lang ‘yon, puno ng petals ng roses paligid, mayron ding banda ng mga musicians sa sulok. Kapag hindi sila sabay na pumupunta sa restaurant ay palagi itong nauuna sa kanya. Pero ngayon ay nauna siya dahil wala pa ito ng dumating siya sa table nila. Hindi pa siya nagtatagal sa pag upo ng may malaking kamay na tumakip sa mata niya. Sa amoy palang nito ay nahulaan niya agad kung sino ito. “Sino ‘to? Amoy palang mukhang gwapo na.” Biro niya. Natawa rin siya ng marinig ang mahinang pagtawa nito. “Happy anniversary, my love.” Bulong nito sa tenga niya habang nakayakap sa balikat niya. “Napakaganda mo, wala kang kupas.” Puri nito sa kanya. Hindi niya maiwasan na mapangiti sa kilig. Araw-araw naman siya nitong pinupuri pero hindi nagbabago ang epekto nito sa kan
“sigurado kang bagay sa akin ‘to? Feeling ko kasi mukha akong suman.” Ani Saddie habang nakatingin sa repleksyon niya sa salamin. Nandito sila ngayon sa mall nila Agnes kasama si Stephanie para bumili ng susuotin niya mamaya para sa mahalagang event sa buhay nilang mag asawa. Anniversary kasi nilang dalawa ni Morgan mamaya. At siyempre gusto niya na maging pinaka maganda sa paningin nito. “Ano ka ba, Saddie… kahit magsuot ka ng basahan ikaw pa rin ang pinaka maganda sa paningin ng asawa mo. Pero napapansin ko nga, parang tumataba ka lately.” Nilapag ni Stephanie ang hawak at lumapit sa kanila. Dahil sa sinabi ni Agnes ay nakisipat rin ito. “Oo nga noh, tumaba ka ng konte.” Napangiwi siya. Nito kasing nakaraan ay wala siyang ginawa kundi ang kumain. Dinadaan nalang niya sa kain ang stress niya. Dinatnan kasi siya ng regla ngayong buwan. Umaasa pa naman siya na magdadalantao ngayong taon. Apat na taon na pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagbubuntis. Nakapagtapos na siy
“Sir, hinahanap ka ni ma’am. Nandito kami ngayon sa office niyo.” Napahinto siya sa paglapit ng marinig ang isang bodyguard na nagsusumbong sa asawa niya. Agad siyang nagtago sa gilid at nakinig sa sinasabi nito. Hindi niya naririnig ang boses ni Morgan pero alam niya may inuutos ito. “Sige, Sir… sasabihin ko nalang na pauwi na kayo. Oo, sir… binigay ko na kay Jerome, dadalhin daw niya diyan mamaya sa inyo.” Pinadala kay Jerome? Ibig sabihin pupunta ito kung nasaan ang asawa niya? Hindi siya tumuloy sa paglapit rito. Nagpalinga-linga siya sa paligid. Nang makitang hindi nakatingin sa kanya ang mga bantay niya ay nagmamadali siyang tumakbo para tumakas. Dumaan siya sa exit door pababa ng hagdan, kung mag eelevator kasi siya ay madali siyang mahahanap. Alam niya kung nasaan si Jerome, palagi itong nasa office ni daddy Laxus. Kailangan niya itong masundan. Pagkalabas ng gusali at sumakay agad siya ng taxi. “Manong, ihinto niyo.” Utos niya sa driver ng makarating sa isa pang pa
“Masakit ang mawalan ng anak, pero kailangan mong kayanin.” Hindi siya kumibo. “Anak…” “U-umalis na kayo.” Malamig niyang taboy sa mga ito. “H-hindi niyo alam ang nararamdaman ko dahil tinaboy niyp naman ako noon.” Natigilan ang mga ito sa sinabi niya. Tumingin siya ng puno ng hinanakit sa papa niya. “Lalo ka na… wag mo akong damayan na parang alam mo ang sakit na nararamdaman ko. Wala ka naman pakialam sakin kaya wag kang magpanggap na nakikiramay ka. Alam ko naman na ito ang gusto mo, ang magdusa ako para makaganti ka. Wala ka naman talagang pake sa akin, papa… wala naman ibang mahalaga sayo kundi pera. Hindi niyo alam ang pakiramdam ng mawalan ng anak dahil para sa inyo wala naman akong halaga… k-kaya iniwan niyo akong dalawa.” “Saddie…” umiyak ang mama niya ng tabigin niya ang kamay nito at humiga talikod sa kama. “Anak, alam kong hindi ako naging mabuting ama. Naging makasarili ako, naging pabaya at masama ding asawa. Hindi ko nawala maibabalik ang lahat. P-Pero
Wala sa sarili na nakasandal si Morgan sa labas ng emergency room kung nasaan ang asawa. Masyado ng maraming dugo ang nawala dito. Sa doktor na mismo nanggaling na imposibleng masalba ang batang dinadala nito. “M-mumu, ang sakit…” Pumikit siya ng maalala ang mga daińg nito kanina… maging ang ginagawa dito ni Navy pagkarating nila… muntik na itong mawala sa kanya. Damn! Damn! Damn! Kung hindi siya naging kampante at nagpabaya ay hindi ito mangyayari sa kanyang mag ina. Kung noong una palang ay hindi na siya pumayag sa gusto ng asawa na alisin ang mga bodyguards nito ay hindi mangyayari ang lahat ng ito. Tama ang daddy niya—hindi sa lahat ng pagkakataon ay dapat na masunod ang mga asawa. Pagdating sa kaligtasan ng asawa, lalaki dapat ang masusunod. “M-mumu, ang anak natin… ang anak natin!” Dainġ nito bago panawan ng ulirat kanina. “I’m really sorry, Mr. King… pero wala na ang bata.” Alam niya na imposible ang dinadasal niya kanina. Pero umaasa pa rin siya na mabubuhay
Sigaw ako ng sigaw habang kinakaladkad ako nito pabalik. “TULONG! Parang awa niyo na ‘tulungan niyo ako!” Hinawakan ko ang kamay nitong nasa ulo ko para tanggalin ito. Pero hindi ko magawa dahil parang bakal ang kamay nitong NASA ulo ko. “Wag ka ng umasa na may makakarinig sayo, Saddie! Walang ibang tao sa islang ito kundi tayo lang at mga tauhan ko! Mapapaos ka lang sa kakasigaw mo!” Alam ko… pero umaasa pa rin ako na may makakarinig sa pagmamakaawa ko. Hindi ako huminto sa pagsigaw kaya nainis ito at binilisan ang paghila sa buhok ko. Naramdaman ko din ang pagdiin ng kuko nito sa anit ko. Napakasakit! Isabay pa na wala akong tsinelas kaya tumatama ang talampakan ko sa mga sirang shell sa buhangin kaya puro sugat ang paa ko. “Tama na, Navy! Maawa ka pakawalan mo ako! Bitiwan mo ako nasasaktan ako! M-maawa ka parang awa mo na! B-buntis ako maawa ka!” Pero imbes na maawa ay tinawanan lamang ako nito. “Maawa? Sana inisip mo ‘yan bago mo ako tinakasan! Kung may utak ka hindi
(Saddie pov) Sinanay ko muna ang mata ko sa daan. Ilang beses kong kinabisado ang daan bago ako naghanda sa pagtakas. Mahirap na dahil baka mabulilyaso ako kaya hinintay ko muna gumabi bago ako tumakas. “Wag kang mag alala dahil makakauwi rin tayo. Sa ngayon dito muna tayo para hindi tayo maabutan ng mga taong naghahabol sayo.” ‘Talaga? Ang sabihin mo lang gusto mo akong mapaniwala na may naghahabol sa akin! Pakana mo ang lahat!’ Ngumiti ako bago tumango rito kahit gusto kong basagin ito. Ang galing talaga magsinungaling ni Navy… sanay na sanay ito. “Salamat, Navy. Sige papasok na ako sa kwarto, nahihilo na naman kasi ako. Sana nga bukas makauwi na tayo. Ayoko na kasi dito… sigurado kasi ako na nag aalala na sila mama sa akin, saka ang asawa ko.” Panandaliang nawala ang ngiti nito. “Hayaan mo, sigurado na magkikita din kayo.” Ngumiti ito ng pilit. “Salamat.” Akmang papasok na ako ng pogilan nito ang braso ko. “Paano kung… kung patayin si Morgan ng mga humahabol sayo?
“Naaawa nga ako sa mag lola, pare. Nadamay sila sa pinapagawa sa atin ni Sir. Ayoko sanang madamay sila pero ayoko naman na ako ang mapag initan ng amo natin. Kilala naman natin si Sir, nakakatakot siyang magalit. Kung nakinig sana ang matandang ‘yon sa akin na magbulag-bulagan sa nalaman niya at magpanggap nalang na asawa ko ay hindi sana sila kasama sa pinasabog ni Sir.” Natuptop ko ang bibig ko ng marinig ang usapan ng inakala kong asawa ng matanda at isang lalaki na umamoy katiwala nitong bahay na tinutuluyan namin. Naalala ko noong nakausap ko ang matandang babae. Halatang nagulat ito ng malaman na may asawa ako… nag offer pa nga ito na kunin ang number ni Morgan. Pupunta daw ito sa kabilang isla para tawagan ang asawa ko at ipaalam na naro’n ako. Pero biglang dumating si Navy. Siguro nalaman nito ang plano ng matanda at nagpasya na ipapatay ito. Nang makapasok ako sa kwartong tinutuluyan ko ay mabilis na nilock ko ang pinto. Hindi ko namalayan na basang-basa na pala