Napanganga naman ako. "Akala ko pa naman sinapian na siya nang mabait na kaluluwa at nag-aalala na siya sa akin. Iyon pala natatakot lang siyang mahawaan ko siya nang sakit. Grabe siya! Naiwwn na akong mag-isa kaya naman inayos ko na ang pinagkainan ni sir at nagsimulang mag-ayos na para dalhin sa Laundry ang mga damit niya. Pagdating sa Laundry."Hello ma'am, magpapa-Laundry po kayo?" "Ah.. Laundry po ito hindi ba? So yes magpapa-Laundry po ako." Napapakamot nang buhok na kinuha nang babae ang dala ko."Teka ma'am, parang kilala ko kung kaninong mga damit ito. Kay Sir Reyman po ba ito? Iyong guwapo nakatira sa kabilang subdivision?" Nakangiting tanong nang babae. Ngumiti ako bago tumango. "Yes. Sa kanya iyan." "Oh my gosh! Kayo po ba ang asawa niya ma'am?" Namula ako sa tanong nang babae. Asawa? Ako? Mukha ba akong asawa ni Sir Reyman."Paano mo naman nasabi?" tanong ko sa kanya. Namumula na ang mukha ko at siyempre nahihiya na rin."Ang ganda mo po kasi ma'am," anito. Kamuntikan
Ano naman ang ginagawa mo rito? Kumusta? Naback-out na ba iyang bride mo?" tanong ni Reyman."Hahaha. Ako? Hi-hindian nang mga babae? Mukhang bago iyon sa pandinig ko bro, wala pang umayaw sa akin. Bukod sa guwapo ako, magaling pa ako sa lahat nang bagay. Kung sa bilihan lang din naman, 3-in-1 ako bro!" "Talaga? So kailan ang kasal? Bakit hanggang ngayon hindi ko pa rin nakikita ang babaeng sinasabi mo." "Alam mo bro, may mga bagay talagang hindi maunawaan. Iyon nga ang problema nila dad at ni tito ngayon. Nag-aalala na sila dahil nawawala si Fara." Natawa si Reyman sa nalaman. "Tinakasan ka? You mean ayaw niyang magpakasal sa 'yo?" nakangiting tanong ni Reyman."Sira ulo ka bro! Hindi pa nga kami nagkikita e. Noong nalaman daw ni Fara na ikakasal siya, tumakas ito para hindi matuloy ang kasal. Ang malas niya bro, kasi hindi niya alam na guwapo at romantiko ang pakakasalan niya. E 'di sana'y hindi niya iisipin na magsisi pa." "Tumakas? Bakit tumakas?" pagtataka tanong ni Reyman.
Malinis sa kuwarto si Reyman. Disiplinado at maingat sa mga gamit. Kahit yata matagal na ang mga gamit nito'y mukhang bago pa rin. Siya lang ang lalaking nakilala kong napakadisiplinado pagdating sa lahat nang bagay. Napasulyap ako sa kama nito. Malawak ang higaan ni sir, siguro malikot itong matulog. Kaya naman hindi puwede sa kanya ang maliit na kama. Lumapit ako at kinuha ang unan na ginagamit nito. Inamoy ko at magiliw na niyakap pa iyon. "Hmmm ang bango-bango mo Sir Reyman, amoy baby. Ano kaya ang ginagamit mong sabon at parang nakakaaddict sa ilong." Humiga ako sa kama at nagpagulong-gulong doon. "Ahhh. Ang sarap matulog dito." Pumikit ako at komportableng nahiga. "Hanggang kailan kaya ako magtatago? Sana hindi magsawa sa akin si Sir Reyman. Dahil kapag pinaalis niya ako rito sa bahay. Wala na akong mapupuntahan. Bumuntong hininga ako bago niyakap ko nang mahigpit ang unan ni sir. Ang lambot nang unan niya, iniisip ko tuloy na sana si sir na lang ang yakap ko...Hindi namalayan
"Affy! Ano bang—" natigilan si sir nang bigla akong sumigaw."Wahhhh! Hindi ko nakita sir, huwag mo akong pagalitan. Hindi ko naman sinasadya e!" takot na takot kong sabi. Hinawakan ako ni sir sa balikat at inalog-alog. "Ano ka ba! Ano bang nangyayari sa 'yo ha?" tanong nito.Natigilan naman ako. Bigla kong naitikom ang bunganga ko dahil napasulyap ako sa kamay ni sir na nakahawak sa balikat ko. Dumadampi ang mainit niyang palad sa balikat ko, at dahil nakasando lang ako'y ramdam ko ang init na nananalaytay sa kaibuturan ko.Tumingin ako kay Sir Reyman. At nakita kong nakatitig din ito sa akin. Napakalakas nang tibok nang puso ko. Parang pabibingi ako sa sobrang ingay noon. Mamamatay na ba ako kaya parang kinakapos ako nang hininga."Affy... okey ka lang ba?" muling tanong ni Reyman. Napatango-tango ako pero wala sa sarili. "Kung okey ka, bakit parang namumula ka? Kumakain ka ba nang tama ha?" Tumango ulit ako na parang wala sa sarili. Hinawakan ni sir ang noo ko na lalong nagpa
"Ano ka ba Lyn? Dapat hindi mo nilalagyan nang dahilan ang mga bagay na iyon! Akala ko pa naman malinaw na ang lahat sa atin." Tumayo si Reyman at imbis na inumin ang juice na tinimpla ko sa kanila ay lumapit ito sa akin at inagaw ang kapeng tinimpla ko. Ininom niya iyon mismo sa harapan ko kaya napanganga akong tinitigan siya.Gusto ko sanang sabihin na hindi para sa kanya iyon pero hindi ako makapagsalita. Lalo na at matapos inumin iyon ni Reyman ay tumingin ito sa akin at nagsalita. "Initin mo iyong adobo mamayang lunch okey?" Npatango-tango ako at nakita kong ngumiti ito sa akin bago tumalikod at lumabas nang kusina.Totoo ba iyong nakita ko? Ngumiti sa akin si Sir Reyman? Hala! Nananaginip ba ako? Napangiti akong bigla at napansin iyon ni Lyn. "Anong nginingiti-ngiti mo riyan? Hugasan mo 'tong mga pinagkainan!" bulyaw nito sa akin. Habang hinuhugasan ko ang mga plato ay hindi ko pa rin maiwasan na mapangiti. First time ko kasing makitang ngumiti si Sir Reyman. Kaya naman isang
"Ahm... sir? Para saan po ito?" takang tanong ko."Paglalagyan nang bibilhin natin sa bayan. Wala na tayong stock kaya mamamalengke tayo. Bakit ba pumorma ka pa e palengke lang naman ang pupuntahan natin? O sige na, sakay na at tanghali na." Tumalikod na ito at sumakay na nang sasakyan. Naiwan akong nakatulala. Mamamalengke? Hindi date? Joke ba 'to? HABANG nasa sasakyan kami. Napapatawa ako sa sarili ko. Ano bang katangahan ang pumasok sa isip ko at naisip kong magdadate kami ni sir? Napapailing ako habang tinatakluban ko ang mukha ko nang kamay. Napapasulyap naman sa akin si sir at napapakunot ang noo dahil sa ginagawa ko."Ano bang nangyayari sa 'yo Affy? Ayos ka lang ba?" tanong nito.Napapitlag naman ako't biglang napatingin sa kanya. "Ah... o-opo sir, ayos lang po ako." Bumaling ulit ako sa bintana at doon napangiwi.Mayamaya pa ay muli akong tumingin kay sir. At lakas loob na nagtanong. "Sir, matagal na po ba kayo ng girlfriend mo?" Napasulyap 'to sa akin at nakita ko
"Ano po iyon sir?" tanong ko.Lumapit ito sa tenga ko at saka nagsalita. Medyo napaatras pa ako dahil akala ko hahalikan ako ni sir, bubulong lang pala. "Nagugutom ka na ba?" tanong nito.Napatango naman akong bigla kahit hindi pa naman talaga ako nagugutom, medyo natense ako sa bulong niya. Tumango ito at matapos na bayaran ang pinamili ay nilagay namin iyon sa likuran ng sasakyan at muli akong niyaya ni sir. Hindi ba siya napapagod? Ako pagod na kakalakad e. Pero masaya naman kasi kasama ko si sir, saan naman kaya kami pupunta? Pumasok kami sa restaurant at doon ay pinaupo ako ni sir sa upuan na bakante."Upo ka roon at ako na ang oorder." Lumapit 'to sa stante nang mga pagkain at pumili ng pagkain. Sa restaurant walang aircon at walang magandang lamesa at upuan. Pero mapapansin naman ang kalinisan sa paligid. Ngayon lang ako nakakain sa ganitong kainan. Napasulyap ako kay sir, at bigla akong napangiti. Siya na ba ang lalaking matagal ko nang hinihintay? Sa kabila ng pagiging may
"Okey lang po ako sir, huwag na po tayong huminto. Sa bahay na lang po." Namumutalang sabi ko. Sana hindi ako nakita ni dad, sana hindi niya malaman kung nasaan ako. Ayoko pang-umuwi, ayokong magpakasal sa lalaking hindi ko mahal.Napapasulyap sa akin si Sir Reyman. Pero hindi naman niya magawang magtanong dahil parang balisa akong nagpapalinga-linga. Binuhay nito ang radyo, kaya naman medyo nakampante ako dahil sa musikang nanggagaling sa maliit na radyo. Nakarating kami sa bahay. Pagbaba ko'y muli akong sumilip sa labas. At nang malamang hindi kami nasundan ay nakahinga na ako ng maluwag.Kinuha ko ang ibang pinamili namin sa kotse at isinunod sa loob. Nasa loob na si sir dahil una na niyang kinuha ang mabigat na kahon na binili namin sa grocery. Pagpasok sa kusina'y nagtanong sa akin si sir."Akala ko ba natatae ka?" tanong nito. "Ah... eh... okey na pala ako sir, biglang nawala." Nakangiti kong sabi. Napatango-tango ito pero mukhang naghihinala. "Ahm sige po, kukunin ko lang ang