LOGIN"Hinding-hindi ka na makakatakas sa akin, Vianna dahil sa akin ka na. Simula nang gabing iyon, minarkahan ko na ang pagkatao mo," may diing wika ni Azrael.
View MoreVIANNAMakalipas ang ilang araw mula nang huli kong makita si Azrael, naging abala ako sa mga ginagawa ko sa negosyo. Hindi ko na rin masyadong pinag-isipan ang mga pangungulit niya dahil ayoko nang bigyan ng malaking bagay ang bawat ginagawa niya. Mas mabuti na lang sigurong hayaan ko siyang magsawa kaysa patulan ko pa ang bawat salita at kilos niya.Noong araw na iyon ay nasa office ako at abala sa pag-check ng mga bagong designs para sa susunod naming collection nang biglang bumukas ang pinto. Hindi na ako nag-abala pang tumingin dahil alam kong si Sheena lang naman ang taong kayang pumasok sa office ko nang hindi man lang kumakatok."Vianna, may sasabihin ako sa iyo pero huwag kang magalit dahil maganda naman ang balita. Dumating na raw si Richard kaninang umaga at tinawagan niya ako para sabihin na gusto ka niyang makita."Agad akong napatingin sa kanya bago ko ibinaba ang hawak kong folder."Talaga? Akala ko bukas pa siya darating. Mabuti naman at nandito na siya dahil kailangan
NIKAHalos kumukulo ang dugo ko habang nagmamaneho pauwi. Hanggang ngayon ay paulit-ulit pa ring bumabalik sa isip ko ang bawat salitang binitiwan ni Vianna. Hindi ko matanggap na pagkatapos ng limang taon, ang yabang na niya masyado at nakakapagsalita na sa akin ang ganoon. Mas lalong nakakainis dahil wala akong naibalik na matinong sagot. Para akong natameme sa harap niya at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapatawad ang sarili ko dahil doon."Bruha ang babaeng iyon! Ang yabang-yabang na niya ngayon!" inis kong sabi habang mariing hinahawakan ang manibela.Hindi nagtagal ay nakarating ako sa condo unit namin ni Bryan. Pagkapasok ko pa lang sa loob ay agad kong nakita ang nobyo kong nakaupo sa sala habang nakatutok sa laptop nito. Mukhang may inaasikasong trabaho at ni hindi man lang niya ako nilingon.Isinara ko ng medyo malakas ang pinto kaya napatingin siya sa akin."Bakit? Ano na naman ang nangyari?" kalmado niyang tanong.Mabilis akong lumapit at ibinagsak ang handbag ko sa so
VIANNADumating din ang araw na napag-usapan namin ni mama ilang araw na ang nakalipas. Maaga pa lang ay nagising na ako para maghanda. Hindi ko alam kung bakit parang kinakabahan ako gayong limang taon lang naman akong hindi nakauwi sa bahay nila. Siguro dahil alam kong hindi lang si Mama ang makikita ko roon. Posible ring magkita kami ni Nika, at sa totoo lang, iyon ang huling taong gusto kong makita sa buong araw na iyon.Pagkababa ko ng hagdan ay agad akong sinalubong ni Sheena."Oh, ready ka na? Sigurado ka bang gusto mong pumunta? Baka mamaya imbes na kumain kayo ng tanghalian, magsabunutan lang kayong magkapatid."Hindi ko mapigilang matawa sa sinabi niya. Pasaway talaga ang kaibigan kong ito kahit kailan. Pero handa naman akong makita ang bruha kong half sister. "Hindi ako makikipagsabunutan sa babaeng iyon. Masisira lang ang buhok ko.""Pero baka siya ang unang mang-asar.""Hayaan mo siya. Wala na akong dapat patunayan sa kanya. At isa pa ano ba siya ngayon? Wala naman siyan
VIANNAMakalipas ang ilang araw, naging tahimik ang lahat. Wala akong nakitang anino ni Azrael at wala rin itong biglaang pagsulpot sa opisina o sa mga branch ng negosyo ko. Sa totoo lang, dapat ay matuwa ako dahil iyon naman talaga ang gusto ko noon pa man. Pero habang tumatagal ang katahimikan, hindi ko rin maintindihan kung bakit paminsan-minsan ay hinahanap ng mga mata ko ang makapal na mukha ng lalaking iyon. Madalas pa nga akong napapalinga-linga at umaasang bigla siyang lilitaw."Ano ba itong ginagawa mo, Vianna? Nababaliw ka na ba?" mahina kong bulong sa sarili bago tuluyang sumakay sa sasakyan.Pagkatapos ng meeting ko ng araw na iyon ay dumiretso na ako sa parking lot. Paglabas ko ng elevator ay agad kong nakita ang isang pamilyar na lalaki na nakasandal sa itim nitong sasakyan habang nakahalukipkip at nakatingin sa direksiyon ko. Nang magtama ang mga mata namin ay agad itong ngumiti.Napabuntong-hininga na lang ako. Nandito na naman siya pero ewan ko ba, may parte sa akin
VIANNA Hindi alam ni Vianna kung ano ang pumasok sa utak niya sa mga oras na iyon. Basta ang gusto niya lang, makalimutan ang sakit na nararamdaman niya. Kaya naman niyakap niya ng mahigpit si Azrael habang patuloy ang pagtugon sa mainit nitong halik. Sumisigaw ang isip niya at sinasabing huwag ni
VIANNA MONTERO "Grabe! Ikakasal ka na talaga!" wika ng kaibigan niyang si Sheena. Napangiti si Vianna habang nakatingin sa singsing na nasa kanyang kamay. Limang taon na silang magkasintahan ni Bryan. Sa loob ng mga panahong iyon, wala naman siyang naging problema sa pagsasama nila. Maayos nam
Pagsapit ng gabi, hindi pa rin mapakali si Vianna sa loob ng bahay niya. Ilang oras na ang lumipas mula nang makita niya ang dalawang pulang guhit sa pregnancy test pero hanggang sa mga oras na iyon, hindi pa rin niya matanggap ang katotohanan. Pakiramdam niya ay parang may kung anong mabigat na n
Makalipas ang dalawang araw, wala pa ring maayos na tulog si Vianna. Sa loob ng dalawang araw na iyon, para bang paulit-ulit na binubugbog ang isip niya ng mga alaala na pilit niyang gustong takasan ngunit ayaw siyang tantanan. Kapag ipinipikit niya ang kanyang mga mata, bumabalik ang eksenang nahu












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews