Maid in Manila, Loved in Secret

Maid in Manila, Loved in Secret

last updateDernière mise à jour : 2025-08-20
Par:  kkyrieehale Mis à jour à l'instant
Langue: Filipino
goodnovel18goodnovel
Notes insuffisantes
11Chapitres
11Vues
Lire
Ajouter dans ma bibliothèque

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scanner le code pour lire sur l'application

Isang simpleng probinsyana lang si Mariz "Izzy" Villoria, na napadpad sa Maynila para kumapit sa pangarap. Pero sa pagdating niya sa isang malaking bahay bilang maid, makikilala niya si Gabriel "Gabe" Alcantara, ang guwapong amo na sampung taon ang tanda, ngunit may pusong sarado sa pag-ibig. Para sa kanya, walang forever. Para sa kanya, laro lang ng apoy ang relasyon. Pero bakit sa bawat ngiti ng bagong katulong ay unti-unti niyang nakikitang may dahilan pa para magmahal?

Voir plus

Chapitre 1

PROLOGUE

(MARIZ “IZZY” VILLORIA)

Minsan, ang mga pangarap ay parang bituin—maliwanag pero mailap. At kung minsan, kailangan mong suungin ang dilim bago mo makita kung alin ang talagang para sa ’yo.

“Hoy, ’Nay! Seryoso ka ba talaga dito? katulong? Sa Maynila pa?” reklamo ko habang bitbit ang maleta kong halos mas malaki pa sa akin.

Si Nanay, kunot-noo pero may halong tawa, “Oo, anak. At ’wag ka ngang maarte. Basta’t trabaho, kahit katulong, malinis na hanapbuhay. Pambili ng bigas, pambili ng load, pambili ng shampoo mo na special pa!”

Napangiwi ako pero ngumiti rin. Tama si Nanay. Para sa pamilya naman ’to. Kahit maid ako sa Maynila, maid with dignity naman! Charot.

“Grabe, parang ibang planeta pala talaga ’to,” bulong ko sa sarili ko habang nasa jeep. Kaliwa’t kanan ang mga ilaw, ang daming tao, tapos may Grab, may Angkas, may hindi ko maintindihang mga app na ginagamit nila. Sa probinsya kasi, ang pinakamasosyal naming transpo ay padyak!

Kung merong award para sa “Pinakamalaking Bag na Nadala sa Jeep,” ako na siguro ’yon. Bitbit ko ang maletang halos kasing laki ko, at tuwing bababa ako ng jeep, pakiramdam ko nagdodonate ako ng relief goods.

Finally, dumating ako sa mansion ng magiging amo ko. As in, mansion na may gate na puwedeng gawing basketball court, may garden na mas malaki pa sa plaza namin sa baryo, at may chandelier na mukhang mas mahal pa sa buong bahay namin.

“Grabe. Kung sa baryo, may chandelier din kami… gawa nga lang sa tansan at Christmas lights,” bulong ko sa sarili ko.

“Hija, dito ka na. Ikaw ba ang bagong katulong?,” sabi ng mayordoma. “Ikaw ba si Mariz?” tanong nito sakin.

Tumango ako, nakangiti. “Ako po. At wag po kayo mag-alala, sanay akong maglaba, magplantsa, magsaing, pati magluto ng sinigang na walang sabaw... hehe accident lang naman po ’yon.”

Napailing siya pero natatawa. “Mukhang ikaw ang magpapasaya dito sa bahay. Sige, halika, ipakikilala na kita kay Sir.” saad nito at naglakad na kami sa kung saan man sa loob ng mansion na to, grabe! sala ba to? o lobby sa mall?

Maya maya pa ay may kung sinong anghel-- este lalaking pababa mula sa hagdan. Parang laging nasa runway ng fashion show. Polo na puti, trousers na plantsado, at wristwatch na baka presyo pa lang ay pambili na ng isang ektarya ng palayan sa probinsya.

“Sir,” tawagni Ate Linda.

Wow sya pala ang magiging boss ko? ang hot ah? ha? gaga izzy ano bang iniisip mo?!

“ito na po ang bagong maid.” ani Ate linda at hinawakan ako sa braso para iharap sa boss namin.

Tumigil siya saglit, tumingin sa akin. Straight face. Walang emosyon.

So siyempre, ako, ngumiti ng todo. “Good morning, Sir! ako po si Mariz Villoria , Izzy nalang po for short.. Hmm, wag po kayong mag alala, marunong po akong maghugas ng pinggan. At magluto ng itlog..sunog nga lang minsan pero at least luto, ’di ba?”

Tahimik lang siya. Yung tipong blank stare.

“Hmm. Probinsyana ka?” tanong niya, malamig ang boses.

“Opo, Sir! Fresh from the mountains!” biro ko pa.

Napakunot siya ng noo, tapos umiling. “Just… do your job. That’s all.” At umalis na siya.

Ako naman, napabulong, “Wow, lakas maka-iceberg ni Kuya. Titanic na lang ang kulang.”

Nakatingin lang ako sa lalaking naglalakad palabas, at sumakay sa nakaparadang magarang sasakyan.

Matapos ay inaya na ako ni Ate Linda, dinala nya ako sa Maid's quarter, at doon ay pinalowanag niya sakin lahat ng mga hindi dapat at dapat gawin, inabot niya rin ang uniform ko na kulay black and white, maganda parang sa hotel ka lang nagtatrabaho.

Sana maging maayos ang mga araw ko rito, ewan lang sa mga makakasama ko? HAHAHHA

Maid in Manila, Loved in Secret.

Déplier
Chapitre suivant
Télécharger

Latest chapter

Plus de chapitres

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Commentaires

Pas de commentaire
11
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status