Share

Chapter5

Author: alyn14
last update Petsa ng paglalathala: 2025-10-15 19:52:39

"He promise me before na babalikan niya ako at pinanghawakan ko iyon. Ilang taon akong nag tiis para sa kanya. Naghintay ako pero mukhang wala na pala akong hihintayin," ani ko na lumuluha habang umiinom. Tumigil ako sa pagsasalita ng dumating ang order namin, mataman akong tinititigan ng mga kaibigan ko na hindi makuha ang gusto kong ipunto.

"Nandito naman na siya diba... anong problema doon?" Tanong ni Cheska na naguguluhan.

"Yah nandito siya pero ang tanong kilala pa kaya niya ako. Ni hindi nga siya nagpakita sa akin simula ng dumating siya. Sabihin niyo nga sa akin hindi ba ako karapat dapat sa kanya," sabi ko sabay inom ng sunod sunod.

"No, you are...you loved him the most and mahal na mahal ka din niya," pang aalo ni Cheska.

"Siguro dahil busy siya sa ngayon at di ka pa maharap. Alam mo naman ang mga baguhan sa business kaylangan niyang tutukan yun ng mabuti," sabi din ni Aya na pinapakalma ako pero talagang sasabog na ako.

"Dalawang buwan na siya dito, hanggang ngayon ba naman busy pa rin siya. Ginawa ko ang lahat para sa kanya. Mahal na mahal ko siya best friend pero mukhang hindi niya na ako mahal ngayon. Ang sakit sakit," umiiyak kong sabi dito.

"Don't say that...puntahan natin at para makapag usap kayo," ika naman ni Cheska na natataranta na sa akin.

"Hindi niya na ako mahal bess...Kung talagang mahal ka ng isang tao gagawa at gagawa iyon ng paraan para magkausap kayo," ani ko na sisinghot singhot.

"Sandali nga bestfriend...bakit ba lagi mong sinasabi na hindi mo siya mahal? Ano bang nangyari? May iba na ba siya," sunod sunod na tanong ni Aya. Napahagulgol ako sa narinig, binigay ko sa kanila ang aking cellphone at pinakita doon ang nakita ko.

"Let me see," ani Cheska sabay agaw ng cellphone at binasa ang naka caption na nakita ko kanina "heto na ba ang girlfriend ng isang William Dames na hinahangaan ng lahat," malakas na pagkabasa nito.

"Patingin nga," ika naman ni Aya binasa ito sabay tingin sa akin. 

"Bess huwag kang magagalit sa sasabihin ko ha. Baka naman kinalimutan ka na niya, diba sabi mo natigil lang ang pag uusap ninyong dalawa makalipas ng dalawang taon. Hindi na ba yun nasundang muli," Cheska said. 

"Tumigil ka nga diyan gaga ka. Baka naman kasamahan lang n-" hindi pinatapos ni Cheska ang sinasabi nito.

"Huwag mo akong pigilan Aya. She need to know na hindi na siya mahal ni William dahil kung mahal siya nito kahit na ipagbawal man ng magulang nito gagawa at gagawa siya ng paraan para magalikan sila," supalpal nito kay Aya. Tinamaan ako sa kanyang sinabi, lumuluha ako pero kaylangan kong tanggapin ito.

"Kita mo nga sa picture ang sweet sweet nila ng babaeng yan samantalang ang kaibigan natin ni hindi  man lang makamusta. Almost two months nang nandito pero wala man lang ginawa para magkita sila tapos makikita mo sa balita na may kasamang iba. Anong mararamdaman mo? " dagdag pa nito.

"Naku, mukhang ekis na din ito sa akin. Gwapo nga mapaglaro naman," bulong niya pa na narinig din naman namin.

"Minahal ko siya ng higit pa sa buhay ko pero bakit ganon siya. Hinintay ko siya hanggang sa malapit na akong malagpasan ng kalendaryo tapos ganun lang ang makikita ko," umiiyak kong sabi.

"Ano ngayon kung malagpasan ka ng kalendaryo? Si Aya nga malapit ng mawala sa kalendaryo pero yan pa rin siya manang na manang," natatawang sabi ni Cheska sa amin.

"Bwisit kang animal ka....Buti nga kami nagka jowa, ikaw kaya walang magkagusto sayo dahil sa kaartehan mo," ika naman nito kay Cheska. Nawala tuloy ang drama ko dahil sa mga gaga kong kaibigan.

"Kung kagaya din lang ng mga naging shota ninyo...naku huwag na lang, hindi ko pinangarap hhhmmmmpp," maarteng sabi ng gaga.

"Huwag ka ng umiyak diyan best friend, hindi siya kawalan sayo. If I were you maghanap na lang ako ng iba. Huwag mong sayangin yang alindog mo sa taong ayaw naman sayo," sabat na naman ni Cheska. Nagpunas ako ng luha at nawala ang bigat ng nararamdaman ko.

"Tama bess...inom na lang tayo...lets cheerrsss para sa kalayaan ng aming magandang kaibigan," papungay pungay ng sabi ni Aya. Wala pa atang dalawang beer ang nainom nito may tama na.

""Cheeerrsss...tara isayaw na lang natin ito para makahanap agad tayo ng gwapo," Cheska said at inaaya kaming dalawa ni Aya. 

"I can't kayo na lang. Nahihilo na ako," sabat naman ni Aya.

"Hindi ka kasi sanay uminom. Sige dito ka na lang at sayaw kami ni Jam," ani nito na malakas na ata ang tama ng alak sa kanya. 

Nagpatianod naman ako dito ng hilahin niya ako sa stage. Nagsayaw kami ng nagsayaw doon na parang baliw. Wala na akong pakealam kung mahipuan man ako basta kung may gustong makipagsayaw sa akin go lang ng go. Gumigiling kami ni Cheska at nagtatawanan ng bigla akong nahilo. Napatutop ako sa aking bibig ng maka amoy ng masangsang na amoy. Nasusuka akong tumatakbo papuntang bathroom, hinawi ko ang mga napakaraming tao na nadaraanan ko.

Hindi ko na pinansin ang mga nakatingin sa akin lakad takbo ang ginawa ko hanggang sa makarating ako sa CR. Pagka bukas ko ng pinto nagsuka agad ako sa sink nito. Halos maisuka ko na lahat ng kinain ko, I open the water at nag mumog pagkatapos kong magsuka. Nanghihina akong napasandal sa dingding at napapikit. Hinihintay kong humupa ang pag ikot ng aking paningin, nahihilo ako na ewan. Nasa ganoon akong hitsura ng biglang may tinig akong marinig sa tabi ko. Hindi lang basta tinig iyon sa akin, boses yun ng pinakamamahal kong si William.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Mahal Ko ang Pinsan Ko (SPG)   Chapter83

    Bumukas naman ito agad, pumasok ako at napansin kong walang ka ilaw ilaw. Halatang may tao naman dahil naka on ang aircon. Naglakad ako sa kadiliman hanggang sa masanay ako sa buong paligid. Naglakad ako papuntang kusina ng walang ka ingay ingay. Nang makita kong safe naman ang lahat kaya ako nagbukas ng mga ilaw.Bumulaga sa akin ang mga bagong kagamitan dito, nilibot ko ang buong lugar dito sa loob hanggang sa mapatingin ako sa likod. Pumunta ako doon at pinag aralan ang buong lugar, wala naman akong makitang threat dito kaya pumasok akong muli. Maganda ang likuran nito, may swimming pool na rin at mini bar dito sa likuran. Wala nga lang amsyado pang mga gamit. Halatang kakalipat talaga, medyo madilim pa rito. May nakalagay lang na dalawang solar dito na naka ilaw. Mukhang nagtitipid siya sa isip isip ko. May mga upuan naman na pwedeng pagpahingahan dito sa likuran. May kitchen din dito na mukhang dito ata pwede mag barbeque. I feel so touch na nakabili ito ng ganito sa sarili niya

  • Mahal Ko ang Pinsan Ko (SPG)   Chapter82

    Lumabas ako sa condo ni Jam at dali daling bumaba, inis na inis ako sa kapatid nito at sa kasama niyang parang linta. Hindi naman ito ang asawa niyang tunay dahil ng maging curious ako sa kalagayan ni Jam pina imbestiga ko ito kaya nalaman ko na lumayas pala siya dahil sa pinipilit siyang ipakasal sa lalaking hindi naman niya gusto. Dito ko rin nalaman na lahat ng mg kapatid nito pinakasal sila sa mga kasosyo ng kanyang pamilya. Kahit kaylan talaga gahaman sa kapangyarihan ang pamilya nito sa isip isip ko. Gusto ko sanang magsaya sa nalaman na yun pero hindi ko magawa. Almost seven years na kaming walang communication at puro sakit na lang ang naitanim sa puso't isip ko kaya mahirap yun kalimutan.Hindi ko nga alam kung bakit nag aaksaya ako ng panahon sa kanya ngayon. Gusto ko siyang iwasan pero ayaw ng isip katawan kong sumunod sa nais ko. Saktong makapasok ako sa aking sasakyan ng makatanggap ako ng tawag mula sa aking tauhan na inutusan kong hanapin ang tinitirhan ngayon ni Jam.

  • Mahal Ko ang Pinsan Ko (SPG)   Chapter81

    Dali dali akong sumakay sa aking kotse at pinaharurot ito para punathan si Jam. Humanda ka sa akin sa isip isip ko. Napakabilis ng pagtakbo ko na halos lahat ng madaanan ko humihinto na sila para bigyan lang ako ng space. Ilang araw akong nagtiis para puntahan siya tapos ganon lang ang gagawin sa akin. Wala pang twenty minutes nakarating na ako sa baba nila.Dali dali akong umakyat at ng makarating ako sa harap ng condo nito kinatok ko siya ng kinatok. Nalukot ang mukha ko ng makarinig ako ng boses ng isang lalaki sa loob. Boses niya at boses ng isang lalaki ang naririnig kong nagmamadaling pagbuksan ako lalo na ng halos gibain ko na ang pintuan sa lakas ng pagkatok ko. Mukhang may kasama siyang lalaki, sino kaya ito sa isip isip ko."Who the hell are yo-" hindi nito natapos ang kanyang sinasabi ng mabungaran nila ako.Gusto ko sanang isorpresa sila pero mukhang ako ang nasorpresa sa nakita. Napatingin ako sa dalawang mukhang katatapos lang maglampungan base sa kanilang hitsura. If I

  • Mahal Ko ang Pinsan Ko (SPG)   Chapter80

    WILLIAM POVHindi ako kumukurap na nakatitig sa kanya, ilang araw na akong balisa simula ng maospital ito hindi na ako natahimik. Ang sakit sakit ng ginawa niya sa akin pero bakit ganito ako ngayon. Gusto ko rin sanang ibalik lahat ng sakit na ginawa niya sa akin pero sa tuwing nakikita ko siyang nasasaktan, nasasaktan rin ako. Hindi ko matanggap yun kaya pinipilit ko siya na magtrabaho sa akin para magawa ko lahat ng gusto ko sa kanya.Hindi ko naman akalain na ganon ang mangyayari kaya ngayon nakokonsensiya ako sa tuwing naalala ko na naospital siya dahil sa akin. Gusto ko sanang matuwa pero hindi ko ito magawa, hindi maganda ang aking pakiramdam sa tuwing pumipikit ako yung pangyayaring yun ang nakikita ko sa aking balintataw. Hindi ko magawang magalit sa kanya kaya araw araw akong masungit din sa trabaho. Bawal ang magkamali sa harap ko.Araw araw akong balisa kaya palihim akong pumupunta sa hospital para bantayan ito. Tinititigan ko siya pagsapit ng hating gabi, minomonitor ang k

  • Mahal Ko ang Pinsan Ko (SPG)   Chapter79

    Nang makarating ako sa bahay, binigyan ko ng isang libo ang taxi driver. Hindi ko na kinuha ang barya dahil nagmamadali akong makapasok na sa bahay. Malayo naman dito kaya hindi naman na masama kung bigyan ko siya ng tip. Mabait naman ang driver ng taxi kaya ok na yun.Kinuha ko sa loob ng aking bag ang susi ng gate saka pumasok dito. Nakahinga ako ng maluwag ng maisara ko ang gate at makapasok sa loob ng bahay. Nawala ang mga alalahanin sa puso't isip ko ng mabungaran ko ang hitsura ng aking bahay. Ang kauna unahang naipundar ko for almost seven year na ipon. Malinis at maaliwalas ang buong kapaligiran. "Baka magpapabili pa ako ng mga solar lights dito sa labas at lahat ng mga haligi nitong gate papalagyan ko hanggang likod para maaliwalas sa gabi dito sa loob at sa labas," bulong ko. Magtitiis muna ako sa iisang bumbilya na nakalagay dito sa gate at sa taas ng pintuan ng bahay. Isa rin ang nakalagay sa likod, tiis muna sa madilim sa isip isip ko.I open all the curtain para umaliwa

  • Mahal Ko ang Pinsan Ko (SPG)   Chapter78

    Naramdaman kong inakay ako nito paupo sa kama at tiningnan ang buo kong katawan if may masakit ba sa akin. Para nga siyang walang ginawa sa inaakto nito, kung maka asta akala mo naman concern na concern sa isip isip ko. Hindi maganda ang aking pakiramdam kaya hindi ko ito masaway. Nakapikit ako ng maramdaman kong hiniga niya ako sa kama na may pinagpatung patong na mga unan."Stay like that," ika nito ng tangkain ko sanang bumangon pero pinigilan niya ako.Hinayaan ko na lang siya sa gusto niya at wala naman na akong magagawa pa. Hindi naman ako mananalo dito at baka nga lalo pang sumakit ang ulo ko kapag pinatulan ko siya. Ang gusto ko na lang gawin sa ngayon ay ang maging ok na ako at ng makauwi na agad.Naramdaman ko ang paninitig nito pero hindi ako dumilat at hinayaan lang ang aking mga mata na nakapikit. Narinig ko ang buntong hininga nito sa tabi ko bago tumayo narinig ko ang mga yabag niya na naglalakad hanggang sa marinig ko ang pagbukas nito sa pintuan at pagsara. Mukhang um

  • Mahal Ko ang Pinsan Ko (SPG)   Chapter31

    "Sabagay naiintindihan ka naman namin mahirap nga yan. So, anong plano mo? Ayaw mo bang pumunta doon," ika naman ni Aya."Hindi naman pwedeng hindian mo si Sir at baka masira ka. Alam naman nating lahat ang ugali noon, ayaw na ayaw niyang pinapangunahan siya at nag opposed ka sa mga sinasabi niya..

    last updateHuling Na-update : 2026-03-25
  • Mahal Ko ang Pinsan Ko (SPG)   Chapter27

    Hindi ko akalain na ang taong bisita pala namin ay walang iba kundi si William, ang taong iniiwasan ko dahil sa nagawa kong kapalpakan. Halos mangamatis ako kanina sa kahihiyan ng nagawa ko, ang bunganga ko talaga kasi kung minsan walang filter. Hindi ko makontrol kaya dito ako napapahamak lagi. Hi

    last updateHuling Na-update : 2026-03-24
  • Mahal Ko ang Pinsan Ko (SPG)   Chapter29

    Nakasimangot akong lumabas ng opisina nito at halos wala ako sa aking sarili ng makarating sa aking upuan. Kung hindi pa ako yugyugin ni Aya hindi pa ako matatauhan. Sinamaan ko ito ng tingin ng makita ko siyang paikot ikotin ako habang tinitingnan."Snap out...your spacing out dear. Ano bang nangy

    last updateHuling Na-update : 2026-03-24
  • Mahal Ko ang Pinsan Ko (SPG)   Chapter25

    Gusto ko pa sanang pagmasdan ang kagandahan ng hotel na to pero hindi ko na nagawa sa akalang baka maabutan niya ako. Sakto namang nakita ko ang elevator, tumakbo ako doon at pinindot pababa. Hindi naman nagtagal dumating ito, sumakay agad ako at bumaba sa ground floor. Lumantad sa akin ang kagand

    last updateHuling Na-update : 2026-03-23
Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status