Share

Chapter 5

MAGDAMAG na hindi dinalaw ng antok si Mabelle. Sinubukan niyang makatulog ngunit 'di niya magawa. She couldn't get Navi out of her mind. Hanggang sa pagbukang-liwayway ay naaalala niya ang naging pag-uusap nila kagabi.

Ngayon ang unang araw niya sa trabaho, at posibleng ngayon din niya masasaksihan ang hagupit ng isang Navi Reinhart. Sinikap ni Mabelle na bumangon kahit bahagya siyang nakakaramdam ng pagkahilo.

Wala sa sariling napangiti si Mabelle nang mapansin niya ang kanyang anak na payapa pa ring natutulog sa kalahating parte ng higaan. Inayos niya ang kumot nito at sandaling pinagmasdan ang maamong mukha ng bata bago siya nakarinig ng magkakasunod na katok mula sa pinto.

"Andiyan na!" aniya at nagmamadaling binuksan ang pinto. "O, Jhazz, ikaw pala 'yan. Good morning," she greeted.

Agad napansin ni Mabelle ang tray na dala ng kaibigan. Naglalaman iyon ng isang supot ng tinapay at tig-isang tasa na may lamang chocolate drink.

"Magandang umaga rin sa 'yo. O heto, dinalhan ko kayo ni Paris ng almusal," alok ni Jhazz na hindi niya nagawang tanggihan.

"Naku, hindi ka na sana nag-abala. Baka mamaya, mahuli ka pa ni Sir Navi na dinadalhan ako ng pagkain dito. Malintikan pa tayong pareho." Nahihiyang kinuha ni Mabelle ang tinapay at inilapag sa ibabaw ng mesa.

"Baliw. Nasa salas si Sir, busy sa pakikipag-barda sa manager niya sa telepono. Isa pa, wala namang kaso sa kanya kung galawin natin ang mga pagkain at inumin dito sa bahay. Parang pamilya ang turing niya sa 'ting mga kasambahay kaya tigil-tigilan mo na 'yang pagiging negative mo," mahabang sermon sa kanya ni Jhazz na medyo iritable na.

Napairap na lang si Mabelle. "Fine."

"Paano? Maiwan muna kita't mamimili muna ako ng groceries dito sa bahay," paalam ng kaibigan.

"Okay. Salamat dito, ha? Mag-iingat ka," pabaon ni Mabelle bago nagdesisyon si Jhazz na lumabas ng kuwarto.

Parang gusto niyang matawa sa sinabi ni Jhazz tungkol kay Navi. He treated maidservants like part of the family? Well, she might be right. Marahil mabait ito sa lahat, pwera sa kanya.

My, if Jhazz only knew her relationship with Navi. His marriage life has never been released in public so people are not aware of her.

Sa tagal nilang magkaibigan ni Jhazz ay never niyang binuksan ang topic tungkol sa kanyang nakaraan. Natatakot siyang mahusgahan at tuluyang layuan sa oras na malaman nito kung gaano siya kasamang tao noon kaya naman, hangga't hindi pa siyang handang magsalita ay mananatili muna 'yong sikreto.

Mula sa plastic ay kumuha si Mabelle ng isang pirasong tinapay at madaliang inubos ang laman ng kanyang tasa. Iniwan niya sa tray ang natirang pagkain na para kay Paris at lumabas ng kwarto dala ang maid uniform.

Nang makapagbihis, sinimulan ni Mabelle na linisin ang living room kung saan naabutan niya si Navi na may kaaway sa telepono.

"My tour begins in less than two weeks! You know I've been very busy with my rehearsals. I don't have time to find a replacement!" giit ni Navi sa kung sino man ang kausap nito sa kabilang linya.

Marahil ito ang tinutukoy ni Jhazz na manager ng lalaki. Sa halip na maki-usyoso ay nag-focus na lang si Mabelle sa pagwawalis ng sahig, sunod niyang pinunasan ang mga vase at picture frame na nakapatong sa ibabaw ng wooden cabinet.

At that time, she never heard anything from her boss, proving that he already hung up the phone. The next thing she knew, a powerful voice echoed throughout the living room which forced her to stop. Sinundan niya ang pinagmumulan ng magandang tinig na iyon at hindi siya nagkamali.

It was Navi's heavenly vocals. He sings with all his heart with his eyes closed. The smooth, sweet, and musical sound he was creating is very soothing and satisfying to listen to. Oh, he was like an angel chanting into her ear... Daig niya pa ang nasa alapaap.

Napangiti si Mabelle nang 'di sinasadya. Kung hindi lang masama ang loob sa kanya ng dating mister, iisipin niyang nagpapakitang-gilas ito sa harap niya. Well, hindi nga ba?

"Sinabi ko bang titigan mo ako, Miss De Guzman?" At sinita siya ng lalaki. Saka lang mapansin ni Mabelle na nahuli siya ni Navi na nakatitig sa amo!

"H-Hindi po, Sir. Pasensya na po," paghingi ni Mabelle ng paumanhin kay Navi.

Ipinagpatuloy ni Mabelle ang pagpupunas. Basta-basta niya na lang hinablot ang picture frame na nasa pagitan ng dalawang maliit na vase. Ngunit sa kasamaang palad, hindi niya napansing sumagi pala ang stand nito sa katabing vase at nahagip iyon.

Sinubukang saluhin ni Belle ang vase pero bigo siya. Umalingawngaw ang malakas na pagkabasag sa buong kabahayan. The shards of debris from the small vase scattered around her feet. Mabelle could barely move as fear struck her system.

Umalis mula sa kinauupuan si Navi at galit na sinugod si Mabelle. "Look what you did, you idiot!" he shouted.

"S-Sir, I'm so sorry! Masyado kasing makipot ang espasyo sa pagitan ng frame at ng vase kaya—"

"You're not paying attention! Do you have any idea how much that vase cost? It's more than your entire paycheck! Now, how are you gonna pay for that? You can't even afford to have one for yourself!"

"Sir, sorry talaga! Hindi ko sinasadya! Please, patawarin mo ako," pagsusumamo niya.

"Hindi maibabalik ng lintik na sorry mo ang vase na binasag mo! To think it's your first day and yet, you failed? Brainless!"

Napahilamos si Navi sa inis at hindi na nagawa pang tumingin kay Mabelle. Itinuro nito ang mga nagkalat na bubog sa sahig.

"The vase you broke is from my mother. I took it from my parent's house when she passed away," anito.

Nasilayan ni Mabelle kung paano kumuyom ang palad ng lalaki, halatang pinipigilan nitong sumabog sa galit.

"You don't know how much it means to me at dahil sinira mo ang isa sa natitirang memoryang iniwan sa 'kin ng nanay ko, hindi sapat ang sesantehin kita. You have to pay it with your hard work!"

"What do you mean?" tanong ni Mabelle.

"Mom once said each vase costs about thirty thousand pesos. Dahil nabasag mo ang isa, lumalagay na katumbas n'on ang dalawang buwan mong sahod," paglilinaw ni Navi. "Sa madaling sabi, wala kang makukuha ni singkong duling sa loob ng dalawang buwan pero kailangan mo pa ring magtrabaho kung ayaw mong matulog sa loob ng kulungan."

"What?" gulat niyang reaksyon kasabay ng pangingilid ng kanyang mga luha. "B-But, Sir, how am I supposed to feed my daughter if you don't—"

"Why would I care about your child? She's not even mine, does she? You should've thought that before you destroy my mother's stuff. Now, clean up your mess before I could drag you to jail!" He yelled again and stormed out of the house.

Napasabunot si Mabelle sa inis. Bakit sa kanya pa nangyari ito? Paano niya pagkakasyahin ang natitirang pera sa loob ng animnapung araw? Hindi ba naisip ng lalaking 'yon na posibleng mamatay sila sa gutom?

How great. Navi had just begun to take revenge on her, but she was getting hopeless. Sana lang, may mangyaring pagbabago sa ugali nito sa mga susunod na araw bago pa mameligro ang kanyang bulsa.

Pinahid niya ang luha sa kanyang mga mata gamit ang kanang braso. Isa-isang pinulot ni Mabelle ang mga bubog sa sahig ngunit natusok siya ng isa sa mga ito. Napaigtad siya sa sakit hanggang sa unti-unting nagdurugo ang kanyang sugat.

At that time, she heard the door open and saw Earnest come in. Nagkukumahog itong nilapitan siya nang makitang tumutulo ang dugo mula sa kamay niya.

"Mabelle, are you alright?" he asked, completely worried about her injury.

"Medyo masakit 'yong sugat ko," d***g niya hawak ang apektadong kamay.

"C'mon, linisan natin 'yang sugat mo." Maingat siyang inalalayan ni Earnest papunta sa kusina.

"Paano 'yong mga kalat sa sahig?"

"Hayaan mo na 'yan. Si Hyacinth na ang bahala riyan," paniniguro nito. Saktong kabababa lang ni Hyacinth mula sa second-floor kaya ipinasa ni Earnest ang trabaho ni Mabelle sa dalaga.

***

"THANK YOU so much, Earnest. You're so kind. I never thought you would help me," saad ni Mabelle matapos lagyan ni Earnest ng gasa ang kanyang hinlalaki.

"No big deal. It's the least I can do. I'm so sorry for how he treated you. You know what, Navi isn't always like that. Maybe he's just stressed about his upcoming concert tour, lalo na't nabalitaan kong nag-resign 'yong PA niya. Naghahanap siya ng kapalit," mahabang paliwanag ni Earnest habang maingat na nilalagyan ng gasa ang hinlalaki ni Mabelle.

"Naiintindihan ko. Isa pa, hindi ko siya masisisi gayong nabasag ko 'yong mamahaling vase ni Mommy Victo—I mean, ni Ma'am Victoria," maagap niyang tugon. "Wait, did you just call him Navi? What exactly is he to you?"

His lips curved into a smile. "Navi is my brother's classmate from high school. Magdadalawang taon na 'kong nagtatrabaho bilang bodyguard niya. Ako rin ang tagapangalaga ng mga sasakyan niya kaya madalas, sa garahe ako tumatambay. Kapag wala si Mang Jun gaya ngayon, ako ang pansamantang caretaker ng mansyon," Earnest said. No wonder why he was assigned to tour her yesterday.

For some reason, naging interesado si Mabelle na makinig sa kuwento ni Earnest. Posible kasing may mabanggit ito tungkol kay Navi na hindi alam ng madla.

"What about you and Sir Navi? Are you two close?"

Earnest nodded. "Yeah. Lahat ng problema niya, sa akin niya sinasabi. Mostly, may kinalaman sa kanyang music career. Stressed sa kabila't kanang rehearsals, buhol-buhol na schedule, 'di pa kasama ang mga trolls niya sa social media. Ah, madalas nating kainggitan ang mga katulad niya pero hindi natin alam kung gaano kahirap ang malagay sa posisyon nila."

She agreed. "I can't argue with that. Iyon lang ba ang madalas niyang ikuwento sa 'yo? I mean, wala ba siyang nababanggit tungkol sa past life niya? Like for example, if he was married before or something?"

Isang mahinang tawa ang pinakawalan ni Earnest nang sabihin niya iyon. "Well, Navi is too secretive. Ang alam ko, ikinasal siya noon pero naghiwalay sila. Sinubukan kong tanungin kung kanino siya ikinasal pero ayaw niyang sabihin kung sino. Hindi rin aware ang publiko tungkol sa kanyang nakaraan at bilang respeto sa privacy ni Navi, hindi na lang ako nakialam."

"Is that so?" anas niya.

Tila nabunutan ng tinik si Mabelle nang mga sandaling iyon. Mabuti nang wala ni isa ang nakakaalam ng sikreto nila ni Navi dahil malaking problema ang posible nilang kaharapin 'pag nagkataon.

"Maiba lang, Mabelle," Earnest called her attention as she caught him staring at her face. "I've been thinking about this since yesterday. I thought you look familiar. Have we met before?"

Sandaling pinag-aralan ni Mabelle ang hitsura ng lalaki ngunit wala siyang matandaan na kahit anong nagpapaalala rito. "Doesn't ring a bell. Kahapon lang kita unang nakita," naiiling niyang sabi.

"I see..." he answered back. Bago pa sila lamunin ng katahimikan, isang batang babae ang lumapit sa kanila.

"Good morning po," bati ni Paris sa dalawa na halatang inaantok pa.

"Good morning, too, Paris," Earnest said with a smile.

"Hi, anak. Kinain mo na ba 'yong food na iniwan ko sa ibabaw ng table mo?" magiliw na wika ni Mabelle.

"Opo pero hindi ko po naubos kasi marami."

"It's alright. At least you ate." Marahang hinaplos ni Belle ang buhok ng bata ngunit hindi nakatakas sa paningin nito ang daliri niya na balot ng benda.

"Mommy, ano pong nangyari sa kamay mo? Saka, bakit po kanina may narinig po akong sumisigaw? Antok pa po kasi ako kaya hindi ako lumabas ng room. Si Mister Cute po ba 'yon?"

Sa pagkakataong ito, nagtagpo ang tingin nina Mabelle at Earnest. "Mister Cute? Who's that?" tanong ni Earnest.

"Sir Navi," Mabelle mouthed. Samantala, hindi napigilan ng lalaki na matawa sa ideyang iyon ngunit hindi iyon pinansin ni Mabelle. "Paris anak, huwag mo akong alalahanin, ha. Okay lang kami ni Mister Cute," she lied.

The girl pouted. "Sure po kayo? Baka po inaaway niya ang Mommy ko."

"Nagkamali lang ng konti si Mommy kaya napagsabihan ako ni Mister Cute. Nangako naman ako na magiging maingat na sa susunod para hindi na iyon maulit pa kaya wala ka nang dapat ipagalala. Okay?"

Hindi na nakapagsalita si Paris at isang yakap na lang ang iginanti nito kay Mabelle. Sa kabilang banda, may parte sa puso ni Belle ang nakokonsiyensya gayong nagsinungaling na naman siya sa bata.

Ang opinyon niya'y kung iyon lang ang paraan para hindi mag-alala si Paris ay wala siyang magagawa kundi ilihim sa bata ang mabigat na suliraning kinakaharap niya ngayon. Hiling niya, mapatawad siya ng kanyang anak balang araw at maunawaan sana nito kung bakit niya iyon nagawa.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Teresa Quejada Rufin
more updtes
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status