INICIAR SESIÓN"Mula nang makita mo ako, nawala na ang kalayaan mo Dalawa lang ang pagpipilian mo maging asawa koo mamatay " Rocco D'Amico Si Lia Moretti ay isang masipag at mabait na babaeng nagmamay-ari ng isang maliit na tindahan ng bulaklak sa tahimik na kanto ng lungsod. Ang tanging pangarap niya ay mabuhay nang payapa at mapalago ang kanyang munting negosyo. Ngunit ang payapang buhay na iyon ay biglang nagbago nang masaksihan niya ang isang bagay na hindi niya dapat nakita ang pagpatay sa isang kaaway ng pinakakinatatakutang tao sa ilalim ng mundo. Si Rocco D'Amico, ang tinatawag na "Demonyong Hari" ng walang awa , malupit, at kinatatakutan ng lahat Sa sandaling makita siya ni Lia, alam niyang hindi na siya makakalabas nang buhay ngunit sa halip na alisin siya, nag-isip si Rocco ng ibang plano may banta sa kanyang posisyon sa organisasyon at kailangan niya ng isang alibi isang asawang magsisilbing harap at proteksyon sa kanyang mga kaaway. Ang kasunduan? Magpapanggap si Lia na asawa ni Rocco sa loob ng isang taon kapalit nito ay kaligtasan ng pamilya niya at sapat na salapi para sa pangarap niya ngunit sa loob ng isang mansyon na punong-puno ng lihim, panganib, at mga nakatagong patalim makakayaya ba si Lia na mabuhay kasama ang lalaking kinatatakutan ng lahat? O sa huli, matutuklasan niyang ang pinakamalupit na kaaway ay ang puso niyang unti-unting nahuhulog sa demonyong iyon?
Ver másLIA'S POV
"Lumabas ka sa dilim," utos niya ang boses niya ay malalim at mababa ngunit sapat na para manginig ang aking buong katawan.
Dahan-dahan akong humakbang palabas mula sa aking pinagtataguan ang aking mga kamay ay nanginginig, ang aking lalamunan ay tuyong-tuyo nang tumayo ako nang harap sa kanya, napagtanto ko na mas matangkad siya kaysa sa inaakala ko kailangan kong tumingala nang mataas para makita ang kanyang mukha.
"Nakita mo ang lahat," sabi niya hindi ito tanong ito ay isang pahayag isang katotohanan na alam niyang alam ko rin.
Pinilit kong magsalita kahit nanginginig ang aking labi "Hindi po wala po akong nakita masyado po akong malayo madilim po rito"
Ngumiti siya isang ngiting hindi umabot sa kanyang mga mata, isang ngiting malamig at mapanganib hinawakan niya ang aking baba nang mariin, hindi masakit pero sapat na para hindi ako makaiwas ng tingin.
"Huwag mong subukan na magsinungaling sa akin, maliit na bulaklak nakita ko ang anino mo nakita ko ang takot sa iyong mga mata. At sa mundong ginagalawan ko ang mga nakakakita ng hindi dapat nakikita ay hindi pinapayagang magkwento"
Nanlamig ang buong katawan ko ito na ba ang katapusan ko? Matatapos ba ang buhay ko dito sa madilim na eskinita dahil lang napadaan ako sa maling oras at maling lugar? Napaisip ako sa aking kapatid sa aking tindahan sa lahat ng mga pangarap na hindi ko pa nagagawa ang luha ay nagsimulang mamuo sa aking mga mata, ngunit pinilit kong pigilan ito ayokong makita niyang ganito ako kahina.
Tila nakita niya ang takot na pilit kong itinatago binitawan niya ang aking baba at umatras nang isang hakbang, isinuksok ang kanyang kamay sa bulsa ng kanyang amerikana tumingin siya sa kanyang tauhan na nakatayo sa dulo ng eskinita, pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa akin.
"May dalawang pagpipilian ka" simula niya, ang bawat salita ay malinaw at mariin na parang batong inilalagay sa ibabaw ng mesa. "Pumili ka nang mabuti, dahil ang desisyong gagawin mo ngayon ang magtatakda kung mabubuhay ka pa hanggang bukas ng umaga."
Huminga ako nang malalim, kahit na ang bawat paghinga ay parang tinik na tumutusok sa aking dibdib. "Ano po ang mga pagpipilian?"
Tinitigan niya ako nang diretso sa mga mata.
"Una," itinaas niya ang isang daliri, "maaari kitang panatilihing tahimik ngayon din walang makakaalam walang maghahanap sa iyo matatapos ang lahat sa gabing ito, at ang pangalan mo ay mawawala na parang bula walang magiging bakas na ikaw ay naging bahagi ng mundong ito."
Napalunok ako, at hindi ko napigilan ang pagtulo ng isang luha mula sa aking mata. Ito ang kamatayan. Ito ang katapusan. "At... at ang pangalawa?"
Tila naghintay siya ng sandali bago sumagot, na parang sinusuri kung handa ba akong makinig sa kung anong alok niya.
"Ang pangalawa," nagpatuloy siya, "magiging akin ka hindi dahil gusto kita, hindi dahil may pagtingin ako sa iyo kailangan kita sa ngayon, may mga kalaban akong naghihintay lamang na magkamali ako may mga tao sa loob mismo ng aking organisasyon na nagtutulungan pabagsakin ako kung magkakaroon ako ng asawa isang babae na kilala, respetado, at inosente magbibigay ito sa akin ng imahe ng katatagan at pagiging pamilyadong tao nagiging takip ka magiging alibi ko magiging harap ko sa mundo habang tinatapos ko ang mga gawaing kailangang gawin."
Napakurap ako, hindi makapaniwala sa naririnig ko. "Asawa po? Magpapanggap po ba ako?"
"Sa simula, oo. Pero sa harap ng lahat ng pamilya ko, ng mga kaaway ko, ng buong mund ikaw ang asawa ko at kailangan mong gampanan ang papel na iyon nang perpekto walang pagkakamali walang pag-aalinlangan. Sa loob ng isang taon, mananatili ka sa aking bahay, sasama sa mga okasyon, at magiging Mrs. D'Amico sa paningin ng lahat. Kapalit nito..." tumigil siya sandali, "...ligtas ka ligtas ang pamilya mo walang gagalaw sa inyo at sa pagtatapos ng kontrata isang taon mula ngayon bibigyan kita ng sapat na salapi para mabuhay ka at ang pamilya mo nang maayos habang-buhay mapapalawak mo ang tindahan mo, mapagtatapos mo ang pag-aaral ng kapatid mo, at hindi mo na kailangang mag-alala tungkol sa pera kailanman."
Ang alok ay nakakatakot ngunit nakakaakit din kaligtasan kapalit ng isang taong pagpapanggap sa piling ng lalaking kinatatakutan ng lahat ngunit alam ko rin ang kabilang panig kung gagawa ako ng mali, kung magkakamali ako, hindi lang ang sarili ko ang mapapahamak.
"At kung tatanggi ako?" tanong ko, kahit na alam ko na ang sagot.
Lumapit siya ulit, ang kanyang mukha ay ilang pulgada lamang ang layo sa akin ang kanyang amoy mamahaling pabango na may halong usok at bakal ay napuno ang aking pandama.
"Kung tatanggi ka hindi ka makakauwi sa pamilya mo ngayong gabi at ang munting tindahan ng bulaklak na mahalaga sa iyo mawawala rin ito walang makakapigil sa akin kaya pumili ka, Lia. Buhay at kinabukasan ng pamilya mo o ang katapusan ng lahat."
Ang pagpili ay parang pagitan ng apoy at malalim na dagat pero alam ko na ang sagot hindi pa ako handang mamatay. May mga taong umaasa sa akin kung tatanggi ako, hindi lang ako ang mawawala mawawala rin ang pag-asa nila.
Tumingin ako sa kanyang mga mata mga matang punong-puno ng dilim, misteryo, at kapangyarihan na hindi ko kayang labanan huminga ako nang malalim, pinunasan ang aking luha, at tumango.
"Sige," bulong ko, ang boses ko ay mahina ngunit matatag. "Tinatanggap ko ang pangalawang pagpipilian."
Isang mabilis na pagbabago ang dumaan sa kanyang mukha halos hindi mapapansin, ngunit naramdaman ko ito. Isang pagkilala na hindi ako sumuko nang madali. Inabot niya ang kanyang kamay malamig, matigas, ngunit matatag at inilahad ito sa akin.
"Mula sa sandaling ito na hawakan mo ang kamay ko," sabi niya nang seryoso, "ikaw ay pag-aari ko ang bawat galaw mo, bawat salita mo, bawat desisyon mo dadaan muna sa akin huwag kang magtitiwala sa kahit sino maliban sa akin at huwag mong kalilimutan sa mundong ito, ang pinakamapanganib na bagay ay hindi ang mga kaaway sa labas kundi ang pagtitiwala sa maling tao. Lalo na sa akin."
Dahan-dahan kong inabot ang kanyang kamay nang magdikit ang aming mga palad, naramdaman ko ang isang pagsusumpaan na hindi nakasulat sa papel. Isang kasunduan na magbabago sa takbo ng aming mga buhay.
"Hindi ko po kakalimutan," sagot ko. "Handa na po ako."
Hinila niya ako nang bahagya patungo sa kanyang itim na sasakyang nakaparada sa dulo ng kalsada. Nang sumakay kami at sumara ang p***o, parang isinara ko na rin ang p***o sa aking dating buhay tumingin ako sa labas ng bintana habang paalis ang sasakyan, at nakita kong unti-unting nawawala ang liwanag ng aking dating mundo.
Sa tabi ko, tahimik si Rocco, nakatingin sa madilim na kalsada sa harap namin hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin sa kanyang mundo ang alam ko lang pumasok ako sa isang mundong puno ng lihim, panganib, at mga patalim na nakatanim sa dilim at ang tanging sandata na mayroon ako ay ang aking katapatan at ang pag-asang balang araw, makakalaya rin ako mula sa lalaking kinatatakutan ng lahat at mula sa pusong baka sa huli, siya pa ang mananakaw nito sa akin.
TO BE CONTINUE
LIA'S POVIlang araw na ang lumipas mula noong gabing tinulungan ko siya. Ang pagitan namin ay hindi na kasing layo ng dati, ngunit nananatili pa rin ang isang pader na hindi ko maibaba. Madalas kaming magkasalo sa hapag-kainan, at minsan ay nakikipagkwentuhan na siya nang kaunti hindi tungkol sa kanyang trabaho o sa kanyang mga kaaway, kundi tungkol sa mga simpleng bagay: ang panahon, ang mga bulaklak sa hardin, ang aking dating tindahan. Ngunit sa tuwing masyado nang lumalim ang usapan, agad siyang hihinto at magbabago ng paksa, tila takot na baka may masabi siyang pagsisisihan niya sa huli.Isang Sabado ng umaga, maaga akong nagpunta sa likod-bahay. May isang maliit na lupa roon na hindi ginagamit tuyot, madamo, at tila nakalimutan na ng panahon. Nakita ko itong nakaraang mga araw at hindi ko mapigilang maawa. Dala ko ang ilang binhi ng mga bulaklak na hiningi ko sa isang kapitbahay ng aking pamilya bago ako umalis ng aming bayan. Mga bulaklak na matitibayhsampaguita at rosas na ka
LIA'S POVLumipas ang mga araw na unti-unti akong nasasanay sa bagong takbo ng buhay. Hindi na ako gaanong nanginginig kapag nakakausap ko siya. Alam ko na kung kailan siya ay pagod, kung kailan siya ay malalim ang iniisip, at kung kailan mas mabuting manahimik na lamang ako at huwag nang mangialam. Madalas ay magkahiwalay kami siya sa kanyang opisina o sa labas, ako sa aking kwarto o sa hardin sa likod ng bahay. Pero sa mga gabi na naroon siya para maghapunan, hindi na ito kasing hirap ng una. Tahimik pa rin, pero hindi na malamig.Isang gabi, umuwi siya nang mas maaga kaysa sa nakasanayan. Hapon pa lamang ay narinig ko na ang pagdating ng kanyang sasakyan. Pababa ako ng hagdanan para kumuha ng tubig nang makita ko siyang nakasandal sa pader sa paanan ng hagdan, hawak ang kanyang tagiliran, at nakapikit ang kanyang mga mata na parang pinipigil ang matinding sakit.Mabilis akong bumaba at lumapit sa kanya. "May mali po ba? Nasaan si Giorgio?"Dumilat siya nang biglaan at agad na tumay
LIA'S POVTatlong araw na ang lumipas mula noong dumating ako sa mansyon. Unti-unti kong nakikilala ang ritmo ng buhay dito maagang gumigising, tahimik na almusal, at mahahabang oras na mag-isa sa aking kwarto o sa hardin sa likod ng bahay. Madalas ay wala siya sa buong maghapon, at kapag bumabalik na siya sa gabi, pagod ang kanyang mukha at halos hindi na kami nagkakausap. Akala ko ganito lang ang magiging takbo ng mga araw ko payapa ngunit malungkot na pagpapanggap. Ngunit mali ako.Kinagabihan ng ikatlong araw, pumasok si Giorgio sa aking kwarto nang medyo nagmamadali. "Maghanda po kayo, Ginang. May darating na mga bisita. Kailangan ninyong bumaba sa loob ng dalawampung minuto.""Sino po ang darating?" tanong ko habang tumatayo mula sa pag-upo sa bintana."Mga kasosyo ni Ginoong Rocco. Mahalaga po sila. Huwag kayong mag-alala, nandoon ang Ginoong Rocco sa inyong tabi sa buong oras. Kailangan niyo lamang ng magandang damit."Inilabas niya ang isang mahabang pulang bestida—hindi masy
LIA'S POVMahigit isang oras kaming nagmaneho nang walang imikan. Ang tanging naririnig ko lang ay ang mahinang ugong ng makina at ang tibok ng sarili kong puso. Hindi ako makatingin nang diretso sa kanya, kaya nakadungaw na lamang ako sa bintana, pinapanood ang pagkawala ng mga ilaw ng siyudad hanggang sa mapalitan ito ng madilim na kakahuyan at malawak na lupain.Sa wakas, bumukas ang malaking bakal na tarangkahan. Nakita ko ang isang napakalaking mansyon na nakatayo sa gitna ng mataas na lugar malayo sa ingay, malayo sa mga kapitbahay, at tila sarili nitong mundo. Puti at itim ang kulay nito, moderno ngunit mabigat ang dating. Walang masyadong ilaw sa labas, sapat lang para makita ang ganda nito sa dilim.Huminto ang sasakyan sa harap ng malaking pintuan. Bumaba muna siya, at pagkatapos ay binuksan niya ang pinto ko."Pumasok ka," maikli niyang utos.Pagpasok ko, sinalubong ako ng katahimikan na mas nakakabagabag pa kaysa sa ingay. Malawak ang pasilyo, mataas ang kisame, at malamig


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.