Share

Chapter 7

Author: JoRivers
last update Last Updated: 2025-01-14 10:52:37

Apat na araw na ang nakararaan mula mabalitaan ni Marisse ang pagka-aksidente ni Dilan na nauwi pa sa pagka-comatose ng huli.

Ilang beses rin siyang sinabihan ng mga kaibigan na dalawin naman ito at baka sakaling maging dahilan siya sa mabilis nitong paggaling ngunit sa tuwina ay nanaig sa kaniya ang pride.

Tulad kanina ay binalita nila na gising na ito,at siya ang hinahanap. Pinakiusapan na siya ng mga kaibigan maging ng ina nito ngunit naging matigas siya.Idinahilan na tambak ang mga kailangan niyang gawin.

Malalim na ang gabi ,nakahiga na siya ngunit hindi pa rin dalawin ng antok.Nitong mga nakaraang araw ay alam niyang napapansin na ng mga magulang ang kaniyang pagkabalisa at pananamlay .Idinadahilan na lang niya ang mga tambak na project lalo na at patapos na ang araw ng klase.

Lumabas muna siya tumungo sa kusina.Binuksan ang ref at kinuha ang karton ng fresh milk at nagsalin sa baso.Baka sakaling makatulog siya pagkatapos makainom ng gatas.

Umupo siya matapos hilahin ang isang upuan at ipatong ang baso ng gatas sa may mesa.Halos nakalahati na niya ang iniinom ng may mahagip na isang bulto ng tao ang kaniyang paningin.

Nandoon ito sa may veranda habang nakatayo .

"Sino kaya 'to?"tanong ng kaniyang isip .Sarado na naman ang lahat ng ilaw at tahimik na ang paligid.Balak na sana niyang puntahan ng makitang papasok na ito sa nakabukas na sliding door at isinara iyon pagkatapos.

Sabay silang nagulat ng humarap ito sa gawi niya .Tatanungin niya sana ito kung bakit gising pa ng disoras ng gabi ng mahalata niyang namumugto ang mga mata nito tila galing sa iyak.

Huminto naman si Ella ng makita nito na naroon nga siya .Saglit silang nagkatitigan at ng tila mahinuha nito na wala naman siyang iuutos at tila lang siya nagtataka sa hitsura nito ay nagsabing " Matutulog na ko,Senyorita."

Hindi malaman ang sasabihin at mararamdaman ay hindi siya kaagad nakatugon at tinanaw na lang niya ang paglakad nito patungo sa maid's quarter.

Bakit tila may awa siyang nararamdaman ngayon para rito ?Sanay kasi siya na nakikipagbangayan rito kaya kanina ng makita niya itong tila galing sa iyak ay nakapapanibago .Pero ang makaramdam siya ng awa para rito ay lalong mahirap intindihin .Bunga lang ito marahil ng antok.

Umakyat na lang siya sa kaniyang kwarto ,handa na sanang matulog ng tumunog ang kaniyang cellphone.

"Baka puwedeng mo ng dalawin si Dilan bukas ?" ang nabasa niyang chat sa kaniya ni Monique.Tinangka niyang magtype ng message pero nakailang bura na siya dahil hindi akma sa gusto niya sanang iparating.

Matapos ang ilang minutong pagiisip at hindi malaman ang tamang sasabihin ay pinasya na lang niyang i-off ang cellphone at itabi na lang .

Hindi sa ayaw niya itong puntahan pero nanaig pa rin sa kaniyang isipan na tinapos na niya ang lahat sa kanila ng mag-usap sila ng araw na iyon sa university.At hindi niya gugustuhing isipin ng iba na matapos siyang lokohin ay maaawa pa siya dito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Mamahalin mo Kaya?   Chapter 85

    Kahit naiinis man sa tila pagmamanipula at paggamit ni Samantha ng sitwasyon nito at ng bata sa kaniyang sinapupunan ay hindi naman maatim ni Anton na basta na lang ito iwan ngayon . Kanina pa nga siya nakararamdam ng guilt dahil sa ginawa ngang pagsisinungaling niya kay Marisse .But he had no choice,kailangan niyang intindihin rin si Samantha at ang batang dinadala nito kahit wala pang kasiguraduhan na kaniya nga ito . Isa pa sa dahilan niya ay ang naroon din si Camille at mula ng makita nito na dumating siya ay ayaw ng mawalay sa kaniya .Naaawa rin nga siya dahil kita niya ang laki ng pinayat ng bata . Kung siya lang ang masusunod ay gusto niyang sa poder na lang niya ang bata .At alam naman niyang gusto rin iyon ni Marisse .Sigurado din siya na aalagaan nito ang bata dahil ramdam niya ang pagmamahal nito sa bata ng makasama nito. Ngunit alam niyang hindi puwede at kahit idaan man niya sa korte ang isyu ay sigurado siyang wala siyang panalo dahil limang taon lang ang bata at

  • Mamahalin mo Kaya?   Chapter 84

    Ilang ulit ng nagsend ng message si Marisse kay Anton ngunit ni isang reply ay wala siyang natatanggap .Hindi niya maintindihan ngunit kanina pa siya hindi mapakali . "Ano pong sabi niyo hindi po siya pumunta diyan ,Yaya ?"ang sagot ng kaniyang Yaya Lorna ng sa pagkainip ay naisipan niyang pumunta sa farm .Sinigurado naman niyang maingat siya sa pagmamaneho ,para safe ang kaniyang baby sa sinapupunan . "Hindi man siya napunta rito ,iha "at nakita niyang napabuntung-hininga ang matanda at tinabihan siya sa kaniyang pagupo . ",bakit mo siya hinahanap ?Baka may gusto kang sabihin sa akin ."ang tila nananantyang tanong nito sa kaniya . "Yaya , boyfriend ko po si Anton at -bu ,buntis po ako ."ang medyo nauutal niyang salita dala ng sobrang kaba .Pakiramdam niya ay isa siyang bata na umaamin sa kasalanan at malapit ng paluin. Nakita niyang dumaan ang pagkagulat sa mata ng kaniyang Yaya ngunit kapagdaka ay nagsabi "Hindi ko akalain na ganiyan na pala kalalim ang mayroon kayong dalawa

  • Mamahalin mo Kaya?   Chapter 83

    "Ahmm..Aalis pala ko mamaya ,Princess."ang sabi kay Marisse ni Anton isang umaga na nagaalmusal na sila .Mula ng malaman nitong buntis siya ay maaga na itong gumising para lutuan siya ng pagkain,kaya wala na siyang ibang gagawin kung hindi na lang kumain .Sobrang alaga siya nito na pinagpapasalamat niya .Kaya kahit may problema sila tungkol kay Samantha ay hindi niya naman gaanong maramdaman ,dahil lagi nitong sinisiguro na maayos siya . "Saan ka pupunta ?"tanong niya .Napangiwi siya ng ilapag nito ang ginisang ampalaya sa plato niya .Noon ay hindi siya mapilit lalo na ang kumain ng gulay pero ngayon ay ito na ang naglalagay niyon mismo sa plato niya .She needs to eat vegetables para maging heathy si baby ,iyon ang palaging sabi nito .Kaya no choice siya . "Ahmm-"kita niya ang pagbuntinghininga nito at pagkamot sa kilay .Parang nase-sense niyang nahihirapan itong magvoice-out ng kung ano man ang nasa loob nito ",I just need to go ahmm,sa farm .Yeah sa farm ."napakunot noo siya kai

  • Mamahalin mo Kaya?   Chapter 82

    Tila bombang sumabog sa kaniyang harapan ang rebelasyon na iyon sa kaniya buhat kay Samantha .Anong ibig nitong sabihin?Bakit ang sakit na isipin para sa kaniya na may nangyayari pala sa kanila ni Anton noong wala siya .Buong akala niya ay siya na lang mula ng naging sila ngunit mukhang hindi pala .Ngunit magkagayon pa man ay gusto niya pa ring marinig ngayon ang panig ng binata ,kailangan niyang timbangin ang bawat panig .Dahil gusto niyang umasa sa kabila ng mga negatibong nakikita na niya .Dahil hindi na lang ito para sa kaniya ngayon ,para na rin sa magiging anak nila ni Anton . Nakatulala lang siya sa harapan ng pintuan na hindi makuhang maipasok sa kaniyang isip ang kahulugan ng iwinawagayway na maliit na papel ni Samantha sa kaniyang mukha .Kahit na alam naman niya kung anong ibig sabihin niyon . "This is the proof try and read it "ang sabi nito na mapangasar siyang ngitian . ",so can I come in may kailangan lang kaming pagusapan ni Anton ."patuloy pa nito na hindi mawala

  • Mamahalin mo Kaya?   Chapter 81

    Pagkatapos ng anihan ay nagbalik din naman sina Marisse at Anton sa hotel .Ayaw ng huli na sa Villa sila maglagi dahil nandoon at naghihintay si Samantha sa binata. Hindi na rin nila kahit ni Anton makausap si Camille.Ang huling paguusap nila ng bata ay noong sinama siya ni Anton dahil na rin sa pakiusap niya at pagpipilit dahil totoong miss na rin niya ito . At labis ang pagaalala niya dahil sa pilit sumama ang bata sa kanila ng umuwi sila at sinasabing ayaw na nito sa Mommy niya .Nagaalala man siya sa bata ay paulit-ulit na sinasabi ni Anton na maayos lang si Camille at hindi nito pababayaan ang anak na panganay . Nakaupo lang siya sa couch at nagpapahinga ng tumunog ang cellphone niya .Isa itong unregistered number at ayaw sana niyang sagutin ngunit dahil ilang ulit na tumatawag ay napilitan na siyang sagutin . "Kumusta,mabuti naman at nakausap na kita ngayon iha .Hindi na'ko magpapaligoy-ligoy pa .Alam mo naman ang sadya ko noon pa at hindi pa rin naman iyon magbabago .Ik

  • Mamahalin mo Kaya?   Chapter 80

    Halos hindi mapakali na pabalik-balik ang paglakad ni Anton sa pintuan ng Emergency Room ng ospital na pinagdalhan niya kay Marisse . Bawat minuto ay tila kay bagal at naiinip siya .Gusto na niyang malaman kung ano ang nangyari sa dalaga at sa magiging anak nila ,ngunit naroon pa rin ito at tinitignan ng doktor . "Dok kumusta po siya ?Ang baby namin?" tanong niya ng lumabas sa pinto ng ER ang isang babaeng doktora na sa tingin niya ay siyang nagsuri sa dalaga . Nakita niyang bumuntinghininga ito at sa ginawa nitong iyon ay hindi niya maiwasang hindi kabahan .Piping napausal siya ng maikling panalangin sa kaniyang isip ."Please save our baby ,please ."salitang paulit-ulit na sinasambit ng kaniyang isip . "Well napigilan na ang pagdurugo ng pasyente .And the baby is still intact.The baby is safe and healthy despite of the accident.Pero siyempre dahil sa nangyari ay kailangan ng panibagong pagiingat ,and we have to continue monitoring both the baby and the mother for potential co

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status