"Ate?" nanginginig kong boses. "Bakit po ate?" napakuyom ang kamao ko sa sahig. "Tinatanong po pa talaga kung bakit? Simple lang naman, wala ka talagang kwenta. Wala kang silbi sa pamilyang 'to. Pabigat ka lang sa amin, palamunin at higit sa lahat ikaw ang malas na dumating sa amin." Mariin niya itong winika. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya. Durog na durog ang puso ko'y na para bang hindi na ito kayang mabuo ulit. Rinig ko ang pagsinghap ni kuya. Tila natutuwa pa talaga siya. "Noime, wala kang kasing basura ng iba diyan. Oo, para sa amin isa ka lang basura. Kaya bakit kami mag-aalala sa 'yo? Bakit kami maawa sa tulad mong malas? Tapos nagtataka ka pa? Pwes, palagi mong itatak sa utak mo na ikaw ang dahilan kung bakit namatay si tatay! Masyado kang mahina! Sakitin! Kung nagpakatatag ka lang sana noon, ede sana buhay pa ngayon si tatay!" Hindi ko akalain na mababanggit ito ni ate sa akin ngayon. Masakit, sobrang sakit ng mga espadang tumatarak sa puso ko. Ilang buw
Última actualización : 2026-09-07 Leer más