Share

Kabanata 13

Author: Inked Snow
May sampung pahina ng impormasyon tungkol kay Luna.

Mahabang oras na sinuri ni Joshua ang dokumento at wala siyang nakita na mali dito. Medyo nainis na siya at tumayo siya para pumunta sa banyo.

“Okay, ikaw na ang bahala dyan.” narinig ni Joshua ang isang boses ng bata nung pumasok siya sa banyo, napatigil siya sa paghuhugas ng kamay.

Nakalagay sa patakaran na hindi pwedeng magdala ang mga staff member ng kanilang mga anak sa trabaho. Bakit may mga bata sa kumpanya ng ganitong oras?

Kumunot ang noo ng lalaki habang sinundan niya ang boses at napunta siya sa isang cubicle. Sa sandali na mapunta na siya sa harap ng cubicle, at bago pa siya kumatok sa pinto, bumukas ito.

Pak!

Mabigat at maingay na tumama ang pinto sa noo ng lalaki, napaaray si Joshua habang tinakpan niya ang kanyang noo.

Lumabas ng cubicle si Neil habang may pride sa sa kanyang mga mata bago siya tumingala at tumingin kay Joshua. “Pasensya na po, pasensya na! Hindi ko po alam na may tao sa labas, kaya’t binuksan ko po ang pinto! Pasensya na po!”

Inalis ni Joshua ang kamay na nasa noo niya at tumingin siya sa maliit na lalaki na mas mataas lang ng kaunti sa tuhod niya.

Kahit na maliit lang ang bata, marilag ang mukha niya habang naglalabas siya ng makisig na aura kahit sa ganitong edad.

Walang interes sa mga bata si Joshua dati, ngunit ngayon, tumingin siya sa batang nasa harap niya at inisip niya na kasing edad lang ito ni Nellie. Sa hindi inaasahan, hindi niya magawang kumilos ng istrikto.

Bahagyang kumunot ang noo ng lalaki, tinanong niya ng may malamig na boses, “Bakit ka nandito?”

“Kakaibang tanong po ‘yan, uncle.” ngumiti si Neil. “Pumunta po ako sa banyo… para umihi po, syempre.”

Hindi siya pumunta dito para umihi. Nakita niya na lumabas si Joshua sa opisina at naghintay siya dito para tamaan si Joshua.

Sinong nagsabi na pwedeng apihin ng kabit niya si Nellie?

Sumimangot si Joshua at lumamig ang boses niya, “Ang ibig sabihin ko, bakit nandito ka sa gusali na ‘to? Sino ang mga magulang mo? Nasaan sila?”

Nagsimulang lumuha si Neil dahil sa seryosong tingin ng lalaki. “Patay na po ang tatay ko; mataas na po ang damo sa libingan niya…”

“Sinasamahan po ng nanay ko ang kapatid ko habang nagtatrabaho para kumita. Mahirap po talaga para sa amin…”

Huminga ng malalim si Joshua at tinaas niya ang kamay niya para pigilan si Neil. “Dahil wala dito ang mga magulang mo, bakit nandito ka?”

“Kasama ko po ang ninang ko.” tinikom ni Neil ang mga labi niya. “Nandito po si ninang para sa business.”

Gumaan ang mga kunot na noo ni Joshua.

“Waa… waa…!” Umiyak si Neil, sumisilip siya sa seryosong ekspresyon ni Joshua. “Sinisisi ko ang tatay ko! Bakit namatay siya ng maaga?! Kung buhay lang siya ng ilang taon, hindi sana mauuwi ang nanay ko sa ganito ngayon!”

Lumakas ng lumakas ang iyak niya, lumaki rin ng lumaki ang pagbibintang niya sa kanyang tatay.

Medyo sumama ang loob ni Joshua nang marinig niya na pinagbibintangan ng bata ang tatay niya.

Hindi kaya’t mas naging malapit siya sa mga bata pagkatapos bumalik sa kanya ni Nellie?

Umupo ang lalaki at hinimas niya ang likod ng bata, nagulat si Neil na napatahimik dahil dito.

Pinigilan niya ang kanyang ngiti, itinaas niya ang kanyang kamay para punasan ang mga luha. “Tama ka, hindi babalik sa buhay ang mga patay. Sana maging mabuting tao ang tatay ko sa susunod na buhay niya!”

Mas lumalala ang batang lalaking ito...

Tumayo si Joshua. “Mas mabuti na hindi punahin ng mga bata ang matatanda.”

“Okay po.”

Alam ni Neil ang hangganan niya at tumigil na siya sa pag iyak. Huminga siya ng malalim, tumalikod, at naglakad palabas ng banyo.”

“Neil!”

Matagal nang naghihintay si Anne na lumabas siya ng banyo, Nang makita niya na lumabas na ang bata, kumaway siya ng sabik. “Dito!”

Pagkatapos nito, nasilip niya ang isang matangkad at malamig na lalaki sa likod ni Neil. ‘Yun ba ay… si Joshua?

Napahinto si Anne.

“Naghihintay po sa akin ang ninang ko, kaya’t aalis na po ako!” Ngumiti si Neil at nagpaalam siya kay Joshua bago siya bumalik sa tabi ni Anne.

“Hindi pinapayagan ng Lynch Group na magdala ng mga bata sa opisina,” may malamig na boses na nagsalita sa sandali na sinubukan na tumakas ni Anne habang dala si Neil. “Kahit na hindi ka empleyado ng Lynch Group, pakiusap, ‘wag na kayong magdala ng mga bata sa susunod.”

Natapos na magsalita ang lalaki at tumalikod na ito para umalis.

“Hah!”

Tahimik na gumulong ang mga mata ni Neil sa lalaking paalis.

Natakot si Anne sa tapang ng batang ito. Mabilis niyang hinila si Neil at sinabi niya ng mahinang boses, “Bakit lumabas ka kasama niya?”

“Syempre, sabay po kaming pumasok ng banyo.”

Tinaas ni Anne ang kanyang kamay at tinapik niya ang noo ni Neil. “Alam mo naman na hindi ‘yan ang tinutukoy ko.” Huminga siya ng malalim, hinila si Neil, at naglakad patungo sa elevator. “Sinabi ko na sayo: ang lalaking ‘yun ay si Joshua!”

“Si Joshua, ang pinakamayaman na lalaki sa Banyan City! Sa kanya ang buong gusaling ito! Hindi lang siya mayaman, mapanganib din siya. Kapag ginalit natin siya, hindi na tayo mabubuhay ng maayos sa Banyan City! Lumayo ka na sa kanya sa susunod!”

Tumango si Neil. “Alam ko po.”

Ayaw niya rin naman na lumaki sa tabi ni Joshua.

“Daddy, masarap ang niluto ni Auntie, hindi po ba?” ang tanong ni Nellie. Nakasuot siya ng pink na palda habang papikit pikit ang malaki niyang mga mata.

“Hindi na masama.” yumuko si Joshua at sumimangot siya habang kumakain. “Medyo pamilyar ang lasa.”

Pamilyar talaga ito sa luto ni Luna Gibson noon. Halata na ginawa ng Luna na ito ang homework niya para maging malapit kay Joshua.

Tumingin ang lalaki ng malamig kay Luna, na siyang nakatayo sa tabi niya. “May nangyari ba ngayong araw?” nagsalita ng malamig si Joshua.

“Opo.” tumango at nagsalita ng magalang si Luna, “Nung nagshopping po ako para sa grocery nitong hapon, nakasalubong ko po si Ms. Gibson. Lumapit po siya sa akin at tinanong niya po kung ako ay… kung may masamang intensyon daw po ako sa inyo.”

Tumingala si Luna at nagpatuloy siya, “Sa tingin ko po ay may malalim na paghuhusga si Ms. Gibson sa akin. Para hindi po maapektuhan ang relasyon niyo ni Ms. Gibson, maipapayo ko po na araw araw akong mag aalaga kay Ms. Nellie, at uuwi na lang po ako pagsapit ng gabi.”

Tumingala si Luna at tumingin siya ng seryoso kay Joshua. “Ayos lang ba ito?”

Kapag hindi siya tumira sa villa, magkakaroon pa siya ng oras para alagaan si Neil. Gustong alagaan ni Luna si Neil, hindi dahil sa hindi kayang alagaan ni Neil ang sarili niya.

Dahil nararamdaman niya na masyadong matalino si Neil, at hindi niya mapipigilan si Neil na gumawa ng kung ano anong bagay kapag hindi niya binantayan ang batang ito.

“Hindi na kailangan.” kaaya ayang tinaas ni Joshua ang kutsara at tinidor niya habang nagsalita siya ng kalmado sa pagitan ng pagsubo niya ng pagkain, “Wala siyang karapatan kontrolin kung sino ang nandito sa aking bahay.”

Ngumiti si Luna. “Hindi po ba’t nobya niyo si Ms. Gibson?”

“Mr. Lynch, may bagay po ako na hindi naiintindihan. Nakita ko po sa balita na higit sa limang taon na po kayong engaged. Bakit lumagpas na po ang limang taon at hindi pa po kayo kasal ni Ms. Gibson at hindi pa po siya dito nakatira?”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3080

    Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3079

    Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3078

    Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3077

    Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3076

    “Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d

  • Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko   Kabanata 3075

    “Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status