Isang gabi, nahuli ni Roxanne Guevarra ang kanyang asawa na si Jameson Delgado na nakikipagtalik sa kanyang sekretarya. Hindi siya nagdalawang isip na hiwalayan ito ngunit papaano kung ayaw siya nitong bitawan? Nakahanap naman siya ng kakampi at iyon ay ang nakakatandang kapatid ng asawa, si Devon Delgado na tutulungan siyang makatakas ngunit hindi iyon magiging madali. *** "Bakit mo ba tinutulungan ang asawa ko? Balak mo bang agawin siya sa akin ngayong nagkakalabuan na kami?" Napangisi si Devon sa kabilang linya, "Hmm...hindi ako mahilig mang-agaw pero binibigyan mo ako ng rason na agawin siya sayo." Kumuyom ang mga kamao ni Jameson na marinig ang sinabi nito. "Subukan mo lang." "Why not? Kasi kung hindi ka magbabago, at patuloy mong sinasaktan si Roxanne, then prepare yourself. Mawawala siya sayo sa isang iglap." Babala ni Devon. "You can't do that to me. Maraming babae sa paligid na pwede mong pulutin pero si Roxanne, pag-aari ko 'yan. So don't you dare!"
View More"Bakit ayaw mong maniwala?? Sinabi ko ng hindi ko siya magugustuhan." Itinanggal ni Roxanne ang mga kamay niyang nakahawak sa kanyang baba. "Sinungaling!" Padabog na tumayo si Jameson pero hinila ni Roxanne ang laylayan ng kanyang damit. "Please! Huwag mong idamay si papa. Nagmamakaawa ako sayo, ituloy mo ang transplant." Pagmamakaawa ni Roxanne. Mabilis na nanlambot ang puso ni Jameson, ngayon lang ulit ito nagmakaawa sa kanya. Bago siya umalis, nilingon niya muna ang asawa at naghabilin ng salita. "Ito ang huling pagkakataon na ibibigay ko sayo. Huwag mo ng sayangin." Paglabas niya ng ward, nadaanan niya si Devon na nasa dulo ng pasilyo na nakatayo. "Bakit ka pa nandirito?" "Gusto kong sabihin sayo na ako mismo ang nagkagusto sa asawa mo pero wala siyang nararamdaman pa sa akin. Kung sakaling meron man, I will make you lose everything you have now." Deretsahang sabi ni Devon na nakapamulsa. "Nakakaantig naman. Natuluyan ka nalang sana noong gabing iyon matutuwa siguro ako nga
Muling nagising si Roxanne na nakita ang maliwanag na kisame na nakakasilaw sa mata, napakurap siya at tumingin sa kanyang paligid. Natagpuan niya ang mukha ni Devon na hindi maipinta ang mukha, nangingitim na ang ilalim ng kanyang mga mata at magulo rin ang buhok. "Kamusta ka??" Narinig niya ang mahinahon nitong boses. Naramdaman ni Roxanne na mayroong masakit sa kanyang katawan at naalala niya ang nangyari noong nakaraang gabi na pinagsasaksak ng isang lalaki si Devon."Gaano na ako katagal nawalan ng malay??" "Dalawang araw." Seryosong sagot ni Devon. Kumunot ang noo ni Roxanne, ganoon na pala siya katagal nawalan ng malay. Mayroon siyang natamong malalim na sugat na tumama sa kanyang kaliwang kidney kaya ito nagdurugo at muntikan na siyang hindi makaligtas kung hindi siya kaagad naisugod sa hospital. Halos mabaliw naman si Devon sa mga oras na 'yon na dinala siya sa operating room at hinintay siya ng isang oras na para sa kanya ay parang isang taon na. "Nahuli na ba 'yung ta
"Isa palang amasona ang iyong sister-in-law, Devon." Namamanghang sabi ni Kristoff na nakakita ng buong eksena. Pati si Joseph, nagulat din at sumulyap kay Devon na nanatili lang sa kanyang kinauupuan na nanonood sa nangyayari. Sa sandaling tumama ang bote sa noo ng lalaking nangangalang Mr. Tiger, napasigaw ang lahat na makitang natumba ito sa sahig. Sinubukan nitong tumayo pero nahihilo siya kaya tinulungan siya ng iba niyang kasamahan. Galit naman na sumugod ang kapatid ng lalaki na si Jappeth sa direksyon ni Roxanne pero napahinto siya ng tutukan siya nito ng basag na bote."Sige! Lumapit ka!" Dahan dahan na umatras si Roxanne at lalabas sana sa pintuan ngunit may humarang na ibang lalaki na may malalaking pangangatawan. "Gusto mong turuan kita ng leksyon?!" Banta sa kanya ni Jappeth na sinenyasan ang mga bouncer na hawakan siya. Mabilis na hinawakan si Roxanne ng mga bouncer sa magkabila niyang braso at inagaw din ang basag na bote sa kanyang kamay. Nilapitan na siya ni Japp
Napagtanto ni Roxanne na kahit siguro divorced sila ni Jameson ngayon, malabo pa rin na maging sila ni Devon dahil magulong tingnan na matapos niyang hiwalayan ang kapatid, ang nakakatanda naman ang papakasalan. "Devon, ginagawa ko lang ito hindi dahil gusto kita, pero nagpapasalamat lang ako sa mga pagkakataong niligtas mo ang buhay ko. Handa akong humingi ng tawad pero hindi para sa kapakanan ni Jameson dahil niloko niya ako." Pagkaklaro ni Roxanne. Kumislap ang mga mata ni Devon. "Kung 'yun ang desisyon mo, bahala ka pero hindi ako humihingi ng kapalit sa mga naitulong ko sayo." Napabalik siya sa kanyang mesa habang lumabas na si Roxanne na pinagpawisan na bumalik sa laboratory. "Ate? Ano na namang nangyayari sayo? Saan ka ba nanggaling?" Nakapameywang na tanong ni Frizza na inabutan siya ng tissue. Nauna pa itong nakarating ng laboratory at nagtataka kung nasaan si Roxanne.Tinanggap ni Roxanne ang tissue at ngumisi. "M-may dinaanan lang ako sa kabilang station." Magsasalita
"Oo, hindi ako mahuhulog sa kanya." Pagsisinungaling ni Roxanne. Ngunit iba ito sa sinasabi ng kanyang puso't isipan. "M-mabuti naman kung ganoon. Gusto mo bang ako na maglapat ng ointment sa pisnge mo?" Humakbang siya ng konti pero umatras si Roxanne na nangangahulugang tumatanggi ito sa kanyang alok. "Salamat dito sa ointment, pero kaya ko na ang sarili ko." Pag-alis ni Jameson, isinara niya na ang pinto at direkta niyang itinapon sa basurahan ang binigay nitong ointment. Mayroon ng nireseta ang doctor kaya hindi niya na ito kailangan. Kinaumagahan, maagang pumunta si Roxanne sa kompanya at dumeretso siya sa opisina ni Devon. "Anong problema?" Tanong ni Devon. Nakatayo lang si Roxanne sa harapan niya at nahihiyang tumingin sa kanya ng deretso. "Devon, iniligtas mo ako kahapon, at gusto kong suklian ang kabutihan mo. K-kung hindi ka man busy mamaya, p-pwede ba kitang i-treat sa isang hapunan." Napansin niyang nakabusangot lang ito na parang walang narinig. "Busy ako, hindi mo
Nalaman ni Irene na nabigo si Warren sa kanilang plano para gawan ng scandal si Roxanne upang pandirian ito ni Devon. Nandilim ang kanyang mukha ng malamang dinakip siya ng mga pulis at ikinulong. Nag-aalala siya ngayon na baka ilantad ni Warren na siya ang nasa likod nito pero tingin niya matatakot ito sa banta niya na sisirain niya ang pamilya nito. Habang maaga pa, kailangan niyang gumawa ng paraan para takpan ang kanyang pangalan bago pa ito malaman ni Devon Delgado.***Matapos makapagbigay ni Roxanne ng kanyang statement sa pulis, umuwi na siya ng bahay mga pasado alas-otso na ng gabi. Saktong pagdating niya sa mansyon, dumating din si Jameson na nagparada ng kanyang sasakyan sa tapat. Mabilis itong bumaba at lumapit sa kanya. "Kanina pa kita tinatawagan?! Bakit hindi ka sumasagot??" Natigilan bigla si Jameson nang makita ng malapitan ang namamaga niyang mukha. "A-anong nangyari sa mukha mo??" Nag-alala niyang sabi. Napatingin din siya sa naka-benda niyang kamay. "Wala nama
Nabiyak ang bote sa ulo ni Warren kaya nagpira-piraso ang mga ito at may dugong tumulo sa mga kamay ni Roxanne dahil mayroong natusok na piraso sa kanyang palad. Sinamantala ni Roxanne ang segundong natumba ang lalaki at dali-dali siyang tumayo papalabas doon sa stockroom. Hinila naman ni Warren ang kanyang paa kaya siya natumba sa sahig pero sinipa niya ang pagmumukha nito gamit ang kaliwang paa. Mayroon pa ring lakas ang lalaki kahit duguan ang ulo nito. Walang kahirap-hirap niyang hinila ang paa ni Roxanne. Tumayo si Warren at nilapitan siya, sinakyan niya ito at pinagsasampal sa mukha. Halos mawalan ng malay si Roxanne ngunit sinubukan niya pa rin na man laban, ginamit niyang panangga ng kanyang mukha ang mga braso. Nakita ni Roxanne na wala na sa sarili ang lalaki na alam niyang nasa ilalim ng epekto ng droga. "Tama na!" Pagmamakaawa niya.Lalong nababaliw ang lalaki na hinubad ang kanyang pang-ibabang saplot habang sinusubukan ni Roxanne na pulutin ang malaking piraso ng bo
Pagka-alis ni Jameson, naiwan si Roxanne sa loob na inaayos ang kanyang nagusot na damit. Bumaba na rin siya sa hagdan at pagbalik niya sa sala, nakita niya si Jameson na nakaupo sa mesa na hindi maipinta ang mukha. Niyaya ito ng pinsan niyang si Henry na maglaro ng chess kaya sinubukan nitong maglibang saglit. Hindi niya naman mahanap si Devon sa paligid, baka nauna na itong umalis. Matapos ang isang kalahating-oras, napagpasyahan na nilang dalawa na umuwi pabalik sa kanilang bahay. Nakarating na sila sa mansyon mga alas-diyes na ng gabi at pareho silang hindi nag-iimikan na parang mga estranghero. Nasanay na si Roxanne na ganito lang sila simula noong nahuli niya itong nagloko. "Wala ka ba talagang sasabihin, Roxanne?" Malamig na sabi ni Jameson habang naglakad sila sa loob ng sala. Lumingin naman si Roxanne sa kanyang gawi. "Anong gusto mong sabihin ko? Na nagloko ako??" Uminit ulit ang ulo ni Jameson, "Kung anong ginawa ninyo ni Jameson sa kwarto ni Lolo!" Dikta niya.Nababan
Sa sumunod na segundo, narinig ni Roxanne ang pagtulak ng pinto. Makikita niyang pumasok si Lolo Gerald at sumunod sa kanyang likuran si Devon. "Apo, alam mong hindi ako humihingi ng tulong sayo sa loob ng maraming taon, but this time problemado talaga ang kompanya. Kakapalan ko muna ang mukha ko na humingi sayo ng tulong kahit ngayon lang at babayaran kita ng mas malaking interes sa hinaharap." Rinig niyang sabi ni Lolo Gerald. Kita niyang desperado ang mukha ng matanda at kung hindi man siya bibigyan ng tulong ng apo, siguradong itatakwil niya na naman ito sa pamilya. Magsasalita sana si Devon ngunit napatingin ito sa kanyang gawi kaya siya kinabahan pero binawi naman nito ang tingin at bumaling sa kanyang lolo. "Lolo, kailangan ko muna itong pag-isipan ng mabuti. Sobrang laking halaga ang hinihingi ninyo at kailangan kong isa-alang-alang ang pagpopondo." Paliwanag niya. "Alam ko, pero napakalaki ng kompanya mo na nasa tuktok na ngayon, hindi naman makakaapekto kung hihiram ako
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments