Share

14 - Harutan in River Pt. 1

Kaagad din na umalis si Tiyo Manolo nang malamang wala si papa Ramon sa bahay. Hindi ko na s’ya pinansin kanina habang kausap s’ya ni mama Delilah dahil naiilang ako sa ngiting ibinibigay n’ya sa akin.

Ngiting timang kasi. Kainis!

“Para saan ‘to?” tanong ni mama Delilah ng abutan ko s’ya ng pera.

“Sahod ko po ngayong buong linggo, mama. Inipon ko po talaga ‘yan para may pangbili po kayo ng gamot n’yo,” sagot ko.

Hindi ‘yon ganun kalaki pero makakabili na s’ya ng ilang tableta ng gamot n’ya para sa sakit n’ya sa puso.

Nakita ko ang paglambot ng ekspresyon ni mama at pangingilid ng luha n’ya.

“Salamat anak, pero hindi ko matatanggap ‘to. Gusto kong ipunin mo ‘to para sa mga pangangailangan mo.”

“Pero mama,”

Kinuha n’ya ang kamay ko saka n’ya ibinalik sa palad ko ang perang para dapat sa kanya.

“Huwag mong isipin na responsibilidad mo kami, Tabitha. Isipin mo rin ang sarili mo. Wala akong perang naiaabot sa’yo para sa mga pangangailangan mo habang lumalaki ka at ngayong nagagawa mo ng su
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status