It's been a month since Damsel and I separated, but we're not annulled yet because I refused to sign the papers but my parents keep on insisting it. Nagmamatigas ako. Hindi ako pipirma.I am guarded by these bodyguads hired by them if Damsel tries to come near me they will fence me. How funny, isn't? Sarili kong asawa hindi ako malapitan. Every time na papasok ako sa trabaho palaging nakasunod ang mga ito, which makes me irritated day by day.Simula ng mangyari ang mainit na paguusap at komprontahan dahil sa iskandalong ginawa ni Jessy ay ipinadala siya sa Switzerland para doon na manirahan and she's not allowed to go back here in the Philippines anymore.Nanatiling sikreto ang lahat sa publiko. Sinikap ng mga magulang kong h'wag makalabas ang problemang makasisira sa aming mga pamilya.She's now married to Ryke, wala siyang nagawa nang magdesisyon ang aming mga magulang dahil gusto nilang may managot sa batang nasa tiyan ni Jessy. Ryke immediately offered a quick wedding after he fo
Nagising akong kulabo ang paningin hanggang sa unti-unting luminaw ang kapaligiran, puti ang kisame at dingding.I'm feeling groggy ngunit alam ko kung nasaan ako, I'm in the hospital. Huli kong natatandaaan nawalan ako ng malay dahil sa matinding pagkahilo.Unti-unti akong gumalaw para sana bumangon ngunit may kamay na humawak sa baywang ko."Don't move, Jessa." Para akong nananaginip...boses iyon ng asawa ko.Ang baritonong boses niya... siya ito.Mabagal akong bumaling sa gilid ko, I saw his serious face looking at me intently. Inabot ko ang pisngi niya pababa sa panga, his features are still the same from the last time I saw him, gwapo pa rin...Malamlam ang mga mata kong sinusuri ang mukha niya dahil baka nananaginip lang ako pero hindi. Totoong nasa harapan ko ngayon ang asawa ko. I felt my hot tears streaming down to my both cheeks."Bakit ngayon mo lang ako pinuntahan?" puno ng hinanakit kong tanong sa kanya. "Hindi mo alam kung gaano ako nangungulila sa iyo..." dagdag ko haban
"Kailan mo ba 'ko balak bigyan ng anak, Jessa?" seryosong tanong sa 'kin ng asawa kong si Damsel buhat ng kanyang malalim na boses.Kasalukuyan itong nakaupo sa ibabaw ng kama habang matamang nakatitig sa 'kin, kapapasok ko lamang ng silid namin nang maabutan ko itong tila kay lalim ng iniisip."D-Damsel, you know that I'm trying my best," saad ko sa malumbay kong tinig dahil ito ang paulit-ulit niya sa 'king tinatanong sa tuwing naaaburido siya. Muka ring nakainom na naman ito."We have been married for f*cking three years! Do I still have no right to demand a child from you?" tanong nitong muli ngunit sa pagkakataong 'to ay may kalakasan na kaya hindi ko naiwasang hindi mapapitlag.Ramdam ko ang magkakahalong lungkot, galit at pagkadismaya niya sa tinig ngunit wala na lang akong magawa kundi tanggapin ang mga salitang lumalabas sa bibig niya dahil ako itong hindi mabuntis-buntis."Of course you have the right to demand a child, you are my husband pero... pero anong magagawa ko kung
Magdamag na hindi umuwi si Damsel at magdamag din akong naghintay ngunit walang dumating na asawa ko.Maaga akong nag-ayos ng sarili dahil mukang wala naman siyang balak umuwi kaya kaysa magmukmok ako kakahintay sa kanya ay mabuti pang lumabas ako.Naisip kong bumisita sa bahay namin kung saan ako lumaki at medyo may kalayuan din sa Angeles City, na-mi-miss ko na sina Mama at Papa at ang... kakambal ko.Sa pagkakataong 'to ayokong maglihim sa kanila ng problema ko dahil alam ko sa sarili ko na kailangan nilang malaman ang kabuang estado ng relasyon namin ng asawa ko dahil sa huli't huli sila lang din ang matatakbuhan ko.Lulan ako ng sasakyan ko, hindi na ako nag-abalang mag-text o tumawag kay Damsel na aalis ako, hayaan ko lang siyang umuwi at datnan niya ang bahay na wala ako tutal ay kagabi pa ako tumatawag sa kanya pero panay lang ang ring nito at hindi niya sinasagot.Inis akong napahampas sa manibela at napakagat labi nang maramdaman kong namasa na naman ang mga mata ko dulot na
"Jessy, don't say na walang kakayanan ang kapatid mo dahil alam nating meron, sadyang hindi pa talaga siguro napapanahon makabuo sila," saad ni Papa na may pananaway sa kambal ko."Papa, walang kakayanan o meron man hindi nga sila makapag-produce ng baby in natural way so what is the right term for that? Jessa can't bear Damsel's child because they aren't compatible, all I am saying is what's based on science," saad ni Jessy sabay buntong hininga.Wala talagang paligoy-ligoy kung magsalita ito kung ano ang sa tingin niyang dapat sabihin ay sinasabi niya. She is only based on facts. Napansin ko rin na she doesn't sound like she's mocking me, she sounds really concerned about my situation like a sister does. Napangiti na lang ako ng mapait."I know it's really hard for you hija, but you have to stay strong kung ano man kahinatnat ng marriage niyo, baka nga tama ang Papa mo na hindi pa lang din talaga napapanahon para makabuo kayo," pang-aalo ni Mama sa 'kin sabay hagod niya sa balikat
"If I ever accept your offer, payag ba sina Mama at Papa?" tanong ko kay Jessy at bumaling sa mga magulang namin na mukang kanina pa rin nag-iisip."Ma, Pa, Jessa is asking kung payag daw ba kayo rito sa gagawin ko?" baling ni Jessy sa kanila."This is so hard to decide mga anak," sagot ni Papa habang ang kamay ay nasa kanyang mala-bigoteng baba."Kung papayag kayo, si Damsel na lang ang problema natin kung paano ba kumbinsihin ang lalaking 'yon," saad ni Jessy habang naka-ekis ang dalawa niyang braso."I think malalaki na ang mga anak natin Arthur, alam na nila ang pinapasok nila, kung ito lang ang tanging paraan para matulungan ang anak natin, I'll go with Jessy's plan tutal ay willing naman ang anak mong tulungan ang kapatid niya," pagpayag na ni Mama.Si Papa na lang ang hinihintay naming magdesisyon para makausap na namin si Damsel tungkol dito.Mas lamang ang pakiramdam ko na hindi papayag si Damsel sa ideyang 'to pero may parte din sa 'kin na kutob kong papayag siya. Ewan ko ba
"You think dahil lang sa mga sinabi mo, papayag na 'ko? That's the baddest idea I've heard," saad ni Damsel na siyang ikinabagsak naman ng balikat ko. Ewan ko ba pero maalin man ang maging desisyon niya naghahatid bigat pa rin sa kalooban ko."That's not a bad idea kung makakatulong naman sa inyo," giit ni Jessy."Tatanungin kita, bakit ba ipinagpipilitan mo? What's your purpose behind doing this?" mapanuring tanong ni Damsel habang naniningkit ang kanyang mata.Tumawa lang ng pagak si Jessy na ikinasalubong ng kilay ng asawa ko.Kahit ako nabigla rin sa tanong ni Damsel pero gusto kong marinig ang sagot ni Jessy dahil kapatid ko ito at isa ako sa mga mas nakakakilala dito."Why do you sound as if may balak akong hindi maganda eh, nagmamagandang loob lang naman ako? My purpose is to HELP YOU, nothing else," sagot nito kasabay ng pagtaas ng isa niyang kilay.Kahit naman noong mga bata pa kami hindi na talaga magkasundo sina Jessy at Damsel dahil sa palagi silang nagkakaroon ng iringan
Pagkarating namin sa tapat ng bahay ay agad-agad akong bumaba ng sasakyan at nagmamadaling umakyat sa silid namin at ini-lock ko ang pinto. Umiiyak akong dumapa sa kama habang ang mukha ko ay nasa unan."Jessa, open this damn door," kalmado ngunit bakas ang pigil na galit sa boses ni Damsel at mayamaya narinig ko na lang ang kalansing ng mga susi hanggang sa tuluyan na ngang bumukas ang pinto.Naramdaman kong tumayo siya sa may paanan ng kama habang nakapamaywang at mataman akong pinapanuod sa pagngawa ko."Iiyak ka na lang ba maghapon?" Para namang biglang nagpanting ang tainga ko at kaagad akong bumangon sabay pinagbababato siya ng unan."F*ck you, Damsel! F*ck you!" sigaw ko sa kanya na ikinadilim ng mukha niya."Kailan ka pa natutong magsalita sa 'kin ng ganiyan? You know it's a bad word wife," saad niya sa kalmado pa rin niyang boses. Gusto kong matawa, wife?"Talaga bang asawa, Damsel? Talaga bang asawa ang tingin mo sa 'kin o tau-tauhan mo lang dito sa bahay na anytime na gust