Share

Chapter 6

MAG-ISANG nakaupo sa loob ng gazebo si Navi pasadong alas-siete y media ng gabi. Katatapos niya lang maghapunan at ngayo'y dito niya naisipang magpalipas ng oras habang maaga pa.

Maliwanag ang gazebo sa gabi dahil sa mga fairy lights na nakakabit sa palibot nito. Ultimo mga halaman ay naiilawan din. Maririnig din ang tunog ng mga insekto sa paligid na nagsisilbing musika sa kanyang tainga.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na bumalik si Mabelle sa buhay matapos ang kanilang paghihiwalay. Dumaan man ang mahabang panahon, nananatili pa ring sariwa ang sugat na iniwan nito sa puso niya. Mahapdi. Malalim. Makirot.

Sa tuwing nakikita niya ang pagmumukha ng babaeng iyon sa pamamahay niya ay bumabalik sa kanyang alaala ang ginawa nitong pagtataksil noon. Hindi pa ito nakuntento't kaninang umaga lang ay binigyan pa siya ng sakit ng ulo!

Marahil nagtataka 'yon kung bakit sa kabila ng mga ginawa nito ay mas pinili niyang pagtrabahuhin ito sa mansyon bilang kasambahay sa halip na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status