LOGINHindi ako marunong maging mahina. Sa buong buhay ko, kamao ang naging sagot ko sa lahat. Kapag may nanakit... lumalaban ako. Kapag may nang-api... sumusuntok ako. Dahil iyon lang ang alam kong paraan para mabuhay. Pero walang suntok ang kayang talunin ang sakit ng makitang unti unting nilulunod ng sugal ang sarili mong ama. Isang gabi... isang maling suntok ang tuluyang sumira sa buhay ko. Akala ko isa lang siyang bastos na customer sa nightclub na pinagtatrabahuhan ko. Kaya pinatikim ko siya ng pinakamalakas kong suntok. Hindi ko alam... ang lalaking iyon pala ay si Henry Zobel. Ang pinakamapangyarihan... pinakamayaman... at pinakakinatatakutang mafia billionaire sa bansa. Akala ko papatayin niya ako. Mas malala pa pala. Ginawa niya akong personal maid sa loob ng isang taon bilang kaparusahan... kapalit ng pagbabayad sa napakalaking utang ng ama ko. Ako? Maglilinis ng mansion? Hindi nga ako marunong magplantsa nang hindi nakakasunog. Hindi ako marunong maglaba nang hindi kumukupas ang damit. At lalong hindi ako marunong yumuko sa kahit kanino. Pero ang hindi ko inaasahan... ang pinakamahirap palang trabaho ay hindi ang pagiging maid. Kundi ang unti unting pagbuwag sa pader ng isang lalaking matagal nang namatay ang puso. At ang mas nakakatakot... Ang pagbabantay sa sarili kong puso na huwag mahulog sa lalaking hindi ko dapat mahalin. Lalo na nang makilala ko ang apat na taong gulang niyang anak na si Zac... ang pinakamakulit, pinakamatalino, at pinakamatinding matchmaker na nakilala ko. Habang pilit niyang pinagdudugtong ang mga pusong pareho nang sugatan... May mga taong handang pumatay para manatiling mag-isa si Henry. At kung kailangan kong maging kalaban ng buong mafia world para iligtas silang mag-ama... Hindi ako uurong. Dahil minsan... Ang babaeng sanay lumaban gamit ang kamao... Natututong ipaglaban ang pag-ibig gamit ang puso.
View More"Ma... huwag mo akong iiwan."
Yun ang huling sinabi ko habang mahigpit kong hawak ang malamig na kamay ng nanay ko. Labindalawang taong gulang lang ako noon. Hindi ko maintindihan kung bakit ang daming tao sa maliit naming sala. May umiiyak. May nagdadasal. May kapitbahay na paulit ulit akong inilalayo sa kama. Ayoko. Gusto kong manatili sa tabi ni Mama. "Mahal... alagaan mo ang papa mo." Mahina ang boses niya pero malinaw. Napailing ako habang umiiyak. "Hindi. Ikaw ang mag aalaga sa amin." Ngumiti siya. Mahina. Pagod. "Ikaw ang pinakamatapang kong anak." Hindi ko na napigilan ang hikbi. "Ayaw kong maging matapang... gusto ko lang maging anak." Dumampi ang palad niya sa pisngi ko. "Balang araw... may taong magmamahal sa'yo kahit hindi ka na kailangang lumaban." Hindi ko naintindihan ang ibig niyang sabihin. Hindi ko na rin natanong. Dahil iyon na ang huling pagkakataong narinig ko ang boses niya. Unti unting bumagsak ang kamay niyang hawak ko. "Mama?" Hindi siya sumagot. "Mama?" Mas lumakas ang iyak ko. "Mama... gising na..." May humila sa akin. May yumakap. May nagsabing wala na raw siya. Hindi ako naniwala. Hanggang sa isinara nila ang kabaong. Doon ko lang tinanggap. Patay na ang nanay ko. Pagkatapos ng libing, parang kasabay ding nailibing ang dating tatay ko. Dating masayahin si Papa. Mahilig siyang kumanta habang nagluluto. Mahilig siyang magbiro kahit wala namang nakakatawa. Pero isang gabi, umuwi siyang may dalang baraha. Kinabukasan, may mga tiket sa sabong. Sumunod, may online betting. Hanggang sa halos gabi gabi na siyang wala sa bahay. Noong una, nananalo siya. May pagkain kami. May pambayad ng kuryente. May bagong sapatos pa nga ako. Akala ko magiging maayos na ulit. Mali pala. Habang lumalaki ang panalo, mas lumalaki rin ang pustahan. At nang magsimula siyang matalo... Hindi na siya tumigil. Unti unting nawala ang telebisyon. Sumunod ang motor. Sumunod ang ref. Hanggang isang araw... Pag uwi ko galing school... Wala na ang maliit naming sofa. Napaupo ako sa sahig. "Papa... nasaan ang gamit natin?" Hindi siya tumingin sa akin. "Naisanla." "Bakit?" "Kailangan kong bawiin." "Paano kung matalo ulit?" Tumayo siya. "Mananalo ako." Yun ang paulit ulit niyang sinasabi. Hindi na dumating ang panalong hinihintay niya. Labingwalo na ako nang tuluyan akong huminto sa pag aaral. Hindi dahil tamad ako. Kundi dahil wala nang pambayad. Naghanap ako ng trabaho. Crew. Promodiser. Cashier. Lahat sinubukan ko. Lahat kulang. Hanggang sa isang gabi... May lasing na lalaki ang humawak sa braso ko sa convenience store. "Magkano ka?" Hindi ko siya sinagot. Mas hinigpitan niya ang hawak. "Walang angal." Hindi ako umiiyak. Hindi ako nagsisigaw. Diretso ko lang siyang sinuntok. Bumulagta siya sa sahig. Tahimik ang buong tindahan. May lumapit na lalaking naka itim. Malaki ang katawan. Nakangiti. "Ikaw ba ang sumuntok?" "Oo." "Hindi ka natakot?" "Bakit ako matatakot?" Tumawa siya. "Gusto mo bang maging bouncer?" Tatlong taon ang lumipas. Ngayon... Kapag narinig ng mga siga ang pangalan kong Sky Cruz... Kusang bumabait ang karamihan. Hindi dahil sikat ako. Kundi dahil alam nilang hindi ako mahilig makipag usap. Mas mabilis akong makipagsuntukan. "Sky!" Lumingon ako. Si Candy. Bitbit ang dalawang milk tea. "Aba... buhay ka pa pala." Inirapan ko siya. "Gusto mo'ng drinks?" "Sure ba? Libre mo?" "Libre ko." Kinuha ko rin. Ngumisi siya. "May bagong viral video ka." "Ano na naman?" "Inupload nung lalaking binato mo ng basurahan." Napapikit ako. "Kasalanan niya." "Oo na. Pero ang comments..." Binuksan niya ang cellphone. Binasa niya nang malakas. "'Asawahin ko na si ate bouncer.'" Napangiwi ako. "May isa pa." "'Kapag si Sky ang girlfriend mo, safe ka sa holdaper.'" Napatawa ako kahit ayoko. Tinuro ako ni Candy. "Ayan. Marunong ka pa palang ngumiti." "Huwag kang maingay." "Miss ka yata ng mga lasing." "Mas miss nila ang kamao ko." Bigla kaming nagtawanan. Hindi ko alam... Na iyon na pala ang huling araw na matatawa ako nang walang kapalit. Dahil pagsapit ng gabi... May lalaking papasok sa nightclub. At isang suntok lang mula sa akin... Ang tuluyang babaliktad sa buong buhay ko. "Sky... may bagong VIP na dumating. Ikaw ang bahala sa kanya." "Sky... may bagong VIP na dumating. Ikaw ang bahala sa kanya." Napabuntong hininga ako habang isinuksok ko ang cellphone sa bulsa ng pantalon ko. "Ako na naman?" reklamo ko. Tumawa ang manager naming si Boss Nestor. "Ikaw lang ang kayang sumupalpal sa mga feeling hari." "Kapag may sumuntok sa'kin, ibabawas mo sa sweldo ko?" "Kapag ikaw ang nanuntok, baka dagdagan pa kita." Napailing ako. "Napakagandang motivation." Naglakad ako papunta sa entrance ng nightclub. Bumungad agad sa akin ang maingay na tugtog, kumikislap na ilaw, at halo halong amoy ng alak at mamahaling pabango. Ito ang mundo ko. Magulo.Maingay. Pero kontrolado. At trabaho kong siguraduhing walang sisira sa gabing binayaran ng mga customer. "Sky!" Lumingon ako. Si Candy. May hawak na tray ng cocktails habang nakangisi. "May challenge ako." "Ano na naman?" "Kapag walang nasuntok ngayong gabi, libre kitang samgyup." Napairap ako. "Kapag may nantrip?" "Libre mo ako." "Talo ka." "Tingnan natin." Tinapik niya ang balikat ko bago naglakad palayo. Hindi pa man ako nakakalayo ay may narinig na akong sigawan. "Hoy! Bitawan mo ako!" Napalingon ako. May lasing na lalaki ang pilit hinihila ang isang waitress papunta sa mesa nila. Diretso akong lumapit. "Boss." Hindi siya lumingon. Mas hinigpitan pa niya ang hawak sa braso ng waitress. "Busy ako." Tinanggal ko ang kamay niya. "Ngayon, hindi ka na." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Ikaw ba ang bouncer?" "May problema?" Ngumisi siya. "Akala ko lalaki." "Marami nang nagkamali diyan." Tinulak niya ako. Hindi ako gumalaw. Napakunot ang noo niya. "Anong klaseng babae ka ba?" "Yung hindi pumapayag na bastusin ang staff." Tumawa ang mga kasama niya. Isa sa kanila ang nagsalita. "Pare... alis na tayo. Siya yata si Sky." Nawala ang ngiti ng lalaki. "Siya yung..." "Oo." Bigla niyang binitawan ang waitress. "Sige na nga." Tumalikod silang lahat. Huminga nang malalim ang waitress. "Thank you, Ate Sky." "Magtrabaho ka na." "Opo." Pagkaalis niya, lumapit si Candy. "Hindi ka pa rin nagbabago." "Hindi dapat." "Alam mo... minsan isipin mo rin ang sarili mo." Napatawa ako. "Kapag naisip ko ang sarili ko, sino ang magtatanggol sa kanila?" Hindi siya agad sumagot. Hinampas lang niya nang mahina ang braso ko. "Heroine ka talaga." "Hindi." "Tigas ulo lang." Bago pa kami makapagbiruan ulit, nagvibrate ang cellphone ko. Papa. Napapikit ako bago sinagot. "Ano?" "Sky..." Paos ang boses niya. "May kailangan lang ako." "Wala akong extra." "Hindi pera." "Sigurado?" "Totoo." Tumahimik ako. Kilala ko ang tatay ko. Kapag sinabing hindi pera ang kailangan... Pera pa rin ang dulo. "Anong gusto mo?" "Pwede ba kitang makita bukas?" "Bakit hindi ngayon?" May ilang sandaling walang nagsalita. "Sige na bukas." Pinatay niya ang tawag. Napakagat ako sa labi. May kakaiba. Hindi siya ganoon magsalita. Parang may itinatago. "Problema?" tanong ni Candy. "Si Papa." "Utang nanaman ?" "Parang." "Sky..." "Huwag." "Hanggang kailan mo siya sasaluhin?" Hindi ako nakasagot. Dahil hindi ko rin alam. Mahal ko ang tatay ko. Pero nakakapagod nang paulit ulit siyang bumagsak habang ako ang sumasalo. Binalik ko ang cellphone sa bulsa. "Trabaho muna tayo bhe." Tumango si Candy. "Sige." Hindi pa man kami nakakahakbang ay may malakas na kalabog. Isang customer ang tumilapon sa harap namin. Napatigil ang lahat. May isa pang lalaki ang sumugod. Diretso kong hinarang. "Tigil." "Huwag kang makialam." "Trabaho ko ito." Sinuntok niya ako. Nakaiwas ako. Hinawakan ko ang braso niya saka ko siya itinulak pabalik. "Labas." "Hindi ako lalabas!" "Sige." Hinila ko siya papunta sa pinto habang nagmumura siya. Pagdating sa labas, binitawan ko siya. "Bawal ka na rito." "Angas ah?! babae ka lang, akala mo kaya mo ako?" Napangiti ako. "Hindi." Bigla siyang sumugod. Mabilis kong naiwas ang katawan ko. Nawalan siya ng balanse at dumiretso ang mukha niya sa nakaparadang basurahan. Napatawa ang mga taong nasa labas. Tumayo siyang puno ng galit. "Babalikan kita!" "Kumuha ka muna ng sabon." Mas lumakas ang tawanan. Pagpasok ko ulit sa nightclub, nakataas na ang dalawang kamay ni Candy. "Champion!" "Huwag kang maingay." "Libre na naman ang entertainment." Napailing ako. Ito ang dahilan kung bakit bihira akong seryosohin ng mga kaibigan ko. Kapag may gulo... Ako ang unang tinatawag. Kapag tapos na... Ako rin ang unang inaasar. Lumapit si Boss Nestor. "Good job." "May Bonus?" "Salamat."Tinalikuran ako ng mokong kong boss "Kuripot." Napanguso kong sagot. Tumawa siya. "Sky." "Ano?" "May isa pang paparating." "VIP?" Tumango siya. "Personal request." "Kaninong request?" "May nagbilin lang." Napakunot ang noo ko. Hindi karaniwan iyon. Lahat ng VIP dumadaan sa reservation. Bakit may personal request? May dumating na itim na sasakyan sa harap ng entrance. Tahimik ang paligid. Hindi dahil sa utos ko. Kusang tumigil ang mga valet na parang kilala nila ang bagong dating. Napatingin ako sa pinto ng sasakyan. Unti itong bumukas. May lalaking bumaba. Simple ang suot. Itim na polo. Rolyo ng manggas. Walang bodyguard na katabi. Pero kakaiba ang tindig niya. Naglakad siya papunta sa entrance na parang wala siyang pakialam sa mga matang nakatingin sa kanya. Huminto siya sa harap ko. Nagtagpo ang mga mata namin. Bahagya siyang ngumiti. "Ako yata ang hinihintay mo.""Daddy, bakit ba ang lungkot ng mukha ninyong dalawa ni Sky ngayong gabi parang lumunok kayo ng sama ng loob habang kumakain tayo ng hapunan?"Biglang tumunog ang malinaw at matinis na boses ni Zac mula sa gitna ng mahabang dining table kung saan nagtipon ang buong pamilya para sa isang pormal na salu-salo kasama ang ilan sa mga pinagkakatiwalaang matataas na opisyal ng Zobel empire. Ang apat na taong gulang na paslit ay mabilis na tumayo sa upuan niya, hinawakan ang wireless microphone na nakakonekta sa sound system ng silid, at ngumiti nang may halong kalokohan na alam kong nagbabadya ng isang malaking gulo. Si Henry na umiinom sana ng wine ay nabulunan nang bahagya habang mabilis na lumingon sa anak niya na may halong gulat at pagbabanta sa mga mata."Zachary Zobel, ibaba mo ang mikroponong iyan ngayon din kung ayaw mong mawala ang lahat ng laruan mo sa silid simula bukas ng umaga," utos ni Henry habang mabilis siyang tumayo para agawin ang mic kay Zac, pero sadyang mabilis kumilos
"Bakit biglang tumahimik ang buong mundo at tanging ang tibok lang ng dibdib mo ang naririnig ko sa gitna ng silid na ito, Henry?" Nagsalita ako nang mahina, ang boses ko ay halos pabulong na nalunod sa pagbabago ng paligid habang ang musika sa ballroom ay dahan-dahang lumipat mula sa masiglang tugtog patungo sa isang napakabagal at romantikong melodiya. Ang mga taong nakapalibot sa amin na kanina ay nagbubulungan at naghihintay ng gulo ay tila biglang natigilan, sabay-sabay na napaatras habang pinapanood ang bawat galaw ni Henry. Ang mga mata niya ay nakatitig sa mga mata ko nang may kakaibang lalim na nagpatigil sa paghinga ko, parang walang ibang tao sa mundong ito kundi kaming dalawa lamang na nakatayo sa ilalim ng nagniningning na chandelier."Dahil matagal ko nang gustong patahimikin ang lahat ng ingay sa paligid ko, Sky, at sa wakas ay nahanap ko na ang kapayapaan na iyon sa mismong mga bisig mo," sagot niya habang dahan-dahan niyang inilipat ang isang kamay ko sa balikat niya
"Saan mo ba ako hinihila, Henry, at baka nakakalimutan mo na suot ko ang napakataas na takong na ito habang lumalakad tayo sa gitna ng nagkakagulong mga tao?"Sigaw ko habang mabilis akong hinila ni Henry palayo sa pinangyarihan ng chocolate fountain disaster kung saan ang bawat mata sa buong ballroom ay nakatutok pa rin sa amin na parang mga tigre. Ang mga guwardiya at tauhan ng karibal na sindikato ay nag-uumpukan na at handa nang maglabas ng baril, pero sa isang mabilis na kumpas ng kamay ni Henry ay natigilan sila dahil sa tingin pa lang niya ay parang binubutasan na ang mga dibdib nila. Wala siyang pakialam sa mga nagpapanic na bisita habang diretso niya akong dinala sa gitna mismo ng malawak na dance floor kung saan ang ilaw ng spotlight ay direktang nakatutok aming dalawa."Tumahimik ka muna, Sky, dahil kung hindi ko ginawa ito ay malamang na binaril ka na ng mga galamay ng lalaking pinuno mo ng tsokolate kanina," sagot niya habang inilagay niya ang isang kamay sa bewang ko nan
"Sino ba itong mukhang tiyanak na nakabihis na parang bossing ng kanto ang bigla na lang hahawak sa beywang ko nang walang pahintulot?" Lumingon ako nang mabilis habang nakatayo kami malapit sa grand buffet area ng ballroom, at nakita ko ang isang lalaking may makintab na buhok, nakasuot ng puting tuxedo, at may mukhang pamilyar na parang gusto ko agad sapakin. Ngumisi siya sa akin nang may kalokohan habang inilalagay ang kamay niya sa likod ng emerald green gown ko, dahilan para umakyat ang galit ko mula sa paa hanggang sa tuktok ng ulo ko sa loob lamang ng isang segundo. "Miss na maganda, huwag ka nang magpakipot kay Don Ricardo dahil kahit kailan ay hindi ka mapapansin ng malamig na si Henry Zobel kung ibubuhos mo lang ang oras mo sa kanya," bulong ng lalaki habang pilit niyang hinihila ang baywang ko palapit sa katawan niya sa gitna ng mga nagkakaumpukang bisita. "Ulol, huwag mo akong hawakan ng ganyan kung ayaw mong ibaliko ko ang mga daliri mo hanggang sa lumabas ang kalulu






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews