Halos hindi mapuknat ang mga mata ni Kate sa kaibigan na nakahiga. Hindi ito lumilingon sa kanya at naka halukipkip habang nakatutok ang blangkong tingin sa harapan nito. Walang kangiti ngiti ang babae at parang gusto na nyang bumigay at pumayag nalang ngunit alam nyang mali pa rin. Tatalikuran na sana nya ito ng marinig muli ang boses nito.
"Salamat nalang." walang ka emo- emosyong sabi ni Cassandra at nanatiling malayo ang tingin.
Walang imik na lumabas ng silid si Kate. Sa hallway, nasalubong nya ang ina nito.
"Paalis ka na?" tanong ng ginang habang pasalubong at may bitbit na dalawang supot sa mag kabilang kamay
"Opo" maikli nyang tugon sabay tango. "Pakibantayan nyo nalang po ang kaibigan ko at kung maari ay wag pong malingat sa mga mata nyo." mahina nyang sabi na sapat lang upang marinig ng nasa harapang ginang.
Nagtataka man ang ginang ngunit tumango nalang at hindi na nag tanong. Marahil alam na nito ang nais sana nyang ipahiwatig. Sa kalagayan kasi nito ngayon hindi sila sigurado sa iniisip nito.
Mabilis syang naka uwi dahil hindi naman masyadong ma trafic ng mga oras na yon. Naglinis sya ng katawan at kumain lang bahagya dahil wala naman syang gana,bago nahiga. Kaya lang hindi rin sya nakatulog kaya binuksan ang t.v para magpa antok. Kahit anong libang nya sa sarili, paulit ulit pa ring nagre rewind sa utak nya ang sinabi ng kaibigan na gagawin nito muli ang pagtatangka. Hindi na rin nya alam ang gustong isipin ng mga sandaling iyon. Yes, she loved her bestfriend pero hindi naman siguro dapat na umabot sa ganito kung tutulong man sya. She sigh deeply as she want to release some bad vives inside her. She wants to think better on how to convince her friend to be good at herself.
Hindi na nya namalayan pa how long she was awake until she felt her eyelids was heavy and almost want to sleep. She closed her eyes and take a nap while shes on the sofa. Hindi na sya nag abala pang lumipat sa kanyang kama. Pinagkasya na ang sariling katawan na iniunat sa sopa.
Kinaumagahan, masakit pa ang buong katawan ni Kate sa hindi maayos na pag kakahiga at puyat ng mag ring ang phone nya. Pinabayaan lang nya ito upang magsawa ang kung sino mang tumatawag. Ngunit, ng hindi ito huminto at nagpatuloy lang, inis nya itong dinampot at pahimad na sinagot.
"Hello!" sabi nya sabay hikab.
"Kate, please, tulungan mo naman ang kaibigan mo oh, please?" umiiyak na nagmamaka awa ang boses ng ina ni Cassandra sa kabilang linya.
Mabilis syang napaunat ng upo at tumayo habang pabalik balik ng lakad sa harapan ng sopa sa salas. Bigla tuloy nawala ang antok pa sana nya ng marinig ang pag iyak nito. Alam nyang may maling nangyayari.
'Dyos ko, hindi kaya itinuloy na naman nya ang banta nya? Wag naman po sana' piping usal nya. Mabilis rin ang sasal ng tibok ng dibdib nya. Bigla tuloy napigil nya ang kanyang paghinga.
"Bakit po tita? Ano po bang nangyari?" tarantang tanong nya habang sapo ang sariling sintido.
"She's on the rooftop, and she doesn't stop saying that she want to die." nag hihisterya na ang ina nito.
"What? Did she-?" hindi na nya naituloy pa ang ibang sasabihin parang saglit syang natigilan at tila pino proseso pa ng utak nya ang nagyayari sa paligid.
"W- wait me there tita." iyon lang at pinutol na nya ang linya. Agad na hinagilap ang bag nyang dala kagabi na nakapatong sa mesa sa sala. Halos patakbo nyang tinungo ang pintuan ng kanyang silid, walang suklay ng buhok, walang toothbrush, hindi rin sya nakapag palit ng damit at tanging ang suot na pajama at t- shirt lang na bahagya pang gusot gusot dala ng pagkakahiga. Ipinunggos lang nya ang mahabang buhok na hindi na nag abala pang mag suklay, mabilis na lumabas ng bahay at agad ng pumara ng masasakyan. Abot abot ang dasal nyang sana maabutan pa nya ang kaibigan sa kung ano na namang masamang balak nito.
'Ano na naman kayang pumasok sa isip ng babaeng iyon. Lahat na lang ba ng tao sa paligid nya kailangan madamay pa ng ganito. Sa kitid ba naman ng utak , meron ito.' inis nyang bulong. Aaminin nya naiinis sya sa kagagahan nito na para lalaki lang, gusto na agad wakasan ang mundo nya.
'Hoy! Ano ka ba? Kaibigan ka kaya dapat lang naman na concern ka sa kanya. Kahit malayo sya sa tulad mong mag isip, ikaw pa rin ang bestfriend nya kaya dapat lang na tulungan mo sya. Pasalamat ka lang na hindi ikaw ang nasa lugar nya.' kastigo ng kabilang isip nya. Marahas syang napabuga ng hangin habang nasa loob at sakay ng jeep.. Naiinis syang hindi nya mawari kung para saan at para kanino. Hindi tuloy maiwasang maagaw nya ang pansin ng iba sa ginawa. Patay malisyang napa tango at napa ngiti na lang sya sa mga ito sabay senyas ng peace sign. Ni hindi nga nya sigurado kung dahil sa ginawa o sa hitsura nya kaya napatingin ang ibang kasamang pasahero nya. O baka naman may muta pa sya? Pa simple nyang nilinis ang gilid ng mata ni hindi rin sya naka mumog o brush man lang.
Mabilis syang bumaba ng sasakyan ng bumungad sya sa hospital.Nang hustong makapasok sa loob, nagmamadali nyang kinuha sa kanyang dalang bag ang cellphone. At dahil nakayuko habang naglalakad, hindi sinasadyang bumangga sya sa tila pader na katawan ng tao.
Napa angat ang tingin nya sa may ari ng katawang iyon. Mabilis na nahigit nya ang kanyang hininga ng mapag sino ito. Tila kilala nya ang mukha ng lalaki. 'Saan ko na nga ba ito nakita?'
"Oopss! sorry." sabi nya na bahagya pang tumango at nag mamadaling lumayo.
'Ah, alam ko na. Sya yung nag apply ng marriage contract. ' bahagya pa syang natigilan. At mabilis ang mga hakbang na muling nagpatuloy sa paglalakad. Ķailangan nyang makita ang kaibigan. Tinungo nya ang kwarto nito at wala nga ito roon. Tinakbo nya ang elevator at mabilis na tinungo ang rooftop.
Abot- abot ang kaba ng dibdib nya habang papalapit at halos mabingi na sya at tila hirap ng huminga. Pagbukas ng elevator sa rooftop na, agad nyang nakita ang umiiyak at nakaluhod na ina nito habang nakiki usap sa kanyang kaibigan na noo'y nasa gilid na ng building naka akyat at nakatayo.
"B-best?" Gulat na sabi nya. Narinig nya itong umiiyak ng tawagin nya. Hindi rin ito makalingon sa kanya dahil sa konting pagkaka mali lang nito, maari itong mahulog.
"Ha! At nandito ka pa talaga. Wag mo akong matawag tawag na best dahil mukhang wala naman no'n matapos mo akong iwan sa ere." Pagalit na sabi nito.
"Hindi mo naman kailangan gawin yan, kasalanan pa rin yan, halika at bumaba ka, pag uusapan natin ang problema mo."
"Hindi!" matigas na sabi nito, nantili itong naka talikod sa kanila. Napansin nyang may lumapit na ilang security ng hotel upang kumbinsihing mapa baba ang babae. Tila wala na ata ito sa sarili, pigil nya ang hininga habang nakatingin rito.
"Gusto ko ng mamatay." sigaw nya.
"Best, may baby ka di ba? Wag mong gawin yan, bigyan mo ng pag kakataon na mabuhay at lumaki sya."
"Mag kasama na lang kami, tutal kami rin naman ang mag kakampi. Lahat kayo walang paki alam sa amin kaya iwan mo na ako." Napansin nya ang ina nitong walang tigil sa pag iyak. Tila nadudurog ang puso nya at nakokonsensya sya na ang daming buhay na masisira, sakali mang gawin nito ang balak. Una, may anak ito, buhay na wala namang kahit anong kinalaman sa nangyayari sa paligid at sa mga naging pagkaka mali nila. Pangalawa, ang sariling buhay at kapalaran nito na pwede namang magbago pa. Pangatlo, ang ina nito, alam naman nyang kahit rebeldeng anak ito, mahal na mahal ito ng ina nya, patunay lang na patuloy nya itong binabantayan at ina- alagaan kahit pa nga madalas itong galit sa ina at itinataboy. At sya, habang- buhay na dadalhin ng konsensya nya ang anumang mangyari rito, mahal na mahal nya ang kaibigang naging sandalan nya sa maraming beses, kasama sa saya at lungkot ng maraming taon. Nag silbi itong ate at bestfriend nya na noon taga advice sa kanya, pero anong nanyari at naging mahina yata ito ngayon para wakasan kahit ang sariling buhay,? at sa ngayon may kasama pang dagdag na buhay na nagsi simula pa lang sa sinapupunan nito.? Nilamon sya ng konsensya nya, she didn't expect this to happen.
" Subukan nyo lang lumapit, hindi ako mangingiming tumalon rito. Mas mabuti na ito, wala ng magiging problema. Ha!" Tumawa muna ito ng bahagya bago umiyak
"Mag hunos- dili ka anak, mahal na mahal kita. Narito lang si mama kasama mo sa tabi mo, aalagaan kita, kayo ng anak mo." sumasamong sabi ng ina nito. Walang patid ang pag hagulhol nito. Ang mga taong bagong dating lang hindi rin nakalapit agad, may isang nakita sya a tila nag raradyo marahil. Halos pakiramdam nya hihimatayin na sya. Umiikot ang paligid sa kanya, at gulong gulo na ang utak nya.
'Concentrate self, focus!' bulong nya sa sarili and she breath in and out, she did it for how many times to feel relax her nerves and lessen her feeling of nervous. Buo na ang pasya nya, baka sakali magbago ang isip nito sa gagawin nya.
KATE'S POV Napamaang at hindi makapaniwala ang dalaga habang nakatitig sa seryosong mukha ng lalaking kaharap. Kaya narito sila sa gitna ng parang sa ilalim ng tirik na tirik na sikat ng araw, nakuha pa rin nitong magbiro? Natampal niya ang braso nito, "ikaw ha, pupunta ka lang rito para magbiro ng ganyan, pati ang pamilya ko idinamay mo pa." nakalabing tugon rito ng dalaga kahit pa nga panay ang malakas at mabilis na kabog ng kanyang dibdib. Hindi siya naniniwala sa mga pinasasabi nito dahil malamang na nang gu-goodtime na naman ito sa kanya. "Mukha ba naman akong nagbibiro? Bakit ayaw mo ba?" seryosong sagot- tanong nito. "What do you mean na ayaw ko?" naguluhang balik tanong ng dalaga sa binata. "Mukhang Hindi ka kasi naniniwala sa mga sinasabi ko." Tumawa ng pagak ang dalaga, "alam mo, sa susunod mag practice ka na muna kung paano magbiro ng tama. Hindi mo kasi bagay." "Mukha pa ba akong nagbibiro nito?" seryoso pa rin na tanong nito sa
KATE'S POV "Ano naman ang tungkol kay Sandy? Kung ano man ang mga bagay na iyon, wala naman na akong karapatan pa para malaman iyon. Sa inyo naman na dalawa iyon, so, bakit naman ako manghihimasok? Don't worry, walang problema sa akin" Nakangiti na sabi niya at tumayo na rin. "I think kailangan ko na rin siguro na mag ayos ng mga gamit ko. Baka mahuli pa kasi ako sa biyahe ko, eh. Tamang- tama pa naman na may pwedeng biyahe mamayang hapon. Habol pa ako sa oras. Sige! Maiwan na muna kita diyan." aniya at tumalikod na rito. "Sandali lang, Kate!" Habol tawag ng binata. Lumingon si Kate. "May sasabihin ka pa ba?" "Ah, wala! Sige, mag-ayos ka na at ihahatid na lang kita sa station." ani Rainier na biglang natigilan. Tumango si Kate. "Okay!" At bahagyang ngumiti. Habang nag-aayos ng kanyang mga personal na gamit ang dalaga, ay pinilit niya na labanan ang nagbabantang pag patak ng kanyang luha. Kahit hindi man sabihin ng binata sa kanya ang bagay
Marahang napalunok si Kate habang pilit na pinaglalabanan ang mga titig ng binata. Kita sa malamlam nitong mga mata ang kung anong emosyon na hindi niya matiyak. Unti- unti ay bumaba pa ang mukha nito sa kanya, dahilan para mabilis siyang mapa-iwas bago pa man tuluyang lumapat ang mga labi nito sa labi niya. Mariin naman na napa-pikit ang binata. Muntik na naman mawala ang kontrol nito sa sarili. Hindi rin niya alam kung bakit ganito ang epekto sa kanya sa tuwing malalapit siya sa dalaga. Tila ba ayaw na niyang pakawalan pa ito sa tuwing malalapat ang kanyang mga palad sa balat nito. May bumubulong sa kanyang manatili ito sa tabi niya at protektahan anumang oras. "I think we need to sleep." paanas na bulong ng binata sa punong tainga ng dalaga. "Y- yup!" pa-utal na tugon ng dalaga at mabilis na akmang tatayo. Maya- maya ay muling bumaling sa binata. "Ikaw na muna sa silid mo, ako na lamang dito." Umiling ang binata, "go on! I can manage myself here. Get ins
Halos manginig ang buong katawan ni Cassandra, habang namumutla matapos na umalingawngaw ang isang putok ng baril, matapos noon ay nahulog ang hawak nitong baril na hawak sa mga kamay. Walang nakaka-alam kung sino ang nagpaputok, ngunit nagmula iyon sa bahay nina mang Serio. Hindi makapaniwala si Kate sa nangyayari ganun din ang pagkabiglang rumehistro sa mukha ng mga kasama nito. Bakas ang pamumutla at takot sa mukha nito. Mabilis naman na sinamantala ng mga pulis ang pagkakataon at nilapitan agad sina Cassandra at ang mga kasama nito at agad na inaresto. Tulala at hindi nakapagsalita si Cassandra matapos noon. Ganoon rin si Kate na agad na nilapitan ni Rainier at mahigpit na niyakap niya ito. "Are you okay?" tanong ng lalaki kay Kate. "I'm sorry for what's happening today." "What happened? Cass-" "Shh!
Nanlilisik ang mga mata sa galit ni Cassandra habang nakatitig kay Kate. "I really didn't expect from you, na isa ka rin palang ahas na kaibigan. Ang akala ko kakampi kita pero patalikod ka rin pala kung lumaban. Bakit hindi mo ba kaya na harapin ako ng harapan, ha? At may gana ka pang magtago sa anino ng lalaking iyan. Oh pity you! Kahit kailan talaga wala kang sariling paninindigan. Palagi ka na lang naka depende sa iba." Kawawa ka naman pala. Now I realize, kung gaano ka talaga kahinang tao." At tumingin pa ito na tila naawa sa kanya bago naging muling mabangis ang anyo na tumitig sa kanya. "I'm sorry, Cass, pero wala akong alam na ginawang mali sa iyo. Ginawa ko na ang lahat ng gusto mo. Sorry kung hindi man iyon naging sapat para sa iyo. Pero ang sabihin mo na backfighter ako, mukhang nagkakamali ka yata. Dahil kung gusto ko man na maging ganoon sa iyo, sana hindi na umabot pa sa ganito. Pero dahi
KATE'S POV Hindi pa rin makapaniwala ang dalaga habang nakangangang nakatitig sa lalaking buong tibay na nakatayo sa gitna ng mga lalaking naghambalang sa paligid nito. Hindi niya sukat akalain na marunong pala ito pagdating sa mga self deffence. Sino ang mag- aakala na ang isang lalaking mukhang walang buto pagdating sa pakikipaglaban, ay heto at walang kagalos galos na nakatayo sa kanilang harapan. Maging ang mga pulis na nasa paligid nila ay hindi rin inasahan na magiging ganoon ang resulta ng mga ito. Nagawa nitong talunin ang ilang bilang ng tao na nag iisa lang at wala ni isa man sa nasa paligid nito ang nagtangka na tumulong sa binata. Halos mapasinghap ang dalaga sa bawat ginagawa nitong paghataw, ngunit hindi niya inasahan na magwawagi ito. Habang nagkanya kanya ng layo ang mga lalaking tinalo ng binata, ay