Seducing My Hot Tycoon Stepbrother

Seducing My Hot Tycoon Stepbrother

last updateLast Updated : 2025-11-03
By:  DwendinaOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
1views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Gabriella Castillo, isang adopted child ng mayamang pamilya Castillo ang magkakaroon ng lihim na pagtingin sa kaniyang Kuya Francis— ang Hot Tycoon na panganay na anak ni Señora Marianna. Hindi niya inaasahan na mahulog siya nang tuluyan sa gwapo niyang kuya dahilan para ialay niya ang sarili rito. Ngunit, paano kapag dumating ang araw na malaman ng kanilang pamilya ang tungkol sa lihim at bawal nilang relasyon? Mapapanatili niya pa kaya ang pagiging bunso sa pamilyang umampon sa kaniya? O mawawasak nang tuluyan ang relasyon niya sa pamilya Castillo?

View More

Chapter 1

Chapter 1 [Love Letter]

“Hay naku, Gabriella Castillo, hanggang love letter ka na lang ba? Kailan mo ba balak dumiskarte sa Kuya Francis mo?” anang kaibigan kong si Leslie na nakapamewang pa habang sinisilip ang sinusulat ko.

Sinimangutan ko siya.

“Kung bibilangin siguro iyang letters mo, aabutin na iyan ng libo,” dagdag niya pa nang may pang-aasar.

“Tumigil ka nga, suportahan mo na lang kasi ako. Akin na nga iyang white envelope ko,” naaalibadbaran kong utos sa kaniya.

Naiiling na lamang niyang inabot iyon sa akin.

Apat na taong gulang pa lamang ako nang ampunin ako ng pamilya Castillo. Ang pinakamayamang angkan sa Isabela noong panahong iyon. Walang anak na babae si Señora Marianna, tanging dalawang lalaki lamang ang naging anak niya sa kaniyang namayapang asawa. Kaya't nang masilayan niya ako noong musmos pa lamang ako. Hindi siya nagdalawang-isip na ako'y ampunin kaagad.

Naging masaya naman ang childhood life ko sa poder nila. Mabubuti silang tao lalung-lalo na si Kuya Francis. Siya ang mas iniidolo ko sa kanilang dalawa ni Kuya Jordan. Mabait siya sa likod ng pagiging maangas niya, katalinuhan at kaguwapuhan. Sa katunayan, marami ang naaakit sa kaniyang anyo at isa na ‘ko do’n.

Naging malapit ang loob ko sa kaniya simula nang tumira ako sa kanila. Siya ang naging takbuhan ko noong nag-aaral pa ako. Kapag nahihirapan ako sa mga proyekto ko, mga asignatura sa paaralan at lalo na sa mga bully. Lagi niya akong pinagtatanggol at pinagbibigyan sa lahat ng anumang hilingin ko. Ngunit, nagbago ang lahat ng iyon nang lumayo siya sa amin at mag-aral ng master’s degree sa ibang bansa.

Nang magdalaga ako, hindi ko inaasahan na ang simpleng paghanga ko sa kaniya ay umusbong pa at mas lalo pang lumalim–nauwi sa matinding pagkagusto.

Simula no’n palihim na akong nagsusulat sa aking diary patungkol sa nararamdaman ko sa kaniya kung gaano ko siya ka-crush kahit noong elementarya pa ako.

Maliban doon, nagsusulat din ako ng love letters na itinatago ko lang din naman kaagad sa secret box ko. Inamin ko roon sa letters kung gaano ko siya kagusto sa kabila ng pagkakakilanlan namin bilang magkapatid. Pareho nga kami ng apilyedo ngunit hindi naman sa dugo. Ini-spoil ko ang aking lihim na nararamdaman sa kaniya.

Siya ang ideal man ko sapagkat nasa kaniya na ang lahat ng pinapangarap ko sa isang lalaki na nais kong maging asawa balang-araw. Pinagsikapan kong alamin ang mga paborito niya, gusto at mga ayaw niya. Gumawa pa ako noon ng autograph para malaman lang ang lahat ng iyon.

Sa araw-araw na magkasama kami sa mansion, mas yumabong ang lihim na pagtingin ko sa kaniya. Lumala ang kagustuhan kong lagi siyang makita at makasama. Hindi ko alam kung bakit iyon ang nararamdaman ko sa tuwing nasisilayan ko siya. Gayunpaman, kapatid lang ang turing niya sa akin at nararamdaman ko ‘yon.

Ambisyon ko pa ring balang-araw ay maging kami. Naghanap ako ng paraan upang mas mapansin niya ako at magustuhan nang higit pa sa kapatid ang turing.

‘Ang cute mo talaga, bagay sa iyo ang lahat ng iyong suotin..’ naalala ko pang minsang puri niya sa akin sa party noong debut ko.

Ang mga katagang iyon ang laging pumapasok sa utak ko dahilan para gawing inspirasyon ko na mas mag-improve pa sa sarili. Para rin isipin na may pag-asa pang magkagusto siya sa akin kahit ganito lang ako–isang adopted child na walang ideya kung saang pamilya nagmula.

Pinagsikapan ko ring magtapos ng degree. Marami akong pinag-aralan. Hindi lamang sa nursing, fashion kung hindi pati na rin sa business. Gusto kong maging isang perpektong babae sa harap ni Kuya Francis upang balang-araw magustuhan niya rin ako.

Hanga ako sa kaniya sapagkat sa edad na 32 ay marami na siyang napatunayan. Lumaki siya sa high-profile na pamilya kaya't hindi maipagkakaila kung gaano siya kakilala sa larangan ng industriya. Walong taon ang agwat naming dalawa ni Kuya Francis. Mas matanda siya sa akin at iyon ang isa sa mga gusto ko sa lalaki–yaong mas mature mag-isip.

‘Gab, bakit parang napapansin ko–wala kang manliligaw na nagpupunta rito? Wala ka ni isang syotang ipinakilala sa ‘min, maganda ka naman at mabait,’ naalala ko pang tanong niya sa akin noong nakaraang taon.

Pabiro ko na lamang siyang sinagot no’n, ‘Walang kayang magtangka, Kuya dahil natatakot sila sa ‘kin.’ Pero ang totoo, ayaw ko sa kanila dahil mas gusto ko siya.

‘Nasa tamang edad ka na. Naku, kapag ikaw tumanda ng single. Huwag mo kaming desperadong pahanapin ng magiging asawa mo, ha?’ pabiro niya pang dagdag.

Natatawa na lamang ako habang naiisip ang naging usapan namin sa lanai no’n kasama sina Mommy at Kuya Jordan. Ako lang naman kasi ang laging pulutan nila kapag nagttipun-tipon kami sa mansion.

Twenty four na ako pero kahit kailan, hindi ko binigyang pansin ang mga kalalakihang nagpapaparamdam at nagpapakita sa akin ng anumang motibo. Si Kuya Francis lang ang hinihintay kong pag-ibig.

Isang hapon, sapagkat nasanay nga akong sorpresahin si Kuya Francis sa kaarawan niya. Matapos kong manggaling sa bahay ni Leslie, pasikreto akong nagpunta sa condo ni Kuya Francis. Alam ko ang lock number ng unit niya–of course dahil memorized ko iyon.

Mahigit dalawang linggo na siyang hindi umuuwi sa mansion dahil sa trabaho niya. Simula kasi nang pumasok siya noon sa business empire ng pamilya naging abala na siya sa buhay. Minsan lang siyang umuwi sa loob nang isang buwan. Ni hindi na nga siya nakaisip pang umuwi ngayong birthday niya.

Balak pa naman sana naming mag-celebrate kaso hindi natuloy. Kaya't heto ako, naghahanap ng paraan para makita siya at sorpresahin. Para kahit papaano ma-feel niya ang special na araw na ito.

Naabutan kong walang tao sa loob. Tamang-tama iyon para maayos ko ang silid. May ilang oras pa bago siya makarating. Alam kong busy siya sa mga ganitong oras at madalas gabi na siya kung umuwi.

Lumapit ako sa drawer niya at sinunod ang advice sa akin ni Leslie na iipit sa libro ang letter na ginawa ko kanina. Kinakabahan ako pero lakas-loob ko pa ring ginawa. Itinago ko iyon sa pinakailalim.

Makalipas ang mahigit dalawang oras, handa na ang mesa. Nagtungo ako sa dressing room niya para mag-retouch ng aking make-up. Medyo na-erase ng kaunti dahil sa pawis ko kanina. Tiningnan ko rin sa salamin ang repleksyon ko. Inayos ko ang suot kong maiksing red dress na backless.

Napangiti ako at nasasabik. Siguradong mapapansin na niya ako sa ganitong ayos. Wala akong pakialam kung sawayin niya ako sa suot ko. Gusto ko lang makita kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nakita niya akong ganito ka-sexy.

Tinititigan ko pa ang sarili ko sa salamin nang kaagad akong makarinig ng kalabog sa may pintuan. Hudyat na dumating na si Kuya Francis. Kinabahan ako ngunit nasasabik din. Magtutungo na sana ako sa may pintuan ngunit natigilan ako nang maulinigan ko ang boses ng isang babae na hindi ko mawari ang tono.

“Francis… saglit lang, masyado ka namang excited...” anang boses ng babae na may kalandian ang tono.

Naramdaman ko ang malakas na kabog sa dibdib ko nang dahan-dahan akong lumapit sa nakabukas na pintuan ng kaniyang kama. Konektado iyon sa dressing room na kasalukuyan kong kinaroroonan.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status