Share

Kabanata 14

Author: Inked Snow
Napahinto ang kamay ni Joshua na may hawak na chopsticks.

Tumingala siya at tumingin siya ng malamig sa mukha ni Luna. “Kapag pinatira ka siya dito, edi mawawalan na ng pag asa ang mga babaeng pinupuntirya ako, hindi ba?”

Bahagyang lumiit ang mga mata ni Luna sa mga sinabi ng lalaki, ngunit matapos ang ilang saglit, ngumiti siya. “Inisip ko po na matibay ang relasyon sa pagitan nila Mr. Lynch at Ms. Gibson. Mukhang marami lang po pala akong iniisip.”

Ngumiti si Joshua. “Pero, walang pag asa ang ilang tao na lumapit sa akin na may layunin sa simula pa lamang.”

“Edi tapat at mapagmahal na lalaki po pala si Mr. Lynch,” ang sagot ni Luna. “Mukhang mali po pala ang pagkakaintindi ko sa inyo.”

Nang mapansin ni Nelli na mas naging malupit at mabigat ang mood, mabilis niyang inabot ang kanyang kamay para harangan ang kanilang mga mata. “‘Wag na po kayong magtalo!”

“Hindi naman kami nagtatalo.”

Bumalik sa sarili si Luna dahil sa balisang boses ng anak niya.

Agad siyang kumalma at ngumiti ng maliit kay Joshua. “Mr. Lynch, ‘wag po sanang mali ang isipin niyo. Iniisip ko lang po na masama ang pakikitungo sa akin ng future Madam, kaya’t iniisip ko lang po na hindi mabuti na lagi akong nakatira dito.”

Kumunot ang itim na mga kilay ni Joshua. “Pamamahay ko ‘to, at nasa akin ang desisyon kung titira ka dito o hindi. Bukod pa doon, isang katulong ka lang. ‘Wag ka masyadong mag alala sa boss mo. Hindi si Aura ang master ng bahay na ‘to.”

Habang nagsasalita si Joshua, yumuko siya at tumusok siya ng gulay gamit ang tinidor para kay Nellie. “Lagi nang may Madam ang villa na ‘to.”

Tahimik na nanunuya si Luna.

Ang taong tinutukoy ba na ni Joshua na Madam ng villa ay si Luna?

Natawa siya dahil dito.

Hindi nagpakita sa kanya ng paglalambing si Joshua dati noong magkasama sila, at pinatay rin siya ni Joshua para kay Aura, ngunit nagpapanggap bigla ito na tapat at mapagmahal.

Nagpapasikat lang siya para kay Nellie, hindi ba?

Napagtanto niya na ba ang mga kawalang hiyaan na ginawa niya dati?

Habang iniisip ito, ngumiti ng maliit si Luna. “Pero hindi po ba’t patay na ang dating Madam ng bahay na ‘to?”

“Hindi pa siya patay!” sumimangot si Joshua at binagsak niya ng malakas ang kanyang kutsara. “Buhay pa ang asawa ko.”

Malupit at matalas ang tingin ng lalaki. “Mag ingat ka sa pananalita mo; baka mapahamak ka!”

Tumingin sa kanya si Luna ng walang takot. “Pero nabasa ko po sa balita na patay na ang ex-wife niyo. Kung sinasabi niyo po na buhay pa siya, nasaan na po pala siya ngayon?”

Tumingin sa kanya ang lalaki, at tila may nagliliyab na galit sa mga mata nito.

Tumingin ang dalawa sa isa’t isa, sa sobrang lumamig ng mood sa mesa ay hindi na makahinga ang mga tao sa paligid.

“Tama na po!”

Nilapag ni Nellie ang kanyang kutsara at tinidor, namula ang maliit niyang mga mata at maririnig sa boses niya na paiyak na siya, “Ito po ang unang beses tayong kumain ng hapunan ng magkakasama. Kailangan po ba natin mag away?”

Pagkatapos itong sabihin, tumalikod ang munting babae at umakyat siya sa hagdan.

Sumimangot si Joshua at sinundan niya si Nellie, ngunit bago ito, tumingin siya ng malamig kay Luna.

Umupo sa upuan si Luna at pinanood niya na sinundan ni Joshua si Nellie, tahimik niyang ipinikit ang kanyang mga mata.

Hindi na dapat siya nakipag away kay Joshua sa harap ni Nellie, ngunit masyado siyang nagtiis sa sakit nitong mga nakalipas na anim na taon.

Bawat gabi na siya’y nakahiga sa kama at nahihirapan matulog, gusto niyang lumipad pabalik ng Banyan City, hanapin si Joshua, at buksan ang puso nito para makita ang kadiliman na nasa loob.

Sa taas ng hagdan...

“Nellie.” binuksan ni Joshua ang pinto sa kwarto ni Nellie at naglakad siya ng mabagal sa tabi ng batang babae.

Nagtalukbong si Nellie. Nakahiga siya sa kama at nakarolyo na parang isang maliit na bola, lumambot ang puso ni Joshua nang makita niya ito. Mabagal na umupo ang lalaki sa tabi ng kama, tinaas ang kanyang kamay, at hinimas ang likod ni Nellie na nanginginig dahil sa pag iyak. “”Wag ka nang umiyak.”

Hindi niya alam kung paano suyuin ang isang batang babae, kaya’t nagawa niya na lang na himasin ito, sinubukan niya rin na gawing malambing ang boses niya.

Matapos ang mahabang sandali, natapos na rin sa panginginig si Nellie.

Gumapang siya palabas ng kumot at tumingin siya kay Joshua ng may pulang mga mata. “‘Daddy, ‘wag niyo pong sisihin si auntie.”

Napahinto si Joshua.

Pagkatapos niyang tumigil sa pag iyak, inisip ni Joshua na ang unang bagay na gagawin ni Nellie ay magreklamo sa kanya, ngunit ang unang sinabi ng babae pagkatapos niyang tumigil sa pag iyak ay ipagtanggol si Luna?

Agad na lumambot at naguluhan ang puso ng lalaki.

Binuhat niya si Nellie. “Gustong gusto mo ba talaga siya?”

“Opo.” suminghot si Nellie habang nakasandal ang ulo niya sa balikat ng lalaki. “Gustong gusto ko po siya, kaya’t ‘wag niyo po siyang sisihin, okay, Daddy?”

Tinikom ni Joshua ang kanyang mga labi. Nagdadalawang isip siya, ngunit sinabi ito ng baby girl niya, kaya hindi niya magawang palayasin si Luna.

Nagbuntong hininga ang lalaki at tumango siya.

Matapos ang ilang saglit, tinaas niya ang kanyang kamay at hinimas ang likod ni Nellie. “Bakit ka umiyak kanina? Namimiss mo na ba ang nanay mo?”

Tinikom ni Nellie ang mga labi niya at tahimik siyang tumango.

“Edi, alam mo kung nasaan ang nanay mo?” bumulong siya at sinubukan niyang hikayatin si Nellie. “Pwede bang dalhin kita sa kanya?”

“‘Wag po.” umiling si Nellie. “Sinabi po ni Mommy na kapag dumating daw po ang tamang oras, makikita niyo po siya. Sinabi niya po na ‘wag mo daw po siyang hanapin, Daddy. Maging mabait ka lang daw po sa akin.”

Tumingin si Joshua sa mukha ng batang babae, halos kamukha niya ang kanyang nanay.

“Daddy.” humiga si Nellie sa mga braso ni Joshua at suminghot siya, “Narinig ko po kay Auntie na ikakasal po kayo dun sa masamang babae kahapon…”

Tumingala si Nellie at tumingin siya kay Joshua gamit ang malaki niyang mga mata. “Totoo po ba?”

Hindi sumagot ng ilang saglit si Joshua, kaya’t sumimangot siya at sinabi, “Tungkol sa mga matatanda ‘to. Wala ‘tong kinalaman sayo.”

“Bakit naman po?” kinagat ni Neliie ang labi niya. “Daddy, bakit po gusto niyong pakasalan ang ibang tao? Ayaw niyo na po ba kay Mommy?”

Hindi niya na ba gusto si Luna Gibson? Nagbuntong hininga si Joshua dahil sa tanong na ito.

Kung gusto niyang umayaw kay Luna Gibson, matagal niya na sanang ginawa ito. Anim na taon nang wala si Luna Gibson, ngunit ang damdamin ni Joshua para sa kanya ay nakaukit na sa mga buto niya.

Noong magkasama pa sila noon, hindi napagtanto ni Joshua ang mga damdamin niya para kay Luna...

Nagbuntong hininga si Nellie dahil sa katahimikan ng lalaki. “Hindi mo po siguro gusto si Mommy.” sumara ang bibig ni Nellie. “Wala ka pong picture ni Mommy sa bahay.”

Simula pa nung nagkaisip ni Nellie, suot na ni Luna ang halos perpektong mukha na ito. Sinabi ng dalawang kapatid niya na artipisyal ang mukha ng Mommy nila, at hindi ganito ang itsura niya dati.

Gusto talaga malaman ni Nellie kung anong itsura dati ng Mommy niya, ngunit kahit anong paghahanap niya sa bawat sulok ng bahay, wala siyang nahanap na kahit isang litrato ng babae.

Nagbuntong hininga ang lalaki at tapat niyang pinangako, “Matulog ka na, at pag gising mo sa umaga, makikita mo ang litrato namin ng mommy mo.”

Tumango si Nellie. “Okay po.”

Umagang umaga, nilagpasan ni Aura ang security guard sa pinto. Sa oras na makapasok siya, nakita niya ang wedding photo na nakasabit sa gitna ng sala.

Sa loob ng litrato, nakatayo si Luna Gibson habang nakasuot siya ng puting wedding dress, at naglalakad si Joshua papunta sa kanya habang may hawak na mga bulaklak.

Habang nakatitig sa litrato, namuo ang galit sa dibdib ni Aura.

Naalala niya kung paano niya sinunog ang lahat ng litrato ni Luna Gibson nuung binalita na patay na siya, upang hindi malungkot si Joshua sa mga alaala.

Kakabalik lang ng bwisit na si Nellie nitong dalawang araw. Bakit nakasabit ang litrato na ito sa gitna ng Blue Bay Villa?

Galit na lumapit si Aura, tinanggal ang litrato, at hinagis ito sa sahig ng may malakas na tunog.

P*ta siya!

Lahat sila—mga p*ta!

Isang p*ta si Luna Gibson, at ang maliit na bwisit na ‘yun ay sumunod lang sa kanyang yapak!

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
lagot ka aura kay joshua
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3080

    Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3079

    Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3078

    Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3077

    Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3076

    “Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3075

    “Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status