My Arrogant Boss Wants Me

My Arrogant Boss Wants Me

last updateLast Updated : 2026-10-28
By:  MagentaUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
17views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Dahil sa isang kakaibang job interview, nagkaroon si Mara Castillo ng dalawang magkaibang trabaho. Mula Lunes hanggang Biyernes, isa siyang real estate salesperson na halos walang pahinga sa pagtatrabaho mula alas-singko ng umaga hanggang alas-nuwebe ng gabi. Pagsapit naman ng weekend, isa siyang personal assistant na tagaayos ng lahat ng gulong dulot ng kanyang boss. Simple lang ang naging kasunduan nila—trabaho lang, walang personalan, at lalong walang halong pag-ibig. Maayos sana ang lahat kung marunong lang sumunod sa kasunduan ang kanyang boss. Pero habang tumatagal, mas nagiging personal ang mga utos nito, at mas nahihirapan si Mara na manatiling professional. Ang tanong, hanggang kailan niya kayang umiwas sa lalaking araw-araw sinusubok ang pasensya at tibok ng puso niya? "Director, you're crossing the line!" "Then tell me where the line is, Mara. I'll meet you there."

View More

Chapter 1

Chapter 1

Chapter 1

Tahimik na nakaupo si Mara Castillo sa waiting lounge ng Altierra Group habang mahigpit na hawak ang tatlong interview slip na nakuha niya mula sa mga naunang screening. 

Habang papalapit ang oras ng final interview, lalo siyang kinakabahan. Hindi lang dahil ito ang kauna-unahan niyang job interview matapos makapagtapos ng kolehiyo, kundi dahil halos lahat ay isinugal niya para makarating sa Maynila. Iniwan niya ang kanilang probinsya at naglakbay nang napakalayo para magsimula ng bagong buhay sa isang lugar na hindi niya kabisado. At ngayong narito na siya, wala na siyang balak umatras. 

Palihim siyang napatingin sa tatlong babaeng nakaupo sa sofa sa tapat niya. Lahat sila ay bata, magaganda, at halatang sanay sa mamahaling gamit. Mula sa kanilang mga damit hanggang sa mga bag at alahas, kitang-kitang puro designer brands ang suot ng mga ito.

Ang isa sa kanila ay nakasuot ng fitted office dress na may malalim na V-neckline. Hindi maiwasang mapatingin ni Mara sa dibdib nito bago agad na umiwas ng tingin.

“Grabe. Ano kayang ginawa nito at ganyan kalaki ang hinaharap?” usal niya sa isip.

Ang isa naman ay petite at slim, may mala-porselanang balat at magandang mukha na parang Korean actress. Nakaupo ito habang hawak ang isang maliit na salamin at abala sa pagre-retouch ng kanyang makeup.

Samantala, ang babaeng direktang nakaupo sa tapat ni Mara ay halatang mataas ang tingin sa sarili. Paminsan-minsan ay tinitingnan nito ang mamahaling crystal nail extensions sa kanyang mga daliri. Kapag nagsasawa naman, sinusukat nito ng tingin ang ibang aplikante na para bang hindi karapat-dapat ang mga itong makipagsabayan sa kanya.

Napailing si Mara sa isip. ‘Bakit parang beauty pageant ang pinasukan ko, hindi job interview?’

Bago pa siya pumasok sa waiting lounge, napansin na niyang marami ring ibang aplikanteng naghihintay. Hindi naman iyon nakakapagtaka dahil ang Altierra Group ay isa sa pinakamalaki at pinakakilalang real estate companies sa Pilipinas. Bukod sa pagiging developer ng mga luxury residential estates, condominium towers, commercial centers, at business districts, kilala rin ang kumpanya sa napakataas nitong pasahod at magagandang employee benefits. 

Ang compensation package na inaalok nito para sa kanilang Senior Real Estate Sales Associate position ay isa sa pinakamataas sa industriya. Limitado lamang ang mga bakanteng posisyon, kaya natural na maraming mahuhusay at experienced na aplikante ang sumusubok na makapasok.

Hindi naman sales ang kursong tinapos ni Mara sa kolehiyo. Graduate siya ng Bachelor of Arts in Foreign Languages at mahusay magsalita ng anim na wika: Filipino, English, Spanish, Japanese, French, at Mandarin.

Nagkataon namang isa sa mga pangunahing requirements ng Altierra para sa posisyon ay ang pagiging fluent sa hindi bababa sa tatlong foreign languages. Dahil maraming international clients at foreign investors ang kumpanya, malaking advantage ang pagkakaroon ng ganitong kakayahan.

At iyon mismo ang dahilan kung bakit naglakas-loob siyang mag-apply.

Sa totoo lang, ang mataas na suweldo talaga ang unang nakakuha ng interes niya. Hindi naman niya kailangang magkunwari. Kailangan niya ng pera, at alam niyang malaki ang posibilidad na kumita siya nang maayos kung matatanggap sa isang kumpanyang katulad ng Altierra.

Bukod doon, nagtatrabaho rin sa kumpanya ang best friend niyang si Nicole Flores, o mas kilala niya bilang Nica. Labingwalong taon na silang magkaibigan, kaya kung matatanggap siya rito, hindi lamang magandang trabaho ang makukuha niya kundi makakasama pa niya ang matalik na kaibigan.

Kill two birds with one stone. Perfect, ika nga!

Habang abala siya sa pag-iisip, biglang bumukas ang p***o ng waiting lounge. Isang babaeng empleyado na nakasuot ng corporate uniform ang pumasok. May Altierra employee ID itong nakasabit sa leeg at magalang na ngumiti sa kanilang apat.

"Good morning, ladies. Please follow me."

Agad na tumayo ang tatlong babaeng nakaupo sa tapat niya. Mabilis ding tumayo si Mara, pero muntik siyang mawalan ng balanse dahil sa suot niyang heels.

Buti na lamang at nakahawak siya sa gilid ng sofa.

Lintik na sapatos na iyon. Ngayon lang siya nagsuot ng ganitong kataas na heels. Si Nica pa ang bumili nito para sa kanya at sinabing hindi puwedeng mas mababa sa five centimeters ang takong kung gusto niyang magmukhang presentable sa interview. 

Noong una, pakiramdam ni Mara ay masyadong mataas iyon. Pero nang makita niyang halos lahat ng babaeng nakapaligid sa kanya ay nakasuot ng mas matataas na heels, bigla niyang naisip na tama ang ginawa ni Nica. Ayaw rin naman niyang magmukhang kulelat sa kanilang apat.

Nauna nang maglakad ang tatlong babae, habang si Mara naman ay tahimik na sumunod sa pinakahuli. Hindi niya pinilit na bilisan ang paglalakad dahil baka matapilok pa siya. Nakakahiya namang bumagsak sa hallway bago pa man makarating sa final interview.

Makapal ang carpet sa buong executive floor ng Altierra Tower. Kaya kahit naka-high heels ang mga babae, halos walang marinig na tunog mula sa kanilang mga hakbang.

Tahimik din ang paligid. Malamig ang air-conditioning, malinis ang mga dingding, at bawat opisina ay may mamahaling wooden doors. Sa isang bahagi ng hallway ay may malalaking glass windows kung saan tanaw ang matataas na gusali ng Bonifacio Global City.

Makalipas ang ilang sandali, huminto ang babaeng empleyado sa harap ng dalawang malalaking pintong gawa sa dark mahogany wood.

"Please wait here for a moment. Kayo na po ang susunod na batch for the final interview."

Tumango ang apat bago bahagyang lumayo ang empleyado.

Napatingin si Mara sa malaking p***o at napalunok. May isang problema si Mara na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nalulutas. Kapag sobrang kinakabahan siya, bigla siyang naiihi. At kapag ganoon, parang nawawala rin ang lahat ng laman ng utak niya.

Kanina pa nga niya gustong pumunta sa restroom, pero natatakot siyang baka tawagin sila habang wala siya.

Habang naghihintay, pilit niyang inaalala ang mga posibleng itanong sa kanya. Paano kung tanungin siya tungkol sa mga foreign invNapatingin sa kanya ang driver sa rearview mirror.

"Sa may Alabang, ma'am?"

"Opo."

Pagkarinig sa pangalan ng lugar, bahagyang natawa ang driver.

"Ay, ma'am. Sosyal diyan. Pero pugad din daw ng bisyo at kalokohan 'yang lugar na 'yan."

estors? O baka naman pagkunwariin siyang may kausap na international client at kailangan niyang magbenta ng mamahaling property?

Kaya naman niyang makipag-usap sa iba't ibang wika. Ang problema, baka sa sobrang kaba niya ay bigla siyang ma-mental block at wala nang maisagot. 

Hindi pa sila umaabot ng kalahating minuto sa paghihintay nang biglang bumukas ang p***o sa harapan nila.

Isang magandang babae ang lumabas mula sa loob. Maayos ang suot nito, pero halatang masama ang loob. Namumula ang mukha nito habang mabilis na naglalakad palayo, na para bang may nakaaway sa loob ng opisina.

Napatingin si Mara rito. Anong nangyari?

"She didn't get the job?" mahinang tanong ng babaeng mukhang Korean actress na nakatayo sa tabi niya. "Is it really worth getting that angry?"

Wala pang nakakasagot nang muling bumukas ang p***o.

Isa na namang magandang babae ang lumabas, at tulad ng nauna, halata rin ang galit sa mukha nito. Hindi man lang ito lumingon sa kanila at tuluy-tuloy na naglakad papunta sa elevator.

Napakunot ang noo ni Mara.

Kanina, simpleng kaba lamang ang nararamdaman niya. Pero ngayong sunod-sunod niyang nakikitang galit ang mga lumalabas mula sa interview room, unti-unti nang napapalitan ng takot ang nararamdaman niya.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status