1st update, hala lagot ka Devon HAHAHAHAHA
Hindi pinansin ni Roxanne ang biglaang pagdating ni Jameson.Pagkatapos ng kanilang diborsiyo noon, wala na silang koneksyon sa isa’t isa, at hindi na rin magkakaroon pa ng anumang ugnayan sa hinaharap.Makalipas ang ilang sandali, pumasok na sa isang subdibisyon ang sasakyan. Sa magkabilang gilid ng kalsada ay may mga malalaking puno, na tila dagat ng luntian.Pagkalipas ng sampung minuto, huminto ang sasakyan sa harap ng isang villa.Bumaba ang driver at binuksan ang pinto para kay Roxanne. “Miss, dito na po tayo.”Binuhat ni Roxanne si Lance palabas ng sasakyan. Pagkakita niya sa villa sa harap nila, agad napuno ng pagtutol ang mga mata ni Lance.Maganda ang kanyang memorya. Naalala niyang minsan na siyang ikinulong dito ni Devon noon.Papasok na sana si Roxanne nang mapansin niyang marahang humawak si Lance sa kanyang kamay.Pagyuko niya, tumambad sa kanya ang bahagyang takot sa mga mata ng bata kaya siya'y natigilan.“Lance, bakit? Anong nangyari?”“Mommy, hindi ba sabi mo uuwi n
Parehong silang natahimik sa loob ng ilang Segundo.Nakatitig pa rin si Devon kay Roxanne at may di maipaliwanag na damdaming sumiklab sa kanyang puso.“Hindi ko alam, Devon. Huwag mong ilihis ang usapin sayo dahil ang kasiyahan at kalayaan lang ni Lance ang mahalaga.”Hindi sumagot si Devon na mayroon pa ring malalim na iniisip.Naalala niya na noong bata pa lang siya ay tinuruan na siyang isaalang-alang muna ang interes kaysa sa kalayaan o kaligayahan. Lahat ng desisyon niya ay laging nakabase sa kung ano ang makabubuti sa kanya—hindi sa emosyon.Ni minsan, hindi niya naisip kung masaya ba siya o hindi.Pero nang sabihin ng babaeng ito na ang pinakamahalaga ay ang lumaking malaya at masaya si Lance, tila may tinamaan sa kanyang puso.Sa gitna ng katahimikan, biglang tumunog ang cellphone ni Devon.Nang makita niyang si Irene ang tumatawag, bahagya siyang napakunot-noo, tumayo at lumabas ng silid.Kasabay ng pag-alis niya, nawala rin ang bigat sa loob ng kwarto.Pagbalik niya matapos
Napakagat-labi si Roxanne habang galit na galit na nakatingin kay Devon. "Isa kang kupal, Devon!""Limampung segundo na lang." Ani ni Devon habang tinitingnan ang relo.Malamig ang ekspresyon niya, malamig din ang mga mata, pero umaasang papayag siya.Sa sobrang pagkalito ni Roxanne, wala na siyang ibang maisip, at nais niya ng makasama ulit ang anak,"Sige na nga, pumapayag ako!"Punong-puno ng determinasyon ang mga mata ni Roxanne. Hindi niya kakayaning mawala si Lance muli.Hindi na nagulat si Devon sa pagsuko ni Roxanne. Sa malamig na tono, sinabi niya, "Nasa ward 302 siya."Hindi na siya tiningnan pa ni Roxanne at agad na nagtungo sa ward.Pagdating sa pinto, bigla siyang huminto. Huminga siya nang malalim, mahigpit na kumapit sa door knob gamit ang nanginginig na kamay, at dahan-dahang binuksan ang pinto.Kahit na inihanda na niya ang sarili, hindi pa rin napigilan ni Roxanne na mamula ang mga mata nang makita si Lance.Kahit ilang araw pa lang silang hindi nagkikita, kapansin-p
“Nasaan si Lance?!” Galit na galit si Roxanne at sinugod ang lalaki.Naiirita na si Devon at inalis ang kamay nito sa kanyang coat, “Sabi ko na sa’yo, ligtas siya ngayon.”“Hindi ako naniniwala! Maliban na lang kung ipakita mo siya sa akin!”Nang makita niyang makulit si Roxanne, nawalan na ng pasensya si Devon at tumingin kay Chris, “Ikaw na ang bahala rito, aalis na ako.”Pagkatapos ay binuksan niya ang pinto ng sasakyan at sumakay.Nais pa sanang habulin ni Roxanne si Devon pero hinarangan siya ni Chris.“Ma’am, kahit habulin mo pa siya, wala rin namang mangyayari. Ayaw ni Mr. Devon na makita mo si Lance, kaya hindi mo talaga siya makikita. Pero totoo ‘yong sinabi niya—ligtas na ang bata, huwag ka nang mag-alala.”“Hindi mag-aalala?!”Mataman siyang tinitigan ni Roxanne, “Kung anak mo ang biglang kinuha mula sa bahay niyo, hindi ka ba mag-aalala? Sekretaryo Chris, sa tingin mo ba tama ang ginagawa ng amo mo?”Hindi agad nakasagot si Chris, halatang wala ring magawa. “Ma’am, sekreta
Tiningnan siya ni Madame Julie at sinabi sa hindi masayang tinig, "Ganito mo nalang ba talaga ako tratuhin bilang ina, Devon??”Maitim ang ekspresyon ni Devon, walang kahit anong pagkilala sa kanyang mga mata. "Tinrato mo rin akong parang basura, ano bang inaasahan mong ibabalik ko sayo?”Napailing si Madame Julie, "Magaling!! Talagang nagmana ka sa hangal mong tatay!”"Magtatanong ako ulit, nasaan na si Lance ngayon?""Kung gusto mong malaman, ikaw na ang maghanap sa kanya."Naningkit ang mga mata ni Devon at sinabi sa mabagal ngunit mariing paraan, "Mom, huwag mong hintayin na tuluyan akong maubusan ng pasensya sayo.”"Tinatakot mo ba ako? Sa tingin mo ba may magagawa kang panakot sa akin?""Wala naman, pero may hawak akong bagay na sisira sa mga plano mo. Alam ko ang lahat ng pakay mo, Mom.”Biglang nagbago ang mukha ni Madame Julie at tumitig kay Devon. "Akala mo ba matatakot mo ako sa mga sinasabi mong walang basehan?"Tinaas ni Devon ang kilay. "Alam kong gusto mong makuha ang k
Napatingin si Roxanne sa kawalan, bakas sa kanyang mga mata ang kawalang magawa. Tumango siya at sinabi, “Sige, bumalik ka na agad. May ilang oras ka pa para makapagpahinga bago magbukang-liwayway.”“Sige. Ingat ka. Tawagan mo ako kung may kailangan ka.”Pagkaalis ni Donovan, kinuha ni Roxanne ang kanyang maleta at nagsimulang mag-empake.Wala pang kalahating oras, ayos na ang lahat ng gamit niya at agad siyang umalis.Mahigit tatlong oras ang biyahe mula Manila papuntang San Lorenzo. Hindi pa natutulog si Roxanne buong gabi at labis ang kanyang pagod, pero ni kaunti ay hindi siya dinadalaw ng antok.Kung may pagkakataon lang, ayaw na sana niyang bumalik doon kailanman. Pero para kay Lance, kailangan niyang bumalik!****Sa lumang bahay ng pamilya Delgado.Pagkarating ni Madame Julie sa loob, hindi na siya nagitla na makita ang anak sa loob.“Devon, narinig kong ikinulong mo si Lola Ofelia? Nasisiraan ka na ba?!”Tila walang pakialam si Devon sa galit na titig ng ina. “Mom, ano'ng sina
“ANO?!?!?!”Tinulak ni Paris si Donovan palayo, tumayo, at dali-daling tumakbo papunta sa kuwarto ni Lance.Bukas ang pintuan ng kuwarto at magulo ang loob.Biglang nanlaki ang mga mata ni Paris at nagsimulang hanapin si Lance sa buong kuwarto, pero wala siyang nakita.Bumalot sa kanya ang matinding kaba at nagsimulang manginig ang buong katawan niya.Nang papalabas na siya ng pinto, agad siyang hinawakan ni Donovan. “Paris, kalma ka lang muna. Tinawagan ko na ang pulis, at pinaalerto ko na rin ang mga tauhan ko para hanapin si Lance. Sigurado akong mahahanap natin siya agad. Hindi mo rin alam kung saan ka magsisimula kung lalabas ka ngayon—”Inalis ni Paris ang kamay niya at nagpatuloy sa paglalakad, walang kahit anong ekspresyon sa mukha.Hinaharang siya ni Donovan at sa unang pagkakataon, tumigas ang boses nito. “Paris, hindi kita hahayaang umalis. Kung hindi pa natatagpuan si Lance at may mangyari sa iyo, hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko.”Tiningnan siya ni Paris ng malam
Narinig ni Donovan ang sinabi ni Paris habang nakatingin sa kamay nitong nakapatong sa likod ng kanyang kamay.“Paris, salamat.”Napataas ang kilay ni Paris. “Tsk, sobrang galang mo naman ngayon. Ano ba, walang anuman. Ginawa mo ang lahat sa’kin, gagawin ko rin ang makakaya ko para tulungan ka.“Napangiti si Donovan. “So quits na tayo?”“Ayan, ganyan dapat.”Matapos ang hapunan, inihatid ni Donovan si Paris pababa sa laboratoryo at saka umalis.Pagbalik sa opisina ni Donovan, nadatnan niya si Gregory na nakaupo sa sofa.“May kailangan ba kayong pag-usapan natin?”Tiningnan siya nito nang malamig at may halong pagkainis ang tono. “Donovan, kahit makuha mo pa ulit ang posisyong ito, hindi ka rin magtatagal!”“Wag mong alalahanin ’yun, Greg. Mabuti pang magtrabaho ka nalang ng maayos, may mapapala ka pa.”Napasinghal si Mike, tumayo at lumabas ng pinto. Habang dumaraan sa tabi ni Donovan ay binangga nito ang balikat niya.Hindi na lang ito pinansin ni Donovan. Umupo siya sa mesa at nagsim
Sa loob lamang ng kalahating oras, dumating na si Madame Julie.Nakita niya si Devon na nakatayo sa pintuan ng villa na may malamig na ekspresyon sa mukha, halatang hindi komportable ang pakiramdam."Devon, bakit hindi mo ako sinabihan na pupunta ka? Nagpaayos na ako ng sasakyan na susundo sa’yo sa airport.""Pumunta ako dahil may gusto akong itanong kay Jameson. Ano ba ang nangyari sa kanya sa ibang bansa nitong mga nakaraang taon? Bakit siya ganito ngayon?"Papunta pa lang si Devon upang magsalita nang biglang lumabas si Jameson bitbit ang isang maleta.Ni hindi siya tumingin sa kanilang dalawa. Isinakay niya ang maleta sa trunk ng sasakyan at tila aalis na.Agad siyang pinigilan ni Devon. "Jameson, saan ka pupunta?""Hindi pa patay si Roxanne. Babalikan ko siya."Nagbago ang ekspresyon ni Devon. "Anong hindi pa patay? Ano bang pinagsasabi mo??"Na-stress naman si Madame Julie sa nakikita, hindi maaring malaman ni Devon ang mga ginawa niya sa likod ng pagkawala ng alaala niya at pagt