Home / Romance / MAHAL PA RIN KITA / CHAPTER 3 “HER DEEPEST SECRET”

Share

CHAPTER 3 “HER DEEPEST SECRET”

Author: Jessica Adams
last update Last Updated: 2021-06-01 01:24:21

"Ang swerte mo alam mo ba? At least ikaw nakikita mo siya araw-araw. Siguro hindi mo nararanasan ang ma-miss siya kasi sa isang mansyon lang kaya nakatira," ang kinikilig na winika ni April kinabukasan sa school at oras ng kanilang free time.

Dahil sa scholarship na ipinagkaloob sa kaniya ng Del Carmen Foundation ay nakapag-aaral siya ngayon sa prestihiyosong eskwelahan na iyon sa kanilang bayan. Ang kailangan lamang niyang gawin ay i-maintain ang matataas na grades para maka-graduate sita sa kurso niyang AB-English kung saan nasa ikalawang taon na siya.

"Hindi naman madalas sa bahay si Vincent kasi palagi siyang nasa mga kaibigan niya," sagot ni Isla saka ipinagpatuloy ang pagpa-browse sa librong kinuha niya sa shelf.

Noon napalabing nangalumbaba si April. "Hindi ba ang girlfriend niya ngayon ay yung reigning Miss University natin? Si Tanya. Ang swerte niya kasi napansin siya ni Vincent, tayo kaya, kailan niya makikita?" tanong pa ng best friend niya.

Noon nakagat ni Isla ang pang-ibaba niyang labi saka nagbuntong hininga. Nakita na rin niya ng maraming beses si Tanya at totoo ang sinasabi ni April, napakaganda nito, mayaman at sexy kaya hindi imposibleng mapansin ito ni Vincent.

"Alam mo kung ako ang nasa katayuan mo at ipagluluto ako ni Vincent ng hapunan katulad ng ginawa niya sa'yo, baka ma-in love ako sa kanya. Ikaw ba, hindi ka ba nai-in love sa kanya?"

Hindi naging handa si Isla sa tanong na  iyon kaya naman natagpuan na lamang niya ang kanyang sariling nakatitig kay April sa loob ng ilang sandali. "A-Anong sinabi mo?" iyon lang ang naisatinig niya sa halip.

Naiiling na natawa si April dahil doon. "Tinatanong kita, anong secret mo? Bakit masyado ka yatang immune sa charm ni Vincent kasi hindi ka manlang nai-in love o nagkaka-crush sa kanya?"

Sa tanong na iyon ay parang walang anumang nagkibit ng kanyang mga balikat si Isla. Ang totoo ay kabaligtaran ang sinabing iyon ni April. Matagal na siyang in love kay Vincent pero mas pinipili niyang ilihim na lamang iyon dahil natatakot siyang mahusgahan ng kahit sino sa kalaunan.

"Siguro kasi magkasama na kami simula pagkabata. Lumaki kami ng magkasama at iyon ang dahilan kaya parang nakikita ko siya bilang kuya ko," syempre kasinungalingan iyon, at iyon ang dahilan kung kaya ni hindi niya magawang titigan sa mga mata nito ang kaibigan niya.

Noon nagbuka ng bibig nito si April pero napigil ang anumang gusto nitong sabihin nang makita nito ang paglapit sa kanila ni Renz. Kaklase rin nila ito simula pa noong unang taon nila sa kolehiyo.

"Hi girls, kumain na ba kayo?" tanong ni Renz nang nakangiti.

Magkapanabay silang umiling.

"Hindi pa, sa totoo lang gutom na gutom na ako," pag-amin ni Isla.

Mabait na ngumiti si Renz. "Tara sa canteen, libre ko," alok nito.

"Wow ang bait mo naman Renz, as in sobrang bait!" si April iyon na malapada ang pagkakangiti na parang naka-plaster na,

"Oo nga, ang swerte naman namin kasi naging kaibigan ka namin," totoo iyon sa loob ni Isla.

Sa lola nito nakatira si Renz pero ang permenent address nito ay sa Antipolo City. Paupahang apartment ang pangunahing source of income ng mga magulang ng kaibigan nila kaya masasabi niyang mayroon itong magandang buhay at hindi gipit at nagkukulang sa pera.

Pinalaki ito ng mga lolo at lola nito. Magkakaibigan at magkakaklase silang tatlo pero higit siyang mas malapit kay Renz dahil magkatabi sila ng upuan. In other words, seatmate sila ng binata.

Wala pang masyadong tao sa canteen ang pumasok sila.

Agad na napansin ni Isla ang isang mesa ng mga male students at ang isa sa mga iyon ay si Vincent na nakita niyang nakangiti pang kumaway sa kanya. Tinanguan lang niya ito saka binigyan ang lalaki ng isang simpleng ngiti.

Kahit yata dulo ng pilik mata mo magagawa kong tukuyin. Sana pwedeng sa panaginip nalang ako mabuhay kasi doon pwede kang maging akin and at least nakikita mo ako at napapansin.

Sa isip niya ay iyon ang talagang gusto niyang sabihin saka minabuting magbawi na lamang ng tingin mula sa binata. Pero sa sulok ng kanyang mga mata, nakikita niyang sinusundan siya ng mga titig ni Vincent at iyon ang nagdala ng lihim na kasiyahan sa kaniyang puso.

"Grabe ang gwapo talaga niya!" ang kinikilig pang bulalas ni April na hindi na nagawang itago ang totoong nararamdaman. Noon naman tila nakabalik si Isla sa kasalukuyan.

Isang dulong mesa ang pinili nina Isla at April habang si Renz naman ang pumila para bumili ng kaniyang pagkain. Ilang minuto lang ang nakalipas pagkatapos ay isang pamilyar na mukha ang pumasok sa loob ng canteen. Na-curious siya kaya nagtanong siya kay April na nang mga sandaling iyon ay busy sa hawak nitong cell phone.

"April, tingnan mo, sino iyon lalaking kasama ni Tanya?" tanong niya sa kaibigan.

"So totoo pala ang chika tungkol sa cheating," bulong naman ni April.

"Cheating?" ang naguguluhan niyang tanong.

"Hindi ito maganda, oo nga pala, si Anthony iyan at classmates sila ni Tanya," ang tinutukoy ni April ay ang lalaking kasama ngayon ni Tanya.

Hindi nagtagal dahil nga panaka-naka nalang ang naging pagsulyap niya kay Vincent ay nakita niya ang binata nang galit na tumayo.

Mabilis na kumabog ang dibdib niya nang makitang nilapitan nito si Tanya at wala kahit anong salitang sinuntok ang lalaking ka-holding hands ng babaeng kung tutuusin ay nobya nito.

"Ano bang problema mo Vincent?" tili ni Tanya na inawat si Vincent na umakma pang sisipain si Anthony na nang mga sandaling iyon ay nakahiga na sa tiled floor ng canteen.

Hindi namalayan ni Isla pero huli na nang matagpuan niya ang sarili niyang nakatayo sa tabi ni Vincent habang hawak ang braso nito.

"Tapos na tayo Tanya! Break na tayo!" ang galit na galit na sigaw ni Vincent.

“Fine!” sagot ni Tanya na lumabas na ng canteen kasama si Anthony.

“V-Vince?” si Isla kay Vincent na nang mga sandaling iyon ay namumula ang mukha sa matinding galit.

“What?!” bulyaw ni Vincent sa kanya nang harapin siya nito.

Agad na nakaramdam ng matinding pagkapahiya si Isla nang galit na galit na hinila ni Vincent ang sarili nitong braso na hawak niya. Wala siyang kahit na anong nasabi at sa halip ay nanatiling sinusundan lang ng tingin ang papalayong bulto ng binata palabas ng canteen. Nakabalik lamang siya sa sarili niyang katinuan nang lapitan siya ni Renz saka iginiya pabalik sa kanilang mesa.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • MAHAL PA RIN KITA   CHAPTER 57 "FOREVER AND ETERNITY 2"

    FIRST ROSE"HELLO Miss Beautiful!" nang abutan ni Vincent si Isla sa kusina kung saan abala ang huli sa paghuhugas ng plato. "Hi Sir Vince," iyon ang naging pagtugon sa kanya ng dalaga.Noon kumilos ang binata. Kumuha siya ng baso saka kumuha ng malamig na tubig mula sa refrigerator.“Malapit na ang Valentine’s Day ah. May date kana ba?” tanong niya habang nanatili siyang nakatitig sa magandang mukha ni Isla.Nahihiya siyang sinulyapan ni Isla saka tipid na ngumiti. “Wala, saka hindi ko naman iniisip ang mga ganyan sa ngayon. Wala akong time makipag-date,” sagot nito.Mabilis na umangat ang makakapal na kilay ni Vincent. “Talaga? Ibig sabihin ba nun eh walang nagbibigay ng regalo sa’yo tuwing Valentine’s Day?”“Meron, hindi ko lang tinatanggap kasi baka makita ng tatay ko. Kapag nangyari kasi iyon siguradong mapapagalitan ako,” paliwanag ni Isla sa kanya.Tumango si Vincent sa narinig. “Just in case ba anong klase ng regalo ang hindi mo matatanggihan?”Parang hindi makapaniwalang tum

  • MAHAL PA RIN KITA   CHAPTER 56 "FOREVER AND ETERNITY 1"

    AFTER TWO YEARSHABANG karga ang dalawang taong gulang na anak ay nakangiting pinanonood ni Vincent ang asawang si Isla. Nang mga sandaling iyon ay abala sa paghahanda ng pagkain ang kanyang asawa sa ilalim ng malaking puno ng akasya. Sa punong iyon naroroon din ang kanilang tree house."Papa, it's really beautiful here,” wika ni Matthew na nang mga sandaling iyon ay tumakbo palapit sa kanya. Hawak nito ang isang bolang kanina pa nito pinaglalaruan.Hindi ito ang unang pagkakataong dinala nila si Matthew sa lugar na ito. Pero palagi ay ganito ang sinasabi ng anak niya.“Talaga? Kung ganoon ay gusto mo rin ba dito? Ikaw Julia, do you like it here too?” tanong niya kay Julia saka nanggigigil na hinalikan sa pisngi ang anak.Sa paglipas ng panahon ay lalong lumalaki ang pagkakahawid ni Isla sa kanilang anak. Kaya naman may mga pagkakataon na tuwing tinitingnan niya si Julia ay nagbabalik sa isipan niya noon unang beses na dalhin ni Artemio si Isla sa kanilang bahay.Bata pa siya noon. Ma

  • MAHAL PA RIN KITA   CHAPTER 55 "SECOND BABY"

    TWO MONTHS LATERIYON na marahil ang pinakamaligayang araw sa buhay ni Isla. Ang maglakad sa aisle ng malaking simbahan habang suot ang isang maganda at kulay puting wedding gown. Kasama niya si Artemio na ngumiti sa kanya nang tingalain niya ito. Habang si Aida naman ay bahayang tinapik lang ang balikat niya. “Hello Miss Beautiful,” ani Vincent na matamis pang nakangiti. Napakagwapo nito sa suot na white three-piece suit. "And you are perfectly handsome," sagot naman ni Isla saka hinagod ng titig na may pagmamahal ang gwapong mukhang ng kanyang kabiyak. "Let's go?" nanatiling nakangiti pa rin si Vincent nang ialok nito sa kanya ang braso nito.Tumango si Isla saka kumapit sa braso ni Vincent at saka nagpatuloy sa paglalakad sa aisle palapit sa altar ng simbahan kung saan naghihintay sa kanila ang isang pari."Happy?" ang ibinulong na tanong sa kanya ni Vincent bago pa man magsimula ang kasal. "Very happy," totoo iyon. And the thought na pati ang menu ng kanilang kasal ay naga

  • MAHAL PA RIN KITA   CHAPTER 54 "LOVE IS THE REASON"

    DALAWANG araw matapos ang usapan nilang iyon ni Ruby ay nagulat pa siya nang dumating ang tatay niyang si Artemio at tiyahing si Aida. Hindi rin niya napigilang maging emosyonal kaya mahigpit siyang niyang ni Vincent nang sabihin ni Manuel na sa mansyon na muling maninirahan ang mga ito.“Nagiging iyakin kana yata? Baka makasama iyan kay baby,” tuksong bulong pa ni Vincent sa kanya saka pinahid ng hintuturo nito ang butil ng kanyang mga luha.Napuno ng hindi maipaliwanag na tuwa ang dibdib niya nang sa harapan ng mga magulang nilang pareho ay hinalikan pa nito ang tungki ng kanya ilong.“Baby ka diyan?” kahit ang totoo ay gusto niyang itanong kung paano nito nasabi iyon gayon hindi pa naman niya nasasabi rito ang tungkol sa pagdadalantao niya.Tama buntis siya ng six weeks na sa ikalawang anak nila ni Vincent. Nakumpirma niya iyon sa mismong OB-Gyne na tumingin sa kanya dahil delayed ang menstruation niya ng ilang araw. Bukod pa sa bago iyon ay dumaan siya sa paggamit muna ng pregnanc

  • MAHAL PA RIN KITA   CHAPTER 53 "HER MOTHER-IN-LAW"

    MADALING araw na nang hayaan siya ni Vincent na makatulog."Sleep, sweet dreams," anitong hinalikan siya sa noo pagkatapos.Walang kahit anong salitang isiniksik ni Isla ang sarili niya sa asawa na tinugon naman nito ng isang mahigpit na yakap.“Inubos ko ba ang lahat ng lakas mo, sweetheart?” ang narinig niyang tanong nito na kababakasan ng amusement.Agad na pinamulahan si Isla nang makuha niya ang ibig sabihin ni Vincent sa tanong nitong iyon. Kaya naman awtomatiko niya itong bahagyang naitulak palayo sa kanya.“Paano kapag sinabi kong oo?”Lumapad ang pagkakangiti ni Vincent matapos nitong marinig ang sinabi niya. “I’m sorry, hindi ko lang talaga mapigilan,” anitong tumawa pa ng mahina matapos ang huli nitong sinabi saka siya pilyong kinindatan.“Okay lang, sana naman na ako sa’yo,” aniyang hindi napigilan ang mapahagikhik dahil sa isinagot sa kanya ng asawa.“Really? Ano sa tingin mo? Kaya mo pa kaya ng isa pang round bago tayo matulog?” si Vincent nang pumatong ito sa kanya haba

  • MAHAL PA RIN KITA   CHAPTER 52 "FIRST NIGHT AS A COUPLE"

    NARINIG nila ni Vincent ang paanan ng kama ng hindi namamalayan. Inihiga siya sa kama ng kanyang asawa habang patuloy pa rin ito sa malalim nitong paghalik sa kanya. Nang hilahin pababa ni Vincent ang suot niyang pajama bottom ay agad na naramdaman ni Isla ang pagsidhi ng pananabik na nararamdaman niya sa kanyang dibdib. Alam niyang hindi iyon ang unang pagkakataon na gagawa sila ng ganito ni Vincent. Subalit tuwing naiisip niya kung gaano kaligaya at kasarap ang alam niyang pwede at napipinto niyang maramdaman anumang sandali mula ngayon ay hindi niya mapigilan ang maghangad sa paraan na tila ba hindi na siya makapaghintay. “Kahit ano pa ang isuot mo walang problema iyon sa akin, sweetheat. Sa totoo lang ay hindi maaapektuhan ng mga telang nakabalot sa katawan ang tindi ng paghahangad na nararamdaman ko para sa iyo,” ani Vincent saka tuluyang hinila paibaba ang naglalabing tabing ng kanyang katawan. Ang pagkislap ng matinding paghanga sa mga mata ni Vincent ang agad na nakita ni I

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status