Share

Kabanata 04 • After A Night

Chapter Four: After A Night

Kinabukasan ay nagising si Daphne dahil sa pangangalay ng binti niya. Dahan-dahan siyang gumalaw hanggang sa maramdaman niya ang isang hita na nakadantay sa kaniya. Dahil sa gulat ay kaagad siyang napatakip sa kaniyang bibig.

Maingat niyang inalis ang binti sa kaniyang hita at saka ipinalibot ang paningin sa paligid. She felt a little headache. Gulat man ay unti-unting rumihistro sa kaniya ang nangyari kagabi. Ang buong mainit na gabi na nagsalo sila ng isang estrangherong lalaki.

She look at the man beside at her. Nakita niya ang isang gwapong lalaki na mahimbing na natutulog. Bago niya pa muling pagpantasyahan ang lalaki ay dali-dali na siyang tumayo at pinulot ang nagkalat niyang mga saplot. Mabilis siyang nagbihis at umalis sa kwartong iyon. Nang makalabas siya ay doon niya lamang nalaman na nasa VIP room sila ng bar.

She immediately called a taxi, kahit kumikirot ang gitang parteng bahagi niya. Mula naman sa salamin ng taxi ay kitang-kita niya kung gaano kamiserable ang itsura niya. Napabuntong hininga siya at saka pumikit habang pinapakalma ang sarili.

"Kalma, Daphne, it's just a one night stand, nothing more than that," pagkukumbinsi niya sa sarili.

Ngunit hindi iyon umubra at tila balisa pa rin siya. She was literally drunk last night! Kaya niya nagawa ang bagay na iyon and because of the bullsh*t arranged marriage! Unti-unti siyang huminahon, kinumbinsi na lamang niya ang sarili na wala naman sigurong problema ang darating dahil sa nangyari.

She really hope.

Hindi siya dumiretso sa condo unit niya kun'di sa bahay mismo ng kaibigan niyang si Izzy. Dali-dali niya itong hinila papasok ng bahay matapos nitong magbayad sa taxi. Kahit nagtataka ang kaibigan ay basta na lamang din itong nagpadala sa kaniya.

"I had a sex with stranger!" iyon ang isinigaw niya saka dire-diretong pumasok sa loob ng shower room.

"Oh. My. Gosh!" gulat na turan ni Izzy at kinalabog ang pinto ng shower room. "Sis, gaga ka! Sino? Saan?" Paano? Masarap ba yung lalaki?!"

Napakunot si Daphne sa huling itinanong ng kaibigan. Mabilis na binuksan niyang muli ang pinto. Habang nakapemywang ay lakas loob niyang hinarap ang kaibigan.

"Anong klaseng tanong, kung masarap ba yung lalaki?"

"Yes or no?!" hinila niya palabas si Daphne ng shower room. "Gaga ka! Magkwento ka muna bago ka maligo. Matapos mo 'kong iwan sa bar kagabi, tapos ito ang ibubungad mo sa'kin? Nakipag chukchakan ka na pala!"

Napahilot sa sintido si Daphne.

"I really don't know what happened. Ikaw ang nawala, hinanap kita kaso hindi kita makita. Hindi ko alam kung bakit biglang nag init ang katawan ko at ayon..."

"Ano?"

"Hinalikan ko yung lalaki and that's it, we had a sex... a great sex!"

"Gaga ka talagaaaa! So it's a masarap! Yes! Yes! Yes!"

Natawa na lamang siya sa naging reaction ng kaibigan. Kahit papaano ay nawala na ang pag-aalala niya. Pumasok na siyang muli sa loob ng shower room at saka naligo.

>>>.<<<

Kinabukasan ay bumalik sa normal na araw ang lahat. Busy siya sa kaniyang mga pasyente. Hindi na rin sumagi pa sa kaniyang isip ang nangyari noong isang gabi.

Nang mag lunch break ay kasabay niya si Izzy na nagtungo sa cafeteria. Mula sa malayo ay kitang-kita niya ang pigura ni Klark. Isa sa mga co-Doctor niya na nangungulit na ligawan siya. Iiwas na sana sila ngunit huli na nang makita siya nito.

"Doc. Romero!" nakangiting salubong nito sa kaniya habang kumakaway.

Napasimangot bigla si Daphne at tiningnan ang kaibigan.

"Uyy, Doctor Cabrera," sambit na lamang niya nang makalapit ito sa kanila.

"Sabay-sabay na tayong kumain, tutal ay kaka-order ko pa lang naman."

Nagkatinginan silang dalawang magkaibigan.

"Ah, kayo na lang siguro ni Izzy," nanalaki naman ang mga mata ni Izzy habang tintitigan siya. "I need to meet someone quickly around Starlove Caffè."

"Samahan na kita?"

"No, hindi na, private matter ang pag uuspaan namin. Isa pa kawawa naman yung friend ko walang kasabay," saka niya hinimas ang likod ni Izzy.

Yumakap si Izzy sa kaniya.

"Gaga ka talaga. Alam mo naman na ayoko rin sa hambog na 'to," bulong ng kaibigan niya.

"I just need some relax. Qouta na ako sa makulit na lalaki na 'yan, ikaw na muna ang bahala," bulong niya pabalik.

"Utang mo 'to sa'kin."

"Okay, bye! Have a great lunch, guys!"

Tuluyan na siyang umalis sa cafeteria at dumiretso sa labas ng Hospital. Napabuga siya ng hangin at napatingin sa suot niyang wrist watch. Maganda na rin ang naging dahilan niya dahil wala naman na siyang pasyente pagdating ng hapon, nurse na rin ang bahala sa pagmonitor ng mga pasyente niyang naka-admit.

She ordered ice coffee and a piece of cake. Habang nasa loob ng Starlove Caffè, ay abala rin siya sa pag scroll sa kaniyang social media account. Nakahiligan niya na rin na gawin iyon lalo pa't wala rin naman siyang iba pang libangan. Nang matapos ay kaagad din naman siyang umalis sa Caffè at naglakad-lakad.

She go to the nearest playground. This is what she called 'relax', dahil narito ang mga batang malayang naglalaro. Umupo siya sa isa sa mga duyan at nakangiting pinapanuod niya ang mga bata. She really wish na sana ay tulad na lamang din siya ng mga bata, walang pinoproblema at enjoy lang sa buhay.

Naalarma naman siya ng tumunog ang phone niya. Nang tingnan niya iyon ay nakita niya ang registered number ng Mama niya. She think twice, and then she took a deep breath bago niya sinagot ang tawag.

"What is it again?" salubong niya rito.

"We have a dinner tomorrow night with your soon to be husband. I hope na nakapagdesisyon ka na, Daphne."

She sighed. "Bakit naman biglaan?! I have duty tomorrow, Ma. At saka hindi ako naniniwlang simpleng dinner lang iyon, dahil sure ako na pag uusapan na rin ang tungkol sa kasal. Masyado kayong nagmamadali. You said two weeks bago ako ikasal, it's not two weeks yet, puwede ko bang i-enjoy muna ang pagiging single ko?"

"Anak, mas okay na rin na magkakilala kayo ng mas maaga."

"I don't care. Hindi ko siya gustong makilala. At huwag kayong mag-alala dahil hindi na rin naman ako tatakas sa pesteng kasal na 'yan."

Narinig niya ang pagbuntong hininga ng Mama niya.

"Don't mess with them, Daphne. Hindi mo sila kilala. Baka magulat ka na lang isang araw maaaring tanggal ka na sa iniingatan mong trabaho."

Nawala na sa kabilang linya ang Mama niya. Ang mga huling salitang binanggit nito ang siyang naiwang pala-isipan sa kaniya. Mahigpit niyang hinawakan ang cellphone dahil sa inis.

"So dapat pala akong matakot sa kanila? As if naman. Pero what if kung totoo at kayang gawin iyon ng magiging asawa ko? Hindi ko kayang mawala ang trabaho ko. Hindi ko hahayaan iyon."

Her mother look like warned her, and now she leave no choice.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
MARIETTA FORTOS
need to read pa
goodnovel comment avatar
febbyflame
hello po, mayroon na po. salamat po sa pagbabasa! ......️
goodnovel comment avatar
Ruthchloe Tornito
wla Ng update to
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status