Forbidden Love With My Ex-husband's Uncle

Forbidden Love With My Ex-husband's Uncle

last updateDernière mise à jour : 2025-10-23
Par:  Rhea maeMis à jour à l'instant
Langue: Filipino
goodnovel16goodnovel
Notes insuffisantes
22Chapitres
108Vues
Lire
Ajouter dans ma bibliothèque

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scanner le code pour lire sur l'application

Tatlong taon akong nagtiis sa pagsasama namin ni Gabriel. Akala ko nakalimutan niya na ang tungkol sa kapatid ko pero nagkamali pala ako. Nalaman kong buntis ako, excited akong sabihin sa kaniya ang tungkol dun pero biglang gumuho ang mundo ko ng malaman kong umuwi na pala ng bansa ang kapatid kong si Mia. Ang babaeng totoong minahal ni Gabriel. Sinubukan kong ayusin ang relasyon namin, sinubukan kong iparealize sa kaniya na mahal niya ako pero palagi niya akong pinagtatabuyan. Palaging si Mia ang pinupuntahan at pinipili niyang samahan. Sa pagguho ng mundo ko, si Uncle Asher ang naging sandalan ko. When I decided to divorce my husband saka naman siya naghabol sa akin but who would I chose? My husband who hurt and broke my heart into million pieces or his uncle who's messing with my feelings now?

Voir plus

Chapitre 1

Kabanata 1.1

Tatlong taon na simula nang ikasal kami ng asawa ko at simula noon ay sinusubukan kong mabuntis. Alam kong matutuwa siya kapag nalaman niyang buntis ako. Ngayon ang birthday ko at masaya akong malaman na buntis ako pero naglaho ang lahat ng kasiyahang nararamdaman ko ng malaman kong umuwi na ng Pilipinas ang kapatid ko. Ang babaeng totoong mahal ng asawa ko.

***

“Congratulations, Mrs. Cruz. You’re pregnant.” Nakangiting anunsyo sa akin ng doctor. Napangiti ako sa sinabi niya. After all those years of trying, sa wakas nagbunga rin. Hindi na ako makapaghintay na sabihin kay Gabriel ang tungkol sa anak namin. Nang makalabas ako ng hospital, tiningnan ko ang hawak-hawak kong pregnancy test result. Nanginginig pa ang kamay ko dahil sa excitement na nararamdaman ko.

Iniisip ko kung paano ko ba siya isusurprise. Magluluto ba ako para sa birthday celebration ko o ayain ko na lang siya na magdinner kami sa restaurant na paborito naming dalawa? Hindi ako makapag-isip ng maayos dahil buong katawan ko ay nanginginig sa sobrang saya at kaba.

Tinawagan ko ang number ng asawa ko. Nakailang ring pa ito bago siya sumagot.

“Hello love, nasaan ka?” nakangiti kong sagot. “Anong oras ka uuwi? Gusto mo bang ipagluto na lang kita ng paborito mong steak o kumain na lang tayo sa paborito nating restaurant. I have an announcement at alam kong matutuwa ka.” Nanginginig pa ang boses ko dahil hindi na ako makapaghintay na sabihin sa kaniya ang magandang balita. Muli sana akong magsasalita ng may marinig akong boses ng isang babae sa kabilang linya.

“Babe, sabi mo akin muna ang oras mo ngayon. Sino bang kausap mo? Kung tungkol yan sa business niyo, sa ibang oras mo na gawin. Kararating ko lang, kahati ko na kaagad ang oras mo.” Maarteng wika ng babae sa kabilang linya.

Hindi ako nakagalaw dahil sa narinig ko. Ang excitement na nararamdaman ko ay unti-unting napapalitan ng sakit at lungkot. Boses ba ng kapatid ko ang narinig ko sa kabilang linya? Kailan pa siya umuwi ng Pilipinas?

“Sinong kasama mo?” tanong ko sa nanghihinang boses.

“Tatawagan na lang kita mamaya. May kailangan lang akong gawin sa trabaho.” Sagot ni Gabriel. Bago pa man ako ulit makapagsalita ay pinatay niya na ang tawag. Napalunok ako, napahigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone ko. It can’t be. Umiiling-iling ako. Indenial pa sa narinig ko. Imposible, kailan pa nakauwi ng bansa si Mia?

Kung totoong nakabalik na nga si Mia, paano na ako? Paano na ang magiging anak namin? Muli akong umiling saka kinalma ang sarili ko. Naniniwala akong hindi ako iiwan ng asawa ko lalo na ngayong magkakaanak na kami.

Mahigpit kong hinawakan ang manubela ng sasakyan saka ako humugot ng malalim na buntong hininga. I need to calm myself, hindi ako pwedeng masangkot sa aksidente lalo na ngayong may dinadala na rin akong buhay sa sinapupunan ko. Muli akong bumuga ng hangin. Madiin kong hinawakan ang dibdib ko dahil tila ba nahihirapan akong huminga. Ayaw kong maniwala sa sinasabi ng isip ko, hindi si Mia ang narinig kong kasama ni Gabriel.

Posibleng isa sa mga business partner niya. Oo, tama, yun nga yun. Hindi si Mia ang narinig ko.

Dumiretso ako sa kompanya ng asawa ko. Gusto ko siyang puntahan para sabihin ang pagbubuntis ko. Napapangiti na lang ako dahil napakagandang regalo nito para sa akin. Sa araw pa talaga ng birthday ko malalaman na buntis ako. It should be a happy day, hindi ako pwedeng malungkot at masaktan.

Pagbaba ko ng sasakyan ay akma na sana akong papasok ng lobby nang may humintong sasakyan sa gilid ko. Napatingin ako dun dahil sasakyan yun ng asawa ko. Hinintay ko siyang lumabas at akma ko na sana siyang lalapitan nang makita kong binuksan niya ang passenger seat. Hinintay ko kung sino ang lalabas dun. Nang makita ko si Mia ay lalong bumagsak ang balikat ko. Kailan pa? Bakit ngayon pa? Anong ginagawa niya dito?

Nang makita ako ni Gabriel ay bakas ang gulat sa mukha niya. Hindi niya ba inaasahan na pupuntahan ko siya dito? Tiningnan ko si Mia, katulad ng nakikita ko sa mga magazine, maganda at sexy talaga siya. Kung sabagay, isa siyang sikat na model kaya kailangan niyang panatilihin ang maganda niyang katawan.

“Hi, Claire. It’s been a long time!” masayang salubong sa akin ni Mia. Tumango naman ako pero diretso akong nakatingin sa kamay niyang naangkla sa braso ng asawa ko.

“Yeah, it’s been a long time, Mia.” Sagot ko. Napalunok ako saka ko tiningnan ang asawa ko. Hindi man lang ba niya aalisin ang kamay ni Mia sa na nakakapit sa braso niya? Ipapakita pa ba talaga nila sa akin ang paglalandian nila? Kung umakto sila para bang hindi kami mag-asawa.

“What are you doing here?” malamig na tanong sa akin ni Gabriel. Humugot ako ng malalim na buntong hininga saka tipid na ngumiti. I still need to tell him the truth baka sakaling magbago ang isip niya at sa akin sumama.

“I have good news, I just want to say—” hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko nang magsalita si Mia.

“Aahh, Gab, nahihilo ako. Sa tingin ko may jetlag pa rin ako. I want to rest.” Painosenteng wika ni Mia. Mabilis naman siyang inalalayan ni Gabriel na para bang wala ako sa harapan nila. Binuhat ni Gabriel na tila ba isang bride niya si Mia, sa harap ko pa talaga. Hindi ba nila naiisip na maraming nakakakita sa kanila? Hindi ba natatakot si Mia na malaman ng media na dumidikit siya sa asawa ko?

“Umuwi ka na, Claire. Ihahanapan ko na muna si Mia nang matutuluyan niya. Huwag mo na akong hintayin mamaya dahil may kailangan akong puntahan at tapusin sa trabaho ko.” Malamig na wika ni Gabrile sa akin saka niya isinakay sa sasakyan si Mia. Maingat, na tila ba isang babasaging bagay si Mia.

Hindi niya ba naalala na birthday ko ngayon? Si Mia pa talaga ang inuna niya kesa sa akin na asawa niya? Wala akong nagawa kundi ang sundan sila ng tingin hanggang sa mawala na sa paningin ko ang sasakyan ng asawa ko. Bakit? Simula nang bata pa lang ako, si Mia na ang paborito ng mga magulang namin pati ba naman sa asawa ko, siya pa rin ang paborito? Ano bang meron sa kaniya?

Iniisip ba nilang dahil wala pa akong nararating at napapatunayan? Hindi ba nila inisip ang sakripisyong ginawa ko para sa kanila. Isang buwan pa lang simula nang makagraduate ako nang maikasal kami ni Gabriel dahil sa isang gabing pagkakamali. Isinuko ko ang pangarap ko para pagsilbihan siya bilang asawa.

Hindi ako pinayagan ng mga magulang ko na magtrabaho sa business namin dahil ang gusto nila ay pagsilbihan ko bilang asawa si Gabrial. Lahat ng savings ng mga magulang namin, ibinigay nila kay Mia para lang matupad ang pangarap nitong maging model.

“Hanggang kailan ka tutulala diyan? It’s been 10 minutes simula nang umalis sila.” Bumalik ako sa ulirat ng marinig ko ang isang boses. Nilingon ko yun at nakita ko naman si Uncle Asher na nakasandal sa pader habang nakabulsa ang dalawa niyang kamay. Inayos ko ang sarili ko dahil ayaw kong makita nila akong nakakaawa. Ayaw ko ng kaawaan pa nila ako dahil sa sitwasyon ko.

Nilapitan ako ni Uncle Asher at diretsong tiningnan sa mga mata ko. Bakit bigla niya akong kinausap? Hindi naman kami nag-uusap dati, kung mag-usap man kami nagbabatian lang. Masyadong misteryoso si Uncle Asher, ang Tiyo ni Gabriel.

“Uncle Asher,” usal ko. Seryoso namang nakatingin ito sa akin kaya yumuko na lang ako. Siya ang kapatid ng daddy ni Gabriel, matanda lang ng dalawang taon kay Gabriel si Tito Asher.

Déplier
Chapitre suivant
Télécharger

Latest chapter

Plus de chapitres

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Commentaires

Pas de commentaire
22
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status