Share

TTPCIAM; Chapter 5

Penulis: PeanutandButter
last update Terakhir Diperbarui: 2024-06-01 09:52:44

AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARRA

Lumabas ako ng bahay ni Sir. Clinton dala ko ang jacket ko na kulay royal blue. Saktong pag labas ko nakita ko ang buong pamilya nasa labas.

Hindi pa ako official na ang papakilala sa pamilya pero mas okay na hindi na dahil ayoko maalala nila ako matapos ang kontrata ko.

“Chef? Halika ipapakilala kita sa aking asawa..” tawag sa akin ni Ma’am Amelia. Napa hinga ako ng malalim at binaba ko muna ang dala ko at nag lakad ako ng tahimik.

“Anong damit yan? Parang hindi ka naman babae!?” May halong pandidiri na wika ni Britney.

Binalingan ko ito at nag salita. “Pakialam mo ba? Ikaw ba nagsusuot?” Tanong ko dito na kina singhap nilang lahat.

Yumuko ako at para magbigay ng galang. “Magandang gabi po, Mr. And Mrs. Clemenza..” malumanay kong bati.

“Napaka bastos ng chef na ito, Amir?” Angal ng isang lalaki, mukhang ama ito ni Britney.

Pero wala parin akong pakialam, “My son’s chef is right. Magandang gabi din hija,”nakangiting bati si Sir. Amir.

Imbes na ngumiti ako at tumango lang ako. “Saan ang punta mo pala hija? May dala kang gamit? May ginawa ba ang anak ko at lalayas ka?” Sunod sunod na tanong ni Ma’am Amelia.

Napagawi ako at agad umiling. “Uuwi po muna ako babalik din po ako mamaya o bukas na po bago mag agahan..” magalang kong paalam.

Nakita ko naman na huminga ito ng malalim. Bago pa ito mag salita may nag salita na sa likod ko. “Aalis na ako, kayo na bahala kina Britney pwede din sila dito matulog..” paalam ni Sir Clinton.

Naka itim ito ng suot mula ulo hanggang paa, tinapunan ako ng tingin nito at nag salita ito. “Ayoko na makaka pasok ka sa gulo at pangalan ng pamilya ko ang madadawit..” malamig na banta nito.

Ngumisi ako at nag salita. “Huwag ako ang alalahanin nyo, Sir. Kaya ko lusutan sarili kong problema. Ma’am, Sir. Mauna na po ako.” Paalam ko at yumuko na ako at mabilis akong nag lakad dinampot ko ang bag na dala ko at sumakay na ako sa sasakyan ko.

CLINTON MATHEW HOWARD - CLEMENZA

“Ibang klase ang bagong chef mo anak hindi man lang siya nasindak kay Britney?” Tanong ni mommy, nakita ko na umalis na ang chef ko.

Napa singhap ang magulang ko ng biglang haru-rot ang sasakyan nito, nakita ko pang umapoy ang inilabas na usok ng tambutso ng sasakyan nito.

“Interesting women, gusto ko kumuha ka anak ng information sa babaeng yun. Gusto ko pa siya makilala!” Utos ni dad.

“Tito? Nandito pa ako okay? Ako ang fiancée bakit lahat kayo naka tuon sa babaeng yun? Bago lang yun ah?” Pagtatanong ni Britney.

“Can you please, shut it?” Tanong ko dito at umalis na ako.

“Napaka mo talaga, andun yung tatay oh?” Wika ni Steve ang kaibigan ko, kasama ko ito simula pa high school.

“Wala naman akong pakialam sa existing ng babaeng yan, alam niyo bakit ko yan pinakiki-samahan..” sagot ko at pumasok na ako sa backseat ng sasakyan.

“Bakit pa kasi hindi mo sabihin na hindi siya yung babae na hinahanap mo? Napaka dali lang naman gawin yun?” Tanong sa akin ni Charles.

“Hangga’t hindi ko siya nakikita hindi ako titigil mag hanap. At reserba ko lang si Britney, kahit ikasal kami madali lang siyang idispatsya.” Walang puso kong sagot.

Wala naman akong pakialam sa nararamdaman ng babaeng yun, just for the show only nakikinabang din ang Clemenza sa pamilya ng mga Mddend mas lalo sa ama nito.

“Malapit lang dito ang location ng palitan.” Wika ni Steve.

Tumango ako bago mag salita. “Basta walang mangingialam na kahit sino sa palitan na ito. Kundi mayayari ka sakin Steve.” Pag babanta ko.

“Bakit ako? Inutusan lang ako ng Lolo mo!” Pag palag nito tiningnan ko ito ng masama.

AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARRA

Pagdating ko sa mismong location sinuot ko na ang earpiece ko at bumaba na ako ng sasakyan ko. Pinarada ko ang sasakyan ko sa hindi kalayuan sa mismong fish port.

Naka lagay sa isang eskinita ang sasakyan ko doon ko ito pinarada, nag tungo ako sa likod ng kotse ko at kinuha ko ang sniper ko. Naka assemble na ito kaya wala na akong gagawin kundi umakyat sa gusaling nasa tabi ko.

“Ava? Nasa location kana?” Narinig kong tanong ni Bryant sa akin.

“Kararating ko lang, paakyat na ako ng gusali. Nasa isang daang milya ang layo ko sa mismong fish port..” sagot ko at inuga ko na muna ang bakal na hagdan.

Nang makita ko naman na matibay pa umakyat na ako. “Napakalayo mo! Kaya mo sa ganyan kalayo?” Tanong nito.

“Ngayon ka pa talaga nag duda ha? Oo naman limang daan nga nagagawa ko pumatay ng ganun kalayo? Ito pa kaya?” Hindi Makapaniwala kong tanong dito.

Nang maka-akyat na ako sa taas doon ko malinaw na nakita ang fish port, ngumisi ako at sinet up ko na ang gamit ko.

“Malamang, hindi mo balwarte ang maynila, ni hindi mo nga kabisado dito.” Sagot ni Bryant natawa naman ako dahil totoo yun.

Sanay ako sa probinsya lang o sa ibang bansa at sa hindi kalakihan na bayan. Hindi naman bago sa akin ang maynila, hindi ko lang kabisado.

“Oo nga pala diba may kilala dito na mafia din? Sino sila?” Tanong ko kay Bryant.

“Bakit mo natanong? Sila ang sinasabi na mas delikado pa kay Kazimir yung babae kasi ang boss nila..” sagot nito.

Napa tigil naman ako at nag salita ito ulit. “Napa tigil ka ata? Babae ang boss nila, ewan ko kung kilala ni Kazimir yun, pero kung oo sino kaya mananalo?” Mapag larong tanong nito na kina tawa ko.

“Tingin mo may pakialam yun? Alam mong wala pero kung mag kaharap kami ng sinasabi mo, hindi naman ako papayag na mapahiya tayo..” wika ko at inayos ko ng lense ng sniper ko at tiningnan ko ang mga target.

“Hahaha narinig ko mas walang pakialam yun, but anyway palapit na sila..” wika nito, kaya naman kinargahan ko na ng bala ito at umayos ako ng pag kakaupo. Nakabuka ang dalawang hita ko at ang pole ng pinag patungan ko ng sniper ay nasa pagitan ng naka buka kong hita.

Pinikit ko ang kanan kong mata at kinasa ko ang sniper ko. “Huwag muna, hintayin mo na lumabas si Mr. Yao sa ulo mo patamaan..” narinig kong utos ni Bryant.

“Alam ko, trabaho ko ito Bryant huwag kang maingay! Siguraduhin mo lang na walang makaka kita sakin..” pabulong kong sagot dito.

Nakita ko na tumigil na ang malaking private yacht, “Ang kinatatakutan ko, biglang sumulpot ang mga mafia na yun at sila ang tumapos dyan. Sigurado yan malaking gulo yan..” wika na naman ni Bryant.

“Bakit sila din ba ang gumugulo sa mga ito?” Tanong ko naman dito hanggang bumukas ang isang cargo truck at nakita ko ang pag labas ng mga babae.

“Dalawa lang tayo, paano natin maliligtas ang mga babae?” Tanong naman ni Bryant.

“Tapusin sila yun ang magandang paraan!” Sagot ko at tinutok ko na ang nguso ng baril sa ulo ni Mr. Yao.

“Teka may naka stand by sa malapit kaso isa lang eh..” wika nito, ngunit hindi ko na ito pinakinggan hanggang pakawalan ko na ang isang bala sa ulo ni Yao.

Sunod kong tinutok ito sa kasama nito, sunod naman sa lalaking naka itim na damit. Ngunit ng iputok ko ulit naka iwas na ito hanggang naiwan na ang mga babae.

“Bryant, mag tawag kana ng pulis tama na ito!” Utos ko at pinanood ko silang nag kaka gulo.

“Umalis kana mamaya malaman pa nila saan naka derekta ang asinta!” Utos nito kaya kinuha ko ang gamit ko at mabilis akong tumakbo patungo sa dulo ng rooftop.

Sinampa ko sa balikat ko ang gamit ko at bumaba na ako ng mabilis. “Bryant? Balitaan mo ako tungkol sa mga babae!” Bilin ko dito, nang maka baba ako agad akong pumasok sa sasakyan ko at nilagay ko sa likod ang aking sniper.

“Oo, balitaan kita bilisan mo na!” Pag mamadali nito kaya agad kong pina haru-rot ang sasakyan ko pabalik sa Clemenza.

Nasa high way na ako ng may nakasalubong ako nga police mobile, kaya alam ko na safe na ang mga babae. Pero sino ang naka stand by doon? Nag aabang ba yun?

Yung lalaking naka itim pamilyar pero hindi ko alam saan ko nakita yung damit na yun, tinamaan ko lang ito sa braso pero daplis lang sa mga kasama niyo ganun din para lang mabasag ang atensyon nila.

Bago ako dumeretso sa mga Clemenza inayos ko muna ang baril ko at nag palit na ako ng jogger pant at malaking jacket. Matapos nito dumeretso na ako sa mga Clemenza, mabuti at pinag buksan pa ako ng gate.

Medyo malayo ang bahay ko dito, sumaludo ako sa mga bantay at pumasok na ako. Hanggang makarating ako ng itim na gate.

Pinapasok parin ako doon ko napag tanto na bukas pa pala ang ilaw at may gising pa sa kanila. Nang tingnan ko ang oras sa sasakyan ko, alas nuwebe pa lang ng gabi.

Pinarada ko na ang sasakyan ko at bumaba ako, doon ko din napansin ang pag sunod ng tingin sa akin ng gwardya na nakatayo sa gate.

Pasimple lang akong yumuko at tiningnan ang hawak ko, napag tanto ko na bumabakat pala ang silencer ng sniper ko. Ngunit binaliwala ko yun at pumasok na ako sa loob ng bahay.

“Oh nakuha mo na ba ang kailangan mo?” Napa lingon ako sa nag salita at doon ko nakita si Ma’am Amelia.

Yumuko ako bilang pag galang bago sumagot. “Opo, ito po. Mga naiwan ko po itong de lata na pagkain. Sayang po kasi kung hindi ko dadalhin.” Magalang kong paliwanag dito.

Ngumiti naman ito at nag salita. “Bukas pala, doon ka sa bahay ha? Kasi aalis ang chef namin mag aasikaso ng kasal nila ng kanyang Fiancée kaya hiniram muna kita sa anak ko. Pumayag siya don’t worry.” Naka ngiti nitong wika.

Napa ngiwi naman ako at tumango na lang ako dahil wala naman ako magagawa sila ang nagpapasahod sa akin.

“Don’t worry too, uuwi doon si Clinton kaya naman makaka-kain parin siya ng luto mo.” Muling paliwanag nito.

“Sige po, wala po sakin problema. Mauna na po ako ayusin ko lang po ang dadalhin ko po.” Paalam ko.

“Okay sure, 5 in the morning alis na tayo dahil may kalayuan ang bahay namin..” bilin ni Ma’am Amelia.

Ngumiti ako at nag tungo na ako sa kwarto ko, inayos ko ang gamit ko na ito at tinago ko muna sa ilalim ng kama ko. Bukas ilalagay ko na ito sa sasakyan ko dahil may taguan ako doon.

Hindi agad yun napapansin kapag sapilitan itong binuksan ng kahit sino. Matapos nito nag tungo na ako sa banyo upang maligo, dahil sa init ng panahon ngayon daig may katabi kang apoy sa init.

Umiling na lang ako habang naliligo, matapos nito lumabas na ako at nag bihis ako ng jogger pants at loose t-shirt. Lumabas ako at nag tungo ako sa katabi kong kwarto at kumatok ako.

Hindi nag tagal bumukas din ito. “Hi! Nay may hair blower po ba kayo dito o dryer??” Tanong ko dito habang naka ngiti.

“Yung pang buhok ba? Yung para matuyo?” Tanong nito kaya tumango ako ng sunod sunod habang hindi inaalis ang ngiti ko.

“Ay oo meron dito sa gamit ko, sa dating katulong ito nila hindi na dinala. Ito kunin mo na..” sagot nito ulit at inabot sakin ang hair dryer.

“Salamat nay!” Pasasalamat ko at umalis na ako, nag tungo ako sa kwarto ko at doon ako nag patuyo ng buhok ko.

Dahil wala naman ng gagamit nito, nilagay ko na ito sa gamit ko. Ibabalik ko na lang kapag tapos na ang kontrata ko dito.

Habang naka upo, umilaw ang cellphone ko na nasa harap ko din kaya binasa ko ito.

From Bryant:

Okay na ang lahat. Huwag kana mag aalala.

Basa ko dito, binura ko ang message na yun at ngumisi ako. Sigurado ako na kakalat ito sa buong bansa, at ang mga Chinese ay bubuwelta naman.

Umiling na lang ako at nag desisyon akong matulog na.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • MAFIA SERIES #3 | The Tycoon’s Personal Chef Is A Mafia   FINALE 2; EPILOGUE

    AVA OLIVIA LEVESQUE LAST POV * AFTER ONE WEEK * Isang linggo ang lumipas matapos ang nangyaring tapatan namin ng mga Clemenza, Madden at Dimagiba. Nanatili ako sa hospital dahil sa mga natamo kong sugat. Ngayon ang araw na lalabas na ako, nag aayos na ako ng gamit para lumabas na ng hospital. Kung anong nararamdaman ko? Hindi ko alam kung masaya ba ako o hindi, dahil lahat ng nangyari nagawa ko naman ngunit may natitira pa. Pero tama si Boss Flame ang walang kasalanan huwag mo ng idadamay. Idadamay ko lang sila kung nag mamatigas pa sila. Sa ngayon hindi ako pwede gumaya sa mga kalaban ko na walang tinira sa akin. Kung ang Tita Mynerva ko naman ang tatanungin niyo, inilagay ito nila Brent at Barbie sa maayos na libingan. Pero under observation si Britney ng mga Lavistre, inutusan ako ni Boss Flame na matapos ang gulong ito at maka recover ako kailangan ko na sumunod sa Russia upang mag undergo ng training. Babalik ako ng Pilipinas kapag natapos ko ang 6 months training ko para

  • MAFIA SERIES #3 | The Tycoon’s Personal Chef Is A Mafia   TTPCIAM Chapter 100; FINALE 1

    THIRD PERSON POV “Akala ko hindi kana tutupad sa upasan, Mrs. Dela V——” agad pinutol ni Flame ang pag tawag sa kanya ni Donya Amelia gamit ang apelyido ng asawa. “Miss Lavistre. Hindi ako papayag na tawagin niyo akong Dela Vega mas lalo kung isa akong mafia ngayon. Hindi ko babahiran ang apelyido ng asawa ko at pamilya ng asawa ko..” mahaba at ma-awtoridad na sagot ni Flame. Tinapunan pa nito ng malamig na tingin ang Donya. “O-okay sige..” nauutal na sagot na lang nito. “Tutupad ako marami lang kailangan baguhin sa plano..” sagot ni Flame sa Donya habang naka upo ito. “Danny, itigil mo ang sasakyan. Dalhin mo sila sa Underground,” utos ni Flame “Yes boss..” sagot ng pinagkakatiwalaan nitong driver. Nang itigil na ang sasakyan bumaba na agad si Flame at hinayaan na silang maka alis ng hindi ito nililingon. Inangat nito ang mask na suot nito at nag lakad na ito patungo sa kabilang kalsada. “Siguraduhin niyo na magawa ni Ava ang lahat ng gusto niya bago niyo tapusin silang lahat

  • MAFIA SERIES #3 | The Tycoon’s Personal Chef Is A Mafia   TTPCIAM; Chapter 99

    THIRD PERSON POV Umupo ang dalaga si Ava loob ng control room ng maliit na resort na ito. Habang may hawak itong 45 caliber, “Pinag tatago po sila tapos pinapanood mo naman sila?” Tanong ng tauhan dalagang si Ava at kaibigan na rin na si Federick Lewis. Nilingon ito ng dalaga bago mag salita. “Mas mainam na ito para hindi sila maka takas, hawak na ba natin ang buong control sa lahat dito?” Tanong ng dalaga dito. “Oo mabuti sinabi ni Boss Flame na dito kayo pupunta, pero paano niya nalaman yun ng hindi man lang nakaka kuha ng information?” Malaking pag tataka ng binata sa kilos ng kanilang bagong amo. “Alam niya, si Donya Amelia ang nagsasabi sa kanila ng kilos ng asawa niya..” sagot ng dalaga na kina singhap ng hangin ng binatang kasama ni Ava. “Kahit ang isa sa mga katulong mga Clemenza ay tauhan din ni Boss Flame, si Ate Tery isa siyang Secret Agent. Pamilyar sayo si Agent Freyah Knoxville? Kasamahan niya ito..” paliwanag at pagtatanong ng dalaga sa kanyang kasama. Ngumisi nam

  • MAFIA SERIES #3 | The Tycoon’s Personal Chef Is A Mafia   TTPCIAM; Chapter 98

    AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARA “Ikaw ang dahilan bakit nawalan ako ng pamilya!” Wika ng isang lalaki sa speaker. Ngumisi ako at ang salita habang ang retaso na pinunit kong damit at binalot ko sa kamao ko. “Masaya ba? Masarap ba sa pakiramdam o masakit?” Tanong ko dito, Natawa lang ako at umiling. “Masaya bang mawalan ng pamilya? Makitang nasusunog ang asawa mo at anak? Buti nga tinira ko pa mga katulong mo..” pang aasar ko dito at kinagat ko ang dulo ng tela ng damit ko at mahigpit kong tinali ang kamao ko. “Hayop ka! Papatayin kita!” Pag babanta nito. Nilingon ko si Clinton, ito ang huling beses na magiging mabait ako. “Clinton? Alisin mo sila dito dahil papatay ako ng brutal ngayon..” utos ko dito ng hindi ito nililingon. “Sino ka para utusan ang apo ko?!” Tanong ni Don Martino. Tinutukan ko ito ng baril sa mukha. “Sasabihin ko kung anong nararapat niyang gawin, ayoko pa kayo mamatay dito. May oras kayo..” diretso kong sagot at malamig kong sagot dito. “Umpisa na ng hindi

  • MAFIA SERIES #3 | The Tycoon’s Personal Chef Is A Mafia   TTPCIAM; Chapter 97

    AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARA *FlashBack* “Gusto mo na pumayag ako sa kasal? Paano kung irehistro nila yan? Paano ako?” Tanong ko kay Boss Flame. Umupo ito at humarap sa akin. “Trust the process, Ava hindi naman namin ikaw pababayaan dito. Kahit irehistro nila yan kami ang bahala sa bagay na ‘yun..” sagot ni Boss Flame sa akin. “Ang dahilan lang naman bakit naman ikaw pinipilit na pumayag, dahil kailangan mo ilabas si Donya Amelia at mga katulong doon, lahat sila inosente kung kami pa ang kikilos mamatay silang lahat hindi kami mahilig umatras, alam ko naiintindihan mo ‘yun..” paliwanag ni Boss Thunder. Napa tingin naman ako kay Boss Vlad ng ito naman ang mag salita. “Naiintindihan mo naman siguro diba? Hindi kakayanin ni Agent Shantel ito mag isa lang siya doon. Gumawa ka ng paraan para lumayo sila sa mansion at kikilos kami ng palihim..” pagtatanong at paliwanag ni Boss Vlad sa akin. “Kailangan niyo ba talaga sila ilabas sa mansion? Kaaway ko din sila..” tanong ko sa kanila.

  • MAFIA SERIES #3 | The Tycoon’s Personal Chef Is A Mafia   TTPCIAM; Chapter 96

    CLINTON MATHEW HOWARD CLEMENZA Hindi mawala sa isip ko ang nangyari dalawang araw na nakaka lipas. Pinilit ko naman kunin si Charles pero hindi talaga ito sa amin binigay kahit anong gawin ko. “Babe, tikman mo ito..” wika ni Britney. Tinapat nito sa labi ko ang cake sa pero tinabig ko ito at tumayo ako. “Walang kasal na magaganap!” Anunsyo ko at nag lakad na ako pero biglang nag salita si Lolo. “Umupo ka at itutuloy natin ang kasal bukas na ito! Minadali na nga ito!” Utos ni Lolo kaya humarap ako at sinugod ito. Kinuha ko ang knife para sa cake at tinapat ko ito sa leeg nito bago ako mag salita. “Ngayon natatandaan ko na ang nangyari hinding hindi na ako susunod pa sa inyo! Tigilan mo ako, pakakasalanan ko kung sino ang gusto kong pakasalan! Desisyon ko yun!” Galit kong sagot dito, nakita ko pa na nanlaki ang mata nito kaya naman sinamantala ko ang pagkakataon na yun at umalis na ako. Ngunit sumunod si Britney sa akin at nag salita. “Bakit sa tingin mo magugustuhan ka ni Ciara sa

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status