Share

CHAPTER 4

LUMIPAS ang mga araw at ang dalawang araw ay umabot na ng isang linggo hanggang sa mga sumunod pa na mga araw at ngayon ay ito na ang ika dalawang linggo na paghihintay niya sa kanyang boss at hanggang ngayon ay hindi parin ito pumapasok at nag papakita ni tawag or email ay wala siyang natatanggap mula dito.

"Ayos lang kaya siya?" usal niya habang nakatitig sa larawan ni Tirso na nakuha pa niya sa G****e.

Tinignan niya ang oras at Pasado alas syete na ng gabi dahil nag over time siya ng tatlong oras para matapos ang trabaho niya at bukas ay kunti na lang.

Marahas siyang bumuga ng hangin bago sinimulang ayusin ang mga importanting mga papeles na dapat permahan ng boss niya saka siya nag tungo sa opisina nito upang ilagay sa lamesa ang mga files 

Habang inaayos niya ang mga ito sa ibabaw ng mesa ay pilit iniiwasan ng mata niya ang photo frame na nasa tabi ng plate name ni Tirso.

Araw araw ay ganun ang eksena dahil ayaw niyang masaktan at mag selos sa picture ng mag fiance ngunit sa pagkakataon iyon ay hindi sinasadyang mapasaran ng mata niya ang space kung saan ito nakapatong at halos manlamig ang buong katawan niya ng makitang wala na ito doon kaya hinanap niya ito at halos halughugin na niya ang buong opisina ng binata.

"Nasan na 'yon?"  Nag tataka niyang usal dahil impossibling mawawala ito sa mesa ng boss niya at alam niyang walang ibang taong nakaka pasok dito maliban sa kanya at ng cleaners.

Mabilis niyang tinawagan ang cleaner ng opisina ng boss nila dahil tiyak na mag wawala ito kung sakali na malaman nitong nawawala ang picture ng fiance nito.

"Manong Jose si Jamella po ito." Pakilala niya sa sarili.

"Oh ihja may kailangan kaba?" Tanong ng matandang lalake. "Tika Bakit nandyan kapa sa kompanya at hindi pa umuuwi? Huwag mong sabihin na nag over time ka na naman dahil sa pag hihintay sa boss natin? Pambihira naman umuwi kana."

Bahagya siyang natawa dahil sa tinuran ng matanda, Oo nga at magkaiba ang kanilang trabaho ng matanda at ito'y tagalinis lamang pero ni minsan ay hindi niya ito hinusgahan ang pagkatao at nilait bagkos naging close pa sila nito dahil sa pagiging palabero ng matanda at masiyahin nitong ugali.

"Si Manong Jose talaga napaka judgemental."

"Ako pa lokohin mong bata ka, oh siya napatawag ka?"

"Eh kasi manong nawawala yong photo frame nila sir at ng fiance niya, nakita niyo po ba?" Labas sa ilong niyang tanong dahil kung siya ang masusunod baka sunugin pa niya iyon. 

"Paanong nawala eh nandyan naman iyon kahapon noong nag Linis ako." Takang sagot nito.

Akmang mag sasalita siya ng makarinig siya ng malakas na kalabog mula sa kuwarto ng boss nila na karugtong lang din ng opisina nito.

"Ano yan ihja?" Takang tanong ulit ni Manong Jose na mukhang narinig din nito ang kalabog.

"Mukhang may tao yata sa kuwarto ni Sir manong." Saka siya dahan dahang nag lakad patungo sa kuwartong iyon ngunit agad din siyang natigil sa pag lalakad ng sunod sunod na kalabog at sigaw ang nangyayari sa loob na tila galit at nag wawala.

"Manong ibaba ko na po itong tawag." Saka niya pinatay ang cellphone at hindi na hinintay ang sagot ng matanda.

Mahigpit niyang hinawakan ang cellphone at dahan dahan siyang lumapit sa pinto at ng nasa tapat na siya ay gustong gusto niyang katokin ang pinto pero nag aalanganin siya dahil sa takot sa taong iyon.

"Sir!" Mahinang usal niya na tila bumubulong lang sa hanging.

Dahan dahan niyang hinawakan ang siradora ng pinto at bago pa niya mapihit ang pinto ay malakas na bumukas ito na dahilan ng nahila siya papasok sa loob at tumama ang kanyang mukha.

"Shit!" Mahinang mura niya ngunit agad din siyang napa hakbang paatras ng maamoy niya ang familiar na pabango. "S-sir."

"What are you doing here?" Mapanganib nitong tanong.

Napayuko siya ng makita ang galit sa mukha ng kanyang amo habang walang kasing talim ang tingin na ipinukol nito sa kanya.

"Ah...nag over time po ako S-sir." Kinakabahan niyang Paliwanag ngunit nahagip ng mata niya ang isang bagay na kanina lang ay hinahanap niya.

"Kahapon pa siya nandito?" Wika ng kabilang bahagi ng kanyang isip habang titig na titig siya sa photo frame na iyon ngunit ang ipinag tataka niya ay kung bakit durog na iyon. "Di kaya--" wala sa sariling usal niya.

"Out!"  Malamig nitong sabi.

Tumalima naman siya ngunit nakatatlong hakbang pa lang siya ng makarinig siya ng malakas na Bumagsak kaya agad siyang Napalingon dito.

Napasinghap siya ng makitang nasa sahig na ang boss niya at duguan.

"Sir?!" Saka siya mabilis na lumapit dito at dinaluhan. "Sir.!" Na iiyak niyang tawag dito. "Dadalhin kita sa Hospital sir?!"

"No!" Mahina nitong sabi habang hindi ito gumagalaw ngunit napapansin niya ang panginginig nito.

"Pero-"

"Just leave me Jamella."

"No!" Matigas din niyang sabi saka niya ito inalalayan upang makatayo. "Dadalhin po kita sa kama niyo." Napapangiwing sabi niya dahil malaking tao ang Boss niya at subrang bigat pa Kahit hirap na hirap siyang alalayan ito ay nagawa parin niyang dalhin ito sa ibabaw ng kama.

Idinampi niya ang likod ng palad niya sa leeg ng binata ng maramdaman niyang mainit ang katawan nito and she's right nilalagnat nga ito. 

Hinaluhog niya ang buong kuwarto ni Tirso upang maghanap ng gamot ngunit wala siyang makita maliban sa paracetamol na nasa drawer nito.

"Hintayin niyo ako babalik po ako kaagad sir okay?"

Hindi naman ito umimik maliban sa ungol lang ang narinig niya habang nakapikit.

Mabilis siyang lumabas sa kuwarto saka kinuha ang bag niya at sumakay ng elevator pababa at Paglabas niya sa first floor ay dumiritso siya sa kabilang kalsada dahil may malapit na pharmacy doon at convenient store.

Matapos niyang bilihin ang kailangan niya sa pharmacy ay sa convenient store naman siya pumasok at bumili ng isang kilong bigas at mga ingredients na kaylangan niya para sa lugaw na lulutoin saka siya nagmadaling bumalik sa kompanya.

Inilapag niya ang mga pinamili sa maliit na mesa sa kusina saka siya pumasok sa loob ng kuwarto dala ang maliit na batya upang punasan ito at gamutin ang sugat sa kamay nito.

Matapos niyang gamutin ang sugat ni Tirso ay nilagyan na niya ng band aid saka siya nag hanap ng pamalit nito, kahit hindi siya pamilyar sa kuwarto ni Tirso ay alam niyang may damit ito dito at ng makahanap siya ng T-shirt ay agad niyang hinubad ang suot nitong polo na tila ilang linggo ng hindi napapalitan dahil amoy alak ito at Suka at marami na ring dumi.

"Sir?" Tawag niya dito ng biglang hawakan ng boss niya ang kamay niya na ikinagulat niya.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Charmz1394
baka hiwalay na sila ng fiance nia
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status