"Shit!" bulalas ni Finn nang wala siyang maabutan sa bahay ni Calla maliban sa kasambahay nitong nadatnan niyang naghahanda namang umalis. Nang tanungin niya ito kung nasaan ang babae ay nasa airport daw at may sinundo. Hindi raw siya nito p'wedeng papasukin sa loob dahil aalis daw ito para mamili ayon na rin sa bilin ni Calla.
Kaagad niyang tinawagan si Dev at nang makumpirmang nasa airport nga si Calla kasama ito ay kaagad siyang nagpaalam sa kasambahay. Nagmamadaling sumakay si Finn sa motorbike at pinaharurot iyon patungo sa airport na nasa Orionstone Territory.
Habang nasa daan ay muli niyang tinawagan si Dev. "Come on, Dev Annie, pick up the fucking phone..." usal niyang nakasalpak sa magkabilang tenga ang headset.
Ilang sunod-sunod pang ring bago tuluyang may sumagot mula sa kabilang linya. Kaagad na nakahinga nang maluwag si Finn.
"Nasaan na kayo?" bungad niya kay Dev na dinig niyang pumalatak muna bago sumago
Humakbang si Finn patungo sa sasakyan para tingnan kung may makukuha siyang pamalit sa napunit na damit nina Dev at ng isa pa nitong kasama. Binuksan niya ang passenger's side kotse para lang matigilan. Napatitig siya sa batang kasalukuyang kandong ni Calla na buong pagkamangha namang nakatitig sa kanya. Ilang ulit na ikinurap ni Finn ang kanyang mga mata pero hindi siya maaaring magkamali. He was seeing the younger version of Black Forest's alpha. He grew up with Alpha Cadmus kaya hindi siya maaaring magkamali.Napatingin si Finn kay Calla na kaagad namang nag-iwas ng tingin. Hindi na lamang kumibo si Finn ngunit muling ibinalik ang tingin sa batang nakatitig pa rin sa kanya. Bakas sa mga mata nito ang tuwa.Kumunot ang noo niya. Bakit naman ito matutuwa sa kanya?"You fight well," hindi napigilang sabi ng bata kay Finn na nagulat pa. "I wanna be just like you when I grow up." Dagdag pa nitong sumilay ang ngiti sa mga labi.
Abala si Cadmus sa mga papeles na kailangan niyang pirmahan nang makatanggap siya nh mensahe galing kay Finn sa pamamagitan ng mindlink."Alpha, we are under attack,"Kaagad na nabitawan ni Cadmus ang hawak papeles at napatayo."Keep here safe, no matter what. I'm coming," aniyang kaagad na lumabas ng kanyang opisina pagkatapos kunin kay Finn ang exact location ng mga ito.Kaagad na sumakay si Cadmus sa kanyang sasakyan at nagmamadaling umalis. Habang papunta sa lokasyon ay napuno siya ng pangamba. Nag-aalala siya para sa kaligtasan ni Calla. Sana umabot siya...Nasa bungad na siya ng Gray Shadow territory nang muli siyang makatanggap ng mindlink mula kay Finn."Alpha, sa bahay ka na lang ni Calla tumuloy. Under control na ang sitwasyon dito. We are on our way now," ani ni Finn kaya kaagad na nakahinga nang maluwag si Cadmus.Kaagad na ipinih
Ipinikit ni Calla ang kanyang mga mata nang magsimulang mapuno ng samu't-saring alalahanin ang puso at isip niya. They've been attacked and her house was ransacked for a reason that she doesn't even know. Her mais is now dead they're going to Black Forest, ang lugar na hindi na sana niya gustong apakan lalo na ang mansion. She had so much memories in that place. Ang lugar kung saan siya lumaki.What have she done in her past life para sunod-sunod siyang maparusahan nang ganito? Wala naman siyang tinapakang iba. Napabuntong-hininga na lang si Calla bago mahigpit na niyakap si Liam na mahimbing pa rin ang tulog. Isa pa ito sa inaalala niya. Alam niyang hindi niya maitatago kay Cadmus Hunt ang tungkol sa anak nila pero hindi niya inaasahang mangyayari ang kinatatakutan niya nang mas maaga sa inaakala niya.Hindi namalayan ni Calla na nakatulog na pala siya sa kabila ng maraming alalahaning bumabagabag sa kanyang isipan. Nagulat na lamang siyang makaramdam siya
Naunang makarating sa mansion si Cadmus kaya ipinahanda kaagad niya ang mga kailangan ni Calla pati ng kasama nito. Ipinaayos at ipinalinis niya ang dalawang guest rooms na tutuluyan nito at ng kasama nito dahil ayon kay Finn ay may sinundo sa airport ang babae.Tumuloy muna siya sa kanyang opisina pagkatapos masigurong maayos na ang lahat. Niligpit niya muna ang mga papeles na hindi niya natapos pirmahan kanina. Inuna niya kasing ayusin ang mga papeles na may kaugnayan sa Quantum Leap.Ilang oras din ang lumipas bago siya nakatanggap ng tawag mula kay Finn. Ang sabi nito ay malapit na raw ang mga ito at nasa bungad na ng Black Forest. Nagmamadali siyang tumayo at humakbang palabas ng kanyang opisina. Tuloy-tuloy na umakyat si Cadmus sa ikatlong palapag ng mansion kung saan naroon ang kanyang silid. Mabilis siyang naligo at nagbihis bago muling bumaba para pumunta sa kusina. Kaagad niyang ipinahanda ang mga pagkain sa mahabang lamesa dahil tiy
Tahimik lang na nakaupo sa upuang nasa harap ng mesa sa loob ng opisina ni Cadmus si Calla. Si Liam naman ay hinatid na ni Finn sa magiging silid nila kasama si Cross para makapagpahinga nang maayos ang bata.Sandaling tahimik na pinagmasdan ni Cadmus ang nakayukong si Calla bago siya bumuntong-hininga. She looked so tensed. He can clearly sense it through her breathing. Isang mahinang tikhim ang kanyang pinakawalan bago ibinuka ang bibig para magsalita."Why did you ran away from me that night?" seryosong ang anyo maging ang boses na tanong ni Cadmus kay Calla.Nag-angat ng tingin si Calla at deritsong ang mga matang tinitigan ang kaharap. "It was just a night of a big mistake, Cadmus Hunt. There was no reason for me to stay or wait for you till you wake up," walang emosyong tugon niya bago muling inilayo ang paningin kay Cadmus na bahagya namang dumilim ang anyo.Ramdam ni Cadmus ang sakit na biglang sumalakay sa ka
Mabilis na bumaba si Cadmus at naabutan niyang pareho nang naghihintay sa kanya sina Finn at Lexter. Nakaupo ang dalawa sa mga mahabang sofa at sabay na tumayo nang makita siya. Tumango lang siya nang sabay na kumiling ang mga ito habang bahagyang nakayukod bilabg tanda ng paggalang."Finn, I want you to stay here. Make sure that Calla and Liam are both safe, you understand?" turan niya sa kanyang beta na kaagad namang tumango. "Come with me, Lex. Let's rip some head off." baling niya kay Lexter na ikinangisi nito.Sabay na lumabas ng mansion sina Cadmus at Lexter. Mabilis na tumakbo patungo sa malawak na kakahuyan, hindi kalayuan sa mansion ng mga Hunt. Nang makarating doon ay sabay pa silang nagpalit ng anyo. Cadmus shifted into his big black wolf, Cashmere and ran as fast as he could. Nakasunod naman sa kanya si Lexter na kagaya niya ay nasa anyong-lobo rin. Kulay puti ito na may halong gray.Kung sino man ang may pakana ng sunod-sunod na pa
Dalawang araw ang lumipas at naging abala na si Cadmus sa pag-aasikaso ng mga hindi natapos na papeles para sa Quantum Leap. Dalawang araw na ibinuhos niya muna ang kanyang buong atensyon dahil plano niyang ilaan ang susunod na mga araw para kina Calla at Liam. Ang kanyang mag-ina.Darating ngayon ang kapatid niyang si Cristina kasama ang asawa nitong si Shade. Dala ng mga ito ang triplets kaya siguradong magkakagulo ang mga ito sa mansyon lalo pa at napakalikot ng tatlo. Lalo na ang dalawang lalaki, sina Paris at Nate.Tumunog ang cellphone niya na nakapatong sa itaas ng kanyang mesa. Kasalukuyan pa ring nasa loob ng kanyang opisina si Cadmus at hinihintay ang pagdating ng kanyang kapatid at ng asawa nito.Dinampot ni Cadmud ang cellphone at kaagad na kumunot ang noo nang makita ang pangalang lumitaw sa maliit na screen.What is it that he wants this time?"Hey, Alpha Sev," bati niya sa pinuno ng Seventhstone pagkatap
"TITO Dada!" sigaw ni Liam na tuwang-tuwang nakatingin sa gawin ni Riva. Kaagad namang napangiti nang maluwag ang lalaki nang makita ang masayang anyo ng bata."Hey, big boy,"ani nitong humakbang palapit kay Liam na karga pa rin ni Cadmus. Kunot na kunot naman ang noo ng pinuno ng Black Forest habang nakatingin sa papalapit na si Riva.Tila biglang nagkaroon ng tensiyon sa paligid dahil maging ang ibang naroroon ay natigilan at napangiwi lalo na nang makita ng mga ito ang anyo ni Cadmus na halos hindi na maipinta.Sumilay ang masayang ngiti mula sa sulok ng mga labi ni Calla habang ang mga mata ay nakkatutok sa papalapit na si Riva. Wala pa ring ipinagbago ang lalaki lalo na ang itsura nito. He was still the Riva that she used to know. A man with pure heart. Palaging may nakahandang ngiti para sa lahat. Well, she must say—a happy-go-lucky one.Inabot ni Riva si Liam mulakay Cadmus na kaagad namang sumama s