Share

CHAPTER 2 - KISS OF THE RUTHLESS DEVIL

last update Last Updated: 2022-11-21 07:16:46

“Alam mo mayor, hindi ako nakikipagbiruan sayo, ano naman ang gagawin ko sa babaeng yan?” Kahit ebenta ko pa ang katawan niya sa high end na club, hindi pa rin sapat upang mabayaran niya ang malaking halaga na inutang mo. Pera ang inutang mo sa tauhan ko na pinatay ng anak mo, kaya pera din ang dapat mong ibabayad. Hindi ako tumatanggap ng babae, kaya alisin mo na yang anak mo sa aking harapan!”

“Teka boss Allaric, nagmamakaawa po ako, wala po kaming pera na ganun kalaki, kung gusto nyo po luluhod pa kami ng anak ko sa harapan nyo ngayon, patunay na nagsasabi ako ng totoo.”

Muntik nang ma out-balance si Jayna ng bigla siyang hinila ng kanyang ama upang lumuhod na rin kasama nito. Sa tanang buhay niya wala pa siyang ibang linuhuran kundi ang diyos lang. Para sa kanya, hindi naman Diyos ang lalaking ito para lumuhod sila ng kanyang ama. Habang nakaluhod silang dalawa, nagngingitngit ang kanyang kalooban na tumingin sa lalaki na parang walang pakialam dahil nakatuon pa rin ang atensyon nito sa mga pinirmahan na papeles.

“Mayor Enrique, alam mo naman palang wala kang pera na ganun kalaki, bakit ang lakas pa ng loob mong pumasok sa casino ko upang maglaro? Tauhan ko ang pinagkakautangan mo ng pera, at pinatay pa ng anak mo. Ngayon, kailangan mong ibalik sa pamilya niya ang pera na inutang mo! Kung hindi sapilitan kong ipakulong ang anak mo, at babawasan ng isang daliri ang iyong kamay.

“P..pero, Boss, naubos na kasi naming matalo sa sugal ang pera na hiniram ko, tanging itong anak ko lang talaga ang pwede kong ibigay.”

Nagpupuyos sa galit si Jayna ng marinig mula kay Allaric na puputulan nito ng isang daliri ang kanyang ama.

"Hindi kasalanan ng daddy ko kung manloloko ang tauhan mo na nagbabantay sa casino. Alam na nga niyang walang pera ang daddy ko, may pakagat pa siyang nalalaman sa pera niya para mas lalong ibaon ang ama ko sa utang, kaya yun ang napala niya!"

“Shut up!” singhal ni Mayor Enrique sa kanyang anak, siniko pa niya ito sa tagiliran upang tumigil na ito sa pagsasalita. “Hindi mo ba alam kung sino siya? Siya si Boss Allaric Dela Vega, isang pitik lang ng kamay niya, hindi na tayo makakalabas dito ng buhay!” galit niyang binulungan ang anak upang ipaalam dito kung anong klaseng tao ang binabangga nila. Natatakot siya sa posibleng gawin ni Allaric, kilala ito sa pagiging Demon Beast pagdating sa mga taong kalaban niya. Imbes na makalabas sila ng kanyang anak sa islang ito na kumpleto pa ang katawan, baka lalabas na talaga silang dalawa na kulang ang paa, o daliri dahil sa kagagawan ng kanyang madaldal na anak. Kasalanan niya rin, hindi niya sinabi sa kanyang anak kung paano magalit ang isang Allaric Dela Vega. Kapag sinabi niya kasi, baka lalong hindi papayag ang anak niya na sumama.

Tama nga ang hinala ni Mayor Enrique, dahil biglang tumayo si Allaric mula sa kanyang upuan at halata na nagpipigil na ito sa galit habang papalapit sa kanilang dalawa ng anak niya. Nakapamewang pa ito habang nakatitig sa kanyang anak animo’y gusto niyang kainin itong buhay.

“Boss, ako na po ang humihingi ng kapatawaran sa sinabi ng anak ko. Hindi niya pa kayo kilala, kung ayaw nyo po sa kanya bilang bayad sa utang ko, uuwi na lang po kami, babalik na lang po ako dito kapag nakahanap na ako ng pera.” nagmamakaawa muli ang mayor upang magbago ang isip ng binata.

Bahagya lumuhod si Allaric upang pumantay sa harap ng dalaga. His looks were mocking while raising Jayna's chin. “No! Huli na ang lahat mayor. Masyadong matalas ang dila nitong anak mo, kung hindi pa niya ako kilala, pwes, magpapakilala ako.” madiin na wika ni Allaric,

Amoy na amoy ni Jayna ang nakakahumaling na init ng hininga nito na dumadampi sa ilong niya. Pakiramdam niya nanunuot sa loob ng kanyang katawan ang kakaibang fresh aroma na galing sa bawat bigkas ng mga labi nito. Naaakit pa siya sa kaputian at pantay-pantay na mga ngipin nito na halatang inaalagaan talaga. Gayunpaman makipag tagisan pa din siya ng matalim na tingin sa binata. Hindi siya natatakot sa mala demonyong aura nito. Total ganun din naman ang mangyayari, papatayin man siya nito, atleast mamamatay siyang lumalaban.

Naniningkit ang mga mata ni Allaric habang nakikipag tagisan ng titig sa dalaga. Buong buhay niya hindi siya tumitingin sa babae kahit ang sumulyap man lang sa mga ito. Ngunit ngayon hindi niya alam kung bakit niya inaaksayan ng panahon ang babaeng ito sa harapan niya. Sa naalala niya, ito palang ang ang tanging babae na hindi takot kapag kaharap siya. Halos lahat ng mga babae na nagmamakaawa sa atensyon niya, isang singhal niya lang, umaalis na ang mga ito sa kanyang harapan. “Hmmm, gusto yata nitong maranasan kung paano ako magalit,” sa loob-loob niya. Muli niyang binaling ang mukha nito paharap sa kanya.

“Hindi mo ba alam? Dahil sa ama at kapatid mo kung bakit namatay ang isang tauhan ko. May pamilya din siya! Paano mo masasabing tama lang ang ginawa ng kapatid mo na pagpatay sa kanya huh!?

“Bakit sinabi ko ba na tama ang ginawa ng kapatid ko!? Hindi ko alam na makitid pala ang utak mo Mr. Dela Vega. Ang ibig kong sabihin, dahil sa panloloko ng tauhan mo kaya yun ang nag-udyok sa ate ko upang barilin siya. Kung tutuusin, ikaw ang dapat sisihin sa nangyari sa tauhan mo dahil hindi mo sila tinuturuan ng tamang patakaran sa loob ng casino. O baka naman ikaw ang nagturo sa kanila upang manloko ng mga customer nyo?”

Nagpipigil sa galit si Allaric, hindi niya alam kung bakit nanggigil siya sa talas ng dila ng babaeng kaharap niya. Kung tutuusin pwede na niyang utusan si Troy upang kaladkarin ang mag-amang ito palabas ng kanyang opisina. Ngunit nagpupuyos ang kanyang kalooban, dahil hindi niya magawa ang saktan ang babae, gusto niya itong gantihan at parusahan ngunit hindi niya alam kung paano. Hanggang sa mapadapo ang paningin niya sa nakaawang na labi nito, na kanina pa niya gustong durugin dahil sa sobrang kadaldalan.

Nanggigigil siyang hinawakan ang batok ni Jayna at marahas na tinawid ang pagitan ng mga labi nila. Mapagparusa ang paraan ng paghalik niya dahil may kasama itong pagkagat sa labi ng dalaga. Gusto niyang iparamdam dito na masama siya kapag nagagalit. Wala siyang pakialam kung nakatingin man ang ama ng babaeng ito, at isipin na binababoy na niya ang kanyang anak.

Pilit namang nagpupumiglas si Jayna at pwersahang tinutulak si Allaric, ngunit parang pader ang katawan nito, hindi man lang nakaramdam habang tinutulak niya, mas lalo pa nitong pinalalim ang paghalik sa kanya na may kasamang parusa. Nalalasahan na niya ang dugo mula sa kanyang labi dulot ng pagkagat nito, hanggang sa nagkaroon siya ng pagkakataon upang kagatin din ang labi ng binata. Nagtagumpay naman siya dahil agad siyang binitawan ni Allaric, ng nakaramdam din ito ng sakit. Kanya-kanya silang pahid ng dugo sa kanilang mga labi habang hindi pa rin humihiwalay ang mga matatalim na titigan nila sa isa’t-isa.

Ngunit isang bagay ang biglang ginawa ng dalaga sa binata, dahilan upang masindak ang lahat at hindi makapaniwala sa kanilang nakita.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
emzbranzuela
haha palaban si Jayna baka sinapak or tinuhod si Allaric...
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ito yong husto ko ang palaban ang bidang babae,hula ko sinampal lang namanni jayna si mr.allaric
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • MAFIA KING'S BATTLE FOR LOVE "Battle between wife and Debt"   SPECIAL CHAPTERS -LOVING YOU IS A LOSING GAME

    JAYNA AND ALLARIC WEDDING"Ate, congratulations!" Nakangiting wika ni Adira kay Jayna ng lumapit ito sa kanya. Gabi ang kasal nila ni allaric at ginanap ito sa isang sikat na resort na pagmamay-ari din nila. Nagtaka siya kung bakit ngayon lang ito dumating, gayung kanina pa natapos ang kanilang kasal ni Allaric. Nag-uwian na nga ang mga bisita nila. Pati ang quadruplets at si Arley ay lasing na rin dahil nag-inuman silang magkakapatid kaya ngayon nakatulog na. Siya naman ay busy na ngayon sa pagpapatulog sa kanyang triplets. Tiningnan niya ang oras sa wall clock. Pasado Alas onse na ng gabi."Thank you." Sagot niya at kinumutan ang ngayon tatlong taong gulang na mga anak habang magkatabing natutulog sa kama. Napagod ang mga ito sa kakalaro sa tabing dagat kanina. Binalingan niya si Adira."Teka, bakit ngayon ka lang?" Takang tanong niya."Busy kasi ate. Si kuya? Galit ba siya?" Tanong nito."Hmmm..medyo. pero ako na ang bahala magpaliwanag sa kanya.""Thank you ate. Hindi na rin ako ma

  • MAFIA KING'S BATTLE FOR LOVE "Battle between wife and Debt"   CHAPTER 36 - THE FINALE

    "Doc, ang asawa ko," naluluhang tanong ni Jayna ng makita na lumabas ang Doctor mula sa loob ng Operating Room. "Ate, ligtas na si Kuya.""Adira," saka pa lang napansin ni Jayna na si Adira pala ang Doctor na lumabas."Paanong nandito ka? Akala ko nakaalis ka na?" Takang tanong ni Jayna ng kumalas na sila ng yakap sa isa't-isa."Actually nasa flight na ako ng sinabi sa akin ni Kuya Troy ang nangyari kay Kuya. Kaya nag request ako sa pilot na bumalik." Umupo sila sa mga nakahilera na mga upuan sa labas ng Operating Room."Kailan magising ang Kuya mo?" Tanong niya ng nakaupo na sila."Kapag naghupa na ang anesthesia sa katawan niya. Baka bukas gising na rin siya." Masiglang sagot nito."Ahmmm, si Neil at Glee?" Alanganin niyang tanong."Si Glee, ligtas na siya ngunit hindi pa rin nagigising. Si Neil, naman, hindi na nakaabot sa hospital at binawian na ng buhay. Malalim ang tama ng bala sa dibdib niya. Ang sabi ni Lolo Allen, binaril niya si Neil dahil akala niya nakasuot pa rin ito ng

  • MAFIA KING'S BATTLE FOR LOVE "Battle between wife and Debt"   CHAPTER 35 - THE END OF WAR

    Samantalang nakita ni Master Allen si Neil na nakabihis. Balot na balot ang katawan nito ng bulletproof vest at napapalibutan ng bala at hunting knife ang baywang papunta sa paa nito. “Saan ka pupunta?” tanong niya kahit na may hula na siya kung saan ito pupunta. “Ililigtas ko si Glee mula sa kamay ni Allaric.” Sagot nito at nagpatuloy sa paglalakad. “Hindi ka pwedeng umalis!” sigaw niya dahilan upang tumigil ito sa labas ng pintuan. Lumingon ito sa kanya. “Lo, ano ang gusto mong gawin ko, ang manatiling nakatunganga rito habang iniimagine kung paano patayin ni Allaric ang kapatid ko?” “Na kagagawan mo!” sigaw niya dahilan upang matigilan ito. “Neil ilang beses ko ng sinabi sa’yo na tama na! Tigilan mo na si Allaric! Ngunit hindi ka nakinig! Dinamay mo pa ang kapatid mo na nanahimik sa buhay niya!” Lumapit siya sa may pintuan. Nakita niya ang pagtagis ng bagang nito habang nakatingin sa kanya. “At sino ang gusto mong mag ligtas sa kanya ikaw? Hindi mo nga magawang patayin si Alla

  • MAFIA KING'S BATTLE FOR LOVE "Battle between wife and Debt"   CHAPTER 34 - HIS TWINS REVELATION

    “Kuya!”Sabay silang napalingon ni Jayna ng marinig ang boses ni Adira. Nakatayo ito sa tabi ng kotse na kanilang nadaanan. Halatang matiyaga itong naghihintay sa kanila na lumabas ng hotel.“Sa tingin ko babe, kailangan niyo munang mag-usap. Mauna na ako sa kotse.” paalam ni Jayna. Ngumiti lang siya kay Adira at hinayaan na mag-usap ang dalawang kambal.“Kuya,” Naluluhang yumakap kay Allaric si Adira. “I’m sorry Kuya. Kasalanan ko dahil hinayaan kong mag leave si Glee. Hindi ko alam na may itim pa la siyang binabalak.”Tinapik tapik ni Allaric likuran ng kapatid. Hinaplos niya ang pisngi nito. “I know. Hindi mo kasalanan ang nangyari. Don’t cry in front of me dahil hindi bagay sa’yo. Lalo kang pumapangit.” Tuluyan ng kumalas ng yakap si Adira sa kanya. Bahagya siyang tinadyakan nito dahil sa inis sa tinuran niya. “Kuya naman eh. Nakakainis ka. Sinusubukan ko lang naman sana kung may panlaban din ako sa pag-aartista. Sinira mo ang momentum ko.” Naiinis na wika ni Adira bagamat nakan

  • MAFIA KING'S BATTLE FOR LOVE "Battle between wife and Debt"   CHAPTER 33 - NEIL OR GLEE?

    Mahal ko siya, Adira! Mahal na mahal ko si Allaric!” 'SLAP!' Nabaling ang pisngi ni Glee sa kabila dulot ng malakas na sampal ni Adira. Ramdam niya ang sobrang galit mula sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. "Nagawa mong sirain ang pagkakaibigan natin at ang pamilya ni Kuya dahil lang sa dahilan mo na mahal mo siya? Sa tingin mo ba dahil sa ginawa mo, mamahalin ka ng kambal ko? Simulat-sapul kilala mo na ang ugali ni Kuya, Glee! For God sake, sa lahat naging kaibigan kong babae, ikaw lang ang pinansin niya dahil naniwala siyang mabuting kang babae! Pero wala kang pinagkaiba sa—” Hindi na tinuloy ni Adira ang gusto sanang sabihin kahit pa na gusto na niyang saktan ang kaibigan. Nakuyom niya ang kamao, habang naluluhang nakatingin kay Glee na nakaupo sa kama sa loob mismo ng silid pahingahan ng kambal niya. Kararating niya lang mula New York at dito siya dumeritso sa Dela Vega Empire. Pagdating niya hindi niya naratnan ang kanyang Kuya Allaric at si Jayna. Ang sabi ni Troy, n

  • MAFIA KING'S BATTLE FOR LOVE "Battle between wife and Debt"   CHAPTER 32- THREESOME

    Ilang beses nag ring ang cellphone ni Jayna ngunit hindi pa rin nito sinasagot. Hindi na mapakali si Troy. Parang hindi maganda ang pakiramdam niya sa mga nangyayaring ito. Nagtaka siya kung bakit at paano napunta rito si Glee gayung ang alam niya nasa New York ito at sa main branch ng Amarah Hospitals nagtatrabaho. Sinubukan muli niyang kontakin ang numero ni Jayna. Ngunit hindi pa rin nito sinasagot. Kinulong muna niya si Glee sa loob ng pribadong silid ni Allaric. Hindi niya hahayaang makaalis ito dahil hindi niya alam kung ano ang nangyayari. Malakas ang pakiramdam niya na mayroong masamang laro sa likod nito. Binalingan niya ang batang boss na kasalukuyan nakapikit ang mga mata habang nakababad sa lamig sa loob ng bathtub. "I need my Wife." Mahinang wika nito. Alam niya ang asawa lang nito ang may kakayahan na gamutin ang init na nararamdaman."Yes boss." Muli niyang tinawagan ang numero ni Jayna ngunit naka out of coverage na ito. Naisip niyang tawagan ang telepono sa mansyon.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status