DAHIL sa pagkabigla niya nakalimutan na niya ang umupo sa hapagkainan. Doon nagtaas ng tingin sa kanya si Cormac.
"May problema ba?" kunot ang noong tanong nito. Nakita niya ang pagtaas ng isa nitong kilay nang dumapo ang mga mata nito sa kaliwang palasing-singan niya na walang laman. "And where is your wedding ring?" Nakaramdam siya ng hiya, tinago nga niya iyon dahil pakiramdam niya hindi bagay kay Cormac ang binili niyang wedding ring, pero hindi niya akalain na mahahanap nito ang sing-sing na tinago niya. Nahihiyang kinuha niya ang sing-sing na itinago niya bag at agad iyong sinuot. "Pasensya na, mumurahing sing-sing lang ang binili ko." Tumaas ang sulok ng labi nito. "Ayos lang. Maganda nga siya. Hindi alam ni Amelia kung ano ang isasagot niya kay Cormac kaya minabuti na lang niya ang maupo sa katabing upuan na kinaroroonan nito at tahimik lang siyang kumain. "Ihahatid na kita sa trabaho mo," anito na tiniklop na ang hawak na peryodiko. Tapos na itong kumain tulad niya. "Naku! Hindi na. Magta-taxi na lang ako o kaya sasakay na lang ako sa subway. Ayoko ng abalahin ka pa," mabilis niyang sagot. Pero ang totoo, ayaw niyang makita ng mga tagamagazine na hinatid siya ng isang Cormac Fortalejo, baka kainin siya ng buhay ng mga empleyadong nagtatrabaho doon. Kumunot ang noo nito. "Malayo ang subway station dito, isa pa, wala ring dumadaang taxi rito." Iyon nga ang napansin ni Amelia nang lumipat siya rito kahapon. Lahat ng naninirahan sa mamahaling subdivision, lahat ay may sariling sasakyan kaya malamang wala talagang taxi o malayo sa subway station. Napatingin si Amelia sa suot niyang relo pambisig at mali-late na siya. "Umh... Pwede mo ba akong ihatid kahit sa subway station lang? Saglit siyang tinitigan ni Cormac dahilan para bahagya siyang kabahan, pero hindi nagtagal ay tumango ito. Pagkalabas nila ng mansyon, meron ng black Bentley ang naghihintay sa kanila. Agad na lumapit sa kanila ang isang lalaki. Sa tanya ni Amelia hindi nalalayo ang edad nilang dalawa. "Magandang umaga ho, Señorito and Señorita Amelia," bati nito sa kanila. "Siya nga pala si Pablo, ang personal assistant ko. Pablo, siya naman ang asawa ko, si Amelia." pagpapakilala naman sa kanila ni Cormac. Pagkatapos siyang ipakilala ni Cormac sa personal assistant nito, pinagbuksan siya nito ng pinto at si Cormac naman ay pumunta sa kabilang pinto ng sasakyan. Iniisip niya kung paano nakakasakay si Cormac sa sasakyan na hindi ito umaalis sa wheelchair ito, nang makita niya ang iron plate na bumaba mula sa sasakyan at walang kahirap-hirap na pinaakyat ni Cormac ang wheelchair nito pasakay ng sasakyan. Nang makasakay na siya sa loob ng sasakyan, napagtanto niya na ang disenyo ng sasakyan ay pinasadya para kay Cormac. Merong ispesyal na lugar para sa wheelchair nito para hindi ito mahirapan na sumakay at bumama sa sasakyan. Tahimik lang sila pareho ni Cormac sa loob ng sasakyan habang binabaybay nito ang daan papunta sa lugar kung saan siya ihahatid. Hanggang sa huminto ang sasakyan sa gilid ng subway station. Napakunot ang noo ni Cormac nang makita niya mula sa bintana ang maingay at tila nagkakagulong mga tao sa labas. "Hindi madali para sayo kung dito ka sasakay papunta sa trabaho mo. Kung ayaw mong ihatid sundo kita sa trabaho mo, pwede kitang bigyan ng sarili momg sasakyan," anito. Natigilan si Amelia sa inalok ni Cormac pero sa huli ay mabilis siyang umiling. "Hindi na kailangan." Alam niya na baliwala lang kay Cormac ang bumili ng bagong sasakyan, pero hindi siya kumportable kung paggagastusan pa siya nito para lang mapadali ang byahe niya pagpasok sa trabaho. Naningkit ang mga mata ni Cormac. "Wala ako madalas sa mansion, paano ka makakapasok sa trabaho?" Naisip na nga rin niya iyon kaya inilabas niya ang cellphone niya mula sa bag. "Uso naman na ngayon ang mga grab car, maaga na lang akong gigising para hindi ako ma-late." "Are you sure?" hindi pa rin kumbinsidong tanong nito. "Oo naman. Sige mauna na ako. Salamat sa paghatid sa'kin," aniya na mabilis bumaba sa sasakyan. Si Cormac naman na nasa loob ng sasakyan, pinagmasdan ang papalayong bulto ni Amelia, and his eyes become darker. "Bakit pakiramdam ko ho, iba si Señorita Amelia ay iba sa babaeng pinaimbistiga natin noon?" hindi maiwasang itanong ni Pablo sa kanya nang tuluyan ng nawala si Amelia sa paningin nila. "Tama ka, ibang-iba nga," aniya na ang mga mata ay nasa daan kung saan dumaan si Amelia kanina. Hindi niya inaasahan na tatanggi si Amelia sa inaalok niyang sasakyan. Inutusan niya kasi si Pablo na ipaimbestiga ang nakaraan ni Amelia. Sa kanyang pagkakakilala isa itong gold digger na kayang ipagpalit ang lahat para lang sa pera, kaya ito ang napili niyang pakasalan dahil magiging madali iyon para sa kanya. Ang mga babaeng kayang ipagpalit ang lahat para sa pera ay madali lang manipulahin kay sa mga babaeng mayaman na. At inaamin niya na kaya rin ito ng napili niya dahil gusto niya ito. Pero hindi niya inaasahan na parang hindi ito interisado sa pera niya. O baka naman higit itong matalino kay sa iniisip niya? Alam nito marail kung papaano magpa-hard to get? Naniningkit ang mga matang tumaas ang sulok ng labi niya at inalis ang tingin mula sa labas ng sasakyan. "Tara na," utos niya kay Pablo na agad naman nitong sinunod. ABALA si Cormac habang tumitipa sa harap ng laptop niya, at ang mga imahe at numero sa screen ay mabilis na nagbago. Doon tumunog ang intercom niya na agad niyang sinagot. "Sir, Sir Lance is here," sabi ng sekretarya niyang si Dianne "Let him in," aniya. Hindi nagtagal, bumukas ang pinto ng opisina niya at iniluwa ni'yon ang gwapong lalaking na may suot na kulay pink na t-shirt. "You working like a dog," anito pagkapasok sa opisina niya. "Akala ko ba ikinasal ka na? Kahit sana walang naganap na seremonyas, dapat man lang nag-out of town kayo para mag-honeymoon." "Wala akong panahon para dyan," sagot niya na hindi pa rin inaalis ang tingin sa screen ng laptop niya. Umupo ito sa gilid ng office table niya. "Nakakaawa naman ang sister-in-law ko. Nagpakasal siya sa isang lalaking walang karoma-romansa sa katawan," naka ngising sabi nito. Walang emosyong nagtaas ng tingin si Cormac sa lalaki. "Ano ba ang kailangan mo?" Ngumisi ito. "I'm just bored, at gusto ko sana makita ang hipag ko." "Kalimutan mo na ang bagay na 'yan. Alam mo naman kung bakit ko siya pinakasalan," mabilis niyang tanggi. "Oo naman, alam ko." Naglaho ang ngiti sa mga labi nito at napalitan iyon ng pagtaas ng sulok ng labi nito. "Pero kahit anong dahilan yan, ikinasal ka pa rin at maaari mo ng kalimutan ang nangyari noon." Nakuyom niya ang kamao nang marinig niya ang mga sinabi ni Lance. "Walang dapat na kalimutan. Hindi na maibabalik ang namatay na," tiim ang bagang sabi niya. "Paano naman ang batang babae noon? Alam mo na kung nasaan siya?" hindi nito mapigilang itanong.Inipon ni Amelia ang kanyang mga iniisip. Umarko ang kilay ni Francesca. "Sige, marami na akong nasabi, kaya kung ako sayo umatras ka na lang dahil nasisiguro ko na mahihirapan ka lang at hindi ka mananalo laban sa akin!" Tila hindi siya hahayaang umalis ni Francesca maliban kung sasangayon siya sa gusto nito. kailangan ng matapos ang pag-uusap nila dahil mayroon pa siyang mabibigat na gawain, tulad ng kung paano i-layout ang mga larawan nina Francesca at Cormac sa ulat, at kung saan ilalagay ang mga ito para gawin itong mas kapana-panabik. Sumimsim si Amelia ng itim na kape. "Kahit na sinabi mo ito nang buong kumpiyansa, pakiramdam ko ay hindi pamilyar sa iyo si Mr. Fortalejo gaya ng inilarawan mo. Maaari mo bang ilarawan ito nang mas detalyado at malinaw?" marahan niyang sabi. Ang away ng isang babaeng nagseselos ay agad na naging isang panayam sa balita para kay Amelia. Hindi naintindihan ni Francesca at sumagot, "Okay. Tapos sasabihin ko sa'yo. Sa tin
Nagkita sina Francesca at Amelia sa Deep Blue Sea Café sa sentro ng Manila. Ito ay isang napaka sikat na cafe restaurant na dinadayuhan ng maraming sikat na celebrity. may kadiliman ang kinaroroonan nila na masasabing sinadya para gusto ng privacy. Nagpalit na si Francesca ng kanyang mahabang coat at nagpalit ng napakamahal na damit. Itinali niya rin ang kanyang mahabang buhok ng mataas at nakadamit ng mamahaling damit na nagkakahalaga ng sampu-sampung milyon. Si Amelia naman ay nagsuot lamang ng simpleng damit ng ilang beses na niyang nasuot. Palagi niyang nakikita si Aurora na nagpapakitang-gilas sa kanyang harapan, kaya gaano man karangal at kaganda ang pananamit ni Francesca, hindi ito magdudulot ng anumang paghanga sa puso ni Amelia. Nagsindi ng sigarilyo si Francesca. Gustong pigilan ng waiter si Francesca pero nang makita niyang big star ito ay hindi na ito kumibo pa. Hindi kayang pagsabihan ng waiter ang kilalang actress. Nagbuga ng usok si Francesc
"Anong maganda sa kanya na kailangan ko siyang ipaimbestiga?" mataray na tanong ni Francesca, "Nakilala ko ang kanyang mga kasamahan niya kagabi at sinabi nila sa akin. Ang Amelia na iyon ay simple lang ang hitsura at mukhang di pagkakatiwalaang babae. Naging sunud-sunuran lang siya sa iyo dahil sa iyong pera at kapangyarihan. Mr. Fortalejo. Sinasabi ko sa iyo, marami na akong nakitang babae na kagaya niya. Hindi ko alam kung gaano kalalim ang kanyang talino,, ngunit tiyak na mayroon siyang masamang intensyon na lapitan ka! Huwag kang magpaloko sa kanya." Malamig ang mga matang tiningnan ni Cormac si Francesca. "Ayokong marinig na binabanggit mo ang pangalan ni Amelia. Kapag muli mong binanggit ang pangalan niya, pinapangako ko sayong hindi mo magustohan kung ano ang kaya kong gawin," malamig ang boses na sabi niya. Napakaseryoso ang mga salita ni Comrac kaya napabuntong hininga na lang si Francesca. Hindi niya inaasahan na ganoon ang halaga ni Amelia sa mga mata ni C
Natigilan si Amelia at hindi maiwasang pamulahan ang kanyang mukha nang makita ang gwapong mukha ni Cormac na napakalapit sa kanya. Sa katunayan, siya ang paulit-ulit na humihiling kay Cormac na magkaroon ng dinner kay Francesca, pero sa huli, siya ang nagseselos. Sobrang nakakahiya talaga. Nahihiyang ngumiti si Amelia. Nahuli ni Cormac ang ngiti ni Amelia, nanlambot ang kanyang mga mata, at niyakap niya ito sa kanyang mga bisig, "Ang ganda mo ngayong gabi," anas nito. maganda ba siya? Pero wala naman nagbago sa karaniwan niyang suot, manipis na make-up at walang kaayos-ayos na buhok. Paano nito nasabi na maganda siya? Binawi ni Amelia ang kanyang kamay dahil ang hiyang nararamdaman niya ay hindi pa rin nawawala. "Paano ako magiging kasing ganda ni Francesca? Napakasexy niya, at ang damit na suot niya ngayon ay halos lumantad ang kanyang dibdib." Hindi napigilan ni Cormax na ngumiti at sinabing iyon ni Amelia. "Mas maganda ka kay Frnacesca," sab
Isang malamig na tingin ang ibinigay ni Cormac kay Francesca dahilan para bahagyang napaatras si Francesca at bahagyang nanginginig ang katawan nito. "Miss Delvin, tinatapos ko na ang dinner natin. Mauuna na ko." Hindi makapaniwala si Francesca sa kanyang narinig. Ano ito? Lantaran ba siyang nire-reject nito? Pinandilatan ni Francesca ang babaeng nasa kanyang harapan at inilagay ang lahat ng sisi rito. Ito marahil ang sumira sa date nila ni Cormac ngayong gabi. Mukhang minamaliit siya ng babaeng ito! Nakaramdam ng pagkainis si Francesca at hindi niya alam kung ano ang nagawa niya para tratuhin ng ganito ni Cormac. Naging maayos naman ang dinner nila ni Cormac. Nasisiguro rin niya na sana makakapiling niya ang lalaki ngayong gabi, pero dahil sa babaeng ito ay nabulilyaso lahat! "Let's go, Amelia," mahinahong anyaya ni Comrac sa babae. Pagkatapos noon, hindi pinansin ng dalawa si Francesca at dire-diretsong umalis mula sa likod na pinto ng ho
Ang sunod na nangyari, ang matipunong mga kamay ay hinila siya pabalik sa loob ng rest room. Mabilis nitong isinara ang ang pinto at agad iyong ni-lock.. Kunot ang noong nagulat si Amelia at nakita si Cormac sa loob ng rest room. "Cormac?" gulat na tanong niya. "Bakit nandito ka? Hindi ba dapat kasama mo si Francesca? Paano kung..." Bago pa matapos ni Amelia ang sasabihin ay mabilis na tumayo si Cormac mula sa wheelchair nito at itinulak siya sa sulok nang cubicle at wala siyang magawa para tumanggi. Kininalso nito ang kamay sa pader na nasa kanyang likod at ang braso nito pumuyos sa bewang niya at humawak sa kanya ng mahigpit, kaya hindi siya makagalaw. Ano ba ang nangyayari kay Cormac? Tinitigan ni Amelia ang asawa na nanlalaki ang mga mata. "Amelia, galit ka ba? Pero hindi ba ito ang gusto mong mangyari?" taas ang kilay na tanong no Cormac sa kanya sa mahinahong boses. Kinagat ni Amela ang kanyang ibabang labi. May gusto siyang sabihin n