Share

CHAPTER TWO - IN THE HOSPITAL

THE next day, Kate got up early and she prepared herself for work. She decided to visit Cassandra first, before going to work. She got home last night after Cassandra's mother arrived.

      Her friend was awake when she

enters the room. Her mother was busy preparing her food too. They both look at her when she arrived. 

      "Good morning." she said and smile to them.

     "Good morning, too." her mother said.

     But Cassandra didn't say any single  word to her. And she look's away ignoring her presence. She hurts a little bit but nothing she could do if she treat her like this. She understand her. She knows that Cassandra was hurt when she didn't give to her what she want her to do. 

      She place the fruits that she bought for her in the table and face to her.

      "How do you feel?" she's still having a smile when she approach her. 

     Nothing response from her.

      She keep silent for a while then sighed. 

     "I'm sorry, Cass.  I don't want us to become like this. You're so cold to me. I know you're not like this before, please forgive me if i didn't give you the help that you want from me." sincere nyang sabi rito.

     Nakita nya ang mabilis na pag ikot ng mga mata nito. Alam niyang inis ito. Nanatili itong walang imik sa kanya. Nagkibit- balikat lang rin ang ina nito sa inasal ng anak sa kanya. Alam naman nyang hindi sya nito matitiis.  May tampo man alam nyang agad din yon mawawala. 

     "Hindi mo na sana ako dinala pa rito." mahinang sabi nito.

     "Wag ka naman ganyan, bess. Hindi pa katapusan ng mundo."

     "P'wes sa 'kin tapos na. Kung kinakailangan ulitin ko ulit gagawin ko." sabi nitong pagalit. Kinilabutan sya sa sinabi nito. "Hindi mo na sana ako dinala pa rito. Pinabayaan mo na lang sana ako na mawalan ng hininga."

     "Anak, ano ba namang sagot yan. Hindi ka dapat umaasta ng ganyan, magka ibigan kayo kaya natural na may malasakit sya sayo." sabat ng nanay nya sa usapan nila.

      "Hindi iyon ang alam kong kaibigan. Minsan lang akong humingi ng pabor sayo, pero hindi mo pa ako mapagbigyan. Sana hinayaan mo nalang akong namatay."

       "Sorry, Cass. Hindi naman kasi ganun kadali ang gusto mo."

       "Talaga lang ayaw mo akong tulungan dahil ayaw mo." medyo mataas na ang boses nito.

      Nakita nyang nabahala ang ina nito at agad napalapit sa anak.

     "Anak, kalma lang, sabi ng doktor hindi ka pwedeng ma stress. Makakasama sa kalagayan at sa baby mo na rin." sabi nitong puno ng pag aalala.

       Nagulantang naman sya sa narinig. Awang ang mga labi sa gusto sanang sabihin ngunit hindi na nai- sa- tinig. Walang sinabi ang doktor kahapon sa kanya. 

      "Kailan pa ho?" gulat nyang tanong sa ina nito.

       "Hmnn.." ismid ng kaibigan nya. Talagang galit pa nga ito sa kanya. "Hindi naman yon importante sayo, di ba? Kaya hindi mo na dapat malaman pa. Ni ayaw mo nga ako tulungan." mapaklang sabi nito.

      "Cassandra!" bulalas ng ina nito.

     "Pasensya na 'ho." hinging paumanhin ni Kate. 

     "Kanina lang nabanggit ng doktor, iha. After so many test they have done. Shes 5 weeks pregnant." paliwanag ng ina nito.

     "Siguro naman sapat na narinig mo, di ba?" sabi ng kaibigan nya.  "Pwede mo na kaming iwan, may trabaho ka pa, di ba?" Nasaktan sya sa lantarang pananaboy sa kanya nito. "Alis na."

      "Babalik ako mamaya." sabi nya at tumalikod rito. Bago pa sya maka labas ng silid narinig nya muli itong nagsalita. 

     "No need." nakaramdam sya ng kurot sa puso sa inasal ng kaibigan nya ng dahil lang sa hindi nya pag payag rito sa hinihingi.

      Bumuntong- hininga muna sya bago hinila pabukas ang pinto at tuluyang lisanin ang silid.

      Hindi pa sya nakakalayo ng tawagin sya ng ina nito. Lumabas pala ito at sumunod sa kanya. Nakangiti itong lumapit sa kanya.

      "Pag pasensyahan mo na ang kaibigan mo, ha? Sana hindi ka magbago sa kanya. Alam ko kahit galit yon hindi ka rin matitiis non. Ngayon lang iyan marahil mainit ang ulo dahil sa kalagayan nya. Alam ko babalik din yan sa dati." mahabang sabi ng ginang.

     "Okey lang po 'yon. Alam ko naman na malaki ang tampo nya sa akin. Hihintayin ko pong mag lubag ang kalooban nya. Saka babalik pa rin po ako rito mamaya pagkatapos ng work ko." at bahagya syang ngumiti sa ginang.

      "Sige. Pero wag kang madadala sa kaibigan mo ha?" nakangiti pa rin ito. At bahagya syang hinawakan sa braso.

      "Naku, hindi ho." at bahagyang tumango rito at nagpa alam. 

     "Mauna na po muna ako."

     "Sya, sige. Mag iingat ka." bilin nito na tinanguan lang nya at nagpatuloy sa paglakad palayo.

    Habang naglalakad hindi nya maiwasang mag isip. Naisip nyang malaki pala talaga ang problema ng kaibigan lalo na't buntis pala ito.

     'Kaawa- awang bata, madadamay ka pa sa problema na hindi mo naman ginusto. Hay!' bulong nya sa hangin. Nakaramdam sya ng malaking awa sa kaibigan, para tuloy gusto nya itong tulungan kaya lang paano naman kung ibang relasyon naman ang masisira?

      Iiling- iling sya habang naglalakad. Hindi tuloy sya nakapag konsentrate sa kanyang trabaho, mabuti na nga lamang at hindi masyadong busy ang araw na iyon para sa kanila.

     Saglit nyang isinandal ang likod sa pagkaka upo at ini unat ang mga braso para tanggalin ang pangangawit nito.

       Maya maya pa ay dinampot ang cellphone at idinayal ang number ng ina na nasa probinsya. Agad namang may sumagot na tinig.

      "Hello!"

     "Hello, po, 'nay." sabi nya rito.

       "Oh, anak, ikaw pala. Napatawag ka ata."

       "Wala lang po, na miss ko po kasi kayo bigla ai."

       "Hus! Batang 'to hindi mo naman kami dapat intindihin rito. Ayus lang kami rito. Ikaw ang lagi mag iingat dyan."

       "Alam ko naman po iyon. At iyon ang lagi ko po ginagawa. Ang itay ho?"

       "Naku wala sigurado nasa tubigan na naman iyon. Baka bumisita sa mga punlang palay kung pwede ng ilipat- tanim. Magtatag ulan na rin kasi."

     "Ah, si kuya po nasaan?"

       "Ayun, kasama na naman siguro ng itay mo."

      "Ano ho' bang ginagawa nyo ngayon?"

        "Nililinis ko itong isda na gagawin kong daing. Marami kasing binigay si maring at sobra sobra naman kung uulamin lahat ngayon kaya naisipan kong daingin nalang."

      "Hmnn. Na miss ko yan, nay ah." natatakam na sabi nya.

      "Oo nga, naalala ko, paborito mo ito saka yong bagoong." at sinabayan pa nito ng pagtawa ang sinabi.

       "Ang inay pina alala pa talaga." at natawa rin sya.

      "Totoo naman eh. Parang nakikita pa kitang sarap na sarap kumain habang nagsa sawsaw ng nilagang dahon ng kamote sa bagoong na may pinigang kalamansi." at saka sabay silang natawa na mag ina.

      "Kailan ka ba ulit magba bakasyon rito, anak, ha.?"

     "Kapag hindi po masyadong maraming trabaho. O baka po sa holiday."

      "Naku mabuti naman kung gan'on. Miss ka na rin ng mga pamangkin mo."

     "Miss ko na rin po kayo. Konting panahon pa po, uuwi rin ako."

    "Ay, sya sige. Tatapusin ko muna ito ng hindi masira, sayang naman." pamama alam nito sa kanya. 

      "Sige, ho, bye." at ibinaba na nya ang phone.  Napabuntong- hininga sya bago muling bumalik sa trabaho.

Busy sya sa ginagawa at nakayuko ng lumapit sa kanya ang kasamahan at may inabot sa kanyang papel. 

     "Miss Del Fiero, paki assist mo nga muna ito." sabi ng kasama.

     "Ano ba iyan?"

       "Marriage applications."

       "Sige," sabi nya sabay abot sa papel na hawak nito. Natuon ang pansin nya sa dalawang taong kasunod nito sa likuran.

      "Sa kanila 'yan." sabi ng kasama sabay turo sa dalawa.

      "Ah, sige. Just wait for a moment, please." sabi nya sa dalawa. "You may take a seat ma'am, sir, while you're waiting." at iminostra nya ang upuang nasa harapan ng mga ito. 

      'Sila marahil ang ikakasal.' bulong nya sa sarili.

      Hindi nya naiwasang pagmasdan saglit ang dalawa. Matangkad at gwapo ang lalaki. Hindi kayumanggi at hindi rin naman kaputian ang kulay ng lalaki. Katamtaman lang, at makakapal ang kilay. Ang mga mata parang magnet kung makatingin na akala mo hinihila ka sa ibang mundo. Matangos ang ilong nito at grabeh, ang ganda ng hubog ng masel  sa mga braso na medyo bumakat sa may kasikipang polo nito. at ang mga abs mukhang malaman. Ang kasama naman nitong babae maputi at maganda rin. Matangos ang ilong at mahaba ang kulay blonde nitong bahagyang kulot na buhok. May taas itong hanggang dibdib ng lalaking kasama. Nasa hitsura ng mga ito ang pagiging mayaman.

     'Sila siguro ang magpapakasal.' bulong nya sa sarili at hindi nya naiwasang lihim na mainggit sa babaeng kasama nito. 'Ang swerte naman nya. Gwapo na at mukha pang gentleman ang mapapangasawa.'

     "Ah, okey." sabi ng swabeng boses ng lalaki. Hindi nya naiwasang lihim na kiligin sa swabeng boses na iyon.

        "Come, take a seat, hon." sweet and very manly tone. Marahan nya pang iginiya ang kasamang babae para maupo.

       "Thanks" sabi nito at matamis na gumanti ng ngiti sa lalaki.

      'Wow, ang sweet naman ng dalawa.' Ang sarap siguro pag kagaya nya ang maka partner mo.'  naibulong nya sa sarili . Naupo ang mga ito na magka hawak pa ang mga kamay.

    Mabilis nyang nai- iwas ang tingin ng mapansin nyang tumingin sa kanya ang lalaki. Mabilis na hinagip ng mata nya ang papel na inabot nya kanina. 

      'Nakakahiya pag nahuli ka, ikakasal na yan, pinagpapantasyahan mo pa.' bulong sa sarili. 

     'Umayos ka nga at trabaho ang intindihin mo. hindi yang buhay ng iba ang pinag papantasyahan.'

Mabilis nyang pinasadahan ng tingin ang hawak na papel. Nabasa ang pangalan na nakalagay rito. Ang  pangalan ng lalaki ang agad nyang napansin.

      'Rainier Marco.' 

     Mabilis nyang inayos ang dapat ayusin. Ilang minuto pa at ini abot na nya sa dalawa ang papel. 

     "Will you please check  first all the information stated here, sir, ma'am? Before I make it final." sabi nya sabay abot ng papel sa mga ito.

 Kinuha ng  mga ito ang papel at tiningnan saglit bago muling ibinalik sa kanya.

     "That's all correct. " sabi ng lalaki.

       Mabilis nyang inabot ito at muling inayos bago muling ibinigay sa dalawa. 

      "Will you please sign this, sir, ma'am?" muli nyang sabi sa dalawa na agad namang kinuha at pinirmahan.

      "That's okey sir, paki check nalang po sa registrar." magalang nyang sabi at lumabas na ang mga ito. Naiwan syang nakatulala at nakasunod ng tingin sa dalawang lumabas. Lumabas sya at nagtungo sa canteen upang kumain. Nagugutom na rin naman sya. Kanina pa kumakalam ang sikmura nya.

     "Sa canteen ka ba?" si Roger. Isa sa mga empleyado ng munisipyo

      "Oo." maikli nyang tugon.

     "Sabay na tayo. Duon rin ang tungo ko." 

      Sabay silang nagtungo sa canteen  at nag hanap ng bakanteng pwesto. Saka umorder ng pagkain

     "Kumusta ang trabaho?" tanong ni Roger habang hinihintay ang pagkain nila.

      "Ayos naman.  Hindi masyado busy ngayong araw. Kahit pano hindi nakaka pressure. " at bahagya pang natawa.

      "Balita ko may outing ang lahat ng employado next week at out of town yun. Kasama ang kanya kanyang family.  Sasama ka ba?"

     "Naku, hindi na. Siguro uuwi nalang din muna ako sa amin, na mimiss ko na rin sa amin eh." sabi nya at inabot ang in order na pagkain.

      " Sayang naman yon. Bibihira lang magkaroon ng ganoong mga pag kakataon. Hindi natin alam kung kelan ulit."

    "Ayos lang iyon. May ibang pag kaka taon pa rin naman. Hindi rin naman nauubos ang panahon." maikli nyang sagot at sinimulang kumain. Gutom na talaga sya.

     "Sabagay." at nag kibit balikat na lang ito at nag simula na ring kumain. Ilang saglit pa ang lumipas at natapos sila. Muling bumalik sa trabaho at ipinag patuloy ang oras.

Bandang hapon ng lumabas si Kate , dumaan muna sya sa grocery at bumili ng ilang prutas at pagkain na dadalhin nya sa kaibigan bago nag tungo ng hospital. Kahit pa galit ito sa kanya hindi pa rin sya mag sasawang dalawin at suyuin muli ang kaibigan.

      "Di ba sabi ko wag ka ng bumalik." matabang na bungad ng kaibigan sa kanya. Nakasimangot ito.  Hindi sya umimik at ipinag patuloy lang ang paglapit rito. Marahan nyang inilapag ang mga dala sa maliit na mesang naroon.

     "Hindi ka na sana nag abala pa para bumili ng mga iyan." dagdag na sabi nito.

     "Kailangan mo iyan para madali kang lumakas at ng makalabas ka na rin dito." 

      "Hindi na nga kailangan. Ano pang silbi lahat nyan kung sira na rin lahat sa buhay ko?"

     "Wag ka mawalan ng pag asa, bess. Hindi pa naman katapusan ng mundo ano."

    "A basta. Ayaw ko na. Saka ayaw mo rin naman akong tulungan di ba?" at matalim ang mga matang tumingin ito sa kanya. Hindi naman sya napaimik rito.

    "Hindi na rin naman ako importante sayo di ba? Kung gustuhin ko pa bang magpa tuloy tutulungan mo na ba ako?"

      "Pwede naman sigurong pag usapan yan sa ibang panahon di ba?"

      "Gusto kong marinig ngayon sayo." 

     "Mahirap mangako."

      "So, ayaw mo pa rin. Sana na lang hindi mo na nga ako dinala rito. Sana ngayon wala na akong mararamdamang sakit."

        "Magpa- salamat ka pa rin na nabubuhay ka pa rin. Kagaya nalang nyan na may bagong blessing sayo, yang baby mo. Mas dapat mong ingatan ngayon ang sarili mo." giit pa rin nya.

       "Hindi! Ayoko sa batang ito kung hindi rin naman magiging kami ng ama nya." may diing sabi nito. Nabahala sya sa sinabi nito. 

      "Please lang, Cass. Sana naman wala ka ng ibang pinaplano nyang lagay na yan." may himig paki usap na sabi nya.

      "Akong may katawan, kaya ako ang may mas karapatan kung ano ang gagawin ko sa kanya at sa buhay ko."

      "Please, Cass. Alagaan mo ang sarili nyong dalawa alang alang na lang dyan sa baby mo. Alam mo namang bestfriend tayo di ba, maari naman akong tumulong sa ibang paraan, hindi sa paraang gusto mo. Ayaw ko namang manira ng buhay ng iba?"

     "So, sinasabi mo ba na okey lang kahit ang buhay ko naman ang masira wag lang ang sa kanila?" may nahimig syang pang uuyam sa sinabi nito. At nasasaktan sya sa bawat salitang lumalabas sa bibig nito. Malayo sa malambing na kaibigang kilala nya.

    "You may leave now. Parating na rin naman si mommy. " 

     "Sige, iiwanan kita pero babalik at babalik pa rin ako rito. Ikaw pa rin ang bestfriend ko." pilit nyang pinipigil ang luhang gusto ng tumulo sa mga mata nya. Ayaw nyang ipakita ritong nasasaktan sya sa trato nito ngayon sa kanya.

     "Mababalik lang tayo sa dati kung papayag ka ng tulungan ako, anyway, para rin naman iyon sa magiging anak ko, di ba? Pag handa ka ng tulungan ako, pangako magbabago ako para sa magiging anak ko." diretso itong nakatingin sa kanyang mga mata habang sinasabi ang mga bagay na iyon.

     Para syang itinulos sa kinatatayuan nya sa mga sinabi nito. Malinaw ang kondisyon nitong ibabalik sa dati ang samahan nila kung papayag lang syang tulungan ito. At mas lalo pa syang kinabahan ng marinig ang sumunod na sinabi nito.

      "Kung hindi mo pa rin ako tutulungan, sisiguraduhin kong hindi mo na ako makikita kasama ang anak ko at magiging malamig na bangkay nalang kaming dalawa." 

      Sobrang kinilabutan sya sa sinabi nito at hindi sya makapaniwalang nasasabi nito ang lahat ng iyon ngayon na para bang wala lang, at okey lang. Alam nya malaki ang posibilidad na ulitin muli nito ang ginawa nitong pagtatangka sa sarili. At para syang nabuhusan ng malamig na tubig na hindi na nakagalaw sa kinatatayuan. Tiningnan nya lang ito at seryoso ito sa mga sinabi.

      

     

Comments (1)
goodnovel comment avatar
mercuryfreddi18
ang childish nmn wsla nmn mawa²la sa akin bhala xa sirain nya buhay nya bobo..
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status