SA MGA oras na iyon, ayaw isipin ni Amelia kung tama nga ba ang nakikita niya na may pagnanasa sa mga mata ni Cormac dahil hiya ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Ni hindi nga siya naglakad ng loob na tingnan ito.
Umalis siya mula sa pagkakaupo sa kandungan nito at nagmamadaling tumakbo papasok sa loob ng banyo.
Nang maisara ni Amelia ang pinto, dinama niya ang kanyang dibdib. Parang nasa karera ang puso niya sa sobrang bilis ni'yon. Alam niyang kapag hindi siya umalis sa tabi ni Cormac alam na niya ang pwedeng mangyari.
It was almost...
Hindi niya mapigilan na matakot kanina pero sa kabila ni'yon ay napaisip siya. Legal na silang mag-asawa ni Cormac kaya wala naman sogurong mali kung meron mang mangyari sa kanilang dalawa. Pero hindi niya maiwasang makaramdam ng takot nang makita niya ang pagnanasa sa mga mata ni Cormac kanina.
Isa pa, ito ang ikatlo palang pagkikita nila ng lalaki kaya hindi pa niya makuhang masanay sa mga pangyayari nagaganap sa buhay niya ngayon.
Pero kung tutuusin naman, normal lang ang naging reaksyon ni Cormac kanina dahil isa itong lalaki. Kaya hindi siya naniniwala sa mga sinabi ng mga katrabaho niyang lalaki na wala mg silbi si Cormac pagdating sa mga bagay na iyon. Hindi nga ba hadlang ang pagiging baldado ng mga binti nito sa aspetong iyon?
Ano bang pinag-iisip mo, Amelia? Ano naman ngayon kung hindi apektado ang pagkalalaki ni Cormax sa pagiging embalido nito? Tandaan mo pinakasalan mo lang siya para sa pangangailangan ng mama mo hindi para mag-isip ng mga ganitong bagay! Saway at pagpapaalala niya sa kanyang sarili.
Muli siyang natigilan at napa-isip. Nang mahulog kasi siya kanina sa mga kandungan ni Cormac kanina, meron siyang naramdaman na kakaiba nang mahawakan niya ang mga binti nito. Ang buong akala niya kapag baldado at matagal ng hindi nagagamit ang binti ng isang tao, nawawalan na ito ng muscle at ito ay nagiging payat, pero ang mga binti ni Cormac ay hindi ganu'n.
Nasa ilalim ng pag-iisip si Amelia nang may kumakot sa pinto ng banyo.
"A-ano 'yon?" kinakabahang tanong niya dahil alam niyang si Cormac nag kumakatok.
"Open the door," anito.
Muling bumilis ang tibok ng puso ni Amelia. Para iyong kakawa sa dibdib niya sa sobrang bilis.
Bakit gusto ni Cormac na ipabukas ang pinto? Anong kailangan nito?
Nang muli niyang maalala ang mga mata ni Cormac kanina ay hindi niya muling napigilan ang kabahan.
"Nakalimutan mo ang tuwalya mo," muling sabi nito nang hindi siya sumagot.
Noong una nag-aalangan siyang pagbuksan ito, pero nang sabihin nitong naiwan niya ang tuwalya niya ay hindi na siya nag-atubiling pagbuksan ito ng pinto.
Sa maliit na awang ng pinto, inabot nito ang tuwalya niya.
"Hindi ba iyan ang pakay mo kanina? Sa susunod wag mo ng kakalimutan 'yan," anito.
Ramdam niya sa boses ni Cormac na meron itong pilyong ngiti sa mga labi. Muli, nakaramdam ng pamumula ng pisngi si Amelia sa hiya.
"Salamat." Mabilis niyang kinuha ng tuwalya kuway isinara na ulit ang pinto ng banyo.
Agad na rin niyang pinunasan ang katawan at nagbihis ng damit pampatulog. Kahit tapos na siyang magbihis ay nag-aalangan pa siyang lumabas ng banyo. Ilang minuto pa ang ginugol niya sa loob bago nakumbinsi ang sarili na lumabas.
Pagkalabas niya sa banyo, nakapagpalit na rin ng dark blue silk na pampatulog si Cormac. Nakaupo ito sa kama habang merong laptop sa mga binto nito at tumitipa ng kung ano doon.
Muli ay nakaramdam ng kakaiba si Amelia.
Napaisip siya na dapat ang katulad ni Cormac na hindi na makapaglakad ay dapat maraming tao para tulungan ito sa araw-araw? Pero tanging si Tatay Ben at Nanay Maris lang ang kasama nito sa malaking mansyon at ni wala man lang nag-aasikaso rito ng personal.
Halimbawa na lang, ito lang ang mag-isang umakyat sa kwarto? Hindi ba nito kailangan na maligo?
"Umh... Gusto mo bang maligo?" hindi niya napigilang itanong kay Cormac.
"Naligo na ako," maikli nitong sagot.
Nag-aalala siya na baka mahirap para rito ang maligo ng mag-isa pero hindi niya lubos akalain na nagawa na nitong maligo ng mag-isa?
Kung nagawa nitong maligo sa labas, hindi kaya meron itong ibang babae?
Open minded naman siya. Kung totoo man na merong ibang babae si Cormac, ayos lang sa kanya.
Kibit ang balikat na naglakad si Amelia papunta sa lamesang nandoon para ayusin ang mga gamit na dadalhin niya bukas sa pagpasok.
Sa kanyang pag-aayos ay nakita niya ang singsing na hinubad niya kanina bago siya naligo. Muntikan na niya iyong makalimutan.
Nang bilhin niya iyon, hindi niya alam na ang napangasawa niya pala ay isang bilyonaryo at presidente ng isang kumpanya kaya simpleng singsing lang ang binili niya.
Napatingin siya kay Cormac na nasa kama habang ang buong atensyon nito ay nasa ginagawang trabaho. Nasisiguro niyang hindi nababagay sa isang Cormac Fortalejo ang singsing na binili niya, kaya itinago niya ang singsing na para rito sa drawer na nandoon at ang singsing na para sa kanya naman ay itinago niya sa loob ng kanyang bag.
Pagkatapos, buntong hiningang lumapit sa kama. Medyo nakahinga siya ng maluwag dahil napakalaki ng kama at meron iyong tig-dalawang unan sa magkabilang panig.
Nakahiga sa kanan si Cormac habang siya naman ay nasa kaliwa at halos ilang metro ang layo nila sa isa't-isa.
"Tapos ka ng maligo?" Tanong ni Cormac pagkahiga niya sa kama, pero ang mga mata nito ay nasa screen pa rin ng laptop.
"Oo," sagot niya at curious na napatingin sa ginagawa ni Cormac.
Alam niya na ang kumpanya ni Cormac tungkol sa funds and bonds. Ang screen ng computer nito ay puno ng kulay pula, berde at dilaw at meron pa iyong icon at linya, at hindi naman niya iyong maintindihan at nakakatamad lang intindihin.
"Inaantok ka na ba?" Maya'y tanong ni Cormac at bahagyang tumingin sa kanya.
"Medyo," humihikab niyang sagot.
Pagkasagot niyang iyon, agad na tinabi ni Cormac ang laptop saka pinatay ang lamp na nasa bedside table.
Nang dumilim ang paligid ng kwarto, hindi niya mapigilang muling kabahan. Sa katunayan hindi rin niya alam ang dahilan ng lalaki kung bakit siya nito inayang magpakasal, kaya hindi niya sigurado kung gusto ba nitong makipag-sex sa kanya.
Halos hindi gumagalaw si Amelia sa kinahihigaan niya. Parang hinihintay niya kung may gagawin ba si Cormac o wala, hanggang sa marinig niya ang malumanay na paghinga ng katabi tanda na nakatulog na ang lalaki. Doon siya nakahinga ng maluwag at hindi na namalayan na dinalaw na siya ng antok.
Kinabukasan...
Nagising si Amelia nang malakas na tumunog ang alarm sa cellphone niya. Nang imulat niya ang mga mata, nakita niyang wala na si Cormac sa tabi niya. Marahil pumasok na ito sa trabaho.
Bumangon na siya at agad na naligo at nagbihis ng pampasok. Pagkatapos niyang maglagay ng light make-up ay lumabas na rin siya sa kwarto.
Pagkababa niya, agad niyang naamoy ang masarap na pagkain. Naabutan niya si Nanay Maris na may dalang pagkain. Nang makita siya nito ay matamis siya nitong nginitian.
"Magandang umaga ho, Señorita. Pumasok na ho kayo sa dining room para makakain na rin ho kayo ng umagahan," anito.
"Salamat ho, Nanay."
Pagkapasok niya sa dining room, nakita niya si Cormac na nakaupo sa harap ng lamesa sakay ng wheelchair nito. May hawak itong diyaryo habang umiinom ito ng kape.
Pero natigilan siya nang dumapo ang mga mata niya sa kaliwang daliri ni Cormac. Hindi makapaniwalang napatingin siya rito.
Suot lang naman nito ang mumurahing singsing na binili niya!
Inipon ni Amelia ang kanyang mga iniisip. Umarko ang kilay ni Francesca. "Sige, marami na akong nasabi, kaya kung ako sayo umatras ka na lang dahil nasisiguro ko na mahihirapan ka lang at hindi ka mananalo laban sa akin!" Tila hindi siya hahayaang umalis ni Francesca maliban kung sasangayon siya sa gusto nito. kailangan ng matapos ang pag-uusap nila dahil mayroon pa siyang mabibigat na gawain, tulad ng kung paano i-layout ang mga larawan nina Francesca at Cormac sa ulat, at kung saan ilalagay ang mga ito para gawin itong mas kapana-panabik. Sumimsim si Amelia ng itim na kape. "Kahit na sinabi mo ito nang buong kumpiyansa, pakiramdam ko ay hindi pamilyar sa iyo si Mr. Fortalejo gaya ng inilarawan mo. Maaari mo bang ilarawan ito nang mas detalyado at malinaw?" marahan niyang sabi. Ang away ng isang babaeng nagseselos ay agad na naging isang panayam sa balita para kay Amelia. Hindi naintindihan ni Francesca at sumagot, "Okay. Tapos sasabihin ko sa'yo. Sa tin
Nagkita sina Francesca at Amelia sa Deep Blue Sea Café sa sentro ng Manila. Ito ay isang napaka sikat na cafe restaurant na dinadayuhan ng maraming sikat na celebrity. may kadiliman ang kinaroroonan nila na masasabing sinadya para gusto ng privacy. Nagpalit na si Francesca ng kanyang mahabang coat at nagpalit ng napakamahal na damit. Itinali niya rin ang kanyang mahabang buhok ng mataas at nakadamit ng mamahaling damit na nagkakahalaga ng sampu-sampung milyon. Si Amelia naman ay nagsuot lamang ng simpleng damit ng ilang beses na niyang nasuot. Palagi niyang nakikita si Aurora na nagpapakitang-gilas sa kanyang harapan, kaya gaano man karangal at kaganda ang pananamit ni Francesca, hindi ito magdudulot ng anumang paghanga sa puso ni Amelia. Nagsindi ng sigarilyo si Francesca. Gustong pigilan ng waiter si Francesca pero nang makita niyang big star ito ay hindi na ito kumibo pa. Hindi kayang pagsabihan ng waiter ang kilalang actress. Nagbuga ng usok si Francesc
"Anong maganda sa kanya na kailangan ko siyang ipaimbestiga?" mataray na tanong ni Francesca, "Nakilala ko ang kanyang mga kasamahan niya kagabi at sinabi nila sa akin. Ang Amelia na iyon ay simple lang ang hitsura at mukhang di pagkakatiwalaang babae. Naging sunud-sunuran lang siya sa iyo dahil sa iyong pera at kapangyarihan. Mr. Fortalejo. Sinasabi ko sa iyo, marami na akong nakitang babae na kagaya niya. Hindi ko alam kung gaano kalalim ang kanyang talino,, ngunit tiyak na mayroon siyang masamang intensyon na lapitan ka! Huwag kang magpaloko sa kanya." Malamig ang mga matang tiningnan ni Cormac si Francesca. "Ayokong marinig na binabanggit mo ang pangalan ni Amelia. Kapag muli mong binanggit ang pangalan niya, pinapangako ko sayong hindi mo magustohan kung ano ang kaya kong gawin," malamig ang boses na sabi niya. Napakaseryoso ang mga salita ni Comrac kaya napabuntong hininga na lang si Francesca. Hindi niya inaasahan na ganoon ang halaga ni Amelia sa mga mata ni C
Natigilan si Amelia at hindi maiwasang pamulahan ang kanyang mukha nang makita ang gwapong mukha ni Cormac na napakalapit sa kanya. Sa katunayan, siya ang paulit-ulit na humihiling kay Cormac na magkaroon ng dinner kay Francesca, pero sa huli, siya ang nagseselos. Sobrang nakakahiya talaga. Nahihiyang ngumiti si Amelia. Nahuli ni Cormac ang ngiti ni Amelia, nanlambot ang kanyang mga mata, at niyakap niya ito sa kanyang mga bisig, "Ang ganda mo ngayong gabi," anas nito. maganda ba siya? Pero wala naman nagbago sa karaniwan niyang suot, manipis na make-up at walang kaayos-ayos na buhok. Paano nito nasabi na maganda siya? Binawi ni Amelia ang kanyang kamay dahil ang hiyang nararamdaman niya ay hindi pa rin nawawala. "Paano ako magiging kasing ganda ni Francesca? Napakasexy niya, at ang damit na suot niya ngayon ay halos lumantad ang kanyang dibdib." Hindi napigilan ni Cormax na ngumiti at sinabing iyon ni Amelia. "Mas maganda ka kay Frnacesca," sab
Isang malamig na tingin ang ibinigay ni Cormac kay Francesca dahilan para bahagyang napaatras si Francesca at bahagyang nanginginig ang katawan nito. "Miss Delvin, tinatapos ko na ang dinner natin. Mauuna na ko." Hindi makapaniwala si Francesca sa kanyang narinig. Ano ito? Lantaran ba siyang nire-reject nito? Pinandilatan ni Francesca ang babaeng nasa kanyang harapan at inilagay ang lahat ng sisi rito. Ito marahil ang sumira sa date nila ni Cormac ngayong gabi. Mukhang minamaliit siya ng babaeng ito! Nakaramdam ng pagkainis si Francesca at hindi niya alam kung ano ang nagawa niya para tratuhin ng ganito ni Cormac. Naging maayos naman ang dinner nila ni Cormac. Nasisiguro rin niya na sana makakapiling niya ang lalaki ngayong gabi, pero dahil sa babaeng ito ay nabulilyaso lahat! "Let's go, Amelia," mahinahong anyaya ni Comrac sa babae. Pagkatapos noon, hindi pinansin ng dalawa si Francesca at dire-diretsong umalis mula sa likod na pinto ng ho
Ang sunod na nangyari, ang matipunong mga kamay ay hinila siya pabalik sa loob ng rest room. Mabilis nitong isinara ang ang pinto at agad iyong ni-lock.. Kunot ang noong nagulat si Amelia at nakita si Cormac sa loob ng rest room. "Cormac?" gulat na tanong niya. "Bakit nandito ka? Hindi ba dapat kasama mo si Francesca? Paano kung..." Bago pa matapos ni Amelia ang sasabihin ay mabilis na tumayo si Cormac mula sa wheelchair nito at itinulak siya sa sulok nang cubicle at wala siyang magawa para tumanggi. Kininalso nito ang kamay sa pader na nasa kanyang likod at ang braso nito pumuyos sa bewang niya at humawak sa kanya ng mahigpit, kaya hindi siya makagalaw. Ano ba ang nangyayari kay Cormac? Tinitigan ni Amelia ang asawa na nanlalaki ang mga mata. "Amelia, galit ka ba? Pero hindi ba ito ang gusto mong mangyari?" taas ang kilay na tanong no Cormac sa kanya sa mahinahong boses. Kinagat ni Amela ang kanyang ibabang labi. May gusto siyang sabihin n