"SAAN tayo pupunta?" tanong ni Isla kay Vincent nang gabing iyon pagkatapos ng last subject niya.
Isang magadang ngiti ang pumunit sa mga labi ni Vincent. “In a place where there will be no room for fear because it’s just you and me,” ang makahulugan nitong sagot sa kanya at pagkatapos ay binuhay ang engine ng sasakyan.
Walang nakapa na kahit anong pwedeng sabihin si Isla kaya naman mabilis na nilamon ng katahimikan ang loob ng sasakyan.
Si Vincent ang bumasag ng katahimikang iyon.
"Gusto mo bang makinig ng music?" tanong nito sa kanya.
"Oo naman," sagot niya.
Tumango si Vincent saka binuksan ang car stereo kung saan pumailanlang sang isang pamilyar na classic love song.
Mabilis na naramdaman ni Isla ang pagbabago ng atmospere. Kasabay niyon ay ang tila ba mainit na damdamin na humaplos sa kanyang puso.
Masaya siya sa nangyayari ngayon at
“From the same garden of the same house where we both grow up and live. Isn’t it wonderful? I love the idea, you know. And because of the fact that I saw you since you were a baby when your father brought you to that house, I also want to grow old there, with you, of course as my wife,”-VINCENT-
FIRST ROSE"HELLO Miss Beautiful!" nang abutan ni Vincent si Isla sa kusina kung saan abala ang huli sa paghuhugas ng plato. "Hi Sir Vince," iyon ang naging pagtugon sa kanya ng dalaga.Noon kumilos ang binata. Kumuha siya ng baso saka kumuha ng malamig na tubig mula sa refrigerator.“Malapit na ang Valentine’s Day ah. May date kana ba?” tanong niya habang nanatili siyang nakatitig sa magandang mukha ni Isla.Nahihiya siyang sinulyapan ni Isla saka tipid na ngumiti. “Wala, saka hindi ko naman iniisip ang mga ganyan sa ngayon. Wala akong time makipag-date,” sagot nito.Mabilis na umangat ang makakapal na kilay ni Vincent. “Talaga? Ibig sabihin ba nun eh walang nagbibigay ng regalo sa’yo tuwing Valentine’s Day?”“Meron, hindi ko lang tinatanggap kasi baka makita ng tatay ko. Kapag nangyari kasi iyon siguradong mapapagalitan ako,” paliwanag ni Isla sa kanya.Tumango si Vincent sa narinig. “Just in case ba anong klase ng regalo ang hindi mo matatanggihan?”Parang hindi makapaniwalang tum
AFTER TWO YEARSHABANG karga ang dalawang taong gulang na anak ay nakangiting pinanonood ni Vincent ang asawang si Isla. Nang mga sandaling iyon ay abala sa paghahanda ng pagkain ang kanyang asawa sa ilalim ng malaking puno ng akasya. Sa punong iyon naroroon din ang kanilang tree house."Papa, it's really beautiful here,” wika ni Matthew na nang mga sandaling iyon ay tumakbo palapit sa kanya. Hawak nito ang isang bolang kanina pa nito pinaglalaruan.Hindi ito ang unang pagkakataong dinala nila si Matthew sa lugar na ito. Pero palagi ay ganito ang sinasabi ng anak niya.“Talaga? Kung ganoon ay gusto mo rin ba dito? Ikaw Julia, do you like it here too?” tanong niya kay Julia saka nanggigigil na hinalikan sa pisngi ang anak.Sa paglipas ng panahon ay lalong lumalaki ang pagkakahawid ni Isla sa kanilang anak. Kaya naman may mga pagkakataon na tuwing tinitingnan niya si Julia ay nagbabalik sa isipan niya noon unang beses na dalhin ni Artemio si Isla sa kanilang bahay.Bata pa siya noon. Ma
TWO MONTHS LATERIYON na marahil ang pinakamaligayang araw sa buhay ni Isla. Ang maglakad sa aisle ng malaking simbahan habang suot ang isang maganda at kulay puting wedding gown. Kasama niya si Artemio na ngumiti sa kanya nang tingalain niya ito. Habang si Aida naman ay bahayang tinapik lang ang balikat niya. “Hello Miss Beautiful,” ani Vincent na matamis pang nakangiti. Napakagwapo nito sa suot na white three-piece suit. "And you are perfectly handsome," sagot naman ni Isla saka hinagod ng titig na may pagmamahal ang gwapong mukhang ng kanyang kabiyak. "Let's go?" nanatiling nakangiti pa rin si Vincent nang ialok nito sa kanya ang braso nito.Tumango si Isla saka kumapit sa braso ni Vincent at saka nagpatuloy sa paglalakad sa aisle palapit sa altar ng simbahan kung saan naghihintay sa kanila ang isang pari."Happy?" ang ibinulong na tanong sa kanya ni Vincent bago pa man magsimula ang kasal. "Very happy," totoo iyon. And the thought na pati ang menu ng kanilang kasal ay naga
DALAWANG araw matapos ang usapan nilang iyon ni Ruby ay nagulat pa siya nang dumating ang tatay niyang si Artemio at tiyahing si Aida. Hindi rin niya napigilang maging emosyonal kaya mahigpit siyang niyang ni Vincent nang sabihin ni Manuel na sa mansyon na muling maninirahan ang mga ito.“Nagiging iyakin kana yata? Baka makasama iyan kay baby,” tuksong bulong pa ni Vincent sa kanya saka pinahid ng hintuturo nito ang butil ng kanyang mga luha.Napuno ng hindi maipaliwanag na tuwa ang dibdib niya nang sa harapan ng mga magulang nilang pareho ay hinalikan pa nito ang tungki ng kanya ilong.“Baby ka diyan?” kahit ang totoo ay gusto niyang itanong kung paano nito nasabi iyon gayon hindi pa naman niya nasasabi rito ang tungkol sa pagdadalantao niya.Tama buntis siya ng six weeks na sa ikalawang anak nila ni Vincent. Nakumpirma niya iyon sa mismong OB-Gyne na tumingin sa kanya dahil delayed ang menstruation niya ng ilang araw. Bukod pa sa bago iyon ay dumaan siya sa paggamit muna ng pregnanc
MADALING araw na nang hayaan siya ni Vincent na makatulog."Sleep, sweet dreams," anitong hinalikan siya sa noo pagkatapos.Walang kahit anong salitang isiniksik ni Isla ang sarili niya sa asawa na tinugon naman nito ng isang mahigpit na yakap.“Inubos ko ba ang lahat ng lakas mo, sweetheart?” ang narinig niyang tanong nito na kababakasan ng amusement.Agad na pinamulahan si Isla nang makuha niya ang ibig sabihin ni Vincent sa tanong nitong iyon. Kaya naman awtomatiko niya itong bahagyang naitulak palayo sa kanya.“Paano kapag sinabi kong oo?”Lumapad ang pagkakangiti ni Vincent matapos nitong marinig ang sinabi niya. “I’m sorry, hindi ko lang talaga mapigilan,” anitong tumawa pa ng mahina matapos ang huli nitong sinabi saka siya pilyong kinindatan.“Okay lang, sana naman na ako sa’yo,” aniyang hindi napigilan ang mapahagikhik dahil sa isinagot sa kanya ng asawa.“Really? Ano sa tingin mo? Kaya mo pa kaya ng isa pang round bago tayo matulog?” si Vincent nang pumatong ito sa kanya haba
NARINIG nila ni Vincent ang paanan ng kama ng hindi namamalayan. Inihiga siya sa kama ng kanyang asawa habang patuloy pa rin ito sa malalim nitong paghalik sa kanya. Nang hilahin pababa ni Vincent ang suot niyang pajama bottom ay agad na naramdaman ni Isla ang pagsidhi ng pananabik na nararamdaman niya sa kanyang dibdib. Alam niyang hindi iyon ang unang pagkakataon na gagawa sila ng ganito ni Vincent. Subalit tuwing naiisip niya kung gaano kaligaya at kasarap ang alam niyang pwede at napipinto niyang maramdaman anumang sandali mula ngayon ay hindi niya mapigilan ang maghangad sa paraan na tila ba hindi na siya makapaghintay. “Kahit ano pa ang isuot mo walang problema iyon sa akin, sweetheat. Sa totoo lang ay hindi maaapektuhan ng mga telang nakabalot sa katawan ang tindi ng paghahangad na nararamdaman ko para sa iyo,” ani Vincent saka tuluyang hinila paibaba ang naglalabing tabing ng kanyang katawan. Ang pagkislap ng matinding paghanga sa mga mata ni Vincent ang agad na nakita ni I