AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARRA
KINAUMAGAHAN MAAGA AKO BUMANGON at nilagay ko ang sniper ko sa sasakyan ko at doon ito tinago. Saktong pag pasok ko habang nag uunat ako at pinapatunog ko ang leeg ko, pababa na naman ang mga Clemenza at ang Fiancée ni sir Clinton. Yuyuko na sana ako ng pigilan ako si Don Amir. “Don’t hija, chef ka dito hindi ka katulong..” utos nito kaya tumayo na lang ako tuwid. “Good morning po, ready na po ang agahan..” malamig kong bati at wika sa kanila. “Sumabay ka na samin,” naka ngiting aya ni Donya Amelia. Umiling ako agad, “Nauna na po ako kumain, naka handa na po ang pagkain kumain na po kayo mag palit lang po ako ng damit ko.” Sagot ko. Nakita ko na ang nagtataka nilang tingin sa akin hanggang lumipat ang tingin ko kay Sir Clinton na naka tingin sa hinaharap ko. Oh well, wala kasi akong suot na bra. Yumuko ako at tumalikod na ako sa kanila at nag lakad na lang ako. Nilagay ko pa ang dalawang kamay ko sa bulsa ng suot kong jogger pants. CLINTON MATHEW HOWARD CLEMENZA “Anong height ulit ng babaeng nakita niyong pababa ng rooftop?” Tanong ko sa tauhan ko. Andito na kami ngayon sa mansion ng magulang ko. Nakatingin ako sa bagong chef ko habang ito naman ay ang iihaw ng barbecue. “Nasa 5’9 po boss, may kapayatan at naka itim ito hindi nakita ang mukha dahil madilim pero sigurado kami na babae ito.” Sagot nito. Binaba ko na ang tawag ng hindi nag papa-alam at tiningnan ko si Miss Corpuz, kung tama ako ang height nito ay nasa 5’9 din. Ngunit base sa sinabi ni mommy kanina. Impossible na siya ang babaeng yun, dahil ng dumating ito naka jogger pants na ito dahil mukha daw nag palit ito galing sa bahay nito. At nang dumating ito nagkakagulo pa lang ng mga oras na yun sa area. Hindi rin alam ng tauhan ko ang escape vehicle ang ginamit dahil hindi na makita at madilim sa parte kung saan dito tumalon o bumaba. At ang sinabi ng guard na may napansin ito sa dala ng babaeng ito kagabe, kahawig ng isang silencer. Kailangan ko ma check ang mga gamit ng taong ito. Hindi pa dumadating ang information na kailangan ko na inutos ko kay Steve. “Mag iinspect ako ng mga gamit ng lahat ng tauhan ng pamilya natin para makaiwas sa mga ilegal na armas..” wika ko na kina lingon ng magulang ko. “Mas mainam yan anak para makaiwas tayo sa kahit anong aberya..” pag sang ayon ni Daddy. “Ikaw Miss. Corpuz? May mga gamit ka ba tulad ng fire arm?” Tanong ko dito tumingin ito sa akin. Ang tingin nito masasabi mo na hindi ito natakot o nagulat, “Meron po, iba na ang panahon ngayon kailangan marunong ka ipagtanggol ang sarili mo..” sagot nito. Napa taas naman ang isang kilay ko at nang balingan ko ang magulang ko nagulat ang mga ito sa sinagot nito. Kung siya? Bakit siya aamin ng ganun kabilis? Hindi ko rin alam bakit siya ang unang pumasok sa isip ko ng malaman ko ang maaaring itsura ng babaeng sinasabi ng tao ko. “Kung ganun tamang tama, pupunta kami sa shooting range para makapag libang sumama ka Chef..” wika ni dad na kina lingon ko sa babaeng ito. Nakita ko itong ngumisi pero yumuko ito at binaliktad ang karne. “Sige po.” Magalang nitong sagot. AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARRA Matapos ko mag handa ng pagkain nila naupo lang ako sa gilid habang sila kumakain sa malawak na gazebo ng mansion. Kumakain din naman ako pero mas ginusto ko lumayo sa kanila, simula ng namatay ang magulang ko mas gusto ko kumain ng mag isa. Dahil kapag may kasama ako pakiramdam ko ang lungkot kasi may kasama ka nga pero hindi mo naman pamilya. Pero kapag ang tita ko ang kasabay ko kumain ayos lang sakin kasi si tita pa rin ay pamilya ko, basta si Tita Mynerva masaya ako. Siya na lang kasi meron ako saka mga alaga kong aso at pusa. “Bagay sayo na kumain sa lapag,” napa lingon ako sa gilid ko ng may nag salita. “Mukha kang pulubi, bigyan kaya kita ng pera sana nag lagay ka ng baso..” pang aasar nito. Habang ngumunguya ako kinuha ko yung baso ko na pinag lagyan ko ng juice at ininom ko muna ito lahat. “Sige bigyan mo ako, tamad pa naman ako magtrabaho..” pag sakay ko sa kamalditahan nito. “Alam mo Ma’am Britney? Bayaran mo ako sa bawat panlalait mo sakin, para naman po may pakinabang ang panlalait mo sa mga tao. Isang libo kada lait..”nginitian ko ito na kina galit nito. Wala ng libre ngayon, saka hindi ko lulunukin ang lahat ng lait ng mga tao ng libre aba! “Are you fucking kidding me?!” Nag taas na ng boses ito na kina lingon sa amin ng mga Clemenza. “Pina-babayaran mo sa akin ang mga panlalait at pang iinsulto ko?! You fucking crazy!” Sigaw nito na kina ngiwi ako. “What happening here?” Tanong ni Donya Amelia. “Mom! Pinapabayaran niya sakin ang panlalait ko sa kanya! She’s crazy!” Pag tataas na naman ng boses nito. Tinakpan ko na ang tenga ko at inalog ko pa ang ulo ko, “Parang natanggal lahat ng dumi sa tainga ko sa taas ng boses mo, Ma’am!” Reklamo ko. Narinig ko na may tumawa pero hindi ko alam kung sino sa kanila. “Hija totoo ba ang sinabi ni Britney?” Mahinahon na tanong ni Donya Amelia, tumayo na ako at pinag pagan ang pang upo ko. “Opo, Donya Amelia. Kasi nakaka rami na po siya ng panlalait. Sinabi niya kanina na bagay ako sa ginagawa ko na kulang na lang mag baso na ako para maging pulubi. Kaya ayun nag demand ako ng bawat lait isang libo.” Sagot ko sa kanila na kina nganga nila. “See? She’s crazy!” Pag didiinan ni Ma’am Britney. “Nag demand lang, baliw agad? Hindi ba pwedeng sinakyan ko lang trip mo?” Tanong ko dito. “Tumigil na nga kayo, tama na kayong dalawa! Mag handa na kayo at ikaw Ciarra mag bihis kana aalis na tayo!” Dumagundong ang boses ni Sir Clinton. Napa baling ako dito, did he call me by my first name? “Did you call her on her first name?!” Gulat na tanong ni Ma’am Britney sa fiancée niya. Napa tingin naman ako kay Ma’am Britney na may gulat sa aking mata. “Galing na hulaan po ninyo ang nasa isip ko..” naka ngiti kong wika na kina lingon sa akin ng marahas nito. “Shut up! Can you?!” Mataray na tanong nito. Kaya naman nag takip na ako ng bibig at tinaas ko ang isang kamay ko. Nag lakad na ako papasok sa loob ng mansion para maka pag bihis na ako. Nilagay ko ang pinag kainan ko sa lababo nila dito at uminom ako ng maraming tubig. Matapos nito nag tungo ako sa kwarto ko at naligo ako, init kasi kaya ligo muna ako. MAKALIPAS ANG HALOS KINSE MINUTOS ang plano ko na sumakay sa gilid ng driver nila dahil mas gusto ko doon. Hindi yun nangyari, pakiramdam ko isa na rin nila akong pamilya at hindi ako komportable doon. Napa buntong hininga na lang ako at tumingin ako sa labas, may kalayuan din pala ang pribado nilang shooting area. “Hija, matanong ko lang may pamilya ka pa ba?” Tanong ni Donya Amelia “Ano po yun?” Tanong ko dito nasa pinaka likod ako nila hanggang humarap ito. “May pamilya ka pa ba?” Tanong ulit nito. Nagulat ako sa tanong nito kaya hindi ko alam kung ano isasagot ko, matagal ng panahon na walang nagtatanong tungkol sa magulang ko. “Ah.. next question?” Naka ngiwi kong tanong sa kanila. “Why? Iniwan ka ba o sumama sa ibang mga pamilya? How poor you are..” nakangisi wika ni Ma’am Britney. Sa hindi ko mapigilan na dahil hinawakan ko ang buhok nito at walang pasabi kong hinila na naging dahilan para sumandal ito. “Isa pang marinig ko ang boses mo at idamay ang magulang ko. Isasama kita sa libingan nila!” Banta ko dito at binitawan ko ito. “Manong driver itigil niyo ang sasakyan baba ako, sasakay ako sa ibang sasakyan baka ano magawa ko sa babaeng yan..” malamig kong utos. Wala na akong pakialam kung nagulat silang lahat. “Hija..” narinig kong tawag sa akin ni Donya Amelia. “Itigil mo na ang sasakyan..” narinig kong utos ni Sir Clinton. Tiningnan ko ng masama si Ma’am Britney, umiwas ito ng tingin habang umiiyak ito sa bisig ni Sir Clinton. Nang tumigil ang sasakyan bumaba ako sa likod ng van na dala nila. Pabagsak kong sinara ang pinto at nang tumigil ang isang itim na Mercedes Benz ay sumakay na ako agad. “Chill hija. Hindi mo kilala ang sinaktan mo kanina.” Wika ng driver. Tiningnan ko ito ng masama. “Tingin mo manong may pakialam ako? Kung paalisin nila ako o saktan nila ako tingin mo wala akong laban?” Tanong ko dito na kina guhit ng takot nito sa kanyang mata. Tumingin ako sa labas ng bintana at hindi na ako umimik pa. Hanggang makarating kami pag baba ko naka tingin sila sakin pero nanatili akong walang imik. “Tandaan mo ito pag babayaran mo ang ginawa mong pananakit sakin!” Pag babanta ni Britney. Tinapunan ko ito ng malamig na tingin. “Pakisabi sa uutusan mo paki bilisan, kung pwede ngayon na? Ka bored walang thrill ang buhay..” sagot kong pang hahamon dito. Tumawa ito at nag salita. “Tingin mo may laban ka, isang hampas lupa ka lang na taga luto! Bukod don wala ka ng ibang kaya pa!” Panlalait nito. “Nakaka dalawang libo kana sakin. May utang ka sakin na dalawang libo, kapag hindi mo binayaran yun? Maniningil ako ng mas malaki.” Nginitian ko ito na kina tawa ni Donya Amelia. “What?!” Hindi makapaniwala nitong tanong. “Oo sabi ko kapag nilait mo ako babayaran mo ako ng isang libo. Limot mo na? Inom ka ng memo plus gold!” Sagot ko dito at sumunod na ako sa mga Clemenza. Pumasok kami sa madilim na bahay ay doon ko napansin na puro yero ang dingding nito. Isa isa bumukas ang ilaw hanggang banggain ako ni Britney. “High school bully ka lang?” Tanong ko dito na lalong kina pula ng mukha nito sa galit nito. “Daddy!” Narinig kong tawag nito sa lalaking mabuti ang buhok na panot ang gitna. Napa tingin naman ako pero hindi siya yung lalaki kagabe ah? Siya ba yun? Hindi ko kasi namukhaan. “Isusumbong kita sa lolo ko! Siya yung nang aaway sa akin sinabunutan pa niya ako.” Parang batang sumbong nito. Hindi ko mapigilan hindi matawa kaya bumaling ako sa ibang direksyon at huminga ng malalim. “Anong karapatan mo saktan ang mahal kong apo?! You are nothing but a tr——” hindi nito natapos ang sasabihin niya ng lumingon ako at tiningnan ito ng malamig. “Then, i will ask you the same question. Anong karapatan ng apo mo para bastusin ang magulang ko na matagal ng nakabaon sa lupa?” Tanong ko dito. Napa singhap sila ng hangin sa naging asta ko. “Wala kang karapatan o ang apo mo tapakan ang pamilya ko o ako mismo. Pare pareho lang tayong tao pinagkaiba may ugali lang kayong mala animal na asal.” Sagot ko dito. Nakita ko na ngumiti ang mag asawang Clemenza habang si Sir Clinton ay nanahimik lang na nasa likod ng magulang nito. “Kilala mo ba ang binabangga mo?! Kayang kaya kita durugin hija huwag ka masyadong mayabang..” sagot ng matanda sakin. “Hindi kita kilala at wala akong planong gawin yun.. then huwag niyo din ipag yabang sa akin kung sino kayo. Kayo ang nauna eh, alangan naman maupo ako dito at umiyak habang nakikinig sa inyo?” Tanong ko sa kanila. “Wala na tayong panahon ni kopong-kopong o panahon kung saan ang mga babae walang karapatan mag salita sa mga lalaki. Tandaan mo year 2024 na tayo..” wika ko at nag lakad na ako ng may humarang sa akin at tinutukan ako ng knife sa leeg. “Ano ba tama na yan!” Awat ni Mrs. Clemenza. Tiningnan ko ang lalaki ng malamig, “Magalusan lang ako? Babalikan kita ako tatapos sayo..” bulong ko dito na kina laki ng mata nito. Hindi ito umalis pero kita ko ang pangangatog nito sa takot. Hanggang maramdaman ko ang likido sa leeg ko doon ko napagtanto na sinutan niya ako.. - AUTHOR’S NOTE; Tawang tawa ako doon sa 1k kada lait! Magandang deal yun charot lang. hahaha!AVA OLIVIA LEVESQUE LAST POV * AFTER ONE WEEK * Isang linggo ang lumipas matapos ang nangyaring tapatan namin ng mga Clemenza, Madden at Dimagiba. Nanatili ako sa hospital dahil sa mga natamo kong sugat. Ngayon ang araw na lalabas na ako, nag aayos na ako ng gamit para lumabas na ng hospital. Kung anong nararamdaman ko? Hindi ko alam kung masaya ba ako o hindi, dahil lahat ng nangyari nagawa ko naman ngunit may natitira pa. Pero tama si Boss Flame ang walang kasalanan huwag mo ng idadamay. Idadamay ko lang sila kung nag mamatigas pa sila. Sa ngayon hindi ako pwede gumaya sa mga kalaban ko na walang tinira sa akin. Kung ang Tita Mynerva ko naman ang tatanungin niyo, inilagay ito nila Brent at Barbie sa maayos na libingan. Pero under observation si Britney ng mga Lavistre, inutusan ako ni Boss Flame na matapos ang gulong ito at maka recover ako kailangan ko na sumunod sa Russia upang mag undergo ng training. Babalik ako ng Pilipinas kapag natapos ko ang 6 months training ko para
THIRD PERSON POV “Akala ko hindi kana tutupad sa upasan, Mrs. Dela V——” agad pinutol ni Flame ang pag tawag sa kanya ni Donya Amelia gamit ang apelyido ng asawa. “Miss Lavistre. Hindi ako papayag na tawagin niyo akong Dela Vega mas lalo kung isa akong mafia ngayon. Hindi ko babahiran ang apelyido ng asawa ko at pamilya ng asawa ko..” mahaba at ma-awtoridad na sagot ni Flame. Tinapunan pa nito ng malamig na tingin ang Donya. “O-okay sige..” nauutal na sagot na lang nito. “Tutupad ako marami lang kailangan baguhin sa plano..” sagot ni Flame sa Donya habang naka upo ito. “Danny, itigil mo ang sasakyan. Dalhin mo sila sa Underground,” utos ni Flame “Yes boss..” sagot ng pinagkakatiwalaan nitong driver. Nang itigil na ang sasakyan bumaba na agad si Flame at hinayaan na silang maka alis ng hindi ito nililingon. Inangat nito ang mask na suot nito at nag lakad na ito patungo sa kabilang kalsada. “Siguraduhin niyo na magawa ni Ava ang lahat ng gusto niya bago niyo tapusin silang lahat
THIRD PERSON POV Umupo ang dalaga si Ava loob ng control room ng maliit na resort na ito. Habang may hawak itong 45 caliber, “Pinag tatago po sila tapos pinapanood mo naman sila?” Tanong ng tauhan dalagang si Ava at kaibigan na rin na si Federick Lewis. Nilingon ito ng dalaga bago mag salita. “Mas mainam na ito para hindi sila maka takas, hawak na ba natin ang buong control sa lahat dito?” Tanong ng dalaga dito. “Oo mabuti sinabi ni Boss Flame na dito kayo pupunta, pero paano niya nalaman yun ng hindi man lang nakaka kuha ng information?” Malaking pag tataka ng binata sa kilos ng kanilang bagong amo. “Alam niya, si Donya Amelia ang nagsasabi sa kanila ng kilos ng asawa niya..” sagot ng dalaga na kina singhap ng hangin ng binatang kasama ni Ava. “Kahit ang isa sa mga katulong mga Clemenza ay tauhan din ni Boss Flame, si Ate Tery isa siyang Secret Agent. Pamilyar sayo si Agent Freyah Knoxville? Kasamahan niya ito..” paliwanag at pagtatanong ng dalaga sa kanyang kasama. Ngumisi nam
AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARA “Ikaw ang dahilan bakit nawalan ako ng pamilya!” Wika ng isang lalaki sa speaker. Ngumisi ako at ang salita habang ang retaso na pinunit kong damit at binalot ko sa kamao ko. “Masaya ba? Masarap ba sa pakiramdam o masakit?” Tanong ko dito, Natawa lang ako at umiling. “Masaya bang mawalan ng pamilya? Makitang nasusunog ang asawa mo at anak? Buti nga tinira ko pa mga katulong mo..” pang aasar ko dito at kinagat ko ang dulo ng tela ng damit ko at mahigpit kong tinali ang kamao ko. “Hayop ka! Papatayin kita!” Pag babanta nito. Nilingon ko si Clinton, ito ang huling beses na magiging mabait ako. “Clinton? Alisin mo sila dito dahil papatay ako ng brutal ngayon..” utos ko dito ng hindi ito nililingon. “Sino ka para utusan ang apo ko?!” Tanong ni Don Martino. Tinutukan ko ito ng baril sa mukha. “Sasabihin ko kung anong nararapat niyang gawin, ayoko pa kayo mamatay dito. May oras kayo..” diretso kong sagot at malamig kong sagot dito. “Umpisa na ng hindi
AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARA *FlashBack* “Gusto mo na pumayag ako sa kasal? Paano kung irehistro nila yan? Paano ako?” Tanong ko kay Boss Flame. Umupo ito at humarap sa akin. “Trust the process, Ava hindi naman namin ikaw pababayaan dito. Kahit irehistro nila yan kami ang bahala sa bagay na ‘yun..” sagot ni Boss Flame sa akin. “Ang dahilan lang naman bakit naman ikaw pinipilit na pumayag, dahil kailangan mo ilabas si Donya Amelia at mga katulong doon, lahat sila inosente kung kami pa ang kikilos mamatay silang lahat hindi kami mahilig umatras, alam ko naiintindihan mo ‘yun..” paliwanag ni Boss Thunder. Napa tingin naman ako kay Boss Vlad ng ito naman ang mag salita. “Naiintindihan mo naman siguro diba? Hindi kakayanin ni Agent Shantel ito mag isa lang siya doon. Gumawa ka ng paraan para lumayo sila sa mansion at kikilos kami ng palihim..” pagtatanong at paliwanag ni Boss Vlad sa akin. “Kailangan niyo ba talaga sila ilabas sa mansion? Kaaway ko din sila..” tanong ko sa kanila.
CLINTON MATHEW HOWARD CLEMENZA Hindi mawala sa isip ko ang nangyari dalawang araw na nakaka lipas. Pinilit ko naman kunin si Charles pero hindi talaga ito sa amin binigay kahit anong gawin ko. “Babe, tikman mo ito..” wika ni Britney. Tinapat nito sa labi ko ang cake sa pero tinabig ko ito at tumayo ako. “Walang kasal na magaganap!” Anunsyo ko at nag lakad na ako pero biglang nag salita si Lolo. “Umupo ka at itutuloy natin ang kasal bukas na ito! Minadali na nga ito!” Utos ni Lolo kaya humarap ako at sinugod ito. Kinuha ko ang knife para sa cake at tinapat ko ito sa leeg nito bago ako mag salita. “Ngayon natatandaan ko na ang nangyari hinding hindi na ako susunod pa sa inyo! Tigilan mo ako, pakakasalanan ko kung sino ang gusto kong pakasalan! Desisyon ko yun!” Galit kong sagot dito, nakita ko pa na nanlaki ang mata nito kaya naman sinamantala ko ang pagkakataon na yun at umalis na ako. Ngunit sumunod si Britney sa akin at nag salita. “Bakit sa tingin mo magugustuhan ka ni Ciara sa