LOGINI was left alone with nothing. Even a home that I can call my own. Bakit ganito katindi ang galit ng tadhana sa akin? Kung kailan gusto ko nang wakasan ang paghihirap ko ay siya namang pagdating ni Ninong Theo. Akala ko tutulungan niya lang akong makaahon mula sa pagkakalunod sa dagat ng paghihirap, pero... Nilulunod niya rin ako sa kama na puno ng pag-ibig, ungol, at init.
View MoreUmiihip ang malamig na hangin sa sementeryo na parang pinapaalala sa akin na ako na lang ang natira.
Tahimik. Wala ni isang ibon. Wala ring bulaklak na sariwa sa harap ng lapida ng mga magulang ko. Ako lang, nakaluhod at yakap-yakap ang nanlalamig kong katawan. “Mama, Papa...” bulong ko, halos walang boses. “I’m sorry. I failed you.” Nanginginig ang kamay ko habang pinunasan ang mga luha na walang tigil sa pag-agos. Wala na akong trabaho, wala na ang kumpanya namin, wala na rin akong dignidad. Ang dating pangalan na “Alianna Villareal” na tinitingala sa business world, ngayon ay pinagtatawanan at kinamumuhian sa social media. Ang bawat post, bawat comment, puro pangungutya. “Karma’s real, Alianna.” “You deserve to rot.” “Ganda lang ang puhunan, walang utak.” Tinakpan ko ang mukha ko. I want it to stop. Ang boyfriend kong si Daniel— ang taong inakala kong kakampi ko sa lahat ay siya pa mismo ang nagbenta ng mga sikreto ng kumpanya namin. Nawala lahat dahil sa kanya. At ang mga kaibigan kong tinuring kong pamilya? Isa-isang naglahong parang bula nang bumagsak kami. Wala nang natira. Wala na talaga. Tumingala ako sa madilim na langit. “Kung may awa ka pa, kunin mo na ako,” bulong ko. “Ayoko na. Pagod na ako.” Isinuksok ko ang kamay ko sa bag, hinanap ang maliit na bote ng gamot, ang dapat sana’y magiging huling lunas sa lahat ng sakit. Ngunit bago ko pa man mabuksan, may malamig na boses na pumunit sa katahimikan. “Alianna.” Napatigil ako. Kilala ko ang boses na ’yon. Dahan-dahan akong lumingon, at doon ko siya nakita, si Ninong Theo Montenegro. Matikas pa rin, kagaya ng pagkakaalala ko sa kanya noon. Matangkad, suot ang itim na coat kahit gabi. Ang mga mata niyang kulay abo, matalim pero puno ng awa habang nakatitig sa akin. “W-What are you doing here?” halos pabulong kong tanong. Lumapit siya. “You shouldn’t be here alone. Lalo na sa ganitong oras.” Natawa ako nang mapait. “Alone? That’s all I have left, Ninong Theo. Wala na akong choice.” Nanatili siyang tahimik. Sa bawat hakbang niya papalapit ay lalo kong naramdaman ang bigat ng presensya niya. Hindi siya nagsalita agad at tumigil lang siya sa tabi ko, tinitigan ang mga puntod nina Mama at Papa. “I miss them too,” sabi niya nang mahina. “They were good people.” “Good people don’t deserve to die like that,” sagot ko at ramdam ang panginginig sa boses ko. “At wala akong magawa. Ni hindi ko man lang naprotektahan ang mga naiwan nilang pinaghirapan.” Nagtagal ang katahimikan. Hanggang sa maramdaman ko ang kamay niyang humawak sa braso ko, mahigpit pero mainit. “Let’s go, Alianna,” aniya. “Hindi ka puwedeng magpakalunod sa ganito.” “Anong pakialam mo?” singhal ko sa kanya. “Wala ka namang alam sa pinagdaanan ko.” Pero hindi siya bumitaw. “Alam ko. Alam kong sinira nila ang lahat ng minahal mo. At alam kong gusto mong bawiin ’yon.” Napatingin ako sa kanya bahagyang nagulat. “Paano mo—?” Hindi niya ako pinatapos. “Sumama ka sa akin. Tutulungan kitang bumangon. Hindi ito ang katapusan mo, Alianna.” Bumagsak ang luha mula sa mata ko, pero ang tono ng boses niya ay matigas at buo, parang walang espasyo para tumanggap ng pagtanggi bilang sagot. “Bakit mo ako tutulungan?” tanong ko. “Ano bang makukuha mo sa ganito?” Sandaling natahimik si Ninong Theo. Parang may mga salitang gustong kumawala, pero pinipigilan niya. “Let’s just say that I owe your father,” sabi niya sa huli. “And I made a promise.” Tumingin siya nang diretso sa mga mata ko at sa unang pagkakataon matapos ang matagal na panahon ay may nakita akong liwanag sa dilim. Hindi iyon awa. Hindi rin simpatiya. Kung hindi determinasyon. “Alianna,” malumanay niyang sabi, “I can save what’s left of your family’s company. But you’ll have to trust me.” Napangiwi ako. “Trust? After everything? I can’t even trust myself.” He gave a small smile, one that didn’t reach his eyes. “Then let me trust for you.” Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin, pero sa sandaling iyon ay parang nagbago ang ihip hangin. “May paraan pa ba para makabawi?” tanong ko sa mahina kong boses. “Meron,” sagot niya. “Pero hindi madali. Kailangan mo akong samahan sa laban na ’to.” “Laban?” “Against the people who destroyed your parents. Against Daniel.” Kahit alam ko naman ang tungkol doon ay nabigla pa rin ako. “Anong kinalaman ni Daniel—?” Bigla niyang tinakpan ang bibig ko gamit ang daliri niya. “Not now. You’ll know everything when the time is right.” Tinitigan ko siya pero nanatiling matatag ang ekspresyon niya. “Ang gusto ko lang ngayon,” dagdag niya pa, “ay iligtas ka mula sa sarili mong galit.” Tinitigan ko ang kamay niyang nakahawak sa akin— malaki, mainit, at napapakalma ako kahit papaano. “Bakit mo ako tinatrato nang ganito?” tanong ko. “Ten years older ka sa akin, best friend ka ni Papa at ninong kita, dapat parang anak ang trato mo sa akin.” Ngumiti siya, halos nagpapahiwatig ng delikado. “Maybe I should. Pero hindi ko magawa.” Tila bumagal ang oras. Ang buwan at ang hangin, lahat tila nakikinig sa pagitan ng usapan naming dalawa. At doon ko naramdaman ang kakaibang tibok sa dibdib ko. Hindi naman ito pag-ibig, siguro? Hindi rin ito takot. Parang apoy na matagal nang natutulog sa ilalim ng abo at ngayon ay unti-unting nagigising. “Sumama ka sa akin,” sabi niyang muli na mas mariin ngayon. “Magpakasal ka sa akin, Alianna.” Natigilan ako. “What... w-what did you just say?” “Marry me,” ulit niya. “I’ll restore the company. I’ll clear your name. And in return, you’ll be my wife.” Halos hindi ako makahinga. “Bakit? B-Bakit ako?” He looked at me, his gaze unrelenting. “Because you’re the only one I want standing beside me when I destroy them.” Tahimik akong napalunok. Sa ilalim ng malamig na buwan, sa gitna ng mga puntod ng mga magulang ko, isang panibagong pakikibaka ang ipinanganak. Ang gabi ng pagwawakas ay naging simula ng paghihiganti.Ang unang naramdaman ko ay ang bigat ng hangin.Parang may malamig na alon na dahan-dahang gumagapang sa balat ko, kasabay ng mahinang tibok ng puso ko na parang ayaw tumigil.Mainit ang sinag ng araw na pumapasok sa puting kurtina. Mula sa gilid ng mata ko, nakita ko ang isang braso— hindi akin. Malapad, maugat, at pamilyar ang amoy ng pabango.Unti-unti akong napabalikwas ng bangon.Nasa kwarto ako ni Theo.At nasa kama niya ako.Agad kong hinila ang kumot sa katawan ko. “Oh my God…” bulong ko, halos hindi makahinga.Lumingon ako at doon ko siya nakita— nakahiga pa rin, nakapikit, pero gising.Theo.Nang dumilat siya ay diretso siyang tumingin sa akin. Walang gulat sa reaksyon niya at walang bahid ng pagtatago. “Good morning,” mahina niyang sabi.“Good morning?” Hindi ko napigilan ang panginginig ng boses ko. “Theo, what... w-what happened?”Natahimik muna siya bago siya bumangon at nag-inat ng konti pagkatapos ay tumingin sa akin. “You really don’t remember?”“Should I?” sagot ko
The ice clinked in my glass as I poured another shot. Whisky this time, his whisky.Ang lasa ay mapait, mainit, at sapat para pansamantalang kalimutan ang mga bulungan sa press conference kanina.“Cheers to the woman they all hate,” bulong ko sabay inisang lagok ang laman ng shot glass.Pangatlong baso ko na nang marinig kong bumukas ang pinto ng study room.“Alianna.”Ang boses ni Theo, mababa pero may halong babala.“Don’t start,” sabi ko at sabay tagay ulit. “I’m celebrating.”“Celebrating what? Being reckless?”Lumapit siya at kinuha ang bote sa kamay ko. “You’ve had enough.”Hinablot ko iyon pabalik, pero mas mabilis siya. “Give it back, Theo!”“Ohh calling me Theo now?” Tinitigan niya ako. Those gray eyes that always saw through me.“I need this,” sabi ko. “Just for tonight. Let me forget.”He exhaled slowly and then stepped closer, so close na naramdaman ko ang init ng hininga niya sa pisngi ko.“Whisky won’t make you forget,” sabi niya. “It’ll only remind you of what you lost.
“Are you sure about this?” tanong ni Theo habang inaayos ng stylist ang buhok ko. Ang mga ilaw ng hotel ballroom ay nakakasilaw at sa labas ng glass doors ay naririnig ko na ang mga reporter— naghihintay sa ‘breaking news’ na magpapaingay sa buong business world.“Yes,” sagot ko kahit hindi sigurado. “Wala nang atrasan, ‘di ba? We already signed the papers.”Ngumiti siya. “That’s right. Wala nang atrasan.” Lumapit siya, inayos ang kwelyo ng white polo dress ko, simple pero elegante, bagay sa isang 'Montenegro'.“Breathe, Alianna,” bulong niya. “After tonight, you’ll be reborn.”“Reborn or condemned,” sabi ko at pilit na ngumiti.Ngumiti rin siya, pero may lalim sa mga mata. “Depende kung paano mo lalaruin ang laban.”---“Ladies and gentlemen,” anunsyo ng host, “we welcome you to the official press conference of Mr. Theo Montenegro, CEO of Montenegro Holdings and his new fiancée, Miss Alianna Villareal.”Parang sumabog ang bulungan ng mga tao.Flash after flash. Hindi lang nakakasilaw
“Marry me,” ulit ni Ninong Theo, kalmado pero may halong pwersa sa boses niya. Iyong tipong walang sinasayang na salita.Ang lamig ng hangin, pero pakiramdam ko, ako lang ang umiinit. Parang biglang sumikip ang paligid.“Ninong Theo...” mahina kong sabi, halos hindi ko alam kung tatawa o iiyak. “This is insane.”Hindi siya kumibo. Nakatingin lang siya sa akin, steady, parang sinusukat ang bawat reaksyon ko. “Maybe,” sagot niya. “Pero minsan, kailangan mong gumawa ng bagay na baliw para mabuhay.”Napailing ako, napahagikgik kahit puno ng luha ang mga mata ko. “Marriage isn’t a game. Hindi ito rescue mission.”“Hindi rin ito charity,” mabilis niyang sagot. “It’s a deal.”Tumaas ang kilay ko. “Deal?”“Yes.” Humakbang siya palapit, halos maramdaman ko na ang init ng hininga niya. “You want revenge. I want justice. Pareho tayong may gustong tapusin. At magagawa lang natin ’yon kung magkasama tayo.”Napaatras ako ng kaunti, hindi dahil sa takot— pero dahil sa intensity niya. “Bakit ako? Ang
Umiihip ang malamig na hangin sa sementeryo na parang pinapaalala sa akin na ako na lang ang natira.Tahimik. Wala ni isang ibon. Wala ring bulaklak na sariwa sa harap ng lapida ng mga magulang ko. Ako lang, nakaluhod at yakap-yakap ang nanlalamig kong katawan.“Mama, Papa...” bulong ko, halos walang boses. “I’m sorry. I failed you.”Nanginginig ang kamay ko habang pinunasan ang mga luha na walang tigil sa pag-agos. Wala na akong trabaho, wala na ang kumpanya namin, wala na rin akong dignidad.Ang dating pangalan na “Alianna Villareal” na tinitingala sa business world, ngayon ay pinagtatawanan at kinamumuhian sa social media.Ang bawat post, bawat comment, puro pangungutya.“Karma’s real, Alianna.”“You deserve to rot.”“Ganda lang ang puhunan, walang utak.”Tinakpan ko ang mukha ko. I want it to stop.Ang boyfriend kong si Daniel— ang taong inakala kong kakampi ko sa lahat ay siya pa mismo ang nagbenta ng mga sikreto ng kumpanya namin. Nawala lahat dahil sa kanya.At ang mga kaibiga






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments