NAPABUGA ng hangin si Eduardo sa labis na pagkabagot. Ilang linggo na rin ang nakalipas ng siya ay magising at wala siyang ibang ginawa kung ‘di ang manatili sa k’wartong iyon at lalabas lang kapag schedule ng kanyang therapy. Muli napabuga siya ng hangin at napatingin sa labas ng bintana ng kanyang k’warto kung saan binalot na ng kadiliman at ang liwanag sa bawat k’warto ng ospital na iyon. Habang nakatingin sa munting liwanag na nilalamong kadiliman ay nanariwa sa kanyang isipan ang mga sandali na magkakasama sila ng kanyang buong pamilya, ang aksidente, ang pagkawala ng kanyang asawa at mga taong lumipas na hindi nila namalayan ay tila isang pangyayari na hindi nila lahat inaasahan. Para sa kanya, ang lahat ay tila isang panaginip—panaginip na hindi niya kailanman ginusto.Muling napabuga ng hangin si Eduardo dahil sa mabigat na emosyon na kanyang nararamdaman.“Bakit nangyari ang lahat ng ito sa amin?” tanong niya sa kanyang sarili.Binalot nang matinding katahimikan ang buong k’w
NANG makita ni Eduardo ang tila kamukha ng kanyang anak na si Stefan sa ospital ay walang araw na ginagalugad niya ang ospital nagbabakasakaling makita niyang muli ito at makumpirma kung anak niya ba talaga ito.“Where are you going, Dad?” tanong ni Damon na tila napapansin ang palaging pag-alis ng kanyang ama sa kanilang k’warto sa mga nakalipas na mga araw.“Diyan lang, anak. Magpapahangin-hangin lang ako,” tugon ni Eduardo at kinuha ang crutches nito.“Are you not going to use your wheelchair, Dad?”“Hindi, mas makakabuti kung ito ang gagamitin para mapadali ang rehabilitation ng mga binti at paa ako nang sa gayon ay makapaglakad na ako ng hindi gumagamit ng wheelchair at crutches,” nakangiting saad nito.“But don’t you think you shouldn't put too much pressure on yourself?”“Damon, I’m not pushing myself. All I want to do is walk like I used to.” At
NAPATINGIN si Stefan sa kanyang relo at pasado ala sais na ng gabi kung kaya inimpis niya na ang kanyang mga folders na kanyang binabasa at saka tumayo sa kanyang pagkakaupo. Kinuha niya ang kanyang car keys at agad naglakad paalis.“What should I buy for her?” tanong ni Stefan sa kanyang sarili habang nag-i-scroll sa kanyang cellphone naghahanap ng restaurant na pagbibilhan niya ng makakain nilang dalawa ni Eunice.Nang makahanap siya ay agad siyang nagtungo sa restaurant na iyon at um-order ng kanilang makakain pagkatapos noon ay dumiretso na siya ng ospital. Wala pa kalahating oras ay nakarating na siya ng ospital.“I’m just in time,” wika ni Stefan nang i-check ang kanyang relo.Gumuhit sa mga labi ni Stefan ang ngiti habang naglalakad papunta sa k’warto ng kanyang asawa ngunit nang sandaling makarating siya tapat ng pinto ay nakarinig siya ng ibang boses sa k’warto nito—nagtatawanan ang mga ito na tila ang saya-saya sa kanilang mga pinag-uusapan. Nang silipin niya ay nakita niya
MAGKAHALONG tuwa, kaba at pag-aalala ang naramdaman ni Stefan nang marinig niya ang sinabi ni Dr. Kith.“For the time being, we’ll take her to the labor and delivery room and wait until the baby is ready to be delivered,” wika ni Dr. Kith. “I have to go and prepare what she needs.”Matapos noon ay iniwan na ng doktora sina Stefan.“Ahh…ang sakit,” daing ni Eunice habang namimilipit sa nararamdamang sakit.Hindi alam ni Stefan ang kanyang gagawin dahil iyon ang unang beses na makaranas ng ganoon dahilan para ‘di siya makagalaw sa kanyang kinakatayuan.“What should I do to help her to ease the pain that she’s having?” tanong niya sa kanyang sarili na may desperasyon sa kanyang tono.Hindi niya maatim na makita ang kanyang asawa na nasasaktan kung kaya hindi niya man alam ang kanyang kinuha niya ang kamay ng kanyang asawa at marahan na hinawakan iyon.“Calm down, Mahal. You need to relax,” marahan niyang saad na nakatuon ang mga tingin sa kanyang asawa na kagat-kagat ang labi para pigila
“WE are all here to witness the murder, fraud, and documentary falsification cases against Astolfo and Gretta Salvatore vs Stefan Salvatore,” panimula ni Judge Lopez. Ramdam sa buong paligid ang mabigat na hangin sa loob ng korte kung saan naroon si Stefan at ang magkapatid na puno’t dulo ng lahat ng pagdurusa at pag-iisa ng binata. Bagamat nakaposas ang mga ito ay hindi nawawala sa puso ng binata ang galit at poot na kanyang nararamdaman matapos ang lahat ng mga ginawa nito sa kanyang pamilya. Napakuyom ng kanyang mga kamay si Stefan nang sandaling magkrus ang mga mata nila Astolfo at Gretta na hindi niya man lang makakitaan ng pagsisisi bagkus ay tila nanlalaban pa ito na sila ay inosente dahilan para lalong humigpit ang pagkakakuyom niya sa kanyang mga kamay. “Defense Attorney, please proceed to your opening statement.” Puno nang galit ay binigyan niya ng mga tingin ang mga ito na may tahimik na mensaheng, “I will make you pay. You will pay everything!” At matapos noon ay itinuo
“STEFAN, I'm too old. Hindi mo pa rin ba ako bibigyan ng apo?” tanong ni Doña Divina kay Stefan kahit na suot nito ang oxygen mask dahil sa nahihirapan na naman itong huminga.“Lola, you’re sick, and now is not the time to discuss such matters,” awat ni Stefan sa kanyang lola.“That’s exactly what I’m getting at, Apo. I’m ill and on the verge of dying,” pagpupuntong saad ni Doña Divina sa pagitan nang nahihirapan nitong paghinga.“Please, Lola, refrain from bringing up the subject of death,” mariing awat ni Stefan na napatiim-bagang sa kanyang narinig. Ayaw na ayaw niya makakarinig ng salitang may kaugnayan sa kamatayan.Hinawakan ni Doña Divina ang kamay ni Stefan. “Even if you don’t want to discuss it, I will be there soon,” wika nito. “Matanda na ako, Apo. Isa lang naman ang hinihiling ko sa ‘yo, mahirap bang bigyan mo ako ng
NAGISING si Stefan na may labis na pananakit ng kanyang ulo at pakiramdam na umiikot ang kanyang buong paligid.“Fuck!” malutong na mura ng binata dahilan para mapahawak siya sa kanyang ulo. “What happened last night?” tanong niya sa kanyang sarili na inaalala ang nangyari kagabi.Akmang babangon siya nang maramdaman niya na may tila nakadagan sa kanyang kaliwang braso dahilan para maibaling ang kanyang tingin sa gawing kaliwa. Nanlaki naman ang kanyang mga mata nang makita ang isang babae sa kanyang tabi.“Who the hell are you?” bulalas niyang tanong matapos niyang hatakin ang kanyang braso mula sa pagkakadagan ng ulo ng dalaga rito na ginawang unan nito.“Fuck!” malutong na mura ni Stefan nang maramdaman niyang gumapang ang pulikat sa kanyang buong braso hanggang sa kanyang kili-kili nang makahinga ito.“Ayos ka lang ba?” tanong ng dalaga na hindi alam kung uunahin ang sarili o ang binat
“HAVE TO GO, babe. Enjoy your day. I love you,” malambing na paalam ni Stefan kay Eunice at nag-iwan ng halik sa noo ng dalaga nang matapos ito sa kanyang pagkain.“Take care, hon. I love you too,” tugon ni Eunice.Hindi pa rin makolekta ni Eunice ang kanyang sarili sa tuwing hahalikan siya ni Stefan sa noo sa harap ni Doña Divina. Ang mga sweet talks and moves nito ay hindi niya magawang matanggap. Ibang-iba ito kumpara sa Stefan na walang interes na magpatali at gusto magbuhay binata. Ibang-iba.“I’m leaving, Lola. Please take care not to overwork yourself. Okay?” paalala ni Stefan matapos bigyan din ng halik sa noo ang kanyang lola.“Mag-iingat ka, Apo,” wika ni Doña Divina.“I will, Lola.” At tuluyan nang umalis si Stefan habang naiwan naman si Eunice at Doña Divina sa hapag-kainan.Nabalot nang kakaibang katahimikan ang hapag-kainan ngunit binasag ni