MasukSaki is a self-proclaimed future Mrs. Ducani. Wala siyang pakialam kung ilusyonada ang tingin ng lahat sa kanya dahil malakas ang paniniwala niyang ang ganda niya ay hinulma para sa isang Ducani. She was sure of it. Kung hindi rin lang Ducani ang apelyido ng lalakeng manliligaw sa kanya ay ligwak kaagad. Not until she met "Kanor". Ang gwapong janitor sa Ducani Empire at ang asungot na madalas siyang sabihang hindi niya dapat pangarapin ang magkakapatid na Klinn, Krei, Keeno, at Keios. Bwisit siya sa pagsasampal nito ng katotohanang cannot be reached ang magkakapatid pero hindi niya inasahang mahuhulog siya rito. Hindi na nga siya nakabingwit ng isang Ducani. Nainlove pa siya sa isa ring pobreng gaya niya. Will she hold on to her belief that she's made for a Ducani and only for a Ducani? O kakainin niya ang pride para kay Kanor?
Lihat lebih banyakHEARTS IN DISGUISE BOOK TWOA/N: Hi! This is the beginning of Saki and Kanor’s love story 2.0. This will revolve around their married/family life. I hope hindi lang ako ang naka-miss sa kanilang tambalan, hehe. So, here it is. Enjoy reading!KAGAGALING lamang ni Saki sa supermarket upang mamili ng ihahanda sa anniversary nilang mag-asawa nang marinig niya si Kon mula sa kusina. He’s on his phone again, talking to someone with so much sweetness while he’s flipping pancakes. Maingat na pumwesto si Saki sa pinto ng kusina, sinigurong hindi siya mapapansin ng magaling niyang asawa.Kanor put the spatula down and sighed. “Yes, I promise you I’ll be there. Tatapusin ko lang ‘to, okay? No, of course she’s not going to find out. Tatakas ako, yes, I love you.”Naningkit ang natural nang singkit na mga mata ni Saki. What the hell does this supposed to mean? Nambababae ba ang magaling na si Konnar Ducani?
EPILOGUE"If it's not too much to ask, I'm begging God to give me a hundred lifetimes more to love you, dahil hindi pa sapat sa akin ang ilang dekada, Saki. It ain't just 'til death do us part, mahal. 'Til eternity, we will never be apart."Hindi na yata naubos ang luha ni Saki kaiiyak sa tuwing sinasabi ni Kon ang wedding vows nito. Panglabin-limang simbahan na ito, ngunit sa tuwing lumalakad siya sa isle at nakikita kung gaano katamis ang ngiti nito sa kanya habang naluluha, pakiramdam niya, unang beses pa rin nilang maikakasal.He kept his promise. In just a month, he married her in all the churches where she demanded to be with a Ducani. Pinaramdam sa kanya ni Kon na ito ang tutupad ng panalangin niyang iyon, hindi lamang dahil iyon ang kahilingan niya kung hindi dahil ang makasama siya sa buhay na ito at sa mga susunod pa ang nais ng puso nito.Sa tuwing gumigising siya at napagmamasdan ang promise r
Kabanata 30NALUHA nang tuluyan si Saki habang nakatitig sa pares ng mga matang punong-puno ng pagmamahal para sa kanya. Those coal-black pools that never seem to dim its sparkle whenever he looks at her with the kind of affection she wouldn't wish to see on anyone else, slowly watered as Kon took in a deep breath."Saki..." His voice was a bit shaky compared when he asked the question.Nagtubig ang mga mata ni Saki. "Kon." She looked around. "S—Seryoso ba 'to? Eiji? Tito Khalil? Jay?"They all smiled at her with teary eyes, masaya para sa kanilang pareho ni Kon dahil sa wakas, malapit na nilang simulan ang panibagong buhay na magkasama.Muli niyang binalik ang tingin kay Kon na naghihintay ng kanyang tugon habang iniisip nito kung paano niyang binuo ang lahat para sa proposal na magmamarka sa kasaysayan, at magpapakilala nang tuluyan sa mundo kung paano magmahal ang isang Konnar Ducani.
Kabanata 29"SHE'S someone from the past but you have nothing to worry about her."Hanggang ngayon ay hindi pa rin natatanggal sa isip ni Saki ang naging tugon ni Kon nang tanungin niya ito kung sino ang Alice na kausap nito sa cellphone. Ayaw niyang magduda, ngunit ilang beses pa niyang nakitang ka-text ito ni Kon bago umuwi ng Pilipinas kaya ngayong mag-isa na siya sa Japan, hindi siya mapakali.Naalala niya ang sinabi noon ni Eiji. Nag-propose daw noon si Kon sa isang babae pero hindi sila kaagad nagpakasal dahil nanghingi pa ng ilang taon ang babaeng tinutukoy ni Eiji. Tinanong na niya ang kapatid niya tungkol sa sinabi nito noon pero wala ring idea si Eiji. Kon never revealed his life. Puro haka-haka kagaya ng pananatili nito sa dilim.Muli niyang pinakawalan ang hangin sa kanyang dibdib at tuluyang bumangon. Sinubukan niya itong tawagan, ngunit sa pangatlong pagkakataon, busy na naman ang linya ni Kon.
Peringkat
Ulasan-ulasanLebih banyak