Share

Kabanata 09 • Hidden Agenda

Chapter Nine: Hidden Agenda

"Mabuti naman at nagpunta ka rito."

Napatingin si Daphne sa kadarating lamang na babae. It's her Mom. As usual ay kasa-kasama pa rin nito ang bago nitong asawa.

"Pang bawi na lang sa ginawa ko no'ng nakaraan."

"Dapat lang, Daphne, dahil ilang araw na lang ay ikakasal ka na. At saka baka gusto mo rin bumawi sa kapatid mo? Sa ginawa mong pagsisinungaling para lang makaalis ka."

Daphne smirked. "Until now, para sa inyo ay nagsisinungaling pa rin ako? Bakit kasi hindi niyo siya tinanong?"

"Sa tingin mo ba ay hindi ko siya tinanong?" inis na tugon ng Mama niya ngunit nasa mababang tono lamang ng boses.

"Oh, tinanong niyo pero itinanggi niya, malamang kaya ang ending ako ang sinungaling. Nasaan ba siya ngayon? Para naman ako na mismo ang kumausap sa kaniya."

"W-Wala siya dito, dahil abala siya sa darating nilang exam."

Hindi na lamang nagsalita si Daphne at kinuha na lamang niya ang isang baso ng wine sa kadaraan lamang na waiter. Mabilis niyang itinungga iyon saka nagmamadaling lumabas ng mansion. Sigurado siya na mayroong garden ang mansion at gusto niyang mapag-isa, dahil pakiramdam niya ay mababaliw na siya.

Nang marating niya ang garden ay para bang nakahinga siya ng maluwag. Walang katao-tao at pakiramdam niya ay malaya siyang ipakita ang sarili niya. Malamig ang simoy ng hangin na siyang tumatama sa kaniyang balat. Ganitong ganito ang senaryo ng mga drama sa television kaya naman napangiti siya ng mapakla.

"Mukhang magiging madrama na nga lang talaga ang buhay ko," sambit niya sa kaniyang isipan.

Naglakad pa siya palapit sa mismong garden at doon niya nakita ang isang swimming pool. Malawak iyon at tila masarap languyan. Lumapit siya sa pool saka prenteng umupo doon sa gilid habang ikinakawkaw ang dalawang paa sa pool na parang bata.

Mayamaya pa ay hindi niya inaasahan na makarinig ng ilang halinghing. Mabilis siyang napatayo at dahil sa kuryosidad ay sinundan niya kung saan nanggagaling ang tunog. Kaagad na nagtago siya sa mismong puno ng mga bulaklak nang makita ang dalawang tao habang nagtatalik sa mismong fountain.

Kitang-kita niya ang isang babae na nakaupo sa gilid ng fountain habang hawak ng isang lalaki ang balakang nito at malakas na binabayo. Natulos siya sa kaniyang kinauupuan. Hindi niya inaasahan na makakakita siya ng pórn live show ngayong gabi, lalo pa't nasa poder siya ng mga Fuentevalle.

"F*ck! F*ck! You're so good!" ungol ng babae habang labas din ang dalawang díbdib nito.

Napahawak si Daphne sa kaniyang bibig nang mabosesan kung sino ang babaeng iyon. Hindi siya puwedeng magkamali. Ang boses na iyon ay pag mamay-ari ng kaniyang kapatid na si Diane! Mukhang nagsinungaling ang Mama niya upang pagtakpan ito at hindi niya makausap ang kapatid.

Kahit kailan talaga ay hindi niya puwedeng pagkatiwalaan ang mga ito! Mga sinungaling!

"I want to come inside of you! Ahh! Ugh!" sambit naman ng lalaki habang nilalamas nito ang isa sa mga díbdib ni Diane.

Napangiti siya ng mapakla. Sino pa ba ang katalik nito? Malamang ay walang iba kung hindi si Treyton. Unti-unting sumikip ang díbdib niya at tuluyang tumulo ang luha niya. Ganito ba ang gusto ng Papa niya? Ang maikasal sa lalaking sumisiping din sa kapatid niya? Bakit palagi na lamang siyang pinagtataksilan? Bakit palagi na lamang binabalewala ang nararamdaman niya?

Tumayo siya sa kaniyang kinauupuan. Wala na siyang pakialam kahit makita pa siya ng dalawa. Tutal ay hindi naman siya inisip ng mga ito sa una pa lamang.

"A-Ate..."

"Shit!"

Mabilis na inalis ni Treyton ang kaniyang sándata mula sa pagkakabaon sa pribadong parte ni Diane at kaagad itong nag zipper ng pants. Gulat naman at parang maiiyak si Diane dahil walang buhay siyang tinititigan ni Daphne nang mga oras na iyon. Ibinaba ni Diane suot nitong dress at mabilis na isinuot ang underwear nito.

Napangisi si Daphne saka pinunasan ang luhang hindi niya inakalang tutulo pala. Huli sa actual ang dalawa at ngayon ay parang walang nangyari. Tumalikod na lamang si Daphne at naglakad papalayo sa fountain.

"Hayaan mo na siya, nakita na niya tayo!" sambit ni Diane kay Treyton.

"Get out of here!" malakas na sigaw ni Treyton kay Diane. "Ako ang kakausap sa kaniya. I don't wanna see your face again!" galit na dugtong ni Treyton.

Hindi na iyon narinig pa ni Daphne. Masyado na siyang malayo dahil mabilis ang paglakad na ginawa niya para makaalis sa lugar. Mabilis siyang nakihalo-bilo sa maraming tao upang hindi mapansin ng mga ito na lumuluha siya. Hindi na niya alam kung saan siyang lupalop dinadala ng mga paa niya. Gusto niyang magtungo sa comfort room at doon ibuhos ang galit na nararamdaman niya.

Narating naman niya ang comfort room at pumasok sa isang cubicle saka doon ay humagulgol ng iyak. Ang iyak na walang boses, kaya ramdam niya ang pagsikip ng díbdib niya. Sinusuntok niya ang díbdib para kahit papaano ay mawala ang paninikip. Mahabang minuto ang lumipas bago niya naikalma ang sarili. Nang lumabas siya ng cubicle ay lumapit siya sa salamin saka pinakatitigan ang sarili.

Wala na siyang pakialam kung masira man ang buhay niya. Kung mawala man ng propesyon na iniingatan niya. Pero hinding-hindi siya papayag na maikasal sa taong walang puso, walang awa at walang galang sa kaniya. Dalawa sila ng kapatid niya ang tinuhog nito at kailanman ay kinasusuklaman niya ang lalaking ito.

Naghilamos si Daphne saka pinunasan ng tissue ang buradong make-up. Nang lumabas siya ng comfort room ay naglakad siya sa pasilyo. Doon niya napagtanto na para bang paikot-ikot lamang siya sa loob ng mansion. Hanggang sa makarating siya sa dulo. Nag iisang pinto lamang ang naroon kaya naman binuksan niya iyon. Tumambad sa kaniya ang mga naglalakihang aparador na naglalaman ng libo-libong mga libro.

Dahil sa pagkamangha ay nagpatuloy siya sa pagpasok. Hindi na niya nagawa pang isarado ang pintuan. At masayang tinitingala ang mga libro. Hindi niya inakala na possibleng may ganitong kwarto dito sa mansion. Pinapasadahan ng kaniyang mga daliri ang bawat libro na nadadaanan.

"I need to find her now!" mahina ngunit pagalit na boses na narinig ni Daphne.

Nagtaasan ang mga balahibo niya at nanlamig siya dahil boses iyon ni Treyton. Mabilis siyang nagtago sa likod ng kurtina at saka niya tinakpan ang bibig.

"Hindi puwedeng mabulilyaso ang plano ko! I need her to fullfil my agreement with Daddy. Kailangan kong masigurado na mapupunta sa akin lahat-lahat ng mga ari-arian ni Daddy at walang matitira sa bastardo niyang anak. At ang babae na 'yon, ang kailangan ko!"

Hindi makapaniwala si Daphne sa naririnig. Gagamitin lang siya ni Treyton, para sa pansarili nitong dahilan at paghahangad! Hindi maaari iyon!

"Eh, bakit naman kasi dito niyo pa ginawa ang milagro na 'yon? Hindi ba nakapagpigil si Junjun?" boses 'yon ni Claude. "At sa kapatid pa niya talaga?!" dugtong pa nito.

"That woman, papatayin ko siya kung iyon ang nararapat para hindi siya makahadlang sa plano ko."

Doon tuluyang nanlaki ang mga mata ni Daphne. Hindi isang tao si Treyton kung hindi isang halimaw! Kailangan niya na ngayon makaalis dito. Kailangan niya ng mailayo ang kapatid niya, ang pamilya niya!

Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Narinig ni Daphne ang pag sara ng pintuan. Unti-unti siyang lumabas sa kurtina at naluluhang nagmamadaling lumabas. Ngunit akala niya lang ay wala ng tao. Nagulat siya ng biglang may nagtakip sa kaniyang ilong. Ilang pagpupuniglas pa ang ginawa niya bago tuluyang nanlabo ang paningin niya.

"Hindi siya magaling magtago," rinig niya pang sambit ni Ryder. "Sa tingin ko ay narinig niya lahat ng pag uusap niyo."

"Tsk."

Ang pag ngising iyon ni Treyton ang huli niyang nakita bago siya tuluyang mawalan ng malay.

>>>.<<<

Unti-unting napadilat si Daphne ng kaniyang mga mata. Pakiramdam niya ay umiikot ang paningin niya kaya dahan-dahan siyang naupo. Ipinalibot niya ang paningin sa paligid at doon niya napagtanto na nasa hindi kilalang kwarto siya.

Akma siyang tatayo nang maramdaman niya na wala siyang saplot sa pang itaas. Mabilis niyang kinapa ang díbdib, gano'n din ang kaniyang pang ibaba. She realized that she's totally naked. Kinakabahan niyang niyakap ang sarili at pilit na inaalala ang nangyari ngunit wala kahit sa ano mang alaala ang naaalala niya bago siya tuluyang mapunta sa kwartong iyon. Ang naaalala niya lang ay iyong tungkol sa malaswang ginagawa ng kapatid niya at ni Treyton, matapos no'n ay wala na.

Ipinalibot niyang muli ang paningin at nakakunot na pinakatitigan ang picture frame sa lamesa. Tuluyan siyang nanlamig nang makitang picture iyon ni Treyton. She's about to stand, when suddenly someone hug her waist. Nagbabadya ang luha sa kaniyang mga mata habang unti-unting tiningnan ang taong yumakap sa kaniya.

Napasinghap siya nang makita ang hubád na katawan ni Treyton. She's with Treyton right now! At hindi niya maintindihan kung bakit kapwa silang nakahubád! Wala siyang matandaan na kahit ano. Hindi niya alam kung paano dumating sa puntong nagsalo pa sila ng isang gabi, matapos nitong angkinin ang kapatid niya.

"Treyton Louis! Lumabas ka riyan!" malakas na sigaw at paghampas ang narinig niya mula sa pintuan.

Nasisiguro niyang boses iyon ng Daddy ni Treyton. Ipinalibot niya ang kumot sa kaniyang katawan upang takpan iyon. Hindi niya alam kung anong nangyayari.

"Treyton Louis!" muling sigaw nito, ngunit para bang hindi iyon naririnig ni Treyton at mahimbing itong natutulog.

Napansin ni Daphne ang pag ikot ng door knob at doon niya nakita ang papasok na buong pamilya ni Treyton, kasama ang Mama niya pati na si Diane.

"Hija..." sambit ng Mommy ni Treyton.

"G*go ka talagang bata ka!" sigaw ng Daddy niya at mabilis na ibinangon nito si Treyton. Gulat naman na napabangon si Treyton at hindi na nito iniwasan pa ang suntok.

"Hindi mo na hinintay na maikasal kayo?!" sigaw muli ng Daddy nito.

Naluluha siyang napatayo. Wala siyang nalalaman. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang lahat. Nakita niya ang konting red stain sa higaan. Patunay na talagang muling may nangyari sa kanila ni Treyton.

Kitang-kita niya kung paano siya tingnan ng Mama niya na para bang kahihiyan siya sa pamilya. Ang kapatid niyang si Diane ay galit na nakatingin sa kaniya. Lumapit naman ang Mommy ni Treyton sa kaniya saka siya niyakap ng mahigpit.

"Huwag kang mag-alala, Hija. Hindi ka naman tatakasan ng anak ko. Naiintindihan ko na hindi niyo na nahintay ang kasal niyo. Huwag ka ng umiyak," sambit nito sa kaniya.

"Hindi na ako makakapaghintay pang hindi sila maikasal, gayong may nangyari na sa kanila!" sambit ng Mama niya.

"Huwag kang mag-alala, Allyson. Ngayong araw din mismo ay ikakasal sila!" sambit ng Daddy ni Treyton.

Napabaling ang gulat niyang mga mata kay Treyton. Hindi. Hindi siya papayag! May mali sa nangyayari. Magsasalita na sana siya ngunit mabilis na naglakad si Treyton papalapit sa kaniya saka hinapit ang beywang niya.

"I don't have any reason to run away from your daughter. Panindigan ko ang responsebilidad," sambit nito kaharap ng mga magulang nila. "Don't try to run away from me, or else your family will be dead," bulong nito sa kaniyang tainga na tanging siya lamang ang siguradong nakarinig.

Muling nagbalik ang lahat ng muling nangyari kagabi. Naluluha niyang tinitigan ang mukha nit Treyton nang may kasamang galit. Kasunod niyang tinitigan ang Mama at kapatid niya. Kahit naging masama at hindi patas ang mga ito sa kaniya, hindi naman niya maaatim na may mangyaring masama sa mga ito.

Alang-alang sa mga ito, hindi na siya lalaban o tatanggi pa.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
JaDe
Another weak fl (ノ`⊿´)ノ
goodnovel comment avatar
MARIETTA FORTOS
***************
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status