Share

CHAPTER 3

"This is your fault!" Sigaw sa kanya ni Tirso habang nakabantay sila salabas ng private room at hinihintay ang paglabas ng Doctor.

"Tirso! "Pag aawat ni Mr DeMarco. "Stop blaming her this is not her fault."

"Sorry po sir!" Hinging paumanhin niya sa Matandang lalaki habang umiiyak.

"Hushh ihja wala kang kasalanan okay? And stop calling me sir, just call me Tito Solomon or Tito Mon."

"Opo." Tugon niya habang pinipilit na patahanin ang sarili.

Bumukas ang kuwarto kung saan ang ginang at lumabas ang Doctor doon na Agad naman Sinalubong ni Mr DeMarco.

"Maayos na siya kailangan niya lang mag pahinga para makabawi ng lakas and please don't stress her again." The Doctor said bago ito nagpaalam na umalis.

"Go Home you are not needed here." Magaspang na sabi sa kanya ni Tirso bago ito pumasok sa loob.

"Pasensyahan mo na ang anak ko ihja." Hinging paumanhin ng Matandang lalaki.

"Wala po iyon sir- I mean Tito naintindihan ko po kasalanan ko rin naman po." 

Umiling naman ito. "No ihja don't blame your self wala kang kasalanan dito mahina lang talaga ang puso ng asawa ko simula pa noon, Oh siya umuwi ka na muna para makapag pahinga."

Tumango na lang siya saka nag paalam kay mr DeMarco at umuwi na siya sa kanyang apartment.

KINABUKASAN ay maaga siyang pumasok sa trabaho at naka salubong pa niya sina Tina at Mara pero ngiti lang ang tinugon niya sa mga ito ng batiin siya ng dalawa saka siya tuloy tuloy na pumasok sa elevator paakyat sa opisina.

Nababagabag parin siya sa nangyari lalo na noong umiyak ang Ginang ng malaman nitong wala na ang kanyang Ina.

She checked her phone dahil nag babakasakali siya na baka may text na sa kanya ang Tita Leny niya dahil Kahapon pa niya ito kinokontak pero out of coverage area ito, tinawagan din niya si Bellenda upang alamin kung bakit hindi makontak ang Mommy nito ngunit ang sabi nito ay wala daw signal sa lugar na pinuntahan ng Mommy nito dahil kasama ito sa mga teachers na sumama sa field trip ng mga studyante.

Dalawang araw na simula noong ensedente sa hospital pero hanggang ngayon ay hindi parin nakakabalik ang boss niya, minsan gusto niyang makibalita tungkol sa kalagayan ng Ginang pero hindi niya magawa lalo na't hindi niya alam kung saan ito nakatira.

There is a lot of questions in her mind isa na doon kung bakit kilala nito ang kanyang Ina at kung kilala rin ba nito Kung sino ang kanyang Ama

Ngunit hindi niya alam kung papaano at saan siya mag sisimula lalo na't sa kalagayan ng Ginang baka mapahamak pa ito ng dahil sa kanyan.

Iniwaksi niya ang mga katanungan sa kanyang isip at nag focus na lang sa kanyang trabaho ngunit hindi parin niya maiwasan na mag Alala sa nangyayari lalo na't hindi parin bumabalik ang boss niya at tambak na rin ang trabaho nito.

Pag sapit ng alasingko ng hapon ay inayos na niya ang mga gamit upang umuwi, kailangan din niyang dumaan sa grocery store dahil ubos na ang food stock niya.

Nang makarating siya sa grocery store ay agad siyang kumuha ng chart at una siyang nag tungo sa meat section. habang namimili siya ng meat ay may hindi sinasadyang naka bangga sa kanya kaya nalaglag ang hawak niyang karne ng Baka.

"Sorry." Boses ng babae.

Pinulot niya iyon bago binalingan ang taong naka bangga sa kanya at halos mapa tanga siya ng makita ang mukha nito.

"Sorry po ate." Naka ngiwing sabi nito.

Medyo Napataas ang kilay niya dahil sa tinawag nito sa kanya na ate, Well mas mukha naman talaga itong mas bata kaysa sa kanya at mas matangkad din siya dito pero ang hindi siya sigurado kung ilang taon ito.

"Sorry po talaga." Natataranta nitong paumanhin. 

"Its okay don't worry." Saka niya ito tipid na nginitian habang hinahalukay sa kaibuturan ng kanyang isip kung saan niya ba nakita ang babaeng ito it's really look familiar.

"Uhm..I'm Hessa." Saka ito kumapit sa braso niya at Ngiting ngiti. "Ikaw po Ate ano pangalan niyo?"

Panandalian siyang natigilan dahil sa ginawa nito habang ang nasa isip niya ay ang weirdo ng babaeng ito at kakaiba rin mag pakilala, feeling close.

"Jamella." Pakilala niya sa sarili.

"Wow! bagay sa inyo ang pangalan niyo ate it suits you, Ah..Can I call you Ate? Because I always wished I had a sister." Naka nguso nitong sabi.

Bahagya siyang natawa dahil sa inasal nito ang cute niya gusto niya tuloy panggigilan ang maganda nitong mukha.

"Ilang taon kana ba?"

"Twenty three na po, Ikaw?"

"Twenty five." Sagot niya.

"Wow sakto!" Tili nito saka siya niyakap ng Mahigpit na ikinatawa niya.

'Makulit karin eh no?" Natatawang sabi niya.

"Makulit lang ako sa taong gusto ko pero kapag hindi ko gusto ang isang tao talagang masama ugali ko." Saka siya nito sinabayan sa pag lalakad ng matapos niyang kunin ang mga kailangan niya sa meat section.

"Only child ka ba?" Tanong niya.

"Yes and No." Malungkot nitong tugon na ikinapagtaka niya.

"Ano?"  

"I have a sibling but she's lost."

Nanlaki ang mata niya."You have a sister?" 

Tumango naman ito bilang tugon.

She felt sad. "Sana mahanap niyo na siya."

"Sana nga, nakakaawa na kasi si Daddy sa pag hahanap sa kanya eh."

Tumango siya saka niya ito inaya papunta sa cashier ng matapos silang mamili.

"Ate san ka nakatira?" Tanong nito ng nasa labas na sila ng grocery.

"Malapit lang dito. Ikaw?"

"G. Condominium."

"Wow!" Tanging na usal lamang niya.

"Kung gusto mo ate pwede kang pumunta doon oh di kaya sama ka na lang sa akin ngayon ipakilala kita kay Dad."

Umiling siya bago ito nginitian. "Sorry Hessa, siguro next time na lang."

Napanguso naman ito at tipid na ngumiti.

"Sorry talaga pero sige next time labas tayo okay?  libre ko ang food natin pero huwag sa mamahalin na restaurant ah? Hindi kasi ako mayaman eh."

Lumiwanag naman ang mukha nito saka siya dinamba ng yakap. "Opo ate asahan ko yan ah promise?"

"Promise."

"Thank you ate love you." Sabi nito na tila normal lang pero iba ang naging dating nito sa kanya na tila kay tagal na niya itong gustong marinig na hindi niya maintindihan napakabilis ng tibok na puso niya na parang gustong sumabog.

Humugot siya ng hininga habang nanginginig saka tinanguan ito bago nginitian ayaw niyang magsalitan dahil pakiramdam niya ay maiiyak siya.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Charmz1394
baka nmn ninakaw lang sya nong kinilala niang ina di kaya
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status