LOGINPaguwi ay kaagad niyang hinanap si Ella .Ayaw na niya sana ng dagdag na maaaring dahilan para tuluyang mapatapon siya sa probinsiya pero dahil sa nakita kanina kahit anong pagtitimpi lumalabas ang pagiging m*****a niya.
Jeff is supposedly hers.Dahil nga pinagkasundo na sila ng kapwa nila magulang kahit sabihin pa sa isang arrange marriage lang. At mas gusto niya si Jeff kaysa naman kay Dilan .Kay Dilan kasi ay wala siyang nararamdaman na thrill. Alam niyang tutol si Jeff sa kasunduan pero nakikita na wala itong lakas ng loob kung sakali na tumutol.Kaya tila naging tiwala na lang siya . Pero ngayong nakikinita niyang nagkakalapit at nagkakamabutihan ang dalawa hindi niya iyon mapapayagan . Nagiging kahati na niya ito sa atensiyon ng mga magulang ,ngayon balak niya pang agawin sa kaniya si Jeff?Hindi siya papayag na isang katulong lang ang magiging kakompetensiya sa lahat. "Umamin ka nga Ella ,may gusto ka ba kay Jeff?" bungad niyang tanong matapos tawagin si Ella at sabihang mag-usap sila sa may garden. "Ha?Anong klaseng tanong yan ,Senyorita?" sagot na tila kinakabahan na hindi mawari nito . "Just answer me straight ,yes or no?" balik tanong niya .Dumaan ang ilang minuto tahimik lang ito ngunit ang mga mata at galaw ay tila hindi mapakali. "Oh siya sige I'll go direct to the point .Layuan mo si Jeff .Cause he belongs to me .Kung hindi pa niya nasasabi sayo ,ako ang pinili ng mga magulang niya para nito pakasalan.At kung ano man yang sa tingin mong nararamdaman mo sa kaniya isantabi mona lang dahil hindi siya nababagay sa isang katulong lang na gaya mo."mariin ang bawat katagang sambit niya rito. Nakita niya kung paano dumaan rito ang pagkabigla matapos ang kaniyang mga sinabi pagkatapos ay nagkaroon ng lungkot sa mga mata ,napangisi siya.Mukhang tama siya ng hinala.Good for her, para matigil ito sa pagiging ambisyosa. Linggo ng hapon nagkayayaan silang mamasyal ng mga kaibigan sa mall.Matapos ng pag-uusap nila ni Ella ay nakita niya nga na iniiwasan nito si Jeff.Mabuti naman alam nito kung saan lulugar. Isa pang bumabalik sa kaniyang isip ang naging pag-uusap nila ni Dilan. Matapos kasi ng araw na iyon ay hindi niya muling nakita at hindi rin pumasok sa university. Nang may isang cellphone ang tumunog. "Naaksidente daw si Dilan " ani sa kaniya ni Monique ,ito ang kasundo niya sa lahat ng mga kaibigan.Pinsan ito ni Dilan. Nagulat man sa narinig, hindi niya pinahalata sa halip ay sinabing"Really?" "Oo heto nga kacha-chat lang ni Tita ,nabangga daw ang sinasakyan nitong motor.Nasa ICU ito at mukhang hindi maganda ang lagay. " dagdag impormasyon nito. Natulala saglit ."Pupuntahan ko siya ,hindi kaba sasabay?" patuloy nito. "Why would I?Besides it happens to him because of his recklessness." "Bahala ka nga .Alam ko naman na wala kang pakialam sa pinsan ko ." naiinis nitong sambit na iniwan lang siya. Nagtaka pa siya ng may naramdaman siyang tila tubig na pumatak sa kaniyang pisngi .Umiiyak ba siya?Sobrang kaba ang naramdaman ni Anton sa kaniyang dibdib ng makita ang tila wala sa direksiyon na pagtakbo at muntikan ng matamaan ng mga naguunahan sa paggulong na mga walang lamang pushcart na parating ang dalaga,mabuti at mabilis itong nakalayo . Gigil na napatitig siya sa mga cart attendant na mukhang wala pang alam na may muntik ng madisgrasya sa kapabayaan nila ,ngunit ang siste ay tuloy pa rin sa paguusap o sa tamang salita ay pagtatalo ang mga ito.Salamat na lang talaga at hindi nasaktan ang nobya niya . Ngunit hindi pa man niya halos napapalabas ang naipong hangin sa dibdib sa kaba sa nangyari kanina ay may isa na naman .Sakto naman kasi sa likuran ng kinapu-puwestuhan ni Marisse ngayon ang parating ay isang pushcart na puno naman ng laman Hindi nila ito mapapansin at busy silang magkausap ng w*langh*yang ex nito.Tinawag niya ito,ngunit hindi siya nito pinansin .Naiinis siya at tila sz maikling panahon ay hindi na siya naalala ng dalaga .Kung ano man ang pinag-uusapan ng
Hanggang ngayon ay naiiling pa rin si Anton sa kaniyang sarili .Paano ba naman ay totoong nadala siya na drama lang pala ni Samantha na pagsakit ng tiyan nito kanina lang. Buhat na niya ito at balak na sanang dalhin sa ospital ng sabihan siya na hindi na kailangan at magpapahinga na lang ito sa kuwarto .Ayaw niya sanang pumayag ngunit dahil mapilit ito at in-assure na magiging maayos rin ay napasunod siya at sinabi pa nito na basta huwag lang aalis at bantayan niya .At siya namang sobrang napaniwala nito ay binantayan nga . At ngayon ay narito nga sila sa isang mall dahil makalipas lang ang isang oras ay nag-aya si Camille, pinuntahan siya kanina sa may kusina ng bata pagkatapos bumaba at pakiusapan ni Samantha na pagluto niya ng makakain ,dahil gusto daw tikman ng baby ang luto niya .Ngunit makalipas lang ang ilang minuto ay nagmamadaling papunta sa kaniya si Camille kasama si Samantha na bihis na bihis na at sinabi na huwag na siyang magluto na kung puwede ay pumasyal na lang pa
Kahit naiinis man sa tila pagmamanipula at paggamit ni Samantha ng sitwasyon nito at ng bata sa kaniyang sinapupunan ay hindi naman maatim ni Anton na basta na lang ito iwan ngayon . Kanina pa nga siya nakararamdam ng guilt dahil sa ginawa ngang pagsisinungaling niya kay Marisse .But he had no choice,kailangan niyang intindihin rin si Samantha at ang batang dinadala nito kahit wala pang kasiguraduhan na kaniya nga ito . Isa pa sa dahilan niya ay ang naroon din si Camille at mula ng makita nito na dumating siya ay ayaw ng mawalay sa kaniya .Naaawa rin nga siya dahil kita niya ang laki ng pinayat ng bata . Kung siya lang ang masusunod ay gusto niyang sa poder na lang niya ang bata .At alam naman niyang gusto rin iyon ni Marisse .Sigurado din siya na aalagaan nito ang bata dahil ramdam niya ang pagmamahal nito sa bata ng makasama nito. Ngunit alam niyang hindi puwede at kahit idaan man niya sa korte ang isyu ay sigurado siyang wala siyang panalo dahil limang taon lang ang bata at
Ilang ulit ng nagsend ng message si Marisse kay Anton ngunit ni isang reply ay wala siyang natatanggap .Hindi niya maintindihan ngunit kanina pa siya hindi mapakali . "Ano pong sabi niyo hindi po siya pumunta diyan ,Yaya ?"ang sagot ng kaniyang Yaya Lorna ng sa pagkainip ay naisipan niyang pumunta sa farm .Sinigurado naman niyang maingat siya sa pagmamaneho ,para safe ang kaniyang baby sa sinapupunan . "Hindi man siya napunta rito ,iha "at nakita niyang napabuntung-hininga ang matanda at tinabihan siya sa kaniyang pagupo . ",bakit mo siya hinahanap ?Baka may gusto kang sabihin sa akin ."ang tila nananantyang tanong nito sa kaniya . "Yaya , boyfriend ko po si Anton at -bu ,buntis po ako ."ang medyo nauutal niyang salita dala ng sobrang kaba .Pakiramdam niya ay isa siyang bata na umaamin sa kasalanan at malapit ng paluin. Nakita niyang dumaan ang pagkagulat sa mata ng kaniyang Yaya ngunit kapagdaka ay nagsabi "Hindi ko akalain na ganiyan na pala kalalim ang mayroon kayong dalawa
"Ahmm..Aalis pala ko mamaya ,Princess."ang sabi kay Marisse ni Anton isang umaga na nagaalmusal na sila .Mula ng malaman nitong buntis siya ay maaga na itong gumising para lutuan siya ng pagkain,kaya wala na siyang ibang gagawin kung hindi na lang kumain .Sobrang alaga siya nito na pinagpapasalamat niya .Kaya kahit may problema sila tungkol kay Samantha ay hindi niya naman gaanong maramdaman ,dahil lagi nitong sinisiguro na maayos siya . "Saan ka pupunta ?"tanong niya .Napangiwi siya ng ilapag nito ang ginisang ampalaya sa plato niya .Noon ay hindi siya mapilit lalo na ang kumain ng gulay pero ngayon ay ito na ang naglalagay niyon mismo sa plato niya .She needs to eat vegetables para maging heathy si baby ,iyon ang palaging sabi nito .Kaya no choice siya . "Ahmm-"kita niya ang pagbuntinghininga nito at pagkamot sa kilay .Parang nase-sense niyang nahihirapan itong magvoice-out ng kung ano man ang nasa loob nito ",I just need to go ahmm,sa farm .Yeah sa farm ."napakunot noo siya kai
Tila bombang sumabog sa kaniyang harapan ang rebelasyon na iyon sa kaniya buhat kay Samantha .Anong ibig nitong sabihin?Bakit ang sakit na isipin para sa kaniya na may nangyayari pala sa kanila ni Anton noong wala siya .Buong akala niya ay siya na lang mula ng naging sila ngunit mukhang hindi pala .Ngunit magkagayon pa man ay gusto niya pa ring marinig ngayon ang panig ng binata ,kailangan niyang timbangin ang bawat panig .Dahil gusto niyang umasa sa kabila ng mga negatibong nakikita na niya .Dahil hindi na lang ito para sa kaniya ngayon ,para na rin sa magiging anak nila ni Anton . Nakatulala lang siya sa harapan ng pintuan na hindi makuhang maipasok sa kaniyang isip ang kahulugan ng iwinawagayway na maliit na papel ni Samantha sa kaniyang mukha .Kahit na alam naman niya kung anong ibig sabihin niyon . "This is the proof try and read it "ang sabi nito na mapangasar siyang ngitian . ",so can I come in may kailangan lang kaming pagusapan ni Anton ."patuloy pa nito na hindi mawala







