Share

CHAPTER TWENTY-EIGHT

Tahimik kaming nakauwi nang bahay matapos nang naging pag-uusap namin, paakyat na sana nang hawakan niya 'ko sa kamay kaya napahinto ako.

"Jessa," tawag niya sa pangalan ko ngunit nanatili lang akong nakatalikod mula sa kanya.

"I'm tired, can I take a rest for a while?" himig kong tila nanghihingi pa ng permiso sa kanya.

"Of course, but let's talk a bit," saad niya kaya hinarap ko na siya.

KIta ko ang lambot sa ekspresyon niya. Konsensya at awa para sa 'kin na hindi ko naman kailangan.

Kinuha niya ang kamay ko at iginaya ako sa mahabang sofa ng living room. Mukang hindi siya mapakali sa pagiisip na matagal ko na palang alam ang tungkol sa kanila.

Huminga siya ng malalim at pinakatitigan niya 'ko nang mabuti habang pinipisil-pisil ang isang kamay ko.

"Lahat ng pag-aalaga at pag-aalalang pinakikita ko sa 'yo lahat ng iyon tunay," panimula niya.

Marahil tunay nga dahil obligado lang siyang gawin 'yon dahil sa paglalagay niya sa 'kin sa sitwasyong ito at awa't konsensya lamang ang dahilan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status