LOGINMay nagbabasa ba?
Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari. Pakiramdam ko may kung anong hidwaan sa pagitan ni Kiarra at Kurt. Pero wala rin akong ibang magagawa kundi ang sumabay sa gusto ni Kurt, dahil trabaho ko ito. "He's willing to do everything, tsk!" malamig at buong boses ni Ruiz. Dahilan na bumaling sa kaniya ang atensyon ko."Ano ang ibig mong sabihin, Ruiz?" mahinahon kong tanong. Binigyan niya lamang ako ng malamig na tingin. Matapos ay agad din siyang umiwas. 'Hay naku, kung gulo ang pinasukan ko. Bakit pa ako pumasok? Sus! Kahit ano naman ang isipin ko at gawin ko. Hindi pa rin ako makakatakas kay, Kurt. Sinabi naman niya 'yon kanina sa akin, hmmm???'"1 million, I'll bet 1milion." Halos manigas ako sa kinauupuan ko. Ang laki naman no'n! Akala ko ako lang ang nagulat. Pero hindi ko inasahan na lahat ng nandito ay nagbulong-bulongan na. Imagine, 1 Million agad bet ni, Kurt? Halos tatlong gabing pagsisiping namin 'yon, ah! "Kurt, I really want that necklace. I love the design and t
Tumunog ang pintuan ng ikatlong beses. Pilit ko naman na tinutula si Kurt. Pero hindi siya pumapayag. Hanggang sa– “Kurt?” Kasabay nito ang pagbukas ng pintuan. Natanaw ko si Kiarra. Pero imbis na lumayo sa akin si Kurt, mapusok niya akong hinalikan. Hindi ko alam kung bakit ganito ang galaw niya ngayon. Sa bawat haplos ng kamay niya sa buong katawan ko. Sinasabi nito na dapat akong sumabay. Kaya wala akong ibang nagawa kundi ang sumabay. “I'm sorry I disturb you.” Mahinhin na boses ni Kiarra. Hindi na tinag si Kurt, patuloy pa rin siyang nakahalik sa akin nang mariin. Hindi siya nag-alinlangan kahit nandito ang ex-fiancee niya na nanonood sa amin. Ilang sandali tuluyan na muling umalis si Kiarra. Sa puntong ito bumitaw na si Kurt at dahan-dahan na lumayo sa akin. Napabuntong si Kurt sabay punas ng labi niya. Paano ba naman kasi kinain na niya ang lipstick ko. “Ayusin mo ulit ang lipstick mo,” mahinahon na utos niya sa akin. Tanging tango na lamang ang isinagot ko. At
“Teka nga lang Sir Kurt, bitawan mo nga ako,” pagpupumiglas ko. Nakarating kami rito sa isang kwarto kasama ang mga kapatid niya. Binitawan nga ako ni Kurt. Napahinga ako ng malalim at hindi ko inaasahan na sa pagharap ko kay Kurt, nakatingin na silang lahat sa akin. Ang gwapo nilang pito! Bagay na bagay talaga sa kanila ang mga suot nila. Teka! Nandito ako para magreklamo! “Ang sabi mo kanina sa akin magpapahinga lang ako. Tapos dinala mo ako dito at pumayag naman ako dahil utos mo. Pero hindi ko naman inaasahan na sa isang iglap lang magiging girlfriend mo ako. Ano ba ang gusto mong gawin ko, Kurt?” deretsahang reklamo ko kahit alam ko naman sa sarili ko na hindi ko dapat ito gawin. Umikot na ang mga ko sa kanila dahil tahimik lang silang lahat na nakatingin sa akin. Ayos lang naman na hindi na magsalita ang iba diyan. Dahil si Kurt lang naman ang dapat na sumagot. “Magsalita ka nga diyan, Sir. Nagtatanong kaya ako sa ‘yo nang maayos.” Muli kong dagdag, sa pagkakataong it
"Hindi ka ba tatahimik diyan?" biglang pagsusungit ni Kurt sa kapatid niya. Napansin ko ang masamang tingin ni Kurt kay Dencio kaya natahimik na lamang ito. May takot naman pala ang mukhang babaero na 'yon. Dahil wala naman balak si Kurt na sabihin sa akin. Tumahimik na lang ako sa gilid niya. Napatingin ako sa labas ng sasakyan. Tahimik ang paligid, sobrang tahimik. Kumusta kaya ngayon sina Nanay sa bahay? Sana ayos lang sila. Kahit naman masama ang ginawa nila sa akin. Sila pa rin ang tinuturi kong unang pamilya. At kung sino man talaga ako. Tatanggapin ko iyon ng walang alinlangan. • • • • • • • • • • Huminto ang sinasakyan namin sa isang napakalaking gusali. Grabe, ganito ba talaga kayaman ang Cobe Family? Pakiramdam ko gusto ko na lang umatras. Nang bumaba si Kurt sa sasakyan. Inalalayan niya naman ako. Nakakapagtaka ako dapat ang nag-aalalay sa kaniya dahil katulong niya ako. "Welcome Cobe Family!" sigaw ng mga tao. Napabaling ako sa kanila dahilan ng ikinalak
Pagkabukas ni Kurt sa pintuan ng kwarto niya. Pinapasok niya naman agad ako. "Bakit hindi ka pa nagbihis? Pinadala ko na sa kwarto mo ang mga damit na pagpipilian mo. Ayaw mo ba ng mga damit na 'yon, Noime?" Imbis na ako ang unang magsalita si boss pa ang gumawa. "Sir, ano po kasi eh. Masyado pong mamahalin ang mga damit. Hindi po 'yon bagay sa akin. Ang mahirap po na tulad ko dapat nagsusuot lang po ng simpleng damit," nakayuko kong sanaysay. "Kapag inutos ko gagawin mo. Kapag binigay ko tatanggapin mo. Ayaw na ayaw ko sa lahat ang tinatanggihan ako. Kaya magbihis ka na dahil malayo pa ang pupuntahan natin." Napaangat ako ng tingin. May kung anong kinakalikot siya sa kabinet niya. Naghahanap din siya ng damit niyang susuutin. "Saan po tayo pupunta, Sir?" walang alinlangan kong tanong. Siguro naman may karapatan pa rin akong malaman kung saan? "Basta, nagbihis ka na lang. Bibigyan lang kita ng isang oras para mag-ayos ng sarili mo. And by the way, may mga pinapunta akong m
"Noime???""Hey, Noime!""Noime, we're talking to you." Bigla akong nagising sa imahinasyon na 'yon. Napalunok ako ng laway at napayuko. Walang hiya itong utak ko. Iba na iniisip ko sa magkakapatid. "Ano ba? Nandito pa ako. Tyaka, pwede bang huwag niyo na akong pag-agawan? Tinatanggap ko ang trabaho na ibibigay sa akin ni Sir Kurt." Aniya ko agad kahit nanginginig ang boses ko. "Sir, dito na ba ako matutulog palagi sa bahay mo?" dagdag kong katanungan ng humarap ako kay Kurt. Wala siyang ibang sagot kundi tango lang. Pagkatapos dito na nahinto ang pag-uusap namin lahat. Nag-focus kaming kumain hanggang sa matapos kami. "Sir, ako po ba ang maghuhugas ngayon?" deretsahan kong tanong ng isa-isa ng umalis ang mga kapatid niya. "No. Maghintay ka lang sa mga iuutos ko sa 'yo. For now, kung mahina pa ang katawan mo. Magpahinga ka na muna sa kwarto mo." Napatingin ako sa itaas. "Kwarto ko? Saan po ang kwarto ko?" pagtataka ko."Kung saan ka nagising. 'Yon na ang magiging kwarto mo." Umi







