Share

Chapter 6: After 7 years

Pagdating dito sa mansyon ay hindi ako nagpahalata sa nangyari sa akin. Hindi ko pa sinabi kay Alexander. Umalis sila Mr. Fuentes kasama si madam, naiwan dito ay si Alexander at ibang kasambahay. Nag message si Alexander na mag-usap daw kami saglit sa may garden. May mga upuan kasi doon at presko ang hangin sa labas, hindi rin masyado kita doon ng ibang kasambahay dahil sa laki ng mansyon ay halos hindi na nga kami nagkikita dito. Tanaw ko palang sa malayo si Alexander ay tumakbo na ito papalapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Na miss kita ga." sambit nito.

"Hmm.. Ako din naman ga."

"Are you okay?"

"Yes, okay lang ako."

"Ang tipid mo naman sumagot ngayon, may problema ba?"

Sa totoo lang ay ayaw ko pa sabihin sa kanya ngayon, gusto ko sa lugar kung saan hindi namin iisipin na baka mahuli kami. Wala naman problema kay Mr. Fuentes at kay madam pero ewan ko, may nararamdaman akong kakaiba. Siguro dahil may masakit akong alaala 1 year ago. Halos mag 2 years narin simula noong nakunan ako. Natatakot ako, hindi ko alam anong gagawin ko. Hinawakan nito ang kamay ko.

"Ga... Ano man ang nasa isip mo, please lagi mo isipin na nandito lang ako."

Biglang dumating ang Mom ni Alexander. Nakita niyang magkahawak ang kamay namin, hindi ko maipinta ano ang reaksyon ng mukha niya.

"Alexander, we need to talk." Agad namang binitawan nito ang kamay ko.

Bakit kaya binitawan niya agad ang kamay ko? Bakit kaya hanggang ngayon hindi rin niya kayang ipaalam sa Mom niya na may relasyon kami? Sumunod rin ako sa kanila papasok ng mansyon pero imbes na hahakbang na sana ako papasok ay narinig ko silang nagtatalo.

"All these years Alexander, hindi ka parin marunong sumunod sa akin? I told you diba na ako ang pipili ng babaeng papakasalan mo."

"Mom, all these years rin akong nagdusa dahil ikaw palagi nag dedesisyon sa babaeng magustuhan ko. Hindi mo ba gets? 27 years old na ako pero hindi pa ako nag settle down. 27 na ako pero nagagawa ko parin mag inom,mag club dahil pakiramdam ko nasasakal mo na ako. Ano po ba gusto niyo mangyari, palagi nalang ba akong sunod-sunuran sa gusto mo?"

Nakatanggap ng malutong sampal si Alexander mula sa kanyang Ina.

"I don't care Alexander! Tomorrow, you should meet this girl na papakasalan mo. Huwag ka ng umangal dahil naka set na ang lahat."

Nakasandal ako dito sa gilid ng wall habang nakinig sa napag usapan nila. Nangingilid ang luha, nababasag ang puso at hindi maipalawanag ang naramdaman ko ngayon. Bago pa ako makaalis ay nasilayan ako ni Alexander, malamang alam niya sigurong narinig ko. Tumakbo ako papuntang likuran ng mansyon, dito na ako dumaan papuntang kuwarto ko.

"Nangyari na 'to dati. Nangyari na 'to." Napaluhod na lamang ako dahil kusa nalang bumagsak ang mga tuhod ko.

Tumatawag si Alexander sa cellphone ko pero hindi ko sinagot. Nagkulong muna ako ng kuwarto. Mabuti nalang ay hindi sila dito mag hapunan kaya hindi ko na kailangan magluto pa. Habang inaayos ko ang mga damit ko sa maleta ay napahawak ako sa aking dibdib, tila'y tinusok ito ng libo-libong karayom sa sakit.

"Thea andiyan kaba?" Malakas na katok ni manang Violy sa kuwarto namin. Hindi ko pinagbuksan ngunit palakas ng palakas ang katok nito kaya binuksan ko nalang at hinarap si manang.

"Thea, okay ka lang ba? Kanina pa ako nag aalala sa'yo?"

Sinarado nito ang pintuan at niyakap ako, sa walang pagdadalawang isip ay umiyak ako kay manang Violy.

"Iiyak mo lang at huwag ka ng magpaliwanag, matagal ko ng napapansin na may pagtingin kayo sa isa't-isa ni sir Alexander, kaso Thea. Paano na 'to?" Tiningnan niya ako sa mata at hinawakan ang dalawa kong kamay. "Kaya mo pabang ipaglaban siya?"

Napaupo nalang ako sa kama habang pinupunasan ang mga luhang patuloy lang sa pagpatak. Hinintay kong aalis sina sir Alexander, aalis raw kasi ulit sila ni madam.

"Dalawang beses na akong muling nasaktan. Kailan ko paba maramdaman ang tunay na saya? Siguro, nagkulang rin ako, siguro may mali rin ako, siguro masyado lang akong nagtiwala ulit. Minahal din kaya ako ni Alexander?"

Napamulat ako bigla sa tunog ng cellphone ko. May message pala si manang Violy.

"Thea, alam kung masakit ang naramdaman mo ngayon kaya kung ano man ang desisyon mo ay naka suporta lang ako. Kausap ko ngayon si Kuya guard sa main gate ng mansyon, bilisan mo na habang hindi pa niya naisipang bumalik. Mag-ingat ka at lagi mo alagaan ang pagbubuntis mo. Hanggang sa muling pagkikita Thea, salamat sa naboung pagkakaibigan."

----------------

(After 7 years)

8:30 AM IN CANADA

"Good morning mommy, what are you doing?" tanong ni Andrea habang nag kiss sa akin.

"It's your favorite anak."

"Really? Is that pancake? Thank you mommy."

"All for you anak. Heto! Kain ka muna dito sa table, okay? I have an urgent meeting lang, mag behave ka lang ha? Read ka lang ng book diyan while eating pancake."

"But, Mommy, today is sunday, I thought sa akin lang ang oras mo ngayon?"

"Anak, I'm sorry, I told you naman already diba? Mommy is striving hard para sa atin, kailangan ni Mommy mag work para mayron tayong pambili ng food at pang savings natin kasi diba, uuwi tayo ng Pinas?"

Yumakap lang ito sa akin at sabay sabing...

"I understand naman po, sometimes lang nagtatampo ako kunti lang naman, pero I know ginagawa mo 'yan para sa akin, when I grow up I want to be like you mommy, to be a Brand Manager."

"Oh! Siya, sige na... magsimula na kami, wait for a while lang anak, okay?"

Nasa gilid lang si Andrea habang ako ay nakaharap sa laptop ko, few minutes left ay magsisimula na ang meeting namin. Sobrang vocal talaga ni Andrea when it comes to her feelings, for me mas okay 'yon sa akin at least I know kung ano ang nasa isip at puso ng bata. She is 6 years old now pero sobrang daldal niya.

"Good morning team," pagbati ko sa mga kasamahan ko.

Andrea sent me a flying kiss at nagpapa cute pa ito habang binubulong ang pag cheer up sa akin.

"Go! Mommy, I love you." pabulong niyang pagkasabi habang tinaas ang dalawa niyang kamay na nakakuyom para i-cheer ako.

Saglit lang meeting namin, natapos rin ito after 30 minutes. Napagtanto kong ilang years narin pala kami dito sa Canada. After kong umalis sa mansyon noon ay nag apply ako ng trabaho para makapag abroad.

(6 years ago- Flashback)

Nakalabas na ako ng mansyon, hindi ko mapigilang maiyak habang dala dala ang maleta ko. Nag message narin ako kay manang Violy na nasa labas na ako. Nag rent ulit ako ng apartment while waiting na ma kumpleto ko ang mga requirements para abroad. Nakalusot parin ako kahit buntis ako, Impossible man pero hindi ko rin lubos akalain. Namasukan akong kasambahay dito sa Canada, nagustuhan ng amo ko ang pagtatarabaho sa kanila kaya tinaasan nito ang sahod ko.

Wala pa akong isang buwan dito sa Canada, medyo naninabago pa ako. Kailangan kong makaipon para sa pag panganak ko. Nagulat akong may notification sa akin na may perang pumasok sa bank account ko. Pag check ko through online banking ay may laman itong 500,000. Halos mawalan ako ng malay sa kaba kung saan ito galing. Nag message sa akin si manang Violy kung natanggap ko na ba ang pera sa bank ko. Pina deposit raw ito sa kanya ni Mr. Fuentes.

Nakatanggap ako ng message galing kay Mr. Fuentes

"Thea, Do you still remember what I told you no'ng nasa hospital ako? "Samahan mo si Alexander sa lahat ng plano niya." Noong unang kita ko palang sa'yo gusto kong ikaw na ang babaeng mapangasawa ng anak ko kaso hihingi ako ng pasensya dahil hindi sumang ayon ang Ina ni Alexander. Gamitin mo ang pera na iyan para sa pag panganak mo, para sa apo ko."

Alam ni Mr. Fuentes na buntis ako? at alam niya na si Alexander ang ama nito? Sobrang haba ng message ni Mr. Fuentes sa akin, pag scroll ko pa sa ibaba ay may sinabi pa ito.

"Kung naalala mo ito, may nakabangga kang lalaki noong bumili ka ng p.t sa pharmacy. Pinasundan talaga kita kung saan ka pupunta, alam ko na may namamagitan na sainyo ni Alexander. Ayaw kong i-tolerate itong ginawa ng kanyang Ina kaso ayaw ko rin ng gulo, sana ay dadating ang panahon na masilayan ko pa ang apo ko. I-rerespeto ko kung hindi mo muna sabihin kay Alexander pero sana sa tamang panahon maipakilala mo sa kanya ang bata."

----------

Sa tuwing naalala ko ang lahat ng ito ay halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Wala akong balak ipakilala sa kanya si Andrea. Iba na ang noon at ngayon!!

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Shakira29
Hello! Pwede po kayo mag unlock through watching ads po. Thank you
goodnovel comment avatar
Edna Sulit Flores
pdi ba magbasa Ng Wala bayad,
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status