Share

Kabanata 10 • Awakened Beast

Chapter Ten: Awakened Beast

Natuloy ang kasal nang araw na rin na iyon. Kahit labag sa kaniyang puso at prinsipyo ay walang magawa si Daphne. May mansion na rin na nakahanda para sa kanila. Ngunit hinayaan lamang siya ni Treyton sa kung saan niya gustong mag stay. Kaya naman sa guest room siya tumutuloy.

Hindi naman makatulog ng maayos si Daphne tuwing gabi dahil gabi-gabi rin ay iba't-ibang babae ang inuuwi ni Treyton at maingay na pinagsasaluhan ang init ng katawan. Palagi na lamang siyang puyat na pumapasok sa hospital, hindi siya makatulog sa ingay ng mga ito na tila ba sadyang ipinaparinig sa kaniya ang mga ungol at halinghing ng mga ito.

Ngayon araw ay naisipan niyang hindi pumasok dahil masama ang pakiramdam niya. Hindi na siya magtataka kung bakit dahil bukod sa puyat ay pagod rin siya sa trabaho. Dito niya mas nakilala ang mga katulong na kasama nila at isa na doon si Manang Sonya.

Hinahatiran siya nito kung ano man ang kailangan niya. Ito rin ang nagsilbing personal maid niya dahil ayaw niyang may ibang taong papasok sa kwarto niya. Kasalukuyan siya ngayong nasa garden at lumalanghap ng simoy ng hangin. Napansin naman niya ang kadarating lamang na kotse ni Treyton. Napakunot siya ng noo dahil tila maaga ito ngayon.

Hinihiling niya na sana ay wala itong kasamang ibang babae dahil gusto niyang makapagpahinga. Hanggat maaari ay ayaw niya ng ingay at iisipin. Ngunit hindi nangyari ang hinihiling niya, at ang pinaka-hindi niya matanggap si Diane pa ang kasama nito.

Dinaanan lamang siya ng mga ito habang may ngiting pang aasar o pang iingit ang mga tingin ni Diane sa kaniya. Napakuyom siya ng kamao. Tila ba nahihibang na ang kapatid niya dahil alam naman nito na kasal na sila at isa pa hindi man nila mahal ang isa't-isa, hindi pa rin dapat nito pinatulan pa si Treyton.

Hindi nila kilala ang lalaking iyon na kayang-kaya silang patayin!

Nang makapasok na ang dalawa sa loob ay hindi na rin mapalagay ang isipan ni Daphne. Kung ano na ang ginagawa ng mga ito. Kung nasaan ang mga ito. Nawala na sa pagkapahinga ang kaniyang isipan at pakiramdam niya ay ano mang oras ay mawawalan siya ng malay.

Bago pa mangyari iyon ay pumasok na siya sa loob. Naabutan niya pang naghahalikan at nagpapalmpungan ang dalawa sa sala. Para bang hindi siya nakikita ng mga ito. Kaya naman napahinto siya saka lakas loob na nilapitan niya ang dalawa.

"May hiya pa ba kayong dalawa? Lalo ka na, Diane! Alam ba ni Mama na narito ka at nakikipaglampungan sa asawa ko?!" sigaw niya sa mga ito.

"Chill, Ate. Sa pagkakaalam ko ay wala ka naman pakialam kung may dalhin na babae ang asawa mo rito, ah? Tapos kapag ako hindi puwede? Kapag ako, nagrereklamo ka? Ang damot mo naman," tugon nito.

Napakagat si Daphne sa kaniyang labi dahil sa katangahan at kawalang modo ng kapatid niya. She cross her arms at pinasadahan ng tingin ang kapatid niyang si Diane. Napailing siya at saka naman tiningnan si Treyton na prenteng nakaupo sa lamesa at pinapanuod silang magkapatid.

"Do what you want. I don't care anymore," sambit niya sa kapatid saka dinuro ang noo nito. "And you, huwag mo din akong pakikialaman kung ano man ang gusto kong gawin," sambit naman niya kay Treyton.

Inirapan niya ang dalawa at saka umakyat sa itaas upang magbihis. Dapat ay rest day niya ngayong araw ngunit hindi siya makakapagpahinga kung ang dalawang bwiset sa buhay niya ay makikita niyang magkasama. Nang lumabas siya ng kwarto ay nadaanan niya ang kwarto ni Treyton. Mula doon ay rinig na rinig niya ang ungol ng mga ito at ilang kalabog ng mga gamit.

Bago pa siya tuluyang sumabog sa galit ay nagmadali na siyang lumabas ng bahay at sumakay sa kotse niya. Nagtungo siya sa pinakamalapit na bar. At doon ibinuhos ang galit niya. Wala siyang pakialam kung malasing man siya pero bago pa mangyari 'yon ay may pumigil na sa kamay niya.

"Don't drink too much," sambit nito.

Nakita ni Daphne si Theo. Napangiti siya saka napailing. Kung hindi niya alam na magkapatid ito sa labas ay aakalain niyang kambal ang dalawa dahil magkamukhang magkamukha.

"Alam ba ni Kuya Treyton na nandito ka?" tanong nito.

"Tsk. Ano naman ang pakialam ng Kuya mo kung nandito ako? Eh, siya nga hindi ko pinapakailaman kung magdala man siya isa, dalawa o tatlo pang babae sa bahay namin," tugon niya.

Naningkit ang mga mata ni Theo dahil sa narinig. Hindi inakala ni Theo na ganito kabulgar ang bibig ng asawa ng kapatid niya. Hindi niya rin inaasahan na gagawin iyon ng Kuya niya dahil sa totoo lang ay ayaw nito ng lalaking manloloko, tulad ng ama nila. Pero parang hindi pala gano'n ang pagkakakilala niya dito.

"Kung gano'n ay hindi kayo magkasundo ni Kuya? Ang akala ko pa naman ay mahal niyo ang isa't-isa."

"Mahal? Sinong tanga ang maniniwala na mayroong pagmamahal sa pagitan namin? Our bullsh*t marriage is a trash!"

Napahilot na sa sintido si Theo. Mukhang lasing na ito kaya naman kung ano-ano na ang sinasabi. Hinawakan niya ito sa kamay saka hinila palabas ng bar. Mabuti na lamang at hindi na ito umangal.

"Saan tayo pupunta?" sa halip na tanong nito.

"Mini-store, tatanggalin natin ang pagkalasing mo bago kita ihatid sa bahay niyo."

"Hindi! Ayaw! Ayaw ko pang umuwi!" parang batang pagmamakatol nito.

"Okay? but let's take away the alcohol spirit in your mind and body."

Ipinaupo ni Theo si Daphne sa front seat. Kaagad naman itong sumadal saka pumikit. Mukhang malapit na talaga itong mawala sa sarili at malasing ng tuluyan. Dinala niya ito sa isang mini-store at doon nag order si Theo ng one liter ng ice cream na may flavor na rocky road and vanilla choco swirl, saka isang bottle water.

Nang makabalik siya sa kotse ay inabutan niyang sumusuka na ito sa labas ng kotse. Kaya naman nagmadali siya at hinimas ang likod nito saka inabot ang tubig.

Nang mahimasmasan ay nakangiting tiningnan ni Daphne si Theo bago nito tapunan ng tingin ang ice cream.

"Para saan 'yan?" tanong ni Daphne.

"Laklakin mo, para mawala ang pagkalasing mo," sabay abot sa kaniya nito.

Napakunot naman ng noo si Daphne. Alam niya na hindi nakakatanggal ng pagkalasing ang ice cream. Pero kakaiba ang lalaking ito. Talagang tutulungan siya para lang matanggal ang pagkalasing niya. Tinanggap na lamang iyon saka pumasok sa kotse at nilantakan ang ice cream.

Nagkaroon pa sila ng konting asaran at pag uusap. Doon niya mas lalong nakilala ang lalaki. Malayong malayo ito sa kapatid nitong si Treyton. Kung tutuusin ay ito ang good boy version ni Treyton.

Kahit papaano ay nawala ang pag iisip niya sa kapatid nito. Na relax din siya at tila nagkaroon ng bagong kaibigan. Bago pa siya ihatid nito sa mansion ay huminto ito sa isang eskinita na walang masyadong dumaraan na sasakyan. Bumaba ito at saka nilapitan ang mga pulubing nakahiga sa gilid ng kalsada. Binigyan niya ito ng mga pagkain na galing sa mini-store na pinuntahan nila.

Tuluyang nakuha nito ang loob niya. Ngayon nasisiguro niyang may mabuting puso ang lalaking ito. Dahil kung hindi, ay siguro daraan-daanan lamang nito ang mga pulubi. Napangiti si Daphne, ngayon ay may tao na siyang puwedeng lapitan at alukin ng pangdagdag tulong sa Hope Foundation. Maaari rin na dalhin nila sa Foundation ang mga batang nasa lansangan lamang.

Tahimik ang kanilang naging byahe hanggang sa makarating sa bahay nila. Nahihiyang bumaba si Daphne sa kotse nito. Totoong nahimasmasan siya at nawala kahit papaano ang pagkalasing niya.

"Salamat nga pala, Theo. Kung hindi mo ako doon nakita malamang ay naroon pa ako at nagwawala na," sambit niya habang kumakamot sa batok.

"Wala 'yon, Ate Daphne."

"Naku, huwag mo na akong tawaging Ate, kahit Daphne na lang. Sana sa susunod ay makabisita ka dito sa bahay para naman makabawi ako sa'yo. Ipagluluto kita, pangako!"

"Sige, Daphne. Kapag nagkaroon ako ng free time. Mauuna na ako. Always remember, drink moderately!" natatawang paalala nito bago tukuyang sumakay sa kotse at ipinaharurot papalayo sa bahay nila.

Humarap si Daphne sa bahay nila saka bumuntong-hininga. Muling naging mabigat ang pakiramdam niya sa isiping baka narito pa si Diane at kasa-kasama pa ni Treyton sa kama. Naglakad na siya papasok ng bahay.

Dilim ang sumalubong sa kaniya sa loob kaya naman napakunot siya ng noo.

"Wala bang tao? Umalis ba sila?" sa isip-isip niya.

Mula sa sala ay kitang-kita niya ang nakatayong bulto ng tao. Kaya naman nakapaningkit siyang nakatingin dito. Nang masiguradong tao nga iyon ay madali niyang hinanap ang switch ng ilaw. Nang kumalat ang liwanag sa paligid ay kitang-kita niya ang madililm at galit na tingin ni Treyton sa kaniya.

Kamuntik na siyang mapatalon sa gulat ngunit mas nanaig ang inis niya nang makita ito. Balak niya sanang maglakad na paakyat sa itaas at lampasan na lamang ito ngunit naglakad ito papalapit sa kaniya.

"Bakit magkasama kayo ni Theo?" tanong ni Treyton sa kaniya.

Bakas sa boses nito ang galit. Kung gano'n ay nakita pala sila nito ni Theo sa labas.

"You don't have the right to ask me, dahil wala rin naman akong pakialam sa--"

Mabilis na kinabig siya nito at tumama ang likod niya sa matigas na pader, dahilan kung bakit siya napaubo dahil sa lakas ng pagkakatama ng likod niya. Ngayon ay hawak ni Treyton ang balikat niya ng mahigpit. Matalim ang tingin nito sa kaniya na para bang kayang-kaya siya nitong saktan.

Namayani ang takot sa kaniyang buong katawan.

"Treyton... N-Nasasaktan ako."

"Anong ginawa niyo? Sagutin mo ako?!" malakas na sigaw nito halos mapapikit siya dahil sa takot at panginginig.

Mga Comments (17)
goodnovel comment avatar
Madelyn Dando Pio
nice story
goodnovel comment avatar
Emma Odoño
Plssss pabasa
goodnovel comment avatar
Dimarucut Emelie
sira ulo nya bakit si treton pwede tapos cdaphi galit xa gago pala xa
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status