Share

CHAPTER 5 : WELCOME HOME

LUMIPAS ang isang araw at nakalabas rin ng Monteverde Hospital si Shy at sa pagkakataong ito hindi niya akalain na ang paglabas niya ng hospital ay simula rin ng malaking pagbabago ng buhay niya. 

“Simula ngayon ay sa Mansion ka na titira para maalagaan ka ng maayos pati iyang apo ko,” masayang turan sa kanya ng Madam Chairman noong binisita siya sa hospital nito. 

Halos hindi siya makapaniwala na ang lalaking nakasiping niya ng gabing iyon ay siya mismong President ng  kumpanya na pinagtatrabahuhan niya. Di niya alam kong isa itong sumpa o anu ba basta’t sobrang litong-lito ng isipan ni Shy at ginawa niya namang tumanggi pero mapilit ang Madam Chairman na kahit ang arroganteng President na si Daniel Lucas ay tumitiklop pagdating dito. 

Pina leave siya ng Madam Chairman dahil na rin sa payo ng doctor na tumingin sa kanya. Nahimatay siya sa sobrang stress sapagkat kayod kalabaw siya upang makaipon ng pera para naman makuha niya na ang Nanay niyang naiwan doon sa pamamahay ng Tatay niya at Lola niyang sadista. 

“Nandito na po tayo Ma’am!” saad ng driver sa kanya. 

Hindi na namalayan ni Shy na nakarating na pa la sila sa Mansion ng mga Monteverde at nakahinto na ang sasakyan sa harap nito. 

Kinakabahan siya ng sobra at hindi niya alam kong anu kaya ang magiging kapalaran niya dito. Ang sungit pa naman ng Presidente nila. Kung anu ang kinabuti ng Madam Chairman ay siya ring kasing sama ng apo nito. 

Napaismid si Shy sa naiisip habang nakaharap sa malaking pintuan ng Mansion kasalukuyang nakabukas ito at may mga kasamabahay na naka antabay sa magkabilang gilid ng malaking pintuan, kasama ang isang may edad na rin na iba ang damit sa ibang mga maids na parehos ang mga uniporme.

Marahil ay ito ang mayordoma o baka naman kamag-anak?

Nasa isip ni Shy, naphinga siya ng malalim at nagsimulang maglakad papunta sa pintuan at ilang minutos pa biglang naaninag niya ang Madam Chairman na may malapad na ngiti sa mga labing ito habang sinasalubong siya at katabi nito ay ang arroganteng niyang Boss.

Yumuko si Shy at nagbigay respeto ng nasa harapan niya na ito, “ Magandang umaga po Madam Chairman. “ 

“Magandang Umaga Hija! Masaya akong nakarating ka na dito sa Mansion and no need to address me Madam Chairman, “ sabi ng matandang Monteverde na kinagulat naman  ni Shy. 

“Po? Pero Madam—”

Pinutol ng Chairman ang sasabihin ni Shy, “ nonsense Hija, magiging asawa ka na ng mahal kong apo na si Daniel at magiging ina ka ng anak niya so there’s no need to call me “Madam Chairman’ instead call me ‘Grandma!’

Halos namilog ang mata ni Shy sa gulat, too ba ang naririnig niya? Pero biglang nagpantig ang tenga niya ng marinig niya ang arroganteng Presidente na si Daniel Lucas.

“Kung sinuswerte ka naman,” mapanuyang tono nito.

“Daniel Lucas! Umayos ka and may I remind you sa napag usapan natin!” inirapan siya nito ng Madam Chairman.

Buti nga sa iyo...

“I know Grandma you don’t need to remind me all over again.” kairitang sagot ni Daniel sa Lola niya. 

“Then umayos ka!” madiin na sabi ng Madam Chairman kay Daniel. 

Kahapon  lang nalaman ni Shy ang buong  pangalan ng arrogante niyang Boss at nakikita niya na hindi talaga ito sang-ayon at pabor sa mga nangyayari at lalong-lalo naman siya kaya nga todo tanggi siya noong una kaso mapilit talaga ang Madam Chairman. May binubulong ang Madam Chairman dito panigurado baka pinagsasabihan na naman siya. Somehow Shy is thankful dahil sa maganda ang pakikitungo ng Madam Chairman sa kanya. 

Kinuha ng mga maids ang bag ng maleta niya at dinala ito sa magiging kwarto niya. Naglalakad sila sa may gawing sala. 

“Let’s proceed to the Dining area Hija for sure gutom ka na at ang apo ko diyan sa loob ng tiyan mo.” ngiting-ngiti na anyaya sa kanya ng Madam Chairman. “Huwag mong pansinin iyang si Daniel matutu rin iyan ng tamang asal. “

"Grandma!" inis na tugon ni Daniel sa Madam Chairman. Napangiti ng lihim si Shy dahil dito.

******

SURPRISINGLY Daniel pulled out the chair for Shy pagkatapos niyang gawin iyon sa Madam Chairman at umupo sa tabi nito. Nagulat man si Shy but for sure may sinabi ang Madam Chairman kung bakit inalalayan siya ngayon ng Boss niya na parang pinaglihi sa ampalaya sa sobrang bitter. 

“Sige na Hija kumain ka na wag kang mahihiya a’ magpakabusog ka.” anyaya sa kanya ni Madam Chairman. 

Nalula si Shy sa dami ng pagkain sa harap ng mesa pero mas lalo siyang nagulat ng lagyan siya ng kanin nang arrogante niyang Boss sa plato nito.

“Would you like to try this kare-kare? Specialty ito ni Grandma?” biglang offer at tanong niya sa kay Shy. 

At that moment Shy was flattered and stunned, sa isang iglap biglang naging maasikaso ng arrogante niyang boss sa kanya. 

“Yes, Hija try that and for sure magugustuhan mo!” masiglang tugon rin ni Madam Chairman, “ I cooked that for you.” saad pa nito na mas lalong ikinagulat ni Shy. 

“Naku Po, Ma–, Grandma po pa la di na po sana kayo nag abala sobra-sobra na po ang mga pagkain nasa mesa parang may fiesta lang po.” sambit ni Shy na sobrang natutuwa. 

That moment and for the first time in Shy’s life she feel important and special kahit sabihin pang baka naging mabait lang ang Madam Chairman sa kanya dahil sa batang nasa sinapupunan niya pero lubos ang pasasalamat niya dahil naranasan niyang inaasikaso siya ng husto. 

She never ever experienced this sa family niya mula sa Lola niyang sobrang mapang abuso anu pa ba ang maaasahan ni Shy? Kahit na sa pamilya ni Marcus, ramdam niyang di siya tanggap ng family nito. Everyone looks at her as nothing but trash and useless. 

“Okay ka lang?” biglang tanong ni Daniel sa kay Shy ng mabaling ang attention niya dito. 

Nagulat si Daniel na naiiyak ang babae na sadyang pinagtataka niya. Kaya inabot niya ang panyo dito. Gusto niyang isipin na baka nagiinarte lang ito at possible nga iyon but anyhow he needs to calm down his temper dahil sa pinag usapan nila ng Grandma niya. 

Daniel knows that he needs to play nice or else magagalit ang Grandma niya sa kanya at baka mawala pa lahat ng bagay na pinaghirapan niya. Kaya napagtanto niya that he will play this woman’s game at sa oras na makahanap siya ng butas sa babaeng ito then this gold digger bitch will rot in jail. 

“Sa-salamat,” sagot nito kasabay ng pag abot ng panyo niya. 

For that instance ay nagtama ang mga mata nina Daniel at Shy and unconsciously Daniel took the handkerchief sa kay Shy at siya mismo ang nagpahid ng mga luha ni Shy sa mga mata nito. Kumabog ang dibdib ni Shy ng napakalakas that gesture made her heart flutter. 

Jusko ang lakas ng kabog ng dibdib ko!

“Naku naman ang sweet ng mga apo ko, ang sarap tingnan, di ba Lupe? “ biglang sabi ng Madam Chairman at tanong nito sa mayordoma na nasa gilid ng Madam Chairman.

Daniel did not realize na napatagal ang titig niya kay Shy, he doesn’t know why in all of a sudden ay nakita niya ang kalungkutan sa mga mata nito. Biglang nag-iwas ng mga mata sina Daniel at Shy. Parehos pa silang parang natataranta at napabuntong hininga na lang si Shy para ikalma ang kanyang dibdib na kumakalabog ng napakalakas.

“Grandma naman,” ingos ni Daniel sa Madam Chairman. "Kumain na nga lang tayo."

Napangiti na lang ang matandang Monteverde, she knows she did the right thing this time para sa apo niya and she knows na si Shy at ang anak nito ang makakapag balik ng dating ugali ng apo niyang si Daniel. That’s why her plan should manifest sooner. Habang tahimik silang kumakain ay nagsalita ang Madam Chairman na ikinabigla nina Daniel at Shy. 

“Daniel, Shy, we will going to carry out your wedding sooner bago lumaki ang tiyan mo Hija," sabi ng Madam Chairman at tiningnan si Shy ng diritso, "but before that, we need to meet your family para sa pamamanhikan.” 

“Po?” gulat na gulat na sagot ni Shy.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status