(Mariz POV)
Pagmulat ko ng umaga, naramdaman ko agad ang kakaibang gaan sa paligid. Hindi dahil magaan ang pakiramdam ko. Kundi dahil araw ng sahod. Araw na hinihintay ng lahat dito sa mansion. Sa ganitong araw, parang lahat ay masigla, mas maingay, mas mabilis ang kilos. Ang mga kasamahan ko, abala na agad sa kani-kanilang trabaho, sabay sabay na parang sabik na matapos ang lahat para sa sandaling iabot na ang sobre na puno ng pawis at pagod ng isang buwan.Ako rin, sabik. Hindi lang dahil sa sweldo, kundi dahil iyon ang tanging pagkakataon na kaya kong iparamdam sa sarili kong may halaga rin ang ginagawa ko dito. Na may kapalit kahit paano.Habang inaayos ko ang mga plato sa kusina, naroon na sina Ate Linda at Aling Berta na parehong masigla.“Hay naku, buti na lang sahod ngayon,” sabi ni Ate Linda, sabay buntong-hininga na parang sa wakas makakahinga ng maluwag.“’Yan ang araw na kahit gutom ako buong linggo, sulit naman pag-uwi ko(Mariz POV)Pagmulat ko ng umaga, naramdaman ko agad ang kakaibang gaan sa paligid. Hindi dahil magaan ang pakiramdam ko. Kundi dahil araw ng sahod. Araw na hinihintay ng lahat dito sa mansion. Sa ganitong araw, parang lahat ay masigla, mas maingay, mas mabilis ang kilos. Ang mga kasamahan ko, abala na agad sa kani-kanilang trabaho, sabay sabay na parang sabik na matapos ang lahat para sa sandaling iabot na ang sobre na puno ng pawis at pagod ng isang buwan.Ako rin, sabik. Hindi lang dahil sa sweldo, kundi dahil iyon ang tanging pagkakataon na kaya kong iparamdam sa sarili kong may halaga rin ang ginagawa ko dito. Na may kapalit kahit paano. Habang inaayos ko ang mga plato sa kusina, naroon na sina Ate Linda at Aling Berta na parehong masigla. “Hay naku, buti na lang sahod ngayon,” sabi ni Ate Linda, sabay buntong-hininga na parang sa wakas makakahinga ng maluwag.“’Yan ang araw na kahit gutom ako buong linggo, sulit naman pag-uwi ko
(Mariz POV)Mabigat ang talukap ng mata ko nang magising ako kinabukasan. Ang totoo, halos wala akong tulog kagabi. Ilang beses akong nagbalik-balik sa eksenang nangyari sa study,, yung malamig na tanong ni Sir Gabriel, yung matalim na titig niya, at yung mga salitang binitiwan kong kahit ako mismo hindi ko alam kung totoo."Bagay ba kami ni Clarisse? Masaya ka ba para sa amin?"Parang may bato sa dibdib ko habang inuulit-ulit iyon sa isip ko. Ang dali-daling sagutin ng oo, pero sa bawat “oo” na pinilit kong bitawan kagabi, pakiramdam ko ay unti-unti akong namamatay.Huminga ako nang malalim at pinilit bumangon. Sa salamin, nakita ko ang namumugto kong mga mata. Agad kong tinapik ang pisngi ko at ngumiti pilit na ngiti, pero kailangang ipakita ko ulit yung masayahin kong mukha. Kailangan kong buuin ng masaya ang panibago kong araw.Pagbaba ko, nadatnan ko si Ate Linda at Aling Berta na abala sa ginagawa nila.“Ayan na p
(Gabriel’s POV) Tahimik ang buong mansion, ngunit sa bawat tawa na naririnig ko mula sa kusina, para akong tinatamaan ng pako sa dibdib. Sa unang tingin, masaya siya. Puno ng ingay, puno ng kalokohan, gaya ng dati. At lahat ng tao sa paligid ay naniniwala. Lahat sila nakikisabay sa halakhak niya, lahat sila natutuwa na bumalik na raw ang “dating Mariz.” Dating Mariz. Pero sa mga mata ko, wala. Hindi ko nakikita ang totoo. Ang nakikita ko ay isang mukha na pilit ngumingiti, at sa tuwing naririnig ko yung pilit na tawa niya, imbes na matuwa ako, lalo akong nagagalit. masyado siyang mahusay magpanggap. Masyado siyang mahusay itago na parang wala lang sa kanya ang lahat. Parang wala lang sa kanya yung nakita niya. Parang wala lang sa kanya na may ibang babae ako. Alam kong nakita niya kami. Nakita ko kung paanong natigilan siya sa may pasilyo
(Mariz POV) Abala kami sa kusina, Naghuhugas ng pinagkainan at naglilinis. Si Ate Linda, si Aling Berta, at kahit si Gisiell ay naroon. Nagkakatuwaan pa kami dahil natapon ko ang konting tubig sa sahig at halos madulas si Gisiell, ayun, bardagulan na naman. Pero biglang bumukas ang pinto, at si Ate Linda ay tinawag ng isang kasambahay mula sa hallway. “Ate Linda, pinapapunta ka ni Sir Gabriel.” Napalingon agad kami. “Ay, bakit daw?” tanong ni Aling Berta. Tinapik ni Ate Lnda sa balikat si Aling Berta at ngumiti samin bago lumabas. Maya-maya, bumalik si Ate Linda, medyo nagtataka. “Si Sir Gabriel, gusto ng kape sa study room. Pero may dagdag siyang bilin.” Napataas ang kilay ni Gisiell. “Ano na naman? Gusto ng imported beans?” nakacrossed arm pa ito. Umiling si Ate Linda. Tumitig siya sa akin. “Ang gusto niyang maghatid n
(Mariz Pov)Pagmulat pa lang ng mga mata ko, ramdam ko na agad ang bigat sa dibdib. Parang may nakadagan na hindi ko maalis, kahit anong gawin ko. Ang liwanag na pumapasok sa kurtina, dapat sana ay nagbibigay sigla, pero sa akin parang dagdag bigat lang.Hinawakan ko ang unan na basa pa ng luha. Napatawa ako ng mahina, pilit at mapait.Tumayo ako at humarap sa salamin. Doon ko nakita ang namumugto kong mga mata, parang saksi sa kahinaan na pilit kong tinatago. Pinisil ko ang pisngi ko, sabay ngumiti. Pilit na buo. Pilit na masaya.“Good morning, Mariz,” bulong ko sa sarili, halos nanginginig pa ang boses.“Dapat masaya ka. Dapat maligaya ka. Hindi pwedeng makita nilang durog ka. Hindi nila pwedeng mahalata na may nagbago sayo.. hindi pwede.”Pagbaba ko sa kusina, sinalubong agad ako ng amoy ng sinangag. Naroon si Ate Linda at Aling Berta, parehong abala sa paghahanda ng almusal.“Abaaa.. mukhang nakita mo na yung ngti mo na i
(Mariz POV)Umaga na. Pero pakiramdam ko, parang hindi ako nakatulog. Magdamag kong iniisip ang nngyari kagabi.. ung mismong oras na nakita ko si Gabriel na may kasamang babae. Yung mismong iglap na nagtagpo ang mga mata namin bago niya ito hinalikan sa harapan ko.Parang paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko ang eksena. At sa bawat rewind, mas lalo akong nahihirapan huminga.Tahimik akong bumaba mula sa kwarto. Wala akong balak kumain, pero naisip kong magtimpla ng kape para kahit papaano ay may magawa ang mga kamay ko. Ayokong makita siya, ayokong marinig ang boses niya. Habang naglalakad ako dala ang tasa ng kape, napansin ko si Sir GabrelNakatayo siya sa malaking bintana ng sala, nakamasid sa hardin na parang may kung anong mabigat na iniisip. Tahimik. Para bang nag-iisa sa sarili niyang mundo.At sa ilang segundo, hindi ko napigilang tumigil. Tinitigan ko lang siya mula sa di kalayuan. At sa kabila ng lahat ng ginawa