Sir Sungit, hinay-hinay lang. Nabibigla si Kate. Haha. Happy reading!
KateNanlalaki pa din ang mga mata ko habang sinasalubong ko ang titig ni Trey sa akin. Hindi ako nakapaniwala na kilala niya ako. Hindi ako makapaniwala na sa kabila ng pagbabalat-kayo ko sa harap niya ay nakilala pa din niya ako. Tumaas ang kamay ni Trey para tanggalin ang suot kong makapal na salamin. "Got your tongue out, wife?" tanong ni Trey sa akin ng hindi pa ako nagsasalita. Bumuka-sara ang labi ko. "K-kailan pa?" Marami akong gustong sabihin pero iyon lang ang lumabas sa labi ko. "Hmm?" "K-kailan mo pa alam?" tanong ko sa kanya. "The moment I saw you at my company," sagot niya sa akin dahilan para mapaawang ang labi ko. "Kilala mo na ako simula noon?" "Of course, Kate. Do you think you can fool me with your disguise?" Bumuka-sara na naman ang labi ko sa sinabi niya. "Do you think I won't recognize my own wife? Do you think I won't recognize you even if you wear glasses? Even if you wear old-fashioned clothes? I'm not easy to fool, wife."Sa totoo lang ay may napapan
Kate Kumunot ang noo ko nang huminto ang sinasakyan namin na kotse ni Trey sa parking lot ng isang mamahalin na restaurant. Inalis ko ang tingin sa labas ng bintana para sulyapan siya. "May ka-lunch meeting ka, Sir," tanong ko sa kanya. Pilit ko nga ding inaalala kung may nakaligtaan ba akong appointment ni Sir Trey ng sandaling iyon. Pero wala akong maisip. "No," sagot niya sa akin. "Anong gagawin natin diyan?" "You ask so many questions, Kate. Do you really want me to shut your mouth?" Mabilis ko namang itinikom ang bibig ko sa sinabi niya. Nakatakas ako kanina noong nasa elevator kami, baka hindi ko na siya matatakasan ngayon, lalo na at sana loob kami ng kotse niya. Bumaba na si Trey ng kotse ng pagbuksan siya ng driver niya. Hindi naman siya umalis sa harap ng pinto ng kotse, mukhang hinihintay niya akong bumaba. At pinagdikit ko ang aking labi nang makita ko ang pagpatong ng kamay niya sa bubong ng kotse nang makita niya ang pagbaba ko doon. "Let's go," yakag na n
Kate Kinakabahan ako sa sinabi ni Trey kanina no'ng ipatawag niya ako sa loob ng opisina niya nang mabasa niya ang annulment paper na pa-sekreto kung isinama sa mga sulat na natanggap niya. Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit mas kinabahan ako ng sabihin niyang bibisitahin niya ang asawa niya para kausapin at magpaliwanag kaysa sinabi niyang hinding-hindi niya pipirmahan ang annulment paper namin na dalawa! Anong ibig niyang sabihin? Bibisitahin niya ako? Alam niya ang address ko? Alam niya kung saan ako nakatira? Pero imposible dahil kung alam niya ay bakit hindi niya ako puntahan kung sinabi niya sa akin na matagal niya akong hinahanap. Ipinilig ko na lang ang aking ulo para maalis si Trey sa isip ko. Lagi na lang niya ginugulo ang isip ko at hindi ko maiwasan ang makaramdam ng inis para sa kanya at sa sarili ko na din kasi lagi na lang siyang pumapasok sa isip ko. Dapat nga ang isipin ko ay kung paano niya pipirmahan ang annulment paper namin dahil mukhang wal
Kate Napakagat ako ng ibabang labi nang kunin ko ang malaking envelope sa bag ko. Ang laman ng envelope ay walang iba kundi ang anullment paper naming dalawa ni Trey na may pirma ko na. Sa totoo lang noong makausap ko si Cheska noong nakaraang araw ay muli akong nag-isip. Biglang nagbago ang nauna kong desisyon na makipaghiwalay kay Trey dahil naisip kung may punto lahat ng sinabi sa akin ni Cheska. Naisip kong bigyan ng chance kasal namin kahit na flash marriage iyon. Pero bigla akong bumalik sa nauna kong desiyon na makipaghiwalay kay Trey nang mabasa ko ang balita tungkol sa kanya sa social media. Nakita ko kasi sa social media ang nagti-trending na balita tungkol sa kanya. May kasama siyang babae sa isang restaurant. Nagti-trending dahil hindi basta-basta ang babaeng kasama niya. Isa siyang sikat na artista. Parang sweet na sweet pa ang dalawa. Nang makita ko nga iyon ay naging buo na ang desisyon ko. Nagpatulong ako kay Cheska na maghanap ng abogado na siyang tutulong sa akin
Kate "Are you sure about this, Kate?" tanong ni Cheska sa akin ng minsan puntahan niya ako sa condo ng sabihin ko sa kanya ang aking desisyon. Pansin ko nga sa ekspresyon ng mukha niya ang paghihinayang. Humugot muna ako ng malalim na buntong-hininga bago tumango. "Oo," sagot ko sa kanya. "Sayang naman, Kate," wika niya sa akin. "Isang Trey Juarez na iyon, eh. Maraming babaeng gustong masilo siya dahil nasa kanya na ang lahat. Sobrang gwapo, sobrang yaman, sobrang hot pa. Every women dreams of him. Tapos ikaw pakakawalan mo pa?" Iniling-ilingan pa siya ni Cheska na para bang disappointed siya sa desisyon ko. Sa totoo lang ay pinag-isipan kung mabuti ang aking desisyon. Marami akong inisip din na posibilidad. At ang desisyon ko ay ang makipag-annul kay Trey. Dahil lang sa bugso ng damdamin at kalasingan kung bakit kami nagpakasal na dalawa. At ayoko naman na itali ang sarili ko kay Trey. "Love," sagot ko kay Cheska. Napansin ko naman ang pagkunot ng kanyang noo. "What?" "Ay
Kate "Magaling ka na?" Nag-angat ako ng tingin nang marinig ko ang boses ni Gary na kararating lang sa opisina. Inayos ko naman ang suot kong malaking salamin sa mga mata bago ako tumango. "Oo," sagot ko sa kanya. "Pasensiya ka na pala kung hindi ako nakapasok ng tatlong araw," paghingi ko ng sorry sa kanya. Yes. Tatlong araw akong hindi pumasok. At tatlong araw din akong hindi nakaalis sa condo ni Trey. He wouldn't let me leave the condo until I was fully recovered. "It's okay, Kate. Wala din naman akong masyadong ginawa dahil wala din si Sir Trey," sagot din niya sa akin. Kunwari ay nagulat ako sa sinabi niya. "Hindi din nakapasok si Sir Trey?" tanong ko kahit na alam ko na hindi siya pumasok. Kasama ko, eh. "Oo," sagot niya sa akin. "Pina-cancel nga niya sa akin ang appointment niya ng tatlong araw dahil may ginagawa daw siya." "Oh," sagot ko na lang naman. "Kaya magiging busy tayo ngayon dahil paniguradong marami siyang ipapagawa," dagdag pa niya. Umupo naman na si