ABANGAN ANG FINALE
"Doc, ang asawa ko," naluluhang tanong ni Jayna ng makita na lumabas ang Doctor mula sa loob ng Operating Room. "Ate, ligtas na si Kuya.""Adira," saka pa lang napansin ni Jayna na si Adira pala ang Doctor na lumabas."Paanong nandito ka? Akala ko nakaalis ka na?" Takang tanong ni Jayna ng kumalas na sila ng yakap sa isa't-isa."Actually nasa flight na ako ng sinabi sa akin ni Kuya Troy ang nangyari kay Kuya. Kaya nag request ako sa pilot na bumalik." Umupo sila sa mga nakahilera na mga upuan sa labas ng Operating Room."Kailan magising ang Kuya mo?" Tanong niya ng nakaupo na sila."Kapag naghupa na ang anesthesia sa katawan niya. Baka bukas gising na rin siya." Masiglang sagot nito."Ahmmm, si Neil at Glee?" Alanganin niyang tanong."Si Glee, ligtas na siya ngunit hindi pa rin nagigising. Si Neil, naman, hindi na nakaabot sa hospital at binawian na ng buhay. Malalim ang tama ng bala sa dibdib niya. Ang sabi ni Lolo Allen, binaril niya si Neil dahil akala niya nakasuot pa rin ito ng
JAYNA AND ALLARIC WEDDING"Ate, congratulations!" Nakangiting wika ni Adira kay Jayna ng lumapit ito sa kanya. Gabi ang kasal nila ni allaric at ginanap ito sa isang sikat na resort na pagmamay-ari din nila. Nagtaka siya kung bakit ngayon lang ito dumating, gayung kanina pa natapos ang kanilang kasal ni Allaric. Nag-uwian na nga ang mga bisita nila. Pati ang quadruplets at si Arley ay lasing na rin dahil nag-inuman silang magkakapatid kaya ngayon nakatulog na. Siya naman ay busy na ngayon sa pagpapatulog sa kanyang triplets. Tiningnan niya ang oras sa wall clock. Pasado Alas onse na ng gabi."Thank you." Sagot niya at kinumutan ang ngayon tatlong taong gulang na mga anak habang magkatabing natutulog sa kama. Napagod ang mga ito sa kakalaro sa tabing dagat kanina. Binalingan niya si Adira."Teka, bakit ngayon ka lang?" Takang tanong niya."Busy kasi ate. Si kuya? Galit ba siya?" Tanong nito."Hmmm..medyo. pero ako na ang bahala magpaliwanag sa kanya.""Thank you ate. Hindi na rin ako ma
Slap!“Isa kang walang kwentang anak! Ano ang silbi ng pagpapalaki namin sa iyo kung hindi mo kami tutulungan!?”Nang sampalin siya ng kanyang ama, naramdaman niya ang pag-init ng kanyang mukha. Naninikip ang kanyang kalooban, at pilit niyang pinipigilan ang mga luhang gustong kumawala sa sulok ng kanyang mga mata. Hindi siya makapaniwala na sinampal sya ng daddy niya dahil gusto nitong bayaran ang utang sa isang mayaman na lalaki sa pamamagitan ng pagbebenta sa kanya. Napuno ng hinanakit ang kanyang dibdib habang nakatingin sa kanyang ama, na galit na galit na nakatingin sa kanya."Dad, hindi ko maintindihan kung bakit parang hindi mo ako itinuturing na anak mo. Dad, tao rin ako, at hindi ko hahayaang pilitin mo akong bayaran ang utang na dulot ng kapatid ko.""Stupida! Huwag kang maging makasarili Jayna; alam mong may sakit sa puso ang kapatid mo, at ikaw lang ang maaasahan namin para mabayaran ang sampung milyong dolyar na utang natin kay Boss Allaric!" Sigaw ni Mayor Enrique sa ka
“Alam mo mayor, hindi ako nakikipagbiruan sayo, ano naman ang gagawin ko sa babaeng yan?” Kahit ebenta ko pa ang katawan niya sa high end na club, hindi pa rin sapat upang mabayaran niya ang malaking halaga na inutang mo. Pera ang inutang mo sa tauhan ko na pinatay ng anak mo, kaya pera din ang dapat mong ibabayad. Hindi ako tumatanggap ng babae, kaya alisin mo na yang anak mo sa aking harapan!” “Teka boss Allaric, nagmamakaawa po ako, wala po kaming pera na ganun kalaki, kung gusto nyo po luluhod pa kami ng anak ko sa harapan nyo ngayon, patunay na nagsasabi ako ng totoo.” Muntik nang ma out-balance si Jayna ng bigla siyang hinila ng kanyang ama upang lumuhod na rin kasama nito. Sa tanang buhay niya wala pa siyang ibang linuhuran kundi ang diyos lang. Para sa kanya, hindi naman Diyos ang lalaking ito para lumuhod sila ng kanyang ama. Habang nakaluhod silang dalawa, nagngingitngit ang kanyang kalooban na tumingin sa lalaki na parang walang pakialam dahil nakatuon pa rin ang atensyon
PWEH!Nasindak si Troy na nakamasid lang sa kanilang dalawa mula pa kanina, nang makita niyang biglang dinuraan ni Jayna, si Allaric at tumama talaga ang saliva nito sa pisngi ng boss niya. Maging si Mayor, Enrique ay hindi makapaniwala sa ginawa ng kanyang anak. Nanginginig ang buo niyang katawan, alam niyang katapusan na nila ng anak niya ngayon. Napapikit na lang siya at taimtim na nagdarasal, tinawag na niya ang lahat ng mga santo na naisip niya, upang tulungan sila ng anak niya na makatakas sa islang ito. Nagsisisi talaga siya kung bakit pa niya naisipan na dalhin dito ang anak niya, alam naman niyang maikli ang pasensya nito, at napaka hyper ng ugali. Siguradong sinusumpong na naman ito ng tantrum niya ngayon dahil hindi na niya ito mapipigilan kapag nagagalit. Simula pa pagkabata may tantrum na ito at nadala niya ang ganung pag-uugali hanggang sa paglaki niya. Yun din ang dahilan kung bakit hindi sila magkasundo ng ate niya. Madalas silang mag-away na magkapatid dahil may tantr
"ALAS DIYES NA NG GABI, nasa kalagitnaan na si Allaric ng kanyang hapunan, ng maalala niyang may babaeng bihag pala siya na ikinulong sa guest room sa itaas. "Aling Edna," tawag niya sa matanda."Bakit po Senyorito?" "Binigyan mo ba ng pagkain kanina ang bisita ko?"Tumango-tango lang ang matanda at halatang parang iiyak ito. "Oh, bakit ganyan ang itsura mo Aling Edna?""Eh..hehe..Pagpasok po kasi namin kanina sa silid niya sir, maraming nakakalat na mga mamahaling figurines mo na nabasag. Tapos hindi po siya kumain. Gusto na daw niyang mamatay. Tapos hanggang ngayon po hindi pa rin siya nagigising. Tulog pa rin po siya."Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Allaric matapos marinig ang sinabi ni Aling Edna."Hayaan mo siya, kung ayaw niya kumain. Kung gusto niya mamatay, eh, di ilibing."Naiirita niyang sagot sa matanda, gayunpaman may bahagi ng kanyang isipan na gusto niya rin itong puntahan sa itaas upang suyuin. Ngunit ayaw niyang gawin yun. Hindi pa ipinanganak ang baba
Mabilis naman na sumunod ang dalaga sa binata, upang humingi sana ng pagkain, bago pa mag-iba ang modo nito.Ngunit nagulat siya dahil sa kusina ito dumeretso. Umupo siya sa upuan sa harap ng mesa at nagmasid lang sa ginagawa ng binata. Hindi niya alam kung ano ang niluluto nito, nahiya naman siyang magsabi na nagugutom siya at gusto niyang humingi ng pagkain, baka sungitan lang siya. Nakaramdam na nga siya ng pagkainip dahil ilang minuto na ang nakalipas parang hindi pa rin ito tapos sa kanyang ginagawa sa kusina. Akmang tatayo na siya ng maamoy niya ang sarap ng amoy ng chicken steak. Napalunok siya ng laway, na bumalik mula sa pagkakaupo. Mas lalong nanuot ang sarap ng amoy nito ng ilapag ng binata ang kanyang niluto sa harapan niya at may kasama pa itong kanin.“P..para sa akin ba to?” nahihiya niyang tanong sa binata.“Hindi, para sa akin. Nakita mo na ngang nilagay ko sa harapan mo diba?”sarkastikong sagot nito sa kanya.“Hmmmp, nagsusungit ka na naman, parang nagtatanong lang e
Samantala sa bahay ng mga Espinosa, mahigit isang oras na ang lumipas ngunit hindi parin tumitigil sa pagwawala si Jeanly. Kahit mga magulang niya ay walang nagawa kundi ang tingnan na lamang siya habang hinahagis ang lahat na mga kagamitan na madadampot niya sa loob ng kanilang bahay. Ala-una na ng madaling araw nang dumating ito mula sa Twilight Disco Bar na palagi niyang pinupuntahan tuwing gabi. Sa tuwing umuuwi siya laging si Jayna ang hinahanap niya upang magtimpla sa kanya ng kape, tuwang-tuwa siya kapag ang kapatid ang inuutusan niya, ngunit nagtaka siya dahil ngayong gabi hindi na niya nakita si Jayna. Agad niyang tinapon ang kape ng mapansin na katulong nila ang nagtimpla nito para sa kanya.“Jeanly! anak, tama na yan, huminahon ka, naubos mo na ang lahat ng mga gamit natin sa loob ng bahay!” saway sa kanya ni Mayor Enrique habang dahan-dahan na lumalapit ito sa kanya. “Ahhh! Kasalanan mo ito daddy! Bakit si Jayna pa ang pinili mo para ibenta doon kay Allaric, alam mo nam