Share

Chapter 4

Author: Kristine Joh
last update Last Updated: 2023-07-31 12:15:59

Hannah's POV

Gabi na pero wala pa rin si Andrew. Hindi pa naman ako dinadalaw ng antok, alas nwebe na nang gabi kaya naisipan kong magpahangin muna dito sa terrace ng kwarto ko. Habang nakatanaw sa gate para abangan ang aking asawa. Ito ang unang gabi ko sa bahay niya. Kaya naman nagtatyaga ako na abangan siya. Nakalipas ang ilang minuto ay may narinig na akong ugong ng sasakyan. Dali dali kong nilingon kung siya na ba ang dumating. Nang makumpirma ko na siya ang dumating ay agad akong bumaba pero bago niyan ay tinignan ko muna ang aking itsura sa salamin baka nalalaglag ang lunal ko pero good thing ay meron pa naman sa mukha ko. Dali dali ako bumaba para salubungin siya.

Pinagbuksan ko siya ng maindoor para naman makapasok na siya kaagad. Halatang pagod na pagod ang itsura niya dahil magulo na ang buhok niya at nakatabingi pa necktie niya.

"Hello."

" What the. Ginulat mo naman ako. Pwede ba sa susunod huwag kang pakalat kalat sa bahay ko. Magkulong ka na lang sa kwarto mo tutal sanay ka naman nakakulong. Baka pag may nakita sayo baka sabihin pa nila na nag aampon ako ng mga pulubi. Tabi nga diyan." galit na sabi ni Andrew sa akin. Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko inexpect na ang tingin niya sa akin ay pakalat kalat na basira o di kaya pulubi.

Naiyak na lang ako sa mga sinabi niya. First time kong makarinig ng mga masasakit na salita. Ganito pala ang pakiramdam ng napapagalitan.

"Ano pa ang tinutunganga mo dyan. At huwag ka nga umiyak sa harap ko. Mas lalo akong nandidiri sayo. Ang pangit pangit mo na nga, ang pangit mo pa umiyak." pang iinsulto niya ulit sa akin.

Umatungal na ako sa pag iyak na parang bata na inagawan ng candy. Hindi ko mapigilan dahil ang sakit ng mga sinabi niya sa akin.

" Pwede ba tumigil ka na. Nakakahiya ka. Umakyat ka na nga sa taas. Para kang bata. Nakakabwisit." galit niyang sabi sa akin.

" Ba-bakit g-ganyan ka sa akin. W-wala naman a-akong ginagawa s-sayo ah pero kung ma-magalit ka parang ang laki laki ng kasalanan ko sayo. Asawa mo ako pero nandidiri ka sa akin." putol putol kong sabi habang umiiyak ako.

" Sino bang hindi mandidiri sa itsura mo? Manalamin ka nga. At pwede ba pagod ako. " Inis niyang sabi sa akin. Naglakad na siya panungong hagdan.

" Kung pangit ako? mas pangit naman ang ugali mo." sigaw ko sa kanya. Huminto na naman siya sa paglalakad at nilingon niya ako. Nilagpasan ko naman siya at nauna na akong umakyat sa taas. Isinara ko na kaagad ang pintuan ng kwarto ko. Mabuti na lang hiwalay kami ng kwarto.

"Grabe siya kung manlait, akala mo naman kung sinong gwapo. Hoy ikaw." turo ko sa dingding na namamagitan sa kwarto naming dalawa. "Makita mo lang kung gaano ako kaganda, magsisisi ka sa mga binitawan mong salita. Makakapaghiganti din ako sayo at lulunukin mo lahat ng mga sinabi mo at mga sasabihin mo pa! Sisiguraduhin ko yan sayo! Bwisit ka! Nakakainis! Hayss! " usap ko sa dingding na kaharap ko. Mabuti na lang at sound proof itong kwarto na ito. Siguradong walang nakarinig ng mga sinabi ko.

Pumasok na muna ako sa bathroom para magshower at para na din maibsan ang kulo ng dugo ko sa lalaking iyon.

Pagkatapos kong nagshower ay tumitig muna ako sa salamin at pinagmasdan ang biyayang mukha sa akin ng kalangitan.

"Pagsisihan mo na nilait mo ang mukhang ito. Makikita mo balang araw kung sino talaga ako."kausap ko ang satili ko sa salamin.

Nakalipas ang isang linggo mula noong hinintay ko siya at nagkasagutan kami ay hindi ako lumalabas sa kwarto ko. Hinahatiran na lang din ako ng mga maids sa kwarto ko ng pagkain. Ayoko muna kasi siyang makita. Hanggang ngayon ay ninanamnam ko pa rin ang sakit na nararamdaman ko. First time ko kasing malait ng ganun. Sobrang sakit pala. Never kasing nagagalit si mommy Daddy sa akin. Ilang araw rin akong umiiyak dahil sa pang iinsulto niya.

"Kaya mo yan self. Di ba ito ang gusto mo. Ang makilala siya. Kaya tanggapin mo na dahil inumpisahan mo naman na. Kaya mo to self. Kakayanin natin to." pang aalo ko sa sarili ko. Bumangon na ako mula sa pagkakahiga at sinimulan kong mag ayos sa sarili ko. Hindi din kasi ako naglagay ng mga prosthetic sa katawan ng buong linggo dahil wala naman akong balak lumabas. Pagkatapos kong nag ayos ay lumabas na ako. Alas kwatro i medya na hapon ngayon ay naisipan kong ipagluto siya. Para naman kahit papaano ay maimpress naman siya sa akin.

" Oh ma'am may kailangan po ba kayo." tanong sa akin ni manang.

"Wala po manang." magalang kong sagot.

"Manang, ano po ang paboritong ulam ni Andrew po." tanong ko sa kanya.

Nag aalangan pa siyang tumingin sa akin. Parang walang tiwala sa akin na sumagot.

" Adobong manok po ma'am. Iyon po ang paborito niya." Tipid niyang sagot na agad naman nag iwas ng tingin sa akin.

" Manang matagal na po ba kayong naninilbihan sa kanya po?" magalang kong tanong ulit sa kanya."

"Naku ma'am simula po nung bata pa po si Sir ako na po ang nag alaga sa kanya."Proud na proud niya sabi sa akin.

" Huwag niyo na po ako i ma'am manang tawagin mo na lang po akong Hannah. by the way po. Ano po ang pangalan niyon po."

" Ah oo nga po pala hindi pa pala kami nagpakilala sayo." sabi niya at pumalakpak siya.

Iginiya niya ako sa labas at nagulat ako dahil madami pala silang tagapagsilbi ni Andrew na nakahilera pa. Walong maids, dalawang hardinero at limang bodyguards at dalawang driver.

"Bakit po dalawa po kayong driver?" Tanong ko sa dalawang driver.

" Ako po ma'am ay naka toka po sa inyo." sabi naman na driver.

Natawa naman ako na naghire pa siya ng driver ko. Alam naman niya hindi ako lumalabas.

" Manong tumulong ka na lang po muna sa pag hahardinero dahil hindi naman po ako madalas lumabas. At isa pa wala naman akong pupuntahan sa labas." Nakayuko naman siyang nakikinig sa akin.

May binubulong siya pero hindi ko marinig.

" Are you saying something?" tanong ko sa isang driver na parang iniinsulto ako. "Manang kuha mo ako ng tissue." utos ko kay manang.

Agad namang tumalima si manang. Ilang minuto pa ay meron na siyang dala dalang tissue.

"Manang anong oras umuuwi ang sir mo?" tanong ko naman kay manang.

" Alas sais pa po ma'am, pero minsan alas syete po. "

Mang aalas singko pa lang naman kaya may oras pa ako para mag make up ulit.

"Mapagkakatiwalaan ko ba kayo katulad nang pagtitiwala ni Andrew sa inyo." maowtoridad kong tanong sa kanila.

" Yes ma'am. "sabay sabay nilang sabi pero mukhang alanganin dahil sa mga mukha nila ay hindi nakikita na makapagkakaliwalaan ko sila.

" Good. Dahil ayaw ko kayong madamay sa kasinungalingan ko ay ipapakita ko sa inyo ang tunay kong mukha." nagtaka naman sila sa sinabi ko kaya nakakunot ang mga noo nilang nakatingin sa akin.

Tinanggal ko ang wig at nag punas ng mukha gamit ang tissue.

" Ngayon magpapakilala ako sa inyo. Dahil baka mag swimming ako dyan sa pool ay baka sabihin niyo sa akin na trespassing ako. O kaya kayong mga maids ay biglang papasok sa kwarto ko ay baka sabihin niyo sa akin na magnanakaw ako. Kung tinatanong niyo kung bakit sa kabila ng kagandahan ko ay nagtatago ako sa pangit na mukha ay dahil hindi ko mahal ang amo niyo. At hindi ako sanay na makihalubilo sa mga tao. Ngayon ako si Hannah Fuentes. Tawagin niyo na lang akong Hannah. By the way manang. Paki prepare ang mga kailangan sa adobo ni sir dahil ako ang magluluto. Mag me make up lang ako. Sana huwag niyong sabihin ang tunay kong itsura sa boss niyo. Kung hindi. Alam niyo na ang mangyayari sa inyo." Pananakot ko sa kanila. Nakita ko sa mga mukha nila ang takot dahil mahihimigan mo sa mga sinabi ko kanina na may pagkabossy sa tono ng boses ko kanina.

" Hahaha joke lang. Huwag kayong matakot sa akin. Ang totoo niyan. Gusto ko lang siyang makilala at kung paano niya ako itrato sa kabila ng pangit kong mukha. Sana makipagtulungan naman po kayo please. " Pagmamakaawa ko sa kanila.

"We're friends here okay, group hug tayo."

Ganito talaga ako sa mga trabahador nakikisalamuha. Kampante ako na ako ngayon sa iisang tao lang ako magsisinungaling. Hindi na siguro ako kokonsensyahin nun. Ang nagdaang linggo kasi, nakonsensya ako sa pagsisinungaling ko. At mabuti na din yun para hindi din sila mandiri sa akin at baka lalaitin din nila ako kung sakali.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Married to Ugly Woman   Chapter 42

    HANNAH'S POV"Pakiusap please. Gusto kong makita ang anak ko." Yung galit at naiinis niyang awra kanina ay biglang napalitan ng maamong tupa na nagmamakaawa.Napangiti na lang ako dahil sa bilis ng pagbabago ng emosyon niya. " Seryoso ako. Hindi pa kayo pwedeng magkita. Hayaan mo muna akong iexplain sa bata. Hindi natin pwedeng biglain yung bata. Sana naman maintindihan mo." Alam kong karapatan din niya na makita ang anak niya bilang isang ama. Pero mas inaalala ko si Drew. Ayoko naman mabigla yung bata. Gusto ko munang sabihin sa kanya bago sila magkita ng ama niya."Bukas, I can't wait any longer to see him. Sana pumayag ka. Gusto ko ng makita ang anak ko." pagmamakaawa niya."Okay but, there are rules. Huwag na huwag kang lalagpas sa rules or else."Huminga muna siya ng malalim bago sumagot. "Okay fine. Susundin ko lahat kahit anong rules pa yan."" Rule number one. Kung sinabi kong bawal ay bawal. Huwag ng madaming hirit." " Napakabossy mo naman. Pero okay, its fine as long as m

  • Married to Ugly Woman   Chapter 41

    ANDREW'S POVFive years na pero wala pa rin akong balita kay Hannah. Isang araw may nagbalita sa akin na isang kaibigan ko sa Paris na nakita niya daw si Hannah doon at nagpapatakbo na siya ng isang malaking kumpanya.Kaagad naman akong nag book ng flight papuntang Paris. Wala na akong sinayang na oras. Kinuha ko na din ang address kung saan nagtatrabaho si Hannah.This Time hindi na ako papayag na malilinlang niya ulit ako.Pagkalapag ko doon ay nag hire agad ako ng investigator para ipaimbestiga si Hannah. Nalaman ko din kung saan siya nakatira at nakilala ko na din ang anak kong si Drew. Kahit sa litrato ko lang nakikita alam kong anak ko siya.Mas lalong gusto kong mapalapit ulit kay Hannah dahil kay Drew.Hindi na talaga ako papayag na malilinlang niya ulit ako.Nalaman mo din na nagbebenta siya ng mga design kaya naman sinunggaban ko na kaagad. Sinadya ko talagang last minute ako magpa Schedule para wala siyang oras para i-review ang profile ko.Alam ko din na busy siya kaya hin

  • Married to Ugly Woman   Chapter 40

    HANNAH'S POV Alam kong ipapahold ni Andrew ang mga magulang ko kaya nag two step ahead na ako sa kanya. Alam kong gagawin niya ang lahat para lang makita ako. Siguro dahil dala ko ngayon ang anak niya kaya hahabulin niya ako. Hindi pwede hindi ko magantihan sa lahat ng ginawa niya sa akin. Kasalukuyan kaming nakasakay sa aming private Jet papuntang Parish. Parish ang gusto kong puntahan para mas ma-enhance ko pa ang pagdedesign ng mga damit. Gagawin ko ang lahat para hindi ko na makita pa si Andrew. Ayoko ang lalaking katulad niya. Kayang kaya niya manakit ng isang babae. Ang akala ko pa naman ay ang mga lalaki ay napaka gentlemen pero hindi pala. Iilan lang siguro ang mga gentlemen sa mundo. Sa mukha lang siya tumitingin hindi sa puso. Masyado siyang mapanlait. Hayssss, kumukulo tuloy ang dugo pag naiisip ko siya. "Hindi pwede! Hindi mo pwedeng paglihian ang bwisit na lalaking yun anak. Sorry, kahit na siya pa ang daddy mo. Hindi pa din pwede. Sorry baby pero hindi ko na siya k

  • Married to Ugly Woman   Chapter 39

    ANDREW'S POV Hindi pa pumapasok sa utak ko yung mga litrato na ibinigay ni Hannah ng bumagsak siya sa tubig. Mas lalo akong nagulat dahil mukha ni Brigette ang lumantad sa harap namin lahat. "Brigette!" gulat akong makita siya. Ngumiti lang siya sa akin. Ngiti ng isang bigo. Kaagad naman akong tumaton sa pool dahil kaagad na pumasok sa isip ko na baka buntis siya. "Don't you dare to touch me." Galit niyang sabi sa akin. "Nandidiri ako sayo." Hinayaan ko siyang umahon mag-isa. Kaagad naman siya binalutan ni manang ng towel. Hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko. Ito ba ang sinasabi ng Lawyer nila sa akin kahapon. Napahilamos na lang ako sabay hawi sa buhok. "Andrew!" Bumalik ako sa katinuan ko ng marinig ko ang boses ni Ashley. Kaagad naman ako umahon sa tubig. "How dare you!" "Andrew please. Listen to me. Let me explain." Umiiyak na si Ashley pero wala akong pakialam. Mas nangingibabaw sa akin ang ginawa niyang panloloko sa akin. "Explain what? Malinaw na niloloko mo ako.

  • Married to Ugly Woman   Chapter 38

    ANDREW'S POV Nagmamadali akong pumunta sa Opisina. Iniwan ko na si Ashley kay yaya. Alam ko naman na aalagaan ni Yaya si Ashley. Nakarating na din ako sa opisina at kaagad ako sinalubong ni Paul sa Entrance pa lang. "Sabihin mo sa akin kung ano ang problema." May ibinigay sa akin si Paul na mga papeles na ipinupull-out na ng mga Fuentes ang merging ng kumpanya ko at tinatanggalan na ako ng karapatan sa kumpanya nila kapalit ang pagbangon muli ng kumpanya ko at isinasauli na nila ito sa akin. "Kinakalaban talaga ako ng mga Fuentes. Mukhang ramdam nila na pagagapangin ko sila kaya nila ito ginagawa." "Mukhang ganun na nga po." Hinarangan ako ng isang gwardya ng papasok na ako sa Elevator. "Ah sir pasensya na po pero inutos po sa taas na bawal na po kayo dito sir." "Anong sinasabi mo? Hindi mo ba siya kilala?" Hamon ni Paul sa gwardya. "Kilala ko siya pero pasensya na po talaga. Napag-utusan lang ako." Takot na paliwanag naman ng Gwardya. Sakto naman bumukas ang elevator at luma

  • Married to Ugly Woman   Chapter 37

    HANNAH'S POVNang makaalis na sila Andrew at Ashley tsaka naman ako inalalayan ni Manang Rosa."Ayos ka lang ba hija. Gusto mo bang dumaan muna tayo sa OB mo bago tayo bumili ng mga ipapabili ni Sir.""Ayos lang ako manang, huwag niyo po akong alalahanin. Maliligo lang po ako manang." Paalam ko sa kanya."So totoo bang may nangyari.""Manang." Biglang uminit ang pisngi ko. Nahihiya tuloy ako sa kanya."Okay lang naman yun. Normal lang naman sa mag-asawa yun. Ano ka ba." Pabirong wika ni manang."Ang weird manang. Hindi ko maipaliwag yung nararamdaman ko. Bigla na lang akong naging marupok kanina." Nag-uusap kami habang naglalakad patungo sa kwarto ko."Baka may nararamdaman ka na sa kanya." Napabungisngis naman si manang sa sinabi habang ako naman ay nanlaki ang mga mata ko."Ano ba ang pinagsasabi mo manang. Siguro dahil ipinabubuntis ko ang anak niya kaya ako nagkakaganito. Baka si baby na mismo ang umaayos sa hidwaan namin ng daddy niya." Ganitong mga bagay ang sinasabi ko kay mana

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status