“O, bakit nakabusangot ang aking buddy?” Tanong ni Ivan ng makita si Caspian na inis sa loob ng kanyang opisina at pawisan.
“Buksan mo kasi ang ceiling fan para hindi ka naiinis sa init ng panahon ngayon,” payo ni Lawrence saka pinilik ang switch ng fan.
Naglakad ang dalawa papasok sa opisina ng kaibigan at naupo kalapit niya.
Wala pa ring imik si Caspian habang ang dalawa ay nakikiramdam lamang sa kanya at naghihintay ng kanyang sasabihin.
“Naiinis ka pa rin ba dahil kay Beatriz?” Tanong ni Ivan.
“Hindi, ba’t naman ako magpapaapekto sa babaeng yun?” Iritable niyang sagot.
“Kung hindi ka sa kanya inis, kanino ka naiinis?” Nagtatakang tanong ni Lawrence.
Sasagot na sana si Caspian ngunit humahangos na dumating si Jerome sa kanyang opisina upang ibalita ang kanyang nakita sa labas.
“Dude, yung asawa mo n
“Steph’s POV” Sinuri ko ang mukha ng babaeng pumasok at tumawag sa asawa ko na nagsasabing hindi siya naniniwala na kasal na si Caspian. Maingat kong minasdan ang mukha niya at nagulat na lamang ako ng maisip ko kung sino ang babaeng ito. Kahit pa man nagpagupit siya ng ganyan kaiksi, walang kolorete sa mukha, at ganito ang pananamit ay kilalang kilala ko ang babaeng nakikita kong ito ay walang iba kundi si Beatriz Ilacad. Siya ang babaeng pakiramdam niya ay inagaw ko ang lahat sa kanya at sobrang laki ng galit sakin sa hindi ko malamang dahilan siguro ay dahil na rin sa palaging ako ang pinipili na mag-advertise ng mga products at ako ang naging ambassador nung nakaraang taon ng isang kilalang product dito sa Pilipinas. Patago kong siniko si Caspian at nang tumingin na siya sa akin saka ako inis na nagtanong, “wag mong sabihin saking girlfriend mo yang babaeng yan?” &n
“Beatriz POV” Nakakainis talaga kung bakit pa sa dinami-rami ng mga babae sa buong mundo ay yung si Stephanie Villamar pa ang pinakasalan ni Caspian. Matatanggap ko pa sanang kasal na siya kung hindi lamang siya sa mortal ko kaaway kinasal. I can’t still believe na may lakas siya ng loob na halikan ang babaeng yun sa harap ko at ipamukha saking totoo nga ang relasyon nilang dalawa! Hindi ako papayag na matalo na naman ako ni Steph. Gagawin ko ang lahat para iwan siya ni Caspian, sisiguraduhin kong hindi siya sasaya at masisira ang buhay niya pagkatapos nito. I am sure na mawawala ang lahat sa kanya maghintay lamang siya. Sa twing naaalala ko ang lahat simula ng dumating siya ay mas lalong tumitindi ang aking galit na nararamdaman para sa kanya. Dahil pagpasok pa lamang niya ng aming industriya ay nakuha na niya ang atensyon ng lahat pati ng endorsers, hindi ko alam kung
Tahimik na nakaupo lamang si Caspian sa loob ng kanyang opisina habang iniisip pa rin ang malambot na labi ng asawa na dumampi sa kanyang mga labi. Nakatulala sa kawalan at malayo ang tingin ngunit nakarinig siya ng katok na nagbalik sa kanya sa reyalidad, nakita niya ang nakatayong pinsan ni Steph sa pinto ng siya ay mag-angat ng tingin. “Uuwi na ang cousin ko, are you planning to send her o si Lui na lang uli ang maghahatid sa kanya?” Prangkang tanong nito. Nagsawalang kibo si Caspian ngunit ng maalala niya ang pagkakayapos ng asawa niya sa binata ay tila nakaramdam siya ng selos ngunit ayaw niya lang itong tanggapin. “Silence means yes for Lui,” narinig niyang sabi nito saka siya tinalikuran. Sumilip mula sa bintana si Caspian at natanaw niya ang kaibigang doktor ng kanyang asawa na hinihintay ang kanyang asawang lumabas. Mabilis siyang tumayo at kinuha ang susi ng kanyang sasakyan saka na
“Steph’s POV” Ibubuka ko sana ang aking bibig ng muli niya akong pagbantaan, “subukan mong ulitin ang tawag sa pangalan ko at makikita mo talagang hahalikan kita.” “Do you think na natutuwa ako sa mga pinaggagagawa mo? Well, I am telling you na naiinis pa rin ako dahil ginawa mo sakin yun dahil una sa lahat hindi mo ako pag-aari para basta gawin ang isang bagay na hindi ko ginusto.” “I don’t think na hindi mo ginusto yun,” duda niyang sagot. “Are you thinking na ginusto ko rin mangyari yun?!” Galit kong sabi sa kanya. “Wala akong sinabi na ganyan pero sayo nanggaling yun, ginusto mo nga ba iyun?” pilosopo niyang sagot. “Ayoko ng kausapin ka,” tinalikod ko ang silya ko sa kanya at humalukipkip saka sumandal sa sandalan nito at pinikit ang aking mga mata para ikalma ang aking sarili sa inis na aking nararamdaman. “Darling, walang tao dito. G
Matapos ang araw na yun ay hindi nagtanong si Steph sa asawa kung sino ang babaeng nakatagpo nila sa kanilang kinain na lugar. Nakahiga sa malambot na kobre kama si Steph habang iniisip ang mga sinabi at kinilos ng kanyang asawa sa tuwing magkaharap sila. She was confuse dahil sa hindi niya maisip kung ano ba talagang tumatakbo sa utak nito dahil na rin sa pag-iba iba niya ng nasa isip. Hindi niya namamalayang lumalalim na pala ang gabi hanggang sa ang mga mata na niya ang kusang sumuko at pumikit dahil sa pagod sa maghapong nakalipas. Kinabukasan, maagang gumising sa kampo si Caspian at nagtrabaho agad. Tinapos na niya ang kanyang mga gawain sa umaga nang mapadaan si Ivan sa opisina nito at nakita siya nitong umaga pa lang ay nagtatrabaho na ang kernel. “Buddy, bago pang sumisikat ang araw ah. Bakit ang aga naman yata niyan?” Tanong nito ng makita siyang sobrang subsob sa trabaho. &n
“Ayoko sa ospital,” mahinang sambit ni Steph. “Hintayin mo lang kami diyan, Elise,” sabi ni Caspian bago lumabas ng condo nila at sumakay ng elevator. Nasaktan si Steph dahil ang anak pa rin ng commander ang kanyang iniisip sa halip na siya na masama ang pakiramdam. Durog na durog ang kanyang puso habang iniisip niya ang pag-aalala ng kanyang mister sa babae dahil habang bumabyahe sila patungo sa klinika ng doktor ay magkausap pa rin ang dalawa sa cellphone. “Send me to my savior’s clinic,” demanding niyang pagkakasabi kahit bumabaliktad na naman ang kanyang sikmura. He simply glance at her bago niya ibalik ang kanyang paningin sa kalsada. “He doesn’t really care about me, alam kong ginagawa niya lang ito dahil sa kasal lang kami at wala ng iba. I’d better do an action para matapos na itong mga pagpapanggap namin at matapos na ang sakit na ito,” utos ng kanyang isipan s
“Luigi’s POV” Halos mapahagalpak ako ng tawa ng masaksihan ko ang pagpula ng mukha ng asawa ni Steph dahil sa galit matapos kong sabihin na mahal ko ang aking kaibigan. Mabilis siyang lumapit sakin at kinuwelyuhan ako, “don’t you dare try to ruin our relationship, kung hindi masisira ang mukha mo sakin,” pagbabanta niya na nagpatawa sa akin. “Akala ko ba hindi mo mahal si Steph pero bakit parang ayaw mo yatang pakawalan ang babaeng mahal ko,” pang-aasar ko sa kanya. Ayoko na sanang pahabain pa ang usapan naming pero nag-eenjoy akong inisin ang lalaking ito bilang ganti na rin sa ginawa niyang pagdurog ng puso ng isa sa aking pinakamamahal na kaibigan. Gusto ko ring malaman kung ano bang pumipigil sa kanya para mahalin ang aking kaibigan gayong kita sa mukha niya na may malasakit siya kahit pa man taliwas ang lumalabas mula sa kanyang bibig. “Hindi ko nga siya mahal pero
“I don’t think na hindi ka na nag-aasume pa dahil nakikita ko pa rin na nasasaktan ka dahil sa pambabalewala niya sa feelings mo and that’s the sign that you are still hoping something from him,” sabi ni Luigi sa kaibigan. Nasaktan naman siya dahil sa katotohanang nalaman ni Luigi tungkol sa relasyong meron silang dalawa. “I am trying my best na iignore ang nararamdaman ko for him at kalimutan na lang siya kaya lang…” Napayuko siya at hindi niya masabi ng buo ang nais sabihin. “Kaya lang, the more na lumalapit at nagpapakita siya sayo ng kindness, the more na nasasaktan ka kasi doon sa panahon na yun ikaw umaasa at dun mo siya minamahal. Tama ba ako?” Malumanay na tanong ni Luigi. “Oo,” malungkot niyang pag-amin. Naobserbahan ni Luigi ang pagiging malungkutin ng kanyang kaibigan ng mga nagdaang araw na nakapagpabahala sa kanya dahil hindi siya ganito noon. Madalas siyang nagsasaya kasama ang