Share

Chapter 12

Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog kagabi. Ang naalala ko lang ay sobra akong kinilig sa ginawa niyang paghalik sa noo ko. Hanggang ngayon ay kinikilig pa rin ako pag pumapasok yun sa isipan ko. Ibinaling ko ang paningin ko sa pintuan na bigla na lang itong bumukas. Kinapa ko ang mukha ko. Wala pa pala akong inilagay sa mukha ko. Naalala kong ako pa pala si Brigette at inalok niya na dito ako matutulog ngayon.

"Gising ka na pala. Breakfast in bed." masigla sabi niya sa akin.

" Ganito ka din ba kay Hannah?" patay malisya kong tanong kay Andrew. Kahit alam kong wala naman iyong pakialam sa akin. Baka gumuho na ang mundo kung magkakaroon siya ng pakialam sa akin bilang ako si Hannah.

"Hindi pa ah. At never kong gagawin ang dadalhan ko siya ng almusal sa higaan niya. Teka, nagseselos ka ba kay Hannah?" Biglang tanong niya.

Pakiramdam ko tumaas lahat ng dugo ko sa ulo ko at parang nag-iinit ang pisngi ko. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Mukhang napansin niya
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status