Reborn to Marry the Exiled Man

Reborn to Marry the Exiled Man

last updateTerakhir Diperbarui : 2026-10-26
Oleh:  J.C.Ongoing
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
Belum ada penilaian
7Bab
9Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

“Gusto mo ba akong pakasalan?” Napatingin si Lalaine Velasco sa lalaking nasa harapan niya. Sa kanyang unang buhay, naniwala si Lalaine sa maling mga tao. Ibinigay niya ang kanyang kabaitan, pagkain, at tiwala sa mga taong tinawag niyang kaibigan. Ngunit ang kapalit? Pagtataksil, kahihiyan, at isang buhay na puno ng pagsisisi. Ang kanyang pinakamatalik na kaibigan na si Rowena Villaruel, ang nagdala sa kanya sa kapahamakan. Si Carlos Villapando naman, ang lalaking pilit niyang tinanggihan, ang muntik nang sumira sa kanyang kinabukasan. Ngunit nang akala niya ay wala nang pag-asa, bigla siyang nagising sa nakaraan. Bumalik siya sa panahong ipinadala ang mga kabataan sa kanayunan—sa lugar kung saan nagsimula ang kanyang mga paghihirap. Sa pagkakataong ito, hindi na siya ang dating Lalaine. Pinangako niya sa sarili na hindi na siya magpapagamit kahit kanino at hindi na niya hahayaang may ibang magdikta ng kanyang kapalaran.  Dahil dito gumawa siya ng isang desisyong ikagugulat ng lahat. Pakakasalan niya si Jason Madrigal. Ang lalaking itinakwil ng buong nayon. Ang lalaking tinatawag nilang masama at sapilitang pinatira sa isang lumang kulungan ng baka. Ngunit may isang bagay na alam ni Lalaine na hindi alam ng iba. Ang lalaking kinukutya nila ay may nakatagong potensyal na maaaring magbago ng kanilang kapalaran. Ang problema? Hindi madaling pagkatiwalaan ang isang Jason Madrigal. Malamig ang kanyang mga mata, misteryoso ang kanyang pagkatao, at tila alam niyang may itinatago ang kanyang bagong asawa. Bakit biglang nagbago si Lalaine? Bakit tila alam nito ang mga bagay na hindi pa nangyayari? At bakit, sa kabila ng kanyang tapang, nanginginig siya sa tuwing lumalapit ang lalaki? Bumalik si Lalaine para sa paghihiganti. Ngunit hindi niya inaasahan na ang lalaking pinakasalan niya para sa kanyang kaligtasan ang magiging pinakamalaking misteryo ng kanyang bagong buhay. At maaaring… ang kanyang pinakamalaking pag-ibig.

Lihat lebih banyak

Bab 1

Chapter 1

Sa loob ng isang maliit na kubo na tila kulungan ng baka, kalmadong isinuot ng lalaki ang kaniyang pantalon bago malamig na nagsalita.

“Pag-isipan mong mabuti. Gusto mo ba talaga ako pakasalan, o magpapanggap na walang nangyari?”

Nanigas si Lalaine. Nakahiga siya sa isang sirang kama, mahigpit na nakayakap sa punit-punit na kumot. Nanginginig ang kaniyang mga kamay habang marahang hinihimas ang batok.

Napakasakit ng kaniyang ulo. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa pagkakabugbog sa kaniya o sa pagkabigla sa lalaking nakatayo sa harapan niya. Wala siyang suot na damit at kasama ang isang lalaki.

At ang lalaking iyon...

Si Jason Madrigal. Ang lalaking dapat ay matagal nang patay sa kaniyang alaala.

“W-Walang nangyari...” mahinang sambit niya.

Ngunit paano niya maipapaliwanag ang lahat? Pareho silang hinimatay matapos painumin ng alak na may halong droga ng mga taong may masamang balak sa kanila. Si Lalaine ay walang malay na dinala sa kubo ng lalaki, habang si Jason naman ay pilit na nilalabanan ang epekto ng gamot.

Sa kabila ng matinding paghihirap at epekto ng pinainom na droga, nagawa nitong pigilan ang sarili. Buong gabi siyang nagbabad sa malamig na tubig hanggang sa tuluyang mawala ang epekto ng droga. Isa siyang lalaking kayang kontrolin ang sarili kahit sa pinakamapanganib na sitwasyon.

Ngunit hindi iyon ang pinakamalaking problema ni Lalaine. Ang pinakamalaking problema ay ang mga taong paparating at ang kasaysayang akala niya ay hindi na niya kailangang balikan.

Basang-basa ang buhok ni Jason. Marahan niyang itinulak palikod ang kaniyang basang bangs. Walang emosyon ang kaniyang mukha nang muling magsalita.

“Walang maniniwala na walang nangyari sa isang lalaki at babaeng magkasamang natagpuang walang damit sa iisang silid.”

Biglang nanlaki ang mga mata ni Lalaine. Doon niya lubos na nakita ang mukha ng lalaki. Matangos ang ilong nito. Matalim ang panga. Mahaba ang mga mata, at may malamig na kinang na tila kayang tumagos sa kaluluwa ng sinumang tumingin sa kaniya.

Patak ng patak ang tubig mula sa kaniyang buhok. Sa paningin ni Lalaine, para siyang isang obra maestrang hindi dapat nagtatago sa isang malayong nayon.

Napakagwapo niya. Sa katunayan, kung makikita siya ng mga babae sa makabagong panahon, siguradong hindi sila makapaniwala na ang lalaking ito ay itinuturing na pangit sa panahong ito.

Ngunit noong dekada sisenta, ibang-iba ang pamantayan ng kagwapuhan. Mas hinahangaan ang mga lalaking may matitigas na mukha at matipunong pangangatawan.

Samantalang si Jason Madrigal...

Masyadong pino ang kanyang mga katangian. At ang peklat sa kaniyang noo, ay nagmumukhang nakakatakot.

“Anong tinitingin-tingin mo?”

Biglang kumunot ang noo ni Jason. Ayaw niyang may tumitig sa kaniyang mukha kaya naman marahan niyang ibinaba ang kaniyang bangs upang takpan ang peklat sa noo, saka isinuot ang malaking salamin na may itim na frame.

Sa isang iglap, bumalik ang dating anyo niya. Ang maputla, malamig, at hindi kaaya-ayang doktor ng kanilang nayon.

Napapikit si Lalaine.

“Wala akong nakita,” mahinang sagot niya. “Naisip ko lang... napakahiwaga talaga ng mundo.”

Dahil paano nga ba niya ipapaliwanag ang lahat? Ilang dekada na siyang namuhay nang puno ng pagsisisi.

At ngayon...

Bumalik siya sa nakaraan. Nakahiga siya sa kama ng ospital. Hawak ang mga lumang larawan ng kaniyang kabataan, lalo na ang mga panahong ipinadala siya sa kanayunan bilang isang kabataang tagalungsod.

Habang tinitingnan ang mga larawang iyon, unti-unti siyang nakatulog. Ngunit nang magising siya...

Bumalik siya sa gabing iyon. Sa gabing nagbago ang kaniyang buhay. Kung hindi dahil sa matinding sakit sa kaniyang batok, kung hindi dahil sa lalaking matagal na niyang inaakalang bahagi na lamang ng nakaraan...

Marahil ay iisipin niyang panaginip lamang ang lahat. Ngunit hindi. Muli siyang nabuhay at binigyan ng pagkakataong baguhin ang kapalarang minsan nang sumira sa kaniya.

“Bagaman hindi ko alam kung sino ang gustong gumamit sa akin para saktan ka...” malamig na sabi ni Jason, “may kailangan tayong pag-usapan.”

Saglit siyang tumigil.

“Lalaine, napag-isipan mo na ba kung ano ang gagawin mo?”

Magkasama silang natagpuang walang damit. At sa panahong iyon, ang isang babaeng mawalan ng dangal sa paningin ng mga tao ay maaaring mawalan din ng kinabukasan. Kaya gusto niyang bigyan si Lalaine ng pagpipilian.

“Pasensya na,” mahinang sabi ni Lalaine. “Nadamay kita sa problemang ito.”

Kung sa makabagong panahon lamang nangyari ang lahat, hindi naman kailangang magpakasal ang dalawang taong nagkasama sa isang silid. Kahit ilang beses pa silang magkasama ay hindi ibig sabihin na kailangan nilang akuin ang responsibilidad sa isa't isa.

Ngunit noong 1968, ibang usapan iyon. Lalo na para sa isang babaeng ipinadala sa kanayunan.

Inayos ni Jason ang kaniyang salamin pagkatapos ay tumingin siya sa bintana. Sa di-kalayuan, unti-unti nang papalapit ang mga taong nagtitipon sa paligid ng kulungan ng mga baka.

“Kung ayaw mong magpakasal,” malamig niyang sinabi, “kailangan mong mag-isip kung paano ka makakaalis dito.”

“Tutulungan kita sa abot ng aking makakaya.”

Ngunit bago pa siya makapagsalita biglang nagpasya si Lalaine.

“Doktor Jason.”

Tumingin siya nang diretso sa lalaki.

“Gusto kong magpakasal tayo!”

Naningkit ang mga mata ni Jason.

“Ano ang sinabi mo?”

Hindi niya inaasahang iyon ang magiging sagot ng babae. Ang totoo, hindi naman niya hinihiling na pakasalan siya nito. Gusto lamang niyang bigyan siya ng pagkakataong makapili.

Dahil sa panahong iyon, ang isang babaeng mapapahamak ang reputasyon ay maaaring hindi na makahanap ng magandang mapapangasawa. Ngunit hindi rin madaling buhay ang naghihintay kay Lalaine kung pipiliin niyang makasama siya.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


Tidak ada komentar
7 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status